Chapter 13-Worried
[Dion’s Point of View]
“Dito na lang ako.”
I watched her take off the seatbelt. Base sa ikinikilos n’ya, mukhang nagmamadali talaga s’ya na makaalis. Feels like, she’s avoiding me.
Inunahan ko s’yang lumabas ng kotse ko para pagbuksan s’ya ng pinto.
“Tabi na d’yan. Kaya ko,” walang emosyon niyang sabi.
“Yeah, fine.”
Nang tuluyan na s’yang lumabas, dire-diretso s’yang naglakad patungo sa kulay asul na gate. That’s probably their house.
Ts. She didn’t even say thank you.
“Not even gave me single glance,” I mumbled to myself. But I can’t hate her just for that reason. Alam ko naman na mabait s’ya, hindi nga lang sa’kin.
I watched her enter the gate. Nang masiguro ko na naroon na s’ya sa bahay nila, saka ako muling sumakay sa kotse ko.
I was about to go when I saw Vida talking with a guy when I peek on the window. The guy is wearing…Nakatalikod s’ya kaya hindi ko makita ang kan’yang mukha but I clearly saw how he tapped Vida’s head. Who is he? Kapatid ba n’ya? Kaibigan? Pinsan? O baka naman boyfriend? - “Hell no!” I shouted to myself.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. I shrugged and forced myself to shove away my thoughts. Ibinaling ko ang tingin ko sa daan at saka pinaandar ang sasakyan. Hindi n’ya naman siguro iyon boyfriend. I should have not overthought.
“Good evening, son!” My mom greeted as I entered the house. Pati si Dad sinenyasan rin ako nang makita n’ya ako. Naabutan ko sila dito sa living room na nanonood ng balit sa tv.
“Aren’t you guys leaving?’” I’m pertaining about their work.
“Nope. Hindi naming pwedeng iwan ngayon ang Tita Gadi mo, Dion. She requested us na magstay muna kami kahit ngayong gabi lang. That’s why,” Daddy Bruce explained.
Kagabi kasi biglaang dumating si Tita Gadi at dito s’ya dumiretso sa bahay ng family ni Dad which is pamana na sa kan’ya ng mga yumao kong grandparents. Kaya kung may dadalaw man sa amin na kamag-anak, dito na sila dumidiretso just like Tita Gadi since kapatid rin s’ya ni Dad.
Right after nalaman namin na nandito na sila sa probins’ya, ako muna ang pinapunta ni Dad dito kahapon. Kaya nga wala ako nang dumating si Vida at nitong buong maghapon sa bahay. We also talked about Tita Gadi’s problem kung ba’t s’ya biglaang naparito after no’ng nangyari sa amin ni Vida kaninang umaga.
“Cole, you’re finally here!” Nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Cindy sa akin mula sa likuran.
“Kanina pa ako naghahanap sa’yo,” she pouted. Naiilang naman akong ngumiti at saka marahang tinanggal ang mga braso n’yang mahigpit na nakagapos sa bewang ko.
“That’s true, Dion. She’s been waiting for you since you left here,” my mom said.
“O, I told you. Kanina pa talaga ako naghihintay,” aniya.
“Bakit mo ba kasi akong hinihintay?”
“Magpapasama sana ako bumili ng ice cream hehe.”
“Cindy, namili ako kanina ng ice cream. Pumili ka na lang do’n ng gusto mo,” sabat naman ni Dad.
“Ah, yes Tito Bruce. But wala kasi do’n ang favorite kong flavor,” dahilan ni Cindy.
“Oh? As I’ve checked earlier nabili naman ni Dad ang lahat ng flavors, kasi he knows na fav mo nga ang ice cream.”
Sumimangot naman s’ya at saka nilaro ang buhok. She’s always like this- being childish. Minsan nga hindi ko talaga maiwasang mainis sa kan’ya, lalo pa’t napakaclingy n’ya sa’kin.
“Just go with her, Dion. Gusto n’ya yata kumain sa labas. Basta dapat 10 pm nandito na kayo sa bahay,” ani Mommy. Wala na rin akong nagawa kundi bumalik ulit sa kotse ko kasama si Cindy.
“Where do you want to buy ice cream?” I asked.
“Hmm, anywhere you want.”
“Bakit ako? Hindi naman ako ang kakain.”
“Basta ikaw na bahala. Anywhere, basta kasama kita, Cole.”
I immediately avoid her gaze. Ito na naman s’ya. She’s getting flirty again, and I’m not liking it. Lalo pa’t pinsan ko si Cindy, ang pangit tingnan.
“You okay, Cole? Ba’t natutula ka d’yan?” she asked from the backseat. Sinadya ko talaga na doon na lamang s’ya umupo kahit pa gustong-gusto n’ya rito sa tabi ko.
“I’m okay… We’re heading to 7/11, if that’s okay with you.”
“Sure.”
