Chapter 1 Miss Sungit

"Hello. My name is Kelzy Hillary Marquez Herrera. You can call me Z or Hillary. I hope we can all be friends. Thank you"

"Tol ang ganda niya noh."

"Oo nga ehh. Transferee ba yan? Second sem na tayo ahh"

"Siguro ano kaya ang number niya"

"Wag ka ng maingay pre. Baka maguidance pa tayo"

Hindi ko sila masisisi. No one can resist my charm. At kahit ata dalhin ako sa pinakacrowded na lugar ay magniningning pa rin ang ganda ko.

"Okay class. Ms. Herrera will be your new classmate. Be nice to her."

"Yes ma'am"

Nasan ba dito ang building nina sy? And wait. Saan nga pala ako uupo!

Don't tell me nagkakaubusan ng chair dito. Gosh. I didn't plan to stand all day!

"Hoy miss. Dito ohh bakante"

Really? Wala bang mas komportableng upuan dito?

I mean, yung kahit sa tabi man lang ako ng bintana?! Dito talaga sa pinakadulo!

"Ayts. Ang arte naman"

Ha? Did I heard it right? Ako maarte? Ang bait ko kaya!

At sino ba tong fat bone na toh? Agang aga sinisira niya ang araw ko!

"Uupo din naman pala."

"You're so madaldal mister. Pakihinaan please. We're not close!"

Kung wala lang dito sina hannah, Mori, Bea at Sy. Ay hindi ko maiisipang magtransfer dito. Like hello, ang ganda kaya ng buhay ko sa school ko dati.

Ehh dito. Unang araw pa lang may fat bone na agad na sumira!

"Good morning class. Your professor Mrs. Manalo said na may transferee daw sa klase niyo. Anyone?"

Lahat sila ay napalingon sa direksyon ko, so I immediately smiled sweetly to them.

Chin up.

Smile.

And stand up like a queen.

"Hello po sir. My name is Kelzy Hillary Marquez Herrera. Nice to meet you po"

"Oww. Napakagandang bata. Anyways, suit yourself here. I'm your p. e professor. And you can call me Sir LV"

Lv? Louis Vuitton?

"You may seat now"

"Thank you po sir."

In fairness ahh, magaling siyang magturo. Ngayon na lang ulit ako hindi naboring sa p. e class.

"Miss sungit. Saang department ka?"

Ha? Miss sungit? Sino ako? No way. At bakit ba ang ingay ng fat bone na to, nakikita naman niyang nag-aaral ako.

"Creative Arts and Design. Happy?"

Wait. Ano nga ulit yung next subject ko. Ohh my, nakalimutan ko! Yung sched. Tama!

"Ahh ganon ba. So designer?"

"No. Artist"

Madaldal din pala siya. Hindi halata ahh.

"Ohh pwede ka namang hindi mag-aral ng four years course. "

He's right. Kaya naman talaga. Gusto ko lang may matapos. Para incase na hindi magwork, magtatake ako ng ibang jobs na inlined sa course ko.

"Yah. Pero gusto ko pa ring mag-aral."

"Ahh, matiyaga. By the way pa-autograph ha"

"Soon. How about you? Culinary?"

He looks like a chef kasi ehh. Tsaka bagay sa katawan niya, mukhang mahilig siyang kumain ehh.

"Hindi. Engineer. Civil"

Nahinto naman ako sa paghahanap sa schedule ko dahil sa sinabi nito. Did I offended him?

Engineer?

"S-sorr--"

"It's okay. Anyways, nice to meet you, miss sungit. Byeee"

"Okay, class dismissed"

Teka! Saan yung building nitong next subject ko!

Shit! Bakit ba kasi umalis agad si Mr. Fat bone!

Ito ang mahirap kapag lumipat sa ibang school ehh. Nagmumukha akong tanga.

"Sy, where are you? Saan ang building ni--"

"Z. Hello. Sorry nagmamadali ako. May ipapasa pa kasi kami ehh. Mamaya kana lang tumawag ha. Ingat"

"Pero yung-- *toot *toot"

Wow! Grabe nakakataba ng puso!

Si Hannah, tama!

"Hello hanna--"

'Naubos na ang load mo, magsubscrib--'

Oh my! Grabe na to universe!

