Tin-Tin's P. O. V
Nakatayo ako sa terrace ng bahay namin, nakatingala sa madilim na kalangitang binibigyang liwanag ng buwan at ng mga bituin. Pilit nilalabanan ang pagpatak ng mga luhang dulot ng mga alaalang bitbit ng awiting aking pinapakinggan—Someday ni Nina. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. Dinama ang mabining hampas ng malamig na hangin sa aking mukha, kasabay ng tuluyan kong pagkalunod sa awitin, na hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Nang mapagtanto iyon, gigil kong hinawakan ang wire ng earphones na suot ko at marahas itong hinila.
"You're thinking of that asshole again."
Hindi iyon tanong, kun'di kumpirmasyon. Patalikod siyang sumandal sa railings, ipinatong dito ang kaniyang mga siko at tumingin diretso sa mga mata ko. Wala akong ibang makita sa mga bilog na iyon kun'di pagkadismaya dahilan para mapayuko ako. Hindi ko masisisi si ate dahil maging ako, dismayado din sa sarili ko.
"Don't tell me, you're planning to forgive that jerk, again?" malumanay niyang tanong.
Pinahid ko ang aking mga luha. Sa totoo lang, sumagi iyon sa isip ko pero, hindi ko gagawin iyon. Pagod na ako. Pagod na pagod.
"Nakaka-bobo ang magmahal, literal," umikot siya paharap sa direksyon kung saan ako nakatutok at tumingin sa kawalan, "pero, kung alam mong paulit-ulit ka ng ginagago," tinitigan niya ako nang seryoso, "isn't it time for you to end that stupid and toxic relationship instead of enduring all the pain it brings?"
"How am I supposed to do that when I love him? I fucking love him!" bulalas ko.
"But does he feel the same?" malungkot niyang tanong.
That shut me up. Gusto kong sumagot ng oo, na mahal niya ako, subalit, sinong niloloko ko? Alam kong hindi, ramdam kong hindi.
"Importante pa ba iyon?" Natatawa kong wika. That was the stupidest question I've ever asked on my eighteen years of existence and the most painful one. Tumingala ako upang sana'y pigilan ang muling pagpatak ng aking mga luha ngunit bigo ako.
"I think you knew the answer."
Mariin kong ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim.
"Three years. We've been together for three years. Ayaw kong sayangin ang tatlong taon na iyon."
I heard her chuckle.
"Ironic. You don't want to waste that three years, but it is already wasted and you knew that. Ano ba'ng masasayang sa tatlong taong puro panloloko at kasinungalingan?"
Naikuyom ko ang aking kamao. Once again, she is right.
"Love is a give and take relationship. Hindi puro bigay at tanggap lang. It takes the effort of two, to make it work."
Matapos iyong sabihin, tumahimik siya. Nakabibinging katahimikan ang yumapos sa aming dalawa. Isip-bata si ate Claire. Mas pasaway pa sa aktwal na bata at sobrang maloko. Because, she never had the chance to act like one before when she had the right to do so. Siguro, iyon ang paraan niya para mabawi ang mga panahong iyon. Parehong naging OFW ang mga magulang namin dala ng labis na kahirapan. At the age of seventeen, siya na ang tumayong ama't ina ko. Noong mga panahong iyon, I was just eight. Makalipas ang sampung taon, doon ko lang naintindihan kung gaano kabigat ang responsibilidad na kinailangan niyang pasanin. Kung ano ang isinakripisyo at hirap na kailangang tiisin ng mga magulang namin mabuhay lang kami nang komportable.
"Can I ask you something?" she asked calmly.
Nabaling sa kaniya ang atensiyon ko. Nagdadalawang-isip akong tumango at ibinalik sa buwan ang mga tingin ko.
"Sa loob ng tatlong taong patay-sindi niyong relasyon, 'ni minsan ba," she paused, "kahit isang beses lang, naramdaman mong mahal ka niya? Iyong totoo, hindi pilit at walang halong pagpapanggap? Na kahit kaunti, kaunting-kaunti lang, may pakialam siya sayo at mahalaga ka sa kaniya?"
A tear escape from my eyes as I recalled all the memories we shared together for the last three years but remembered nothing, not a single situation where he made me feel that he cares for me, that he loves me. Isang pigil na hikbi ang naging hudyat sa aking mga luha upang tuluyang bumuhos. Ang sakit. Sobrang sakit. I didn't realized that all these years, para akong timang. Was realizing that a sign? A sign that it's time for me to let go and move on?
Ang totoo, matagal ko ng ramdam na pilit na lang ang lahat sa amin. Our conversations even our actions. Pero binalewala ko iyon. Patuloy akong kumapit sa isang bagay na dapat matagal ko ng binitawan at pinakawalan.
