Chapter 22

"What?" Tanong ko kay Rezzy na nakatingin lang sa akin.

"You tell me what S." Habang sinusubo niya ang lettuce na kanina pa nito tinutusok-tusok.

Puro gulay na ngayon itong kinakain si Rezzy dahil daw sa diet siya ngayon at tumataba daw siya. Honestly hindi ko malaman-laman bakit kailangan niya pang mag-diet e hindi naman siya tumataba. Tsaka may iisang buhay lang tayong mga tao kaya dapat wag nating i-restrict ang sarili natin katulad ng pag-di-diet.

"Tell you what?" Sabi ko kay Rezzy habang sinusubo ko ang chicken na nilalangtakan ko ngayon. Nalilito talaga ako dito kay Rezzy.

"I'll ask you straight S. What happened between the two of you? Last three months lang hindi kayo mapaghiwalay like he would stick to you and wouldn't look at any women kahit na inihahagis na nila ang sarili nila kay Devon. I even saw you at the party making out near the comfort room so I thought you two are doing well. But now look, he's with another girl on and on for three months now." Napabuntong hininga na nga lang ako.

"Nothing is going on Rez." I smiled at her lazily. Ayoko na masyadong maging malungkot sa sinabi ni Rezzy, ayokong mahalata niyang miserable ang buhay ko.

"Really? Wag mo akong gawing bulag Serena. You're married to him and he knows how much you love him. Alam niyang masasaktan ka pag nakikita mo siyang ganito. So don't tell me nothing is going on." Sumeryoso ang mukha ni Rezzy.

"When I tell you there's nothing going on, there is nothing. Okay?" napasigaw ako.

"I'm sorry. I didn't mean to shout at you Rez. I have to go." mabilis akong tumayo, dinala ang lahat ng gamit ko at mabilis na umalis sa cafeteria. Alam kong nakatingin sa akin ang mga tao pero wala akong pakialam, I just want to get away.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na namalayan kung saan ako napadpad ng paa ko. Litong-lito ang utak ko ngayon. This past few months, Ngumingiti ako ng natural na para bang normal lang ang nangyayari sa buhay ko. Sa bawat araw na lumilipas na nakakasama ko si Tyron at Rezzy ngumingiti ako sa harap nila na para bang okay lang ang lahat.

Ang hirap na pilitin ang sarili lalo na kung hindi naman talaga maayos iyong pakiramdam mo. Pakiramdam ko pag-ngumingiti ako naka scotch tape ang bibig ko para lang magmukha akong nakangiti. Na para bang may nakasuot ako ng maskara sa mukha dahil pinipiki ko lang ang sarili ko para magmukhang maayos sa mga taong nakakakita sa akin.

Sa katunayan lang, itong maskarang nakatabon sa mukha ko ay unti-unti naglalaho at nilalabas ang tunay kong nararamdaman. Pakiramdam ko may nakadagan sa aking malaking bato sa bigat ng nararamdaman ko.

Pagod na akong umiyak gabi-gabi. Pagod na akong mag-exert ng effort para sa kanya pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang lumayo sa kanya. Hindi ko kayang hindi siya nakikita, hindi ko kayang ipaubaya siya sa iba.

I want to hate him but I can't because I know it's my fault from loving him. I know from the very start that it would be like this and from the very start he already told me that it would be like this. Dahil sa nararamdaman kong ito ay nag-iiba na din ang ugali ko.

Ibang-iba na ako na nagawa kong sigawan ang matalik kong kaibigan at tinuring kong parang kapatid. Gustong-gusto ko talagang sabihin kay Rezzy ang lahat, ang katotohanan pero hindi ko kaya. Hindi ko magawang sabihin ang lahat dahil alam ko at naniniwala akong magiging okay rin kami ni Renzo, na wala namang dapat sabihin kay Rezzy.

Alam kong niloloko ko na naman ang sarili ko, pero anong magagawa ko kung ito ang gusto kong isipin? Luha, mga luhang kahit anong pigil kong pahid sa aking mga kamay ay hindi pa din maubos-ubos sa kakaiyak.

Napatingin ako sa kalangitan, sa paligid ko. Dinala ako ng mga paa ko sa gitna ng field. Napaupo ako sa damuhan katabi ng mga gamit kong nagkalat. Nawalan na ako ng lakas na tumayo ng maramdaman ko ang pagpunas ng luha sa mga pisngi ko ng isang panyo.

"Nandito ka lang pala." Napatingin ako sa nakangiti nitong mukha. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit habang mabilis ding dumadaloy ang mga luha ko. My vision was blurred but I can feel the warmth of Tyron.

Sa tuwing may nangyayari sa akin masama parating si Tyron ang nagliligtas sa akin. Sa tuwing umiiyak ako at kailangang-kailangan ko ng taong hindi manghuhusga sa akin nandiyan siya sa tabi ko. Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan at maiiyakan parating kahanda ang braso niya para yakapain ako. Sa tuwing kailangan ko ng clown para sumaya ako ay handa siyang maging isa. Sa tuwing kailangan ko ng taong magsasabi sa akin na magiging ok din ang lahat nandiyan siya at hindi ako iniiwan.

Nakadantay ako ngayon sa dibdib niya at nahimasmasan na ako ng kaunti ay agad akong lumayo sa kanya dahil sa napansin kong basang-basa na ang damit niya dahil sa luha ko.

"Sorry, nabasa pa tuloy ang damit mo dahil sa pag-iyak ko." Nahihiya kong hingi ng paumanhin sa kanya.

"Don't worry ok lang sa akin na hindi ako nakadamit." Then he winked at natawa ako sa sinabi niya. Kahit awkward na tumawa habang kakaiyak lang ay wala na akong pakialam. Gumaan na din ang pakiramdam ko salamat kay Tyron.

"Mag palit ka na lang, ayokong makita yang hubad mong katawan." Sabi ko dito habang pinapahid ang sipon ko s apanyo niya. Oo sanay na sa akin si Tyron na ganyan-ganyan ako.

"Namamanyak ka lang eh. Gusto mo maghubad pa ako dito sa harapan mo eh. Walang bayad, live show." Sinuntok ko ito sa braso at tumawa lang ito habang ako ay nakita na din."

"I glad that your smiling and laughing again." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Whenever you feel sad or you feel like punching someone, I am always here at your service. Kahit pa anong gawin mo sa akin o kung gusto mo nga akong i-rape o manyakin, ok lang sa akin basta maging ok ka lang at ngumiti ulit. I want to see your smiling face o kahit iyong sinusupladang mukha mo na lang basta hindi lang kitang makitang umiiyak. Alam mo bang nasasaktan din ako pag-nakikita kitang ganyan. Sa tuwing umiiyak ka ng dahil sa gagong iyon parang gusto ko din siyang suntukin sa bilang ng bawat luhang pumapatak sa mga mata mo. Listen to me carefully, I love you Serena and I am willing to risk everything for you. Kukunin kita sa kanya , alam kong siya ang mahal mo pero hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo. Maghanda siya dahil nanakawin ko ang puso mo sa kanya."