"Shit! Bahala na--"

"Miss sungit! Anong ginagawa mo dito? May next subject pa diba?"

Thank you Lord! Thank you! Buti na lang andito na si fat bone!

I immediately clung my arm around his chubby biceps. Nang bigla itong umiwas sa akin, na siyang naging dahilan ng pagtumba ko sa kanya.

Damn it!

"Bakit ka ba umiwas?! Shit ka fat bone!"

"Hiyang hiya! Tumayo ka na kaya. Nadadag-anan mo ko ohh. Sarap buhay ahh, kama ba ako?"

Fuck! May nakakita ba samin? Kasalanan niya to ehh. Masama bang maging masaya?!

"Nadumihan na tuloy yung uniform ko. Swerte mo hindi ikaw yung natumba sa bato!"

"Wow! So ako pa yung may kasalanan? Kung hindi ka kasi umiwas, hindi sana tayo natumba diba?!"

"Ehh bakit kaba nangyayakap?!"

"Yakap? Yakap your face!"

Saan galing yung yakap?! Ehh kakapit lang naman ako sa braso niya. Ang kapal talaga ng fat bone na to. Tss. Dyan kana nga!

"Hoy miss sungit. Saan ka pupunta? First day mo ahh, magcucutting ka?!"

"Wala kana don, fat bone!"

"Oyy miss--"

Bakit ba ang kulit niya? I just want to be alone! Tsaka ngayon lang naman ako magdiditch ng isang subject. Ikakain ko na lang to!

"Hoy miss, saan kaba talaga pupunta?"

Shit! Anong ginagawa niya dito!

"Wag mo nga akong sundan!"

"Hindi pa break time ahh. At bawal lumabas ng campus!"

"Umalis kana nga. Alam ko ang ginagawa ko, kaya ko!"

Nang makarating sa gate ng school ay agad akong hinarangan ng guard. At si fat bone? Ayun nagtatago sa guard house. He's a matatakutin!

"Hi miss saan ka pupunta? Hindi pa uwian ahh"

And now, the acting begins.

"Ahh, kuya guard. Can I go outside, nagugutom na kasi ako ehh. Nakakaawa naman ako baka mawala yung ganitong beauty ko kapag nagutom ako diba? Concerned ka naman sa akin right? Outch masakit na yung tyan ko"

Beautiful eyes with konting haplos sa braso and viola!

"Sige. Mabilis lang ahh"

I knew it. Basic..

I winked at kuya guard, na may malagkit ding tingin sa akin. Ha! Katulad lang din siya ng ibang lalaki. Weak!

Aalis na sana ako nang bigla kong maalala si fat bone. Sasama siya diba? Ohh sige! Madali naman akong kausap.

"T-teka. Saan mo ko dadalhin"

"Come with me, kuya kasama ko ho. Salamat"

"T-teka a-ayokong magcutting"

"Let's go na libre ko"

Tss. If I know ay gusto rin naman niya. And hindi naman kami magtatagal.

"Ang galing mo kanina ahh. Bagay nga sayong maging artista"

"Psh. Kayong mga lalaki, kapag may nakita kayong maganda, sexy, natutuliro na agad kayo."

"And you take that chance para makatakas, para makuha ang gusto mo?"

"No. Because if I can, matagal na siguro akong sikat na modelo"

I thought mabait siya. Judgemental din pala.

"So modelo? Hindi artista?"

"Kahit ano, as long as maging sikat ako.

Anyways, miss one caramel macchiato and sayo?"

Hayy. Kulang siya sa focus. Don't tell me ngayon lang siya nakapasok sa Starbucks?

"A-ahh a-ano. Hmm. Chocolate cappuccino"

Kaya pala siya fat bone. Mahilig sa chocolate.

"Short lang yung sakin miss, tapos grande yung sa kanya"

"Okay ma'am. It will serve in a minute. Thank you"

So after non ay naghanap na kami ng table, habang tuliro pa rin si fat bone. What's wrong with him? Ang pangit niya kabonding ha.

"Hoy! Anyare sayo? You looked stupid!"

"Wala. Ang mahal kaya dito. Akala ko sa karinderya lang tayo"

"Don't mind the price sagot kita"

"Teka big time ka pala. Kaya pala ang arte mo"

Huh? Ano namang kinalaman non? Hindi pa man ako sikat may basher na ko!

