Chapter 23
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko, kakatapos lang ng pangatlong klase namin at hindi ko talaga masyadong pinapansin si Tyron. Pagkatapos kong iligpit lahat ay nagmadali akong lumabas ng room para makalayo agad. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin sa kanya sa sinabi niya sa akin. Pangalawang na siyang nagsabi sa akin ng nararamdaman, noong una ay akala ko pinagtripan niya lang ako pero 'nong umiiyak ako at inaalo niya ako ay doon ko napagtanto na totoo ngang may nararamdaman siya pa sa akin.
Hindi ko talaga maisip-isip na ganoon ang nararamdaman ni Tyron para sa akin na buong akala ko kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kaya ngayon nahihirapan akong harapin siya at titigan siya sa mata o kahit makipag-usap na lang sa kanya sa isang normal na paraan.
Nahihiya din ako sa kanya dahil parati niya akong nahuhling umiiyak para kay Renzo, may masayang parte sa akin na masaya dahil nandyan siya pero mas malaki ng parte sa sarili ko na ayaw ng malaman ng iba kung gaano alp kamiserable lalo na kay Tryon, sobrang nakakahiya na.
"Serena sandali lang," hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ni Tyron dahil nakatakbo na agad ako. Napansin kong hindi naman niya ako sinundan kaya naglakad na lang ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
"Hello, yes Rez hintayin mo na lang muna ako dyan sa cafeteria. Oo na bibilisan ko na pupunta lang ako sa library." Binaba ko na ang phone ko at dumiretso sa library pata ibalik ang mga librong hiniram ko.
Nakapag-usap na nga pala kaming dalawa ni Rezzy at humingi na din ako ng paumanhin sa kanya dahil sa ginawa kong pag-sigaw sa kanya noong unang araw. Hindi na rin nito binuksan ang topic na tungkol kay Renzo, hindi ko rin talaga kanyang sabihin ang posisyon ng relasyon naming dalawa ni Renzo.
Hindi ko kayang sabihin kay Rezzy na hindi ako gusto ni Renzo at pinagtitiisan niya lang ako. Na hindi naman niya ako mahal at ang mga magulang lang talaga namin ang may gusto nitong lahat.
Napalingon ako sa likuran ko, pakiramdam ko kasi may sumusunod sa akin. Wala kasi masyadong nagpupunta sa library namin at ngayon naglalakad pa ako ng napakayo-layo dahil sa nasa dulo pa ang library at ilang buildings pa ang madadaanan ko. Deserted ngayon ang dinadaan ko dahil sa hindi naman masyadong nagpupunta o nadadaan ang hallway na ito ngayon kaya iba talaga ang pakiramdam ko
Last month kasi ganito din parati ang nararamdaman ko na para bang may nakatingin sa bawat galaw ko. Siguro guni-guni ko lang ito. Wala naman sigurong sumusunod sa akin. Baka si Tyron? O multo? Napalakad ako ng mabilis para makarating agad ako sa library.
"ANG TAGAL mo naman Serena! Gutom na ako, halika na." Sabi ni Rezzy sa akin habang papaupo pa lang ako sa harapan niya, hindi niya alam kulang na lang ako lumipad para makarating agad ng cafeteria..
"Oo na po ito na kumain na tayo. Salamat sa pag-order para sa akin." Sabay subo ng pagkain sa bibig ko. Napatingin ako sa direksyon ng tinitignan niya. "Bakit nakatitig ka sa dalawang iyon?"
"Wala naman, nakatingin kasi sila sa atin kaya napatingin din ako sa kanila. Well parati silang nakatingin sa atin at sa dyan sa table na yan parati silang umuupo." si Rez.
"Kaklase ko ang dalawa iyon kaya kakain at kakain ang mga iyan." Sagot ko naman sa kanya, kung ano-ano na lang pinapansin ni Rezzy pati ang mga naging kaklase ko napapansin. Inayos ko na lang ang eye glass at sumubo ng chicken, Ang sarap talaga.
"They act weird." Napailing na lang si Rezzy at pinagpatuloy ang pagkain.
NAGLAKAD NA akong mag-isa papuntang parking lot. Since wala ang professor namin kanina ay maaga akong makakauwi. Hindi rin naman ako binibigyan ng pansin ni Renzo at ngayon ni hindi siya pumasok. Parati na lang siyang absent sa mga nakaraang linggo, minsan nga paggising ko sa umaga nakaalis na siya.
Gusto ko munang mapag-isa at wala ako sa mood na uwi agad sa bahay kaya napagdesisyunan ko munang magpunta sa mall ng mag-isa at bumili ng libro. Tama bibili ako ng bagong babasahin. Hindi ko naman maaya si Rezzy dahil kakasabi niya lang sa aking nagmamadali rin siya dahil sa photo shoot niya kaya ayoko ng gambalain pa siya.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng may napansin ako. Napatingin ako sa dalawang itim na kotseng katabi ng kotse ko. Hindi naman ako nagpapark sa parehong pwesto kada-araw dahil sa malaki at maraming parking lot dito sa school at depende iyon sa kung saang building ako pero bakit sa kung saan nakapark ang kotse ko ay nandito din ang dalawang kotseng ito.
