Chapter 32 Investigation
Today, was a new day for us. I feel like may mabigat na bagay ang naalis sa dibdib ko nang muli akong kausapin ni Javier. Everything seems new, as we go on in our life.
Natapos na din namin ang advertisement sa isang sikat na kompanya. And it wouldn't be possible without Javier's assistance of course. Sa nagdaang araw ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na tuluyang mafall sa kanya. That I even forgot my problem.
"Here's some of the footage sa bar na pinuntahan nyo noon. Everyone here was your colleagues, except this group of guys"
We were doing some background check kung ang nangyayari ngayon ay may kinalaman noon. Mori was very persistent to know who the master mind is. These pictures, medyo naaalala ko na ang iba. I was looking at every picture, pero isang litrato lang ang pumukaw sa mga mata ko. This guy I know him!
"May naalala ka ba Z?"
God! Hindi ako pwedeng magkamali, this man in the picture was Essex! Anong ginagawa niya sa victory party?!
"I'm not sure but, is this Essex? From the varsity?"
Do I need to confront him? Pero malabong may kinalaman siya sa nangyayari ngayon. He seems innocent in this picture at mukhang gusto lang talaga niyang pumarty. Is he a gatecrash, or someone invited him?!
"Don't worry Z. I was digging for some information na makakapagturo kung sino ang nasa likod nito. Including this man, Essex. Magkita na lang ulit tayo dito kapag may nakuha na akong bagong impormasyon"
I don't why may mini secret room sa basement ng bahay nina Mori. Tito and Tita was not around. Same as her husband na hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikilala.
Paakyat na ako sa hagdan patungo sa living room nila nang makita kong may dumaang babae. Wait, is that Mori? Saan siya dumaan?
"Mori!"
Iniwan ko siya kanina sa basement and ako lang yung tumaas, that's why I don't know kung may sekretong lagusan pa ba palabas. I never know, besides this house were full of surprises.
Huminto naman ito nang tinawag ko siya. She's wearing a different sexy dress, nanibago pa ako sa ayos niya pero nang lumingon ito ay isang malawak na ngiti ang ipinaskil nito sa mukha.
"Hey Z. Let's go ihahatid na kita"
What? Why do I feel like ibang Mori ang nasa harapan ko.
"Baka sundan ka pa nila"
With her intense stare ay agad akong tumango. She's right, mas delikado kung mag-isa lang ako.
Wala akong dalang kotse kaya nagulat na lang ako ng isakay ako ni Mori sa napakagarang sasakyan. I can't hear any noise from outside. Kahit sa pagbukas ng makina nito ay wala akong narinig man lang na tunog.
"Sorry for making you confused. This car was well secured. Wala ka talagang maririnig na kahit ano galing sa labas. Pero yung mga tao sa labas, of course maririnig nila na paparating ako."
I thought sa motor ako iaangkas ni Mori. Pero sa nakikita ko ngayon ay mas gamay niya ang sasakyang ito.
She has make ups all over her face. If my memory was right, hindi mahilig mag make up si Mori. Who's this girl.
"Stop staring Z. Alam kong hindi bagay sa akin ang mag-make up. Dad called earlier, he demanded me to wear this thing for the dinner"
She smiled at me, and agad akong nakahinga ng maluwag, I'm such an idiot thinking that she's not Mori.
After the talked we had earlier, it drained me, and I don't think mapapalagay pa ako sa isiping maaaring saktan ako ng kung sino mang taong nasa likod nito.
"Oh damn!" Mori screamed, and I was shocked when I saw a car hitting the back of our car, causes it to sway a bit.
Dahil sa noise proof ay hindi ko namalayang may bumabangga na pala samin kung hindi lang nagreact si Mori.
"This motherfucker should stay away from my baby!" She's furious at katulad ng inaasahan ko ay hindi ko man lang siya kakikitaan ng pangamba. I bet she's just worried na masisira yung sasakyan. Gosh!
"Drive the car, lalabas ako sa likod"
What?! Nakita kong may binunot siyang baril sa box na nasa baba. At hindi ko mapigilang mapanganga ng ikasa nito iyon. Oh my gosh! Nasa public kami!
"Come on Z! Drive my baby, and please try to find open place, away from the city. Or else, I'll shoot him now on his place with the audience. 5 MINUTES!"
Oh damn! How the hell can I do that?! Really 5 minutes! Malayo pa ang province dito! I saw her slowly walking through the car's back door. And dahil sa bilis ng sasakyang sumusunod samin, ay itinodo ko na rin ang pagpapatakbo na siyang ikinasama ng tingin sakin ni Mori. Oops I didn't mean to slammed her face at the wall.