"You're so harsh naman fat bone. Judgemental ka pa"

"Ohh ayan. Anong tawag mo sakin? Fat bone? Quits na tayo"

Ayy. Hindi lang judgement, mayabang pa. Ehh siya naman tong sunod ng sunod sakin.

"Anyways, what's your name ba? Stranger!"

"Jose."

"Jose? What? Sinaunang tao ka ba?"

"Tsk. Joselito Javier Jr. Meaning galing sa tatay ko yung pangalan ko. Happy?"

Ahh. So marunong na siyang mambara ngayon. Galing!

"What do you want me to call you? Jose? Lito? Junior? Fat bone?"

"Mine. You can call me, mine"

Ano daw? Mine? Kapal ng apog.

"No way. Mr. Javier."

"Javier?"

"Yah. Reklamo?"

"No. I like that."

See? Edi nagkasundo din kami.

"Ma'am, sir. Here's your order. Enjoy"

"Thank you"

In fairness ahh, masarap pa lang makakilala ng isang taong sobrang opposite sayo. I mean, me and Javier? We can be friends.

"So, why engineer?"

"Hmm. Why not?"

I'm interested to him. Not in a way na gusto ko siya, romantically. But his personality. I want to know him more.

"Ang pangalawa kong tatay, karpentero. Marangal na trabaho yon, kaso maaga siyang nawala. Kaya gusto kong matulad sa kanya, gumawa ng matataas na building"

Oww. Is that so? Wait. Ano nga yung sinabi niya sakin kanina. Ahh. Alam ko na.

"Ohh pwede ka namang hindi mag-aral ng four years course. "

I mocked at him before sipping on my macchiato. Ha! Akala mo ha!

"Yah. Pero gusto ko pa ring mag-aral."

Tsk. Galing! He's really good at pissing me of. Nakakaalibarbar!

I rolled my eyes at him when I saw a winning smile on his face. Ang sarap niyang kurutin or I should say, ang sarap burahin ng mukha niya.

"Salamat nga pala sa pa-Starbucks. Ngayon ako naman?"

Huh? Anong ako naman?

"I mean, ako naman ang manlilibre. Yung mukha mo ang pangit"

"Alam mo. Ikaw lang nagsabing pangit ako, fat bone"

"Oyy akala ko ba Javier?"

"Akala ko din. Anyways let's go. Ililibre mo ako diba?"

Who would have thought, na ang stranger manlilibre. I didn't know why but parang matagal na kaming magkakilala kung itrato niya ako. He's very true to his self, at sa akin. Hindi ko kailangang magpakaclassy, or sophisticated sa harapan niya. Because I know kahit ijudge niya ko, okay lang, as long as makakabawi ako.

"Ohh dito tayo. Ito ang totoong masarap. Pares! Kumakain ka ba nito?"

What place is this? Ito ba yung sinasabi niyang karinderya? Okay ba yung mga pagkain dito? I mean, wala kasi silang proper hygiene.

"Pares? What food is that? Masarap ba yan?"

"Oo naman. Paborito ko to. Ate, dalawa nga pong pares. Nakakasiguro ako, solid to!"

'Pengeng sabaw'

'Ale, Isa pa nga dito'

People here, seems unbothered. Sadya bang magulo dito? I mean, this is my first time coming here, I was shocked.

"Hoy! Ikaw naman ang tulala. First time mo?"

"Yah. My mom didn't let me to eat in this kind of place. I mean, no offense ha. Malinis ba pagkain dito?"

I whispered dahil baka may makarinig sakin. Kuyugin pa ko dito.

I couldn't help but to roamed my eyes around the karinderya, as in I was amazed. Dati kasi nadadaanan lang namin to ng driver ko.

"Ang arte mo talaga. Tao kaba? Kahit kailan ba, hindi kapa nakakapunta sa kahit anong karinderya?"

Tsk. Magtatanong ba ko sa kanya kung nakapunta na ko! Ever since, I was born, never, as in hindi pa talaga!

I just shake my head in response nang bigla itong tumawa ng malakas.

What?! Ang labo naman ng fat bone na to!

"Totoo ba? Siguro ang lungkot ng childhood mo"

He was still laughing, and when he noticed the joke he said ay mabilis itong huminto sa pagtawa.

It wasn't big deal.