Identical talaga ang kotse pati na din sa plate number. Baka nagkataon lang naman o nanghuhula lang ako? Hindi naman kasi iisa model ng kotseng ito ang nasa pilipinas. Sumakay na lang ako sa kotse ko at binalewala ang naisip.
Bumaba na ako kotse ko ng makarating sa basement ng mall ng biglang may pumarang van sa harapan ko at may bumabang naka bonnet na mga lalaki. Nagsilapitan sila sa akin.
"Anong kailangan niyo?" Napatingin ako sa mga armadong lalaki na tumawa ng malakas. Napatingin ako sa paligid, bakit walang mga gwardyang dumadaan dito o kahit bantay man lang ng parking lot.
Mabilis kong binuksan ang kotse ko para makapasok pero mas mabilis sa akin ang mga armadong mga lalaki dahil agad na may nakahawak sa braso ko bago ko masara ang pintuan. Nang makalapit na sa akin ang tatlong lalaki ay biglang nilagyan na ako ng panyo sa bibig pero nanlaban ako. Nahawakan na nila ang pareho kong braso at sinampal ang mukha ko ng pagkalakas-lakas.
Gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa at parang nawawalan na akong ng enerhiya sa katawan. Gusto kong lumaban para makawala pero alam kong wala na akong magagawa. Nararamdaman ko ang mahigpit na paghawak sa braso ko habang hila-hila ako ng isang armadong lalaki. Narinig ko na lang ang ilang sigawan at putukan.
Narinig ko ang ilang putok ng baril at paglapit sa akin ng dalawang lalaki. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagsara ng mga mata ko habang nagiging blurred na ang paningin ko at naririnig ko ang pag-sigaw sa pangalan ko. And I found myself in darkness.
"Renzoo! Help me. No please!" Napabalikwas ako ng gising ng mapaginipan ko na naman ang mga lalaking muntik ako ma-rape.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang mainit at mahigpit na pagyakap ng kung sino sa akin, base sa boses niya na binubulungan ako ngayon ay walang iba kundi si Renzo ang nakayakap sa akin. May bakas pa ng luha sa pisngi ko ngayon at tagaktak ng pawis ang katawan ko kahit malamig naman ang paligid.
Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang insidente kung saan iyong malapit na akong marape na nangyari tatlong buwan na ang nakakalipas at nadagdagan pa nitong nangyari kanina. Hindi ko maalis-alis sa utak ang panaginip ko at ang nangyari kanina, hindi ko lubos maiisip paano ako ngayon nandito sa piling ni Renzo.
Nakayakap lang si Renzo sa akin hanggang sa naramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko. Napansin ko na nakahiga pala ako sa hospital bed, ginala ko ang tingin sa paligid, may sofa sa gilid at bnayo. Sinugod pala ako sa ospital, sino ang nagsugod sa akin dito?
"I'm sorry. This is all my fault." Nakayuko siya habang nakahawak sa kamay ko. Mahigpit siyang nakahawak sa mga kamay ko, napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa braso ko na may mga pasa dahil sa paghila ng marahas sa akin ng mga armadong lalaki.
Hindi ko gustong sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin. Hindi ko gustong nakikita ang mukha niyang napakalungkot dahil lang sa nangyari sa akin katylad ng nangyari noong tatlong buwan na ang nakalipas. Sinisisi niya agad ang sarili niya pag may nangyayari sa aking masama. Hindi naman niya kasalanan na lapitin ako ng disgrasya.
Alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito dahil aa tingin niya na pag may nangyari sa aking masama ay siya ang malalagot sa mga magulang ko dahil responsibilidad niya ako. Kasalanan ko ito kung hindi lang ako nagpunta sa mall ng mag-isa siguro hindi ito mangyayari.
But somehow I felt happy because he is with me right now. Katabi ko siya ngayon at kinakausap ako.
"I'm sorry kung hindi ako naging pabaya hindi dapat ito nangyari sayo. Kung naisip ko lang agad na-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hinawakan ko siya sa magkabilang mukha at tinitigan siya ng maigi. Makikita ko sa mukha niya ang pag-alala dahil sa nangyari sa akin.
"Hindi mo ito kasalanan Renzo, wag mong isipin iyan dahil hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin. Wala namang nangyari, okay na okay ako." Ngumiti ako sa kanya.
"Thank God, you're okay." Hinawakan niya ang pisngi kong medyo masakit pa dahil sa lakas ng pagsampal sa akin kanina ng mga armadong lalaki. Naupo na siya sa gilid ng kama habang nakatitig sa mukha ko. Mababakas sa mukha niya ang galit habang nakatingin sa pisngi ko.
"Bakit naka suit ka?" Pag-iiba ko ng paksa. "Wag mong sabihing may importante kang ginagawa at dumiretso ka dito?" Alam kong pag naka ganito ang mga attire niya ay business related ang ginagawa niya o may importante siyang nilakad.