Papaubos na ang 5 minutes na binigay ni Mori, that's why nang may makita akong park which is kailangan pang iliban ang sasakyan sa kabilang lane, ay pikit matang ginawa ko pa rin. Oh god! I stepped on the gas and when I saw how the car landed safely sa opposite lane, ay agad ko itong minaobra papunta sa park and thank god walang tao, so hinintay na lang namin ang pagdating ng sasakyang sumusunod pa rin.
"Whoa! That was smooth! I thought kakapusin ka"
Mori winked and ngayon ko lang napansin na talkative pala siya sa ganitong labanan. Gosh! It tested my adrenaline rush!
We acted like nasagasaan kami or naaksidente sa sobrang tahimik. And nang marinig ko na ang paparating na sasakyan ay tahimik na huminto rin ito sa likuran namin.
"Hello boss. Mukhang napuruhan sa pagliban. Si Kelzy. Baka maibabalato mo na sakin boss. Sige. Copy."
Isang yabag ang papalapit sa sasakyan namin, habang nakaalerto pa rin si Mori sa likuran. She pointed her hand sa box na kinuhanan niya kanina ng baril and I know na gusto niya ring paghawakin ako noon.
Despite of sweaty hands and nervousness, ay dahan dahang sinunod ko si Mori sa pagkuha ng baril. Kailangan ko lang maunahan ang lalaki sa pagpapaputok dahil kung hindi baka mauna pa akong mamatay dito.
I heard the man's footsteps. And when his hand touches the car door's handle ay dahan dahang nagbibilang si Mori bilang pag-atake.
"1..."
Shit! I never thought na mararanasan ko to!
"2..."
Kung pwede lang maging mabait sa lahat ay gagawin ko. But there are some people na talagang hindi karespe-respeto!
"3!"
Mori shouted, kasabay din ng pagbukas ng pinto sa likuran. The man's face was in shock at bago pa man nito mapaputok ang dalang baril ay naunahan na siya ni Mori.
Pikit matang napalingon ako kay Mori na nakababa na ngayon sa sasakyan. She's now pointing the gun at the man and I bet hindi na ito makakagalaw pa dahil sa natamong sugat.
I'm not used to seeing a man with lots of blood, and by just looking at him ay bumabaligtad na agad ang sikmura ko. He's still alive yet I know how painful it is having three shots!
"Kelzy! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya! Hindi ka titigilan ni boss hangga't hindi mo nararamdaman kung paano ang mawala sa mundo. Salot ka! Yang kagandahan mo ang sumisira sa lahat!"
I don't know what he's talking about! Tears were flowing down my face as Mori's men came to carried the unconscious man.
"Z. Let's go. If you think na wala kang ginawa. Stick with it. No one truly knows you than yourself"
It's hard. It's hard believing na wala akong ginawa. The way that man speaks, it was as if may malaking bagay akong kinuha.
Nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng condo building ay wala sa sariling mabilis akong tumakbo palabas. I don't care if everyone might recognize my face. I just want to be alone.
"Si miss Kelzy?!"
"Ma'am papicture po"
"Miss Kelzy! I'm one of your fan"
"Ma'am"
Stay away from me. I might ruin your life! I immediately lock my room's door nang makapasok ako sa loob. Jose's not around. Umuwi siya sa bahay nila para bumisita. And it is way better, kesa nandidito siya.
Ramdam ko ang pagpugto ng mga mata ko nang magising ako sa isang malakas na pagkatok. Damn! May balak bang sirain yung pinto!
"Z! Open the door! Oh Fuck!"
Argh! What is time na! At bakit ba galit na galit siya sa pinto.
"Sisirain ko to. Z. Is---"
"Before you could do that. I'll break your bones"
I'm not suicidal! I just want to sleep! Peacefully!
"Umiyak ka ba? Sinong nang-away sayo?"
"No Javier! Stop squeezing my face! Baka galing kang bathroom ha. You touches your thing then my face! Iww"
"Ano naman? Parang hindi mo hinawaka-----"
"HINDI TALAGA! NEVER!"
I slammed the door to his face. And kumuha na ko ng extra clothes and towel sa cabinet ko para magpalit. Pagkabukas ko ng pintuan ay siyang biglang pagtayo ni Javier na nakaupo pala sa gilid nito. He plastered a cute smile, and inirapan ko lang siya biglang pagtugon.
"Hoy gagi joke lang. Magbibihis ka talaga. Ang arte naman neto. Hindi ako pumuntang Cr, yayayain lang kitang magdinner"
"Fyi javier. Routine ko na to, so wag mo din akong artehan!"
We really loved messing around. Habang nasa bathroom ay naalala ko na naman ang nangyari kanina. I needed to find the truth behind that man's words. Anong nagawa ko noon na hindi ko alam. Is it about the party? That's the last piece I know na hindi ko pa rin alam ang nangyari hanggang ngayon.