Napabuntong-hininga si ate dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"Noong binigyan mo siya ng second chance, isip ko noon, baka deserve niya, tiwala naman kasi ako sa'yo. But then, ginago ka ulit niya, I thought that time, that's it, tatapusin mo na ang lahat sa inyo. Pero," she chuckled, "pinatawad mo ulit siya. Hinayaan ko, kasi nga tiwala ako sa'yo. Tiwala ako na hindi mo pagmumukhaing tanga ang sarili mo. But then again, for the third time, niloko ka niya ulit, sinaktan ka niya ulit, pero pinatawad mo na naman siya. Duda na ako sa katinuan ng isip mo. Pero ayaw kong makialam kasi nga buhay mo iyan, love life mo. Pero, bilang ate, ayaw kong manood na lang. Kaya binigyan ko ng babala si Albert. Babalang sa bandang huli binalewala niya. Hindi ko na hahayaang magpatuloy pa ang kabaliwan mo. I've already told mom and dad about this. And they decided na pag-aralin ka sa ibang bansa next school year, wether you like it or not."
Tanging marahang tango lang ang isinagot ko. Ano pang magagawa ko? Nakapagpasiya na sila mama, kapag ganoon, wala ng kahit na anong makapagpapabago sa isip nila.
"Alam kong galit ka sa akin—"
"I'm not." Nginitian ko siya. A genuine one. "Alam kong ginawa mo iyon para sa ikabubuti ko. Lahat naman ng ginawa mo para sa akin eh para sa ikabubuti ko."
Nginitian niya ako pabalik at ginulo ang buhok ko. Napapikit na lang ako habang ginagawa niya iyon.
"It was for the best. Kung nasa lugar ka na malayo at walang makapagpapaalala sa iyo sa gagong iyon, mas madali mo siyang makakalimutan at makakapag-move on."
I agree. Sa iisang school lang kami nag-aaral. Parehong strand at magka-klase. Kaya malabong hindi magtagpo ang mga landas namin ng paulit-ulit.
"Speaking of that, sumama ka sa akin bukas. Naipagpaalam na kita kina mom."
Matapos iyong sabihin, mabilis siyang naglakad papaalis.
Kumunot ang aking noo.
"Saan?" Pasigaw kong tanong at nilingon siya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin na may malawak na ngiti sa labi.
"Susunduin si kuya Justin mo. Miss ko na siya eh." Malandi niyang wika.
Napa-iling na lamang ako. Ang lakas niyang sermunan ako, ganoon din naman siya. Ang tanging pinagkaiba lang, mahal siya ni kuya Justin. Ewan ko kung paano na-inlove ang dalawang iyon sa isa't isa ganoong pareho silang isip-bata. Ang pinag-awayan nila ngayon, kung dapat bang iulam ang spaghetti. Tsk. Dahil hindi manalo-nalo si ate, pinalayas niya si kuya. Nagkataon din namang kinailangan siya sa resort nila kaya ilang linggo nang hindi umuuwi si kuya dahil kung hindi suyo malala talaga.
Huminga ako nang malalim at isinuot muli ang headset. Ang kanta pa rin Nina ang tumutugtog. Dinukot ko ang phone ko mula sa aking bulsa at binuksan iyon. Ngiting puno nang sakit ang gumuhit sa aking labi nang bumungad ang screensaver ko, litrato naming dalawa, kuha noong first monthsary namin. Hawak ko ang cake habang siya'y nakaakbay sa akin at ang hintuturo niyang may puting icing ay nasa ilong ko. Pareho kaming naka-ngiti pero hindi ko alam kung pareho ba kaming masaya.
I unlock it, kasabay no'n ang pagtakas ng luha sa aking mata, dahil sa wallpaper ko. Kuha ito noong moving up namin. Naka-piggyback ride ako sa kaniya habang pareho kaming nakangiti ng malawak na halos hindi na makita ang mga mata namin.
Hirap na hirap kong pinindot ang gallery. Puno iyon ng mga videos at litrato naming dalawa. Paisa-isa at labag sa loob kong binura ang mga iyon kasabay nang paglalaro sa isipan ko ng mga eksaktong senaryo sa bawat larawan. Hinayaan ko ang sariling lumuha, ilabas ang lahat ng sakit na aking nararamdaman dahil ito na ang huling pagkakataon na iiyak ako dahil sa parehong tao. Pangako iyon.
Pinatay ko ang phone ko at huminga nang malalim. Tumingala ako at sinambit ang mga katagang 'ni minsan hindi ko narinig mula sa labi niya.
"I love you and I'm sorry, Alfred."
...