I mean, yah my childhood wasn't that good. But I can get whatever I want, gadgets, trip to different countries, a good school, luxury items. I had it all.

"Bakit? Ano bang childhood mo?"

"Madami. Naranasan mo bang magpaten-tero sa daan? Manghuli ng mga ulo-ulo sa kanal? Gumawa ng telepono gamit ang lata at panahi? Magsaranggola?"

"Hindi"

"Ohh, anak mayaman"

Hindi din. I'm not mayaman. Si mom and dad, sila ang mayaman. Nagkataon lang na naging anak nila ako.

"Eto na Jose ang order mo. Ang ganda ng kasama mo ahh. Mukhang hindi sanay sa ganitong lugar."

Sobrang halata ba? I feel like masama na andidito ako.

"Yun ohh madami ka pang costumer. Don ka na, kakain pa kami"

"Ikaw ha Jose. Chix mo ba yan?"

"Tss. Hindi. Alis na!"

Wow ha. Kung makapag-usap sila parang wala ako dito. At chix, ako? Ni Jose? He's a stranger kaya!

"Kain na. Masarap yan."

"Ano ba to? Pork?"

"Hindi. Baka yan"

Baka? As in cow meat? Gosh! Hindi ako kumakain nito!

"Don't tell me ngayon ka pa lang makakakain niyan?"

"O-of c-course not!"

God! Baka ijudge na naman niya ko! Atsaka siguro hindi naman toh nakakalason, sarap na sarap pa nga si fat bone, ohh. Halos pati lalagyan kainin na.

Inhale. Exhale.

Should I close my nose? para hindi ko maamoy yung maanggong amoy niya!

I can do it.

One, two three.. game!

I immediately scoop a little amount of cow meat with fried rice at mabilis na nginuya ito.

Javier was just looking at my reaction, if I'm going spill it or not. Yet, I decided na lunukin ito dahil hindi naman siya ganon kapangit ang lasa.

Okay naman siya. I just don't want the smell of it. Parang naiimagine ko yung cow. Oh god! Tumatayo yung balahibo ko.

"Ano? Okay ba? Sabi sayo ehh masarap"

"A-ahh y-yeah."

Indeed, a new achievement!

After that pares ay bumalik na ulit kami sa school. In fairness ha, naenjoy kong kasama siya.

"Quits na tayo miss sungit. Pano? Alis na ko. Major namin yung next subject ehh"

"Wait. Saan yung theater room?"

"Diretsuhin mo lang yan tapos liko ka sa kanan"

"Okay. Thank you"

The theater room was really huge, infact mas lalo akong nag-enjoy sa subject ko na to. We explored a lot in bringing our own talents in acting. As in, lahat ng natutunan ko in my past workshop ay naapply ko sa theater kanina.

Kaya happy ako, dahil napuri ako ng prof ko and at the same time madami akong nakilalang kaibigan.

"Kelzy right? galing mo kanina ahh. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Huh? Who's this hunk man? Gwapo, Moreno, matangkad, mabango, he looks okay naman.

"Thank you."

I politely said and maglalakad na sana ako paalis ng pigilan nito ako sa braso.

"I'm jerick. Can I get your number? Or kahit social media account?"

Oww. He's smooth. But no, kailangan niya munang paghirapan yon. I'm not easy to get type of girl. Hindi porket pogi ka, go na agad. I have high standards, kahit na pagkakaibigan man yan.

"Ahm. Maybe next time. But for now kailangan ko ng pumunta sa next subject ko. Excuse me"

Hayy. Actually wala na talaga akong klase, excuses ko lang yon sa kanya. Half day lang ako ngayon, and yun talaga yung kinuha kong sched. Para may time pa ko sa freelance work ko mamaya.

"Miss sungit! Nagkita ulit tayo. Saan ka?"

Bakit ba lagi ko na lang nakikita ang pagmumukha niya. Sobrang lawak kaya ng school. And yet yung mga kaibigan ko laging MIA. They really valued their acads so much.

"Home"

I was just waiting for Mang Tonyo to arrive. And habang naghihintay ay nagsscroll na din ako sa ig ko.

"Half day? Sakto magkatulad pala tayo. May work kasi ako ehh dyan sa fast food."

"We're same. Freelance model ako."

