Prologue

"Ms. Kelzy! Wake up na po ma'am, may meeting pa po kayong kailangang puntahan. MISS KELZY. HELLO MA'AM."

Argh! Agang aga.

Sino ba yon?!

"MISS KELZY! YUNG MEETING NYO PO WITH THE BOSS!"

Ha? Meeting? Meeting lang pala ehh--.

Oh my god!

"Jane!"

I forgot. I forgot! Shit!

"Ma'am! Lagot po tayo kay Mamu!"

"Calm down Jane! Magbibihis lang ako. Maliligo. Magmamak--. Argh! Just, relax I can do this!"

Bakit ko ba naman nakalimutan ang araw na to!

Ang pinakaimportanteng araw sa buhay ko!

Relax self, kaya mo!

"Ma'am. 30 mins na lang po, simula na ng meeting! Baka hindi niyo po makuha yung proj--"

"Relax Jane! Eto na nga ehh, ohh maliligo na ko! Jane, pakihanda na lang ng damit na susuotin ko."

"Opo Ms. Kelzy"

"Thank you"

Fuck this. Ang sakit ng ulo ko! Yung night out kagabi! Oh god! I swear malalagot talaga ako kapag nahuli kami sa meeting!

"Ms. Kelzy! Bilisan niyo na po. Tumatawag na sakin si Mamu!"

"Oo, tell her we're on our way"

"Pero Ms.--"

"Do it! Bibilisan ko!"

God! This was my first time doing my bath routine in a minute! Hindi ako satisfied! I felt sticky, gosh.

"Eto na ma'am ang damit niyo. Heels. Naayos ko na din po ang kama niyo."

"Thanks. Thank you Jane" Without her, without my team. I'm nothing!

At mas lalo kong gustong kunin ang project na yon para sa kanila.

"Ma'am. Magmamake up pa po ba kayo?"

Speaking of make up! Hindi ko na alam. As in I was doing my best now para mapadali ang lahat ng kailangan kong gawin! But still, I can't do it. And without make up? Argh. Mapapagalitan ako ni Mamu!

"Just a little. Hintayin mo na lang ako sa baba. Susunod ako"

"Sigurado po ba kayo ma'am?"

"Yes Jane. Thank you"

Hindi ako pwedeng magmukhang tanga mamaya sa meeting. Kailangan kong makuha ang project, para sa team ko. With that project, we can pursue international modeling! At hindi ko na din kakailanganin pa ang tulong nina mom and dad!

I just applied a little amount of make up and now I'm ready to go.

You can do it Z! Hindi mo kailangan ang apelyidong Herrera para maging angat sa modeling! Aha!

"Ma'am. Nasa meeting place na daw po ang rival niyo."

"Jane relax, kaya natin. Let's go na po Mang Tonyo"

Being in this industry was a challenging role for me. But despite that, I still loved doing it.

Simula college, hanggang ngayon ay pinupursue ko pa rin ang maging kilalang model not just in our country, but also in international. Just like my mom.

"Ms. Kelzy. Tumawag nga pala ang mommy mo. Kung pwede ka daw pong dumaan sa bahay niyo"

Ever since I took modeling, I decided na maging independent. Actually, may kasama naman talaga ako sa condo, kung hindi lang ako iniwan ng best friend ko.

"Tell her, after meeting, dadaan ako"

My relationship with mom, was not as good as before. Pero I'm not mad at her or to my dad. It just that, I can't take people's expectation, dahil anak nila ako. I wanted to prove, that I can, without their help.

"Ms. Kelzy. Gusto ka pong makausap ni Mamu"

Shit!

Inhale. Exhale.

"Mamu!" I fake a laughed, as I heard her deep sighed.

I can make it. We will make it to the top. I promised.

"Z! Where are you? Sabi ni Jane nasa daan na daw kayo, pero bakit hanggang ngayon ay wala ka pa dito! Nagsisimula na ang meeting! Masasayang ang ilang taong paghihirap natin kung hindi ka sisipot!"

"We're on our way na Mamu. Don't worry makakaabot ho ako"

I should. This is the last chance I have para ipakita sa lahat na kaya ko. Na I'm not a failure. Ipapakita ko sa kanya na kaya ko.

"Ma'am. Pasensya na po, may naging aberya"

What?! A-anong aberya!

"Mang Tonyo, we're in a hurry right?!"

"Pasensya na po ma'am, may nasabitan ho tayo."

Oh my god!

It can't be. Yung project!

"Hoy! Lumabas kayo! Nagas-gasan yung mustang ko! Bayaran niyo yon!"

Wala bang mas igaganda ang araw na to?! Gosh!

"Hello po mister. Pwede naman natin sigurong pag-usapan to. Nagmamadali kasi ka--"

"Bakit ako ba hindi! Alam mo miss beautiful, may iba namang paraan para maareglo to"

Y-yuck! What's with his face? He's a manyak!

"Miss. Tara na. Gusto mong maayos to diba?"

Ang kapal! Sobrang kapal. Utak ata nito ang naalog ehh.

"You know what mister. If I were you hahanap na lang ako ng ibang mapagtitripan! Jane let's go, Mang Tonyo kayo na po ang bahala sa gagong to!"

"Sige po ma'am"

Grabe! I didn't expect na ngayon pa nangyari to!

"Hoy miss!"

My eyes widen when this stranger suddenly grab my arms. Aray!

"NASASAKTAN AKO! I can sue you for that!"

"Isang kiss lang miss beautiful"

"Aba't--"

"Let her go"

A good looking hunk man showed up. He's wearing a leather jacket, pants and a boots.

I feel like my world stopped as he removed his helmet and shades. And he has a motor! My knight in shining armor!

"Shinashaktan niya kho!"

"Ma'am. Hindi naman po ganyan yung boses niyo ahh."

"Shh."

Likod pa lang niya, ulam na. Paano pa kaya kapag humara--..

"IKAW!"

Kung sinuswerte ka nga naman ohh. Yung mas gago pa yung dumating!

"Hi Z. Long time no see. Sino ba tong kasama mo? Mukhang asong nauulul ahh"

I couldn't help but to rolled my eyes at him. Tsk. Buhay pa pala siya. Akala ko kasi patay na.

"Sino kaba ha?! Wag mo nga kaming pakialaman ng shota ko"

What the hell?! Anong shota! Nagas-gasan lang yung sasakyan, shota na?! Wow!

"Hindi ko naman alam na ganito pala yung mga tipo mo Z. Nakakainsulto naman!"

Tipo?!

"Gago ka Javier! Anong tipo?! Tanga ka ba. Tulungan mo na nga ako."

God! Anong oras na ba?!

"Ito ohh. Pakidampot, nanghaharass ng babae. Mang Tonyo, long time no see. Dalhin niyo na ho agad tong sasakyan. Ingat ho"

"Sige Javier. Salamat"

Why he's here? At may gana pa siyang magpakita sakin!

"Jane let's go. Magcommute na lang tayo."

"Ahh Ms. Kelzy, baka hindi na ho tayo umabot. Ilang minuto na po kasing nagsisimula yung meeting--"

"Ahh. Excuse me. Pwede ko namang ihatid si Z. Saan ba yan?"

Ako magpapahatid sa kanya? No way! No fucking way! Saan niya ko pasasakayin sa motor niya?! No!

"Javier. Kaya na namin. You can go now, salamat"

"Ma'am. Si Mamu ho"

Oh shit!

"KELZY! Ano! Nasaan na kayo?! Kapag hindi ka pa dumating, makukuha na ng iba ang project to Paris! Masisira ang career mo! Pagpipyestahan kana naman ng maraming tao!"

"Yes Mamu. Nagka-aberya lang po kasi sa daan. Darating po ako"

Fuck! Lahat gagawin ko para sa project na iyon. Kung gusto nilang magmakaawa ako sa harapan nila gagawin ko. I badly needed this job. At hindi isang aberya lang ang sisira sa pangarap ko.

"Jane. Let's go."

"Pero ma'am. Tanggapin niyo na po ang offer ni sir javier. Diba sabi ni Mamu. Kailangan na nating makarating don"

Okay! Para sa pangarap!

"Javier let's go. Sa may Makati building tayo. Sa modeling agency."

"Okay. Sabi sayo ehh mapapa-oo kita"

"And please shut up. Nagmamadali ako"

"Sasakay na nga lang dami pang demand"

"Ano kamo?!"

"Wala sabi ko ang ganda mo na sana bingi ka lang"

Argh! He's still mayabang pa rin! Ang kapal kapal ng mukha!

"Kapit. Baka mahulog ka sakin"

"Psh. In your dreams"

"So may pag-asa kahit sa panaginip?"

"Tumahimik kana nga"

Daming kuda wala namang bayag!

Nang makarating sa agency ay patakbo akong pumasok sa loob. Wala na akong pakialam kung ang pangit pangit ko ng tingnan. O magmukha man akong basurahan sa harapan nila. Basta makuha ko ang project. Keri na.

"Mamu! Sorry. I'm late. How's the meeting?"

"Tara sa loob. Galingan mo"

Inhale. Exhale.

Kaya ko to! Para sa pangarap! Aha!

"Sa lahat ng candidate dito, mamimili ang agency ng isang deserving na makakakuha ng project, abroad. Malaking opportunity ang Paris. At minsan lang mangyari ang ganitong event, na contract signing na agad ang mangyayari kapag napili ang isa man sa inyo."

This is it! Maganda ang naging performance ko sa agency. At nakakasiguro akong makukuha ko ito.

Para sa pangarap!

"Okay. One last walk. Give your best candidates"

Relax. Focus. Chin up. Chest out. And then smile.

"Konting retouch kelzy. Ito na yon! Galingan mo ha. Maipapakita din natin sa mommy mo, na kaya mo. Alam mo ngayon pa lang, proud na ko sayo"

"Ang drama naman Mamu! Pero salamat. Salamat sa pagsalo palagi"

"Asus. Mas madrama ka! Ano? Ready kana?"

"Always! Always mamu"

Halata sa bawat isa ang kaba at pag-asang makukuha nila ang project. But of course, hindi ko sila hahayaang mangyari yon.

I was roaming around nang mahagip ng paningin ko si Javier. Wait. Bakit andito pa siya?!

Ano namang gagawin niya dito?!

"Our candidates let's give them a round of applause"

"Wohooooo Go Kelzy!"

We all lined up here at the back stage. At habang rumarampa ang iba ay chinicheer up ko naman ang sarili ko.

"Hi Z. Goodluck"

What? Bakit andidito na naman siya?!

"Javier. Tantanan mo ko."

"Ohh bakit? Kasali din kaya ako dito"

Ano daw? Kasali, siya?! Kelan pa? Akala ko ba magaling na siyang engineer ngayon.

"Fat bone--."

"Hanggang ngayon pala yan pa rin yung tingin mo sakin"

"No. I-i didn't mean to offend you, Javier!"

Hayy. At siya pa ang may ganang magalit ngayon?! Wow! After what? 6 years! The hell with him!

Focus Z! Focus.

Nang ako na ang rumampa, ay binigay ko talaga ang best ko. I even showed up my long legs. And of course, hindi mawawala ang pamatay kong killer smile.

"Wahh! Kelzy. You're really my best alaga. Now, sit down, relax at sigurado na ang pagkapanalo mo"

Malapit na. Para sa pangarap!

When it was Javier's turn ay nakatitig lang ako sa kanya the whole time. In fairness naman sa kanya. So kaya na pala niyang maging modelo ngayon. Akala ko ba, walang patutunguhan to? Na puro pagpapaganda lang ang alam, wala namang talino.

Ang sakit niyang magsalita. But now look at him. See? Ang kapal ng mukha.

No Z. Hindi kana iiyak. Hindi mo kailangan ng katulad niya.

"Okay. Okay. Napakaganda. Kung ako lang ang tatanungin ay wala ng pipiliin pa sa inyo. But unfortunately, kailangan nating pahirapan si boss"

Bakit ba pahihirapan pa! I'm here kaya. Duh. Kailangan bang pag-isipan pa yon?!

"I'm going to announce now, kung sino ang napiling ipapadala para sa project in Paris. Congratulations to you...."

Shit. This is it.

Para sa pangarap.

Para sa pangarap.

"Congratulations to you...

Mr. Joselito Javier Jr."

W-what?!

Teka. Mali naman ata yon! Hindi pwedeng mangyari yon! I waited for this, at si Javier? Bakit si Javier?!

"M-mamu. Magbabathroom lang ako"

"Z. Kelzy!"

Damn it. Wag kang iiyak.

Kaya mo. Kakayanin mo.

'Bakit hindi kana lang magshift sa ibang course. Kelzy, hindi para sayo ang modeling. Mapapagod ka lang anak.'

'Your mom is right Z. Why don't you take business course instead. Wala kang mararating dyan'

'Anak ba yan ng dating aktres na si Mr. and Mrs. Herrera? Bakit hindi ata magaling. Tara na ang boring dito'

'Puro pagpapaganda lang ang alam mo! Bakit, kahit best friend mo ko ay ayaw mong makinig sakin? Binabastos ka na ng iba!'

No! I'm not a failure.

May mararating ako. At hindi ako hihinto dahil lang sa sinabi nilang hindi ko kaya.

I was born to be a fighter at ang fighter, hindi sumusuko. Aha!

Para sa pangarap!