Hindi ako mahilig magdrive ng kotse ng mabilis pero since si Cindy ang kasama ko, I had to do it. Ayaw ko talaga s’ya na makasama ng matagal. Ayaw ko talaga for real.
[Vida’s Point of View]
“Panibagong araw, panibagong pag-asa!” sabi ko sarili ko pagharap sa salamin. Down na down na ako kagabi pero binigyan ako ng sign ni Lord na 'wag akong susuko. At 'yon ay dahil kay Kuya Vincent, dapat ko talaga s'yang pasalamatan ng sobra.
"Wow, ang ganda ng pormahan ang apo ko a? Ang ganda-ganda rin ng ngiti. Aba'y sino ang dahilan n'yan ha?" tanong ni Lola Clarita nang mapansin ako.
"Secret Lola."
"Aber, aber. Crush mo? Ika'y magsabi sa akin ng totoo ha? Sino ang maswerteng tao na nagugustuhan ng apo ko?"
Natatawa naman akong humarap sa kan'ya. "Ano ka ba, La? Tigil-tigilan mo ako d'yan sa pagdududa mo kung may crush na ba ako, kasi wala akong gano'n. Peksman!"
"Aha? Sigurado ka? Abnormal ka pala, Vida. Sa edad mong 'yan hindi ako naniniwalang wala ka pang nagugustuhan, malapit ka na kayang magdebut!"
"Lola?! Ano ka ba naman, hindi ka ba naniniwala sa'kin? Wala pa po talaga akong crush. At saka isa pa 'wag n'yo na ulit ipaalala sa'kin na magi-eighteen na ako. I feel so old."
Pareho kaming tumawa.
"Kung ano man 'yang dahilan ng pagngiti mo ngayon, Vida. Sana manatili na lang 'yan palagi sa tabi mo, para palagi kitang nakikitang masaya," seryosong sambit ni Lola Clarita. Huminga naman ako ng malalim at hinawakan ang dalawang kamay n'ya. "La, mamayang gabi pag-uwi ko. Sasabihin ko sa'yo ang goodnews. Alam kong matutuwa ka rin." Binigyan ko s'ya ng ngiti ng kasiguraduhan. Tumango naman s'ya pagkatapos ay bumaba na kami ng hagdan para sabay na pumunta sa pupuntahan namin. Ako, sa bahay nila Mr. Camero. At si Lola naman, doon sa kan'yang sewing shop.
"Good morning, Vida. Mukhang maganda ang araw natin ngayon a," bati sa akin ni Manang Felicita.
"Good morning din po. Masaya lang ako today kasi may natanggap akong magandang balita," sagot ko naman.
"O? Talaga? Masaya ako para sayo at sa magandang balita na natanggap mo ngayon. Sana maging productive ka, at matapos mo agad 'yang ginagawa mo para maagap ka ulit makauwi." Malawak na ngiti ang iginanti ko sa kan'ya bago n'ya ako tuluyang iwan dito sa kwarto ni Dion.
Kinuha ko ang maliit na speaker sa aking bag at ang cellphone. Gusto kong magmusic habang gumuguhit, sabi kasi ni Kuya Vincent effective daw 'yon, e.
Today's my third day sa paggawa ng mural dito kila Mr. Camero. Iilang araw palang ang inilalaan ko dito pero parang ang dami ng nangyari sa akin. Hoping talaga na matapos ko na lahat ng pagoutline today, para tomorrow mags-start na ako magpaint.
"... Bazinga! Hate niyo'y gasolina, yeah, I'm fire, I linger. Dare you to turn up the heat and I'll burn y'all 'til I die, yeah!" pagsabay ko sa tugtog na nakaplay sa speaker.
Hindi talaga ako mahilig sa mga boy bands, nagkaroon lang ng exception sa Sb19 mula nang mapakinggan ko ang songs nila especially 'yong Mapa. The best ang kanta na 'yon, super naappreciate ko 'yong meaning no'ng kanta kasi related s'ya sa parents ko.
"Hi?" Nagulantang ako nang may biglang nagsalita sa tagiliran ko.
"Dion?!" Dali-dali kong kinuha ang phone ko upang patayin ang tugtog. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Huh? Chinicheck ko lang kung ano'ng ginagawa mo."
"Malamang nagdodrawing, ano pa bang aasahan mo?"
Arghh! Ito na naman nagsisimula ng masira ang mood ko.
"Sorry kung hindi na ako kumatok, nagulat yata kita. Malakas kasi 'yong speaker kaya dumiretso na lang ako," aniya. "Fan ka rin pala ng Sb19?"
Hindi ako sumagot. Naiinis ako sa kan'ya, dapat hindi na s'ya nagpakita sa'kin.
"Uhh, yeah. Obvious naman haha. Dapat hindi na ako nagtanong," natatawa nitong sabi.
Baliw, kinakausap ang sarili. Sabagay, ako rin naman. Pero hindi ako baliw, unlike him.