"Talaga? Good luck. Galingan mo miss sungit"

"Of course I will. By the way, pwede naman kitang idrop by sa work place mo. Hinihintay ko lang yung driver ko."

"Wow. Big time ka talaga. Sige ba. Tipid pamasahe din yan oy. Nagastos ko kasi kanina"

What?! Yung sa pares ba? I felt guilty tuloy.

"Ano kaba. Okay lang yon. Tsaka mapagtatrabahuhan ko naman yon ngayon."

Nagtatrabaho siya right? How come nakakapasok siya sa ganitong exclusive na school. I mean, sobrang laki lang ng expenses lalo na't engineer pa siya.

"Hoy. Titig na titig ahh. Andyan na yung driver mo. Tara na"

He's really pa-mysterious. But I know, makikilala ko din siya.

"Ang gara ng sasakyan niyo. Grabe. Hello po manong. Joselito Javier Jr nga po pala. Kaklase ni miss sungit"

Joselito Javier Jr. Pang kandidato ahh.

"Ahh, Mang Tonyo na lang itawag mo sakin. Ganyan talaga si ma'am Kelzy, pero mabait na bata yan"

See? Mang Tonyo was right! Ang bait ko kaya. Si Javier lang talaga ang hindi nakakaappreciate non!

"Mabait ito? Lagi nga pong mainit ang ulo ehh. Parang laging galit sa mundo"

Wow! Sobrang pagkajudgemental na yon ahh! Ang sarap niyang itulak palabas!

"Ohh tingnan niyo ho. Nag-aapoy na yung ilong ohh. Galit na yan panigurado"

"You know what fat bone. Ang daldal mo. Can you please stop talking! Baka ihagis kita palabas"

"Mang Tonyo, itong alaga niyo, sadista pa. Tsk tsk. Dyan na lang ho ako sa tabi. Sa kanto"

Wait. Hindi ko naman sinabing bumaba na siya ahh.

"Javier. I was just joking. Hindi mo naman kailangang bumaba--"

"Sinasabi mo? Syempre bababa ako. Eto na yung fast food ohh. Sige. Salamat sa ride. Mang Tonyo salamat ho"

Shit! Hindi ko namalayan, ang daldal niya kasi. Atsaka kamalayan ko ba na yun na yung fast food. Naguilty pa naman ako!

"Ma'am, kaibigan niyo ba yon? Mukhang mabait na bata ahh. Magkakasundo kami non"

"He's still a complete stranger to me Mang Tonyo. I'm not sure kung mapagkakatiwalaan ko siya, niyo."

"Mukhang hindi naman siya gagawa ng masama. Teka, sa studio ka ba ngayon? Alam ba to ng mommy at daddy mo?"

That's the problem ayokong ipaalam sa kanila dahil alam kong pagbabawalan na naman nila ako. They always controlled me. Sa course, sa work at sa kahit ano pang related sa modeling!

I don't get them they're artist too right? So bakit ako hindi pwede?

"Mang Tonyo, pwede po bang ilihim niyo muna to kina mommy and daddy. For now lang naman po. And then pagkatapos ko po silang makumbinsi sasabihan ko din po sila"

"Sure yan ma'am ha. Ayoko hong mawalan ng trabaho."

"Makakaasa po kayo Mang Tonyo"

This is why, hindi ganon kahirap sa akin ang gawin ang mga gusto ko. Dahil kasama ko palagi si Mang Tonyo at Nay Sabel. They always there to guide and support me.

"Mag-iingat ka Kelzy. Susunduin na lang kita mamaya."

"Sige po Mang Tonyo. Magtetext ho ako. Salamat po"

My mom and dad didn't know na half day lang ang klase ko. Of course I hide it from them. Kaya ko namang ipagsabay ang acads at raket. Just like Jose.

"Z! Akala ko hindi kana darating! Tara sa loob"

"Ano ka ba naman Mamu. Syempre naman sisipot ako. Anyways naka-ready na ba lahat?"

"Of course. Dating gawi?"

"Yah. Let's do this."

Flashes after flashes of camera's, changing of clothes, retouched. I missed this.

Through this I feel like I was free. Na kaya kong gawin ang lahat. Dito, may patutunguhan ako. Because I'm Kelzy Hillary Marquez Herrera.

Lahat ng gusto ko, nakukuha ko.