CHAPTER FOUR

Talitha's Pov

Namamangha ang aking mga mata sa aking nakikita, mga alitaptap na nagliliparan hindi lamang ito iilang piraso kundi daang daang alitaptap ang nagsasayawan sa hindi kalayuan. Binitawan ko ang hawak kong sako at mabilis na lumapit sa mga ito, para silang mga bituin na kumukutikutitap.

Lumapit pa ako sa mga ito at lalong namangha sa nakikita, nagliliwanag ang buong paligid dahil sa ilaw na dala ng mga alitaptap. Umupo ako sa ilalim ng puno at pinanood ko ang mga ito habang nagsasayaw.

Nanindig ang mga balahibo ko ng may marinig na alulong ng lobo. Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lamang napansin na lumampas na ako at malayo na sa boundary na ipinagbabawal na lugar dito sa gubat.

Kinakabahan na tumayo ako at hinanap ang lugar na pinanggalingan ko, maliwanag naman ang daan dahil sa mga alitaptap ngunit hindi ko alam kung tama ba ang nilalakaran ko pabalik sa camp site namin.

Alulong ulit ng mga lobo ang narinig ko, sigurado akong hindi lamang ito nag iisa dahil hindi pa man tapos ang isang alulong ay mayroon na naman panibago. Ang nakakatakot lang ay palakas ng palakas ang ang alulong ng mga yon na tila nasa malapit lamang sila.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha sa takot na nadarama. Hindi ko alam kung malapit naba akong lumabas o mas napapalayo ba ako. Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig na kaluskos mula sa kung saan. Sumandal ako sa may puno at taimtim na nagdasal.

Unti unting nagsilabasan ang mga lobo sa paligid ko kung hindi ako nagkakamali ng bilang ay nasa anim ang mga ito. Labas ang mga pangil at tila gustong gusto na akong sakmalin at naghihintay lang ng tamang pagkakataon. Dahan dahan silang lumalapit sa kinaroroonan ko at dinig ang mga nakakatakot na ungol nila.

Alam kong tatalon na ang isang lobo upang sagpangin ako kaya pumikit nalamang ako at hinanda ang sarili sa maaaring kahihinatnan ko. Ngunit tila umiiyak na aso ang narinig ko kaya napamulat ako.

Laking gulat ko ng may makitang isang lalaki na hubad damit pang itaas at ngayon ay nakikipag tigasan ng tapang sa limang lobo. Mula sa likuran ko ay lumabas ang tatlong lobo at lumapit sa kinakatayuan ng lalaki. Nagsipag ungulan ang mga ito sabay ang paghakbang paurong ng anim na lobo kanina, hanggang sa tumakbo na ang mga ito palayo.

Nang mawala ang anim na lobo sa dilim ay siya namang lingon ng lalaki sakin. Una kong napansin ang kanyang mga mata, may nakikita akong lungkot at saya sa maliwanag na mata nito habang nakatingin sakin. Ang ilong naman nito ay matangos at may mapulang labi. Ngumiti siya sakin at lumabas ang kanyang maputi at pantay pantay na ngipin. Lumapit ito sakin habang may malawak na ngiti sa mga labi, nakasunod naman ang tatlo pang lobo sa kanya.

"H-hello" nabubulol na sabi ko habang takot na nakatingin sa mga lobo

Nanatiling naka tingin lamang ang mga ito sakin pati na yung lalaki kanina. Mukha namang mabait ang lalaki, kung hindi siya mabait hindi naman niya ako tutulungan diba?. Mukha din alaga niya ang tatlong lobong kasama niya, kumpara dun sa anim na lobo kanina mukha naman silang mabait huwag lang ilalabas mga pangil nila.

"H-hello.." sabi ko ulit pero lumapit lamang ang lalaki sa harapan ko at mas nilawakan ang pag ngiti. "Thank you sa pagligtas mo sakin utang ko sayo ang buhay ko" sinserong sabi ko pero nakatingin lang ito sakin at nakangiti

"Ako nga pala si Talitha" sabi ko at inabot ang kamay ko para makipag kilala at shakehands sana pero malapit ng mangawit ang kamay ko ay hindi pa rin nito tinatanggap at palipat lipat lang ang tingin nito sa mukha ko at sa kamay ko.

Ngumiti nalang ako at binaba ang kamay ko. Nag iwas nalang ako ng tingin dahil sa pagka pahiya. Muli akong tumingin sa mga kasama naming lobo ng umungol ang isa sa mga ito na tila may sinasabi sa lalaki. Umungol naman pabalik ang lalaki na tila naiintindihan kung ano ang sinabi nung lobo. Muling umungol yung lobo habang nakatingin sakin na parang may gustong sabihin hanggang sa naglakad na ang tatlong lobo palayo samin ng lalaki.