"Hindi ngayon makakauwi rito si Ate Sab since may immersion sila. Doon s'ya didiretso sa isang bahay mamayang gabi kaya hindi mo rin s'ya makikita."
"Tapos?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"U-Uhh, well—wala naman. Gusto ko lang sabihin sa'yo para naman aware ka."
"Wala naman akong pake kung andito ba s'ya o wala. Kung iniisip mo na baka kinakabahan na ako dahil sa sinabi mo sa'kin kagabi, pwes nagkakamali ka."
"No, it's not what I mean, Vida."
"Ano'ng hindi? E 'yon naman talaga ang gusto mo iparating."
Napakamot s'ya sa batok n'ya at huminga ng malalim. "Okay, I'm leaving now. Sorry to disturb you," aniya saka tumalikod sa akin.
Jusko, sana kanina n'ya pa naisip na baka maiistorbo n'ya ako kung magpapakita pa s'ya. Ang kapal-kapal ng mukha ng gonggong na 'yon. Alam ko na naghihintay s'ya sa sorry ko dahil sa pagbugbog ko sa may bandang balikat n'ya, pero pasensya s'ya kasi never ko 'yong gagawin. Ni hindi man nga lang s'ya magbigay sorry sa'kin kahit alam n'ya na may mali rin naman s'ya sa nangyari. Tsk.
"Ouch!" Napalingon ako dahil sa biglaang pag-aray ni Dion. Buhat n'ya ang malaking speaker, nakapatong sa kan'yang kaliwang balikat na sa pagkakatanda ko ay naroon ang kan'yang pasa. Baliw ka talaga, Dion!
Tumakbo ako papalapit sa kan'ya para agawin sa kan'ya ang speaker na kan'yang dala.
"Siraulo ka ba talaga?" inis na tanong ko sa kan'ya. Bakas sa kan'yang mukha ang sakit na kan'yang nararamdaman. Hindi n'ya ako inimikan kaya inalalayan ko s'ya para mapaupo malapit sa dingding para mailapat n'ya ang kan'yang likod. "Patingin ka ng pasa mo?"
Pinakita n'ya nama agad sa'kin at lumantad ang nangingitim na n'yang pasa. "Shuta! Hindi mo ba 'to ginamot? Akala ko ba alam na 'to ng Ate Sab mo, bakit hindi pa rin ginamot?"
"Hindi s'ya gumagamot sa'kin. She said that it was my fault, kaya pinalo n'ya lang din ng walis."
"Ano?" Grabe, seryoso ba s'ya? Napakasama naman ng taong 'yon.
"... But don't misunderstood it. Ate Sab is kind—"
"Dito ka lang muna. Kukuha lang ako ng pwede ipanggamot sa pasa mo," sabi ko saka tumakbo pababa sa unang palapag para makausap si Manang Felicita.
Wala akong choice kundi sabihin kay Manang ang sitwasyon ni Dion kasi 'di ko naman alam ang dapat na igamot sa kan'ya. Kaya nagpatulong ako.
"Vida, idampi mo 'tong ice pack sa pasa ni Dion. Mga 20-30 minutes dapat," ani Manang Felicita.
"B-bakit ako?"
"Vida, kaya mo na 'yan. May ginagawa pa kasi ako sa baba, baka mapagalitan ako ni Sir kapag hindi ko agad iyon natapos. Madali lang naman iyan, 'wag ka lang magpanick." Tinapik nya ang balikat ko.
"Hindi naman ako nagpapanic," pagsuway ko sa kan'ya.
"Sige na, Vida at Dion. Babalik ako rito maya-maya."
Nang makaalis si Manang Felicita, naging awkward na ang eksena naming dalawa. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nakakainis na nakakahiya.
"Siguro dapat do'n ka na lang muna sa kwarto mo para makapagpahinga ka. Ikaw na lang magdampi n'yan sa balikat mo," suhestyon ko.
"Dito ang room ko."
"Ano? Wala ka na bang ibang tinutulugan?"
"Meron naman."
"'Yon naman pala."
Kahit mukhang labag sa loob n'ya ang sinabi n'ya, pinilit n'ya pa ring tumayo at maglakad. Medyo maitim na talaga ang pasa n'ya dahil sa lakas ng palo ko kahapon. Paika-ika s'ya sa paglakad at hindi n'ya halos ginagalaw ang kabilang balikat dahil siguro sa sakit. Pero teka, ano naman ang kinalaman ng paa n'ya sa pasa n'ya sa balikar? OA.
"Sino ba naman kasing tanga ang magbubuhat ng speaker? Tsk. Hindi ko na kasalanan 'yon. Katangahan na ang tawag do'n."
Babalik na sana ulit ako sa ginagawa ko nang may marinig akong kumalabong. Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa pasilyo. Doon nakita ko si Dion na nakaupo na sa sahig at pilit na tumatayo.
"Dion?" Hindi na ako nagatubili, kaya mabilis akong lumapit sa kan'ya.