After I take a shower ay lumabas na rin ako para magdinner. He brought take out foods from their house dahil madami daw talagang niluto si Tita for us. And dahil kagigising ko lang naman ay nanuod muna kami ng movie. He was hugging me and so I am to him. I really really loved cuddles especially if it was him. Our relationship was far from friends and I know na ganon din yung nararamdaman niya. We're just afraid to confess it, dahil ngayon mas kontento na rin ako sa ganito.
Hindi siya mahirap mahalin. Everything about him was ideal. Siya na lang ang hinihintay kong gumawa ng move. But now, I don't think kaya ko siyang dalhin sa problema ko. I love him so much that I was afraid to risk loving him.
Slowly I caresses his small beard, this was my comfort zone lalo na kapag bagong trim siya. I wanted us to stay like this. To be pinned by him.
The next day I woke up with Javier's room. He was still hugging me that makes me happy. I kissed his head, nose and cheeks before leaving out the bed. Kinuha ko lang yung ponytail ko sa table para magpuyod ng walang suklay suklay. At dumiretso na ko sa kitchen para magluto ng breakfast.
I was looking for easy to cook food pero wala na pala kaming stocks. So I don't have choice but to go outside and ayoko naman siyang gisingin kaya nag-iwan na lang ako ng notes.
I just wore his polo and my leggings before going out. Malapit lang naman ang mini grocery sa baba so doon na lang ako mag pupurchase. Kumuha na agad ako ng basket pagkarating ko sa loob and pinili ko lang yung mga pagkaing kaya kong lutuin like pancake, sausages and eggs.
Nagtitingin din ako ng chicken and pork pero wag na lang kasi baka masayang lang. After kong ipaalala sa sarili ko na hindi nga pala ako magaling magluto ay pumunta na rin ako sa counter. Buti na lang konti pa yung pila dahil siguro sobrang aga pa.
After I paid the foods ay bumalik na ulit ako sa lobby ng condo. Hindi ko nga pala nilock yung pinto so madali akong nakapasok. Papunta na ko sa kitchen para magluto ng makita kong wala na si Javier sa kama nito and then I saw him in the veranda talking with his phone.
He looks so serious while talking so pinabayaan ko na lang. It must be about his plates.
"Hey. You looked good while cooking. I really loved your back"
Tsk. He's always praising me, para magsipag na ko sa mga gawaing bahay. Duh. I'm not tamad naman.
"Can I get my reward?" I teased, smiling widely at akmang tatayo nga ito nang pigilan ko siya. No! Can't do it now.
"I'm just kidding. Just help me flip this. Mukhang kumapit na siya sa pan."
Sa huli, si Javier na yung tumapos sa iba pang sausage kasi kumapit talaga siya. We ate foods, that was half cooked and half burned. Well, it's not my fault. Madikit lang talaga yung pan na pinaglutuan ko.
As usual ay sabay na kami ni Javier patungong school. We used his motor, and naghiwalay na rin kami sa entrance pa lang dahil may practice ako ngayon.
Tim and his teammates were now jogging around the gym. And nang makita nila ako ay kanya kanya silang bati sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Essex, questions after questions were flowing out my mind and bago pa man siya maghinala ay umiwas na agad ako ng tingin.
"Hatid na kita sa stage" I nodded at Tim, and nandon na din si ate gay kaya agad kaming nagsimula. Next week na ang sports day. The same day na nagkaroon ng party drugs. I bet may magaganap na namang kakaiba. And by that time, dapat kilala ko na kung sino ang kalaban ko.
Jose's POV
"Mr. Javier, kindly bring this to my office. Thank you. Class dismissed"
Kapapasa pa lang namin ng plates may dadagdag na naman. Buti kamo kung madali lang gawin.
"Jose! Pinakamataas na naman yang plates mo ahh! Ang galing mo talaga future engineer!"
Tsk. Ilang gabi ko tong inisip at ginawa. Hindi biro ang two storey house, kailangan pa yung bago sa paningin para magandang tingnan. Nakakaubos din ng design. Next time baka pabilog na bahay na gawin ko.
"Magbago ka kasi ng design. Laruin mo lang yung bubong aayos din yan"
Common na kasi yung mga flat. Dapat may pa-slant din para classy tingnan.
"Sige engineer copy!"
"Pano mauna na ko. Baka mabad shot pa ko kay ma'am"
Terror pa naman yon. Pero mabait naman sakin kasi nag-eexcel talaga ako sa subject niya.
Malapit lang yung office niya sa theater room, hindi naman kalayuan sa engineering department kaya okay lang. Tahimik lang akong naglalakad ng makasalubong ko ang grupo nina Tim. Huminto sila sa pagjojogging kaya pansamantalang tumigil din ako.