"Thank you ulit sa pagliligtas mo sakin ha? Kakapalan ko na rin ang mukha ko, hindi ko kasi alam palabas dito sa gubat baka pwede mo akong tulungan mahanap ang daan" sabi ko sa kanya

"Awoo" sagot nito sakin tsaka ngumiti

"Ha?" Nalilitong tanong ko sa kanya. Imbes kasi na sumagot ito ay umungol lamang ito.

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Sumunod nalang ako sa kanya dahil baka ihahatid niya ako sa may camp site namin. Tumingin siya sakin habang tumatakbo at nilabas ulit nito ang kanyang nakakahawang ngiti na nagpangiti din sakin.

Huminto ito sa pagtakbo at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin at muling tumakbo ito tsaka umalulong na parang lobo. Napansin ko ang bilis nito sa pagtakbo tila alam din niya ang bawat puno sa dinadaanan namin. Tila hindi rin siya nabibigatan sakin at ngumingiti pa nga siya kapag tumitingin sakin.

Huminto siya sa pagtakbo at dahan dahan na ibinaba ako. Mas maraming alitaptap ang nagkalat sa lugar na pinag dalhan niya sakin, may batis din na may malinaw na tubig at nasasalamin doon ang anino ng buwan at ng mga puno. Malawak akong ngumiti at tumingin sa lalaki, inamoy ko din ang ilang ligaw na bulaklak na namumukad at nagpapa dagdag sa kagandahan ng paligid.

"Ang ganda naman dito" sambit ko na nakangiti

"Awoo" alulong ulit niya na ikinatingin ko. May binibigay siya sakin na dalawang mabolo at agad ko naman tinanggap ang mga ito.

"Thank you" pasasalamat ko "saan mo galing mga to?" Tanong ko

Ngumiti lang siya sakin kaya ikinibit balikat ko nalang. Muli kong inikot ang paningin ko sa lugar at lumanghap ng malamig at sariwang hangin na siguradong ma mimiss ko kapag nakauwi na ako. Pero teka, paano ba ako makakauwi kung hindi ko alam ang daan? Sumulyap ako sa lalaki at minasdan siya.

Matangkad pala siya, siguro nasa 6 feet siya sa tantya ko. Napaka ganda rin ng tindig niya at ng katawan niya. Hindi rin maalis ang mga mata ko sa abs niya kaya pumikit nalang ako para maiwasan ang tukso ng kamunduhan.

Nagmulat ako ng mata ng hawakan nito ang kamay ko, ang init ng kamay niya samantalang ang lamig ngayon. Malamig na nga hubad baro pa siya. Malapit lang siguro bahay nila dito o kaya may pahingahan sila sa lugar na ito.

"Awoo" sabi niya na parang may gustong sabihin at dinala ako sa may batis

"Teka teka anong gagawin mo?" Alalang tanong ko sabay hila sa kamay kong hawak niya

"Awoo" sagot lang niya tsaka tumingin sa tubig

"Puro ka awoo bakit hindi ka magsalita ng magka intindihan tayo" reklamo ko. Gusto ko talaga siyang makausap ng matino pero mukhang mahihirapan ako.

Ngumiti lamang siya sakin at binuhat ako, napatili ako sa gulat dahil sa ginawa niya pero tumawa ito ng malakas na ikina gulat ko, marunong pala itong tumawa at ang ganda sa pandinig ang tawa niya.

Napatili ulit ako ng maramdaman ko ang tubig na humampas sa katawan ko at mahigpit naman akong kumapit sa leeg niya. Tumingin siya sakin na may ngiti sa labi habang walang takot na naglalakad siya sa malakas na agos ng tubig.

Binaba niya ako paupo sa may malaking tipak na bato na hinahampasan ng tubig sa batis. Napangiti ako ng makita ang lalaking kasama ko na nanghuhuli ng isda gamit lamang ang kamay niya sa malakas na agos ng tubig. Nakaka bilib siya dahil hindi man niya iniinda ang agos ng tubig at nagawa pa niyang makakuha ng mga isdang dumadaan sa harapan niya.

"Wow! Ang galing!" Pumapalakpak na puri ko ng may mahuli siyang malaking isda. Tumingin siya sakin na nakangiti at tinaas ang kamay na may hawak na isda at lumapit sakin.

Kinabig niya ako palapit sa katawan niya at binuhat ulit ako. Yumakap naman ako sa leeg niya para hindi siya mahirapan at hindi ako mahulog. Muli naming tinawid ang batis, hindi ko alam kung saan kami patungo pero alam ko hindi ito yung dinaanan namin kanina.

**********