Chapter 13

"MAHAL MO AKO, FARRAH?" Tila hindi makapaniwa na tanong ni Harold sa babae.

”Yes, mahal na mahal kita, Harold. And I know, at mararamadaman ko mahal mo rin ako!"

Napahalakhak si Harold sa sinabi ni Farrah. Aba ito na ang nagdisisyon na mahal niya ito. What the fuck she's talking about!

Napakunot-noo si Farrah sa pagtawa ni Harold, sa tingin ba nito ay nagbibiro siya na mahal niya ito O, sa sinabing mahal na siya nito.”Nakakatawa ba ang sinabi ko, Harold?"

Harold look at her again.”When you said that you love me, hindi siya nakakatawa. Ang nakakatawa ay sinabi mong mahal kita. I never said that to you."

”So, kung wala kang nararamdaman sa akin ganon ba?"

”Nasabi mo, Farrah."

”Naglolokuhan lang tayo ganon ba ha, Harold?"

”Naglolokuhan? I think hindi, Farrah. Wala lang tayong relasyon kagaya ng magkasintahan, did you get it what I mean?"

"Yeah, hindi naman ako bobo, Harold."

"Good, please huwag mo na akong tawagang pa, let delete our numbers."

”Ganon lang kadali para sa iyo na sabihin ito, Harold. Oo nga pala, meron kang sweetheart na tinatawag. Damn it! you are damn bastard, Harold!" She cries.

Natahimik bigla si Harold ng marinig ang paghikbi ni Farrah. Tama ang sinabi nito he's a damn bastard. Hinayaan lang niya ito na umiyak hanggang sa makarating sila sa bahay ng babae.

Walang imik na bumaba si Farrah.

Bumaba rin si Harold para ibaba ang gamit ni Farrah. Nang naibaba na niya ito tumingin siya sa babae.”Goodbye," aniya.

Farrah just took her bag tahimik na pumasok sa bahay nila.

Napabuntong-hininga si Harold, alam niyang nasaktan niya si Farrah. Nasaktan ba niya? Hindi niya alam dahil ngayon lang niya nalaman na mahal pala siya nito o sadyang hindi lang niya pinapansin ito.”Take care yourself, Farrah. Goodbye! " Medyo malakas na sabi niya.

Narinig ni Farrah ang sinabi ni Harold, pero hindi niya ito nilingong."Goodbye! Sa iyo. Oo, pero sa akin ay hindi," aniya pero hindi naman narinig ito ni Harold.

Masaya si Harold habang papauwi na sa bahay nila. He bid farewell already to Farrah.

NANG makarating na sina Hara at ang kuya niya sa bahay nila. Papasok na sa loob si Hara ng tawaging siya ng kuya niya.

”Hara, sandali lang."

Kinabahan bigla si Hara. Panong hindi siya kakabahan eh, alam na nito ang tungol sa kanila ni Harold. "Ba... Bakit, Kuya?"

Binatukan ni Hero ang kapatid.”Ba... bakit?" panggagaya nito sa sinabi ni Hara.

”Ouch! Naman, Kuya!"

”Ouch! Ouch! Ka diyan. Kaya pala natataranta ka tuwing nakikita mo si Harold, dahil may gusto ka sa kanya. Paanong naging kayo, ha?"

Napakamot si Hara sa ulo niya paano nga ba? Alangang naman sabihin sa kuya na. Kuya may nangyari na sa amin kaya boyfriend ko na siya. Ganon ba ang sasabihin niya? Pagsinabi niya ito tiyak susugurin nito si Harold.

”Hoy, Hara. Natahimik ka?"

”Kuya, ano kasi." Sa totoo lang hindi niya alam ang sasabihin sa kuya niya.

"Oh, ano. May nangyari na ba sa inyo ha, Hara?"

Nanlaki ang mata ni Hara sa sinabi ng kuya niya. Aba manghuhula na ba ang kuya niya. ”Kuya, naman." Mag dedenay siya hanggang kaya niya. Nakakahiya naman kung aamin siya agad.

”Sabihin mo sa akin ang totoo, Hara. Meron O, wala?"

”Kuya, wala!" Oh Lord patawad po sa pagsisinungaling ko. dugtong niya sa isipan.

”Sinabi mo eh, sinasabi ko sa iyo, Hara. Huwag kang basta-basta bibigay kilalanin mo muna siyang mabuti. At saka babaero si Harold, hindi ko siya sisiraan sa iyo. Sana, kapatid ko. Ingatan mo ang iyong sarili, ayokong makita kang masasaktan, first boyfriend mo ba siya? "

Tumango si Hara. At nakukumsensiya siya. Sa pagsisinungaling niya rito. Ang tanga-tanga niya bakit kasi bumigay siya agad kay Harold. Pero aminado siya putik ang pinalasap nito sa kanya ay sobrang sarap langit ika nila. Huli naman na ang payo ng kanyang kuya. Tapos na nahiwa na ni Harold pakwan niya.”Kuya, salamat sa paalala mo sa akin, promise iingatan ko ang akin sarili!" heto naman siya Lord patawad muli.

Tumango si Hero sa kapatid.”Pumasok ka na," aniya.

Nagmamadaling pumasok sa loob si Hara at deretso sa kanyang kuwarto. Umupo siya sa kama naiisip niya ang pinag-usapan nila ng kanyang kuya Hero. My gosh parang gusto niyang magdasal ng Ave Maria ng sampong beses sa kasinungalingang nagawa.

Nasa ganon pag-iisip si Hara ng tumunog ang cellphone. Nang tignan ito my gosh ang taong dahilan ng pagsisinungaling niya si Harold. Nilinis ang lalamunan muna bago sinagot."Hello!"

”Hello, sweetheart. Are you at home already?"

Hay putik na lalaki nakakainlove ang boses nito sa phone, ang boses nito lalaking-lalaki ngayon lang kasi niya ito nakausap sa phone. Sa personal parang iba.”Oo, naman nakauwi na kami," kanyang tugon. Gusto sana niyang itanong kung nakauwi na rin ba ito. Malay ba niya kung nasaan ito. Eh, kasama kaya nito si Farrah sa sasakyan niya.

”Me, nasa bahay na rin nakahiga sa kama ko. Thinking about you! I miss you already, sweetheart!"

Napatakip ng bibig si Hara. My gosh puwede bang tumili? Naku kung wala lang siya sa bahay nila ginawa na ito, eh. Shet! Kinikilig siya putik! Inayos niya ang sarili kinuntrol ito baka mapasigaw na lang siya bigla. ”Miss mo na agad ako magkasama lang tayo kanina, eh. Binibiro mo lang yata ako."

”No, I'm not joking. Totoo miss na talaga kita. Gusto ko nga eh, magkasama tayo, nong nasa resort tayo parang ayoko ng mawalay pa sa iyo, sweetheart."

Hindi napigilan ni Hara ang sarili na mapangiti. Abay bulero talaga ang lalaking ito."Asus, mabulaklak pala ang bibig mo po, ilang babae na ba ang nasabihin mo niyang, ha?"

”