"Joselito. Kamusta?"
Joselito, ampotek! Ganon ka pa rin pala Essex, walang pinagbago.
~
"IKAW? KAYO! MGA KAIBIGAN KAYO NI PIO DIBA?! ANONG SILBI NYO?! BAKIT NYO PINABAYAANG MANGYARI TO SA KANYA?! TANGINA NYO!"
"Dude we didn't know na mang----"
"FUCK YOU!""Bro tama na! Wala na si Pio hindi mo na siya maibabalik pa!"
"KUNG INALALAYAN NYO LANG SANA, HINDI YON MANGYAYARI SA KANYA! TANDAAN MO TO ESSEX! SA ORAS NA MALAMAN KONG MAY KINALAMAN KAYO SA PAGKAMATAY NIYA BABALIKAN KO KAYO!"
~
Malapit na. Next week was Pio's second death anniversary. At sa oras na malaman ko kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kanya hinding hindi ko to mapapalagpas.
"We're all innocent. Hindi namin yon magagawa sa kanya."
Klent. I know this guy. Siya yung nagdala kay Pio sa hospital. Hindi siya kasama sa party kaya mas lalong nakakapagduda.
"Defensive naman ata kayo masyado. Nasa puder nyo ngayon si Z. Hindi ko siya ipagkakatiwala kung ganon pa rin ang iniisip ko"
Walang dapat makaalam na on going pa rin ang imbestigasyon ko. Makakasagabal lang sila. At kapag dumating ang panahon na magkadehadohan, Z will be my top priority.
Nang wala akong makuhang sagot sa kanila ay naglakad na ulit ako palayo. Paalis na sana ako sa office ni Mrs. Dimarucot nang tumunog ang cellphone ko.
"Anong balita?"
Kahapon pa ako kumukuha ng update pero hanggang ngayon wala pa rin. Gusto kong malaman ang list ng lahat ng taong nasa party. Gusto ko silang kilalanin.
"Dude, mahirap itrace ang ibang hindi nahagip ng CCTV. Lalo na yung nasa vip area. Naunahan na tayo! May taong nakauna na sa CCTV"
Iilang taga Eris lang ang kilala ko. At halos lahat doon, walang alam sa nangyari.
"Dex! Gawin mo lahat! Mag dadalawang taon na si Pio wala pa rin tayong alam!"
Nagawa ang pagpatay sa vip area. At tanging mga maiimpluwensyang estudyante lang ang naroon nong gabing yon. Isa sa kanila ang killer.
"Jose, yung crush ni Pio----"
"Dex mauna na ko, balitaan mo na lang ako mamaya"
I immediately end the call nang makita ko si Z. Kalalabas niya lang sa gym, at mukhang hindi pa niya ko napapansing nakatayo. Balak ko sana siyang salubungin nang bigla itong tumakbo sa ibang direksyon. What's wrong?!
"Tsk. Bahala na!"
Kahit may klase pa ko sa next subject ay hinabol ko pa rin si Z. Mukha siyang wala sa sariling tumatakbo palabas ng school. Haharangan pa sana siya ng guard nang senyasan ko itong ako na ang bahala.
"Sungit!"
Ni hindi man lang ito tumigil o lumingon. Hindi niya ba namamalayang malapit na siya sa gitna ng kalsada!
"Oh fuck!"
Mabilis na tinakbo ko ang espasyo sa pagitan naming dalawa at bago pa man siya sagasaan ng papalapit na sasakyan ay agad ko na itong hinila na siyang ikinatumba naming dalawa.
Damnit!
I was worried as fuck nang makita kong hilam sa luha ang mga mata nito.
"What happened Z? May nanakit ba sayo?"
I used a soft voice for her to recognize me, and I was right dahil ngayon pa lang siya natauhan na kasama niya ako. Agad ko siyang binuhat malapit sa waiting sched ng school. Marumi na ang uniform ko, hindi na ako babalik pa sa klase.
"Hey, tinatawag kita kanina. Anong nangyari?"
Ilang beses ko nang nakitang naging mahina si Z. At kahit paulit ulit ko atang makita ito sa kanya ay hindi pa rin ako masasanay. Tiningnan ko kung may galos siya sa katawan at tama ako. Mamulamula ang braso niya dahil sa pwersahan kong paghila kanina. Nang hindi siya nagsalita ay maingat na binuhat ko ulit ito papunta sa nakaparadang sasakyan ni Kaito, nasa akin ang susi ng gago. Gagamitin ko na.
"I'm here Z. Nasa likod mo lang ako"
I whispered before maneuvering the car. Pagkatapos ng imbestigasyon, may sasabihin ako. At sana magkapareho tayo.