"Kakatapos lang ng meeting ko with a chinese client. Malapit lang dito sa ospital ang hotel kung nasaan ako kaya dumeritso agad ako." Parang may kulang o malis asinabi niya sa akin pero hindi na ako nagtanong pa.
"Sa labas lang ako saglit, may aasikasuhin lang ako para makauwi na tayo. If you need something just call the nurse attendant." Naglakad na siya palabas sa kwarto. Napansin kong gulo-gulo na ang ayos ng necktie niya kaya minabuting kong tawagin siya.
"Renzo" lumingon siya sa akin at tumayo at naglakad ako palapit sa kanya. Inayos ko ng mabuti ang necktie at ang kuwelyo niya, maayos-ayos naman na ang pakiramdam ko. Medyo nahihilo lang ako ng konti. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Lumabas na si Renzo kaya bumalik na ako sa kama.
Sino nga pala iyong nagligtas sa akin kanina? Iyong isang lumapit sa akin ay namumukhaan ko pero hindi ko lang masabi-sabi kung sino.
Dahil sa nabagot na ako kakahintay kay Renzo napagdesisyunan kung lumabas para hanapin siya o kaya hintayin na lang siya. Natapos ko ng ligpitin ang bag ko, maayos na din ang pagmumukha ko dahil kanina nga umiiyak ako.
Tatawagin ko sana siya ng nakita kong may lumapit sa kanyang dalawang lalaki at nakikipag-usap ata sa kanya. Hindi naman ako pinanganak na tsismosa kaya lang hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila. Hindi ko makita ang mukha ng dalawang kausap niya dahil sa nakatalikod sila sa direksyon ko.
Minabuti kong magtago sa may gilid at nakinig sa usapan nila.
"Hindi niyo nagawang protektahan siya ng maayos. Akala niyo ba hindi ko mapapansin ang marka ng kamay sa mukha niya at ilang mga pasa!" Napatingin ako sa galit na mukha ni Renzo habang nakatingin ito sa dalawang lalaki. Ako ba iyong tinutukoy niya?
"Sinabi ko sa inyong hindi dapat siya masaktan ni katiting pero anong nangyari? Akala ko ba kayo ang pinakamagaling na body guard na kinuha ko sa agency but I was wrong, was I?" si Renzo.
"Sir pasensya na po, kasalanan namin ang nangyari dahil hindi namin siya nabantayan ng maayos. Tama po kayo, nangako kaming hindi mahahawakan ni kadulo-dulohan ng kuko ni Ma'am ng kung sino-sino lang at dapat naprotektahan siya namin ng maayos."
"Mabuti naman at alam niyo ang mali niyo dahil sa init ng ulo ko ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inyong dalawa. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanyang iba bukod sa mga pasa at ilang namumulang marka sa katawan niya." Napaka-seryoso ng pagkakasabi ni Renzo habang nababakas pa rin ang pag-alala sa mukha niya.
"Bigyan niyo pa po kami ng pagkakataon Sir Devon." Dahil sa lumapit pa ako sa kanila, unti-unti ko ng nakikita ang mukha ng dalawang lalaking kausap ni Renzo na body guards pala.
"Huli na ito. Pag hindi niyo pa nagawa ng maayos ang pinapagawa ko ay tatanggalin ko kayo bilang closed body guard ni Serena." Tumango ang dalawang lalaki kay Renzo. "Nakita ba ni Serena ang mga mukha niyo?"
"Sigurado po kaming hindi niya nakita ang mga mukha namin at maipagpapatuloy po namin ang pagbabantay sa kanya ng hindi niya malalaman."
"Mabuti naman kung ganoon hanggang sa hindi pa kayo nahahalata ay ipagpatuloy niyo lang." Tumango ang dalawang lalaki. "I admit the two of you did a good job in protecting her but please sa susunod wag na wag ko lang makikitang nangyayari ito sa kanya muli. I'm really thankful to the two of you."
Nabigla naman talaga sa mga narinig ko sa lahat ng mga sinabi ni Renzo. Hindi ko akalaing nilagyan niya pala ako ng dalawang bodyguard na hindi ko alam. Kaya pala parati kong nararamdaman na may nakasunod sa akin pero hindi ko malaman kung sino.
Hindi ako makapaniwala na ang dalawang bodyguard ko ay ang dalawang lalaking tingin ng tingin sa amin ni Rezzy sa cafeteria, kaya pala sila parating nakatingin sa amin kasi binabantayan ako. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil nandoon sila para mailigtas ako.
Umalis na ang dalawang lalaki at nag-antay ng ilang minuto bago lumalabas sa pinagtataguan, may kausap din kasi si Renzo sa cellphone, siguro concerning naman sa business. Kaya siguro parati siyang absent noong mga nakaraang araw.
Naglakad na ako palapit sa kanya, napatingin siya sa akin at medyo nabigla ng makita ako. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at dinatay ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Thank you and I love you," I whispered the last four words hoping he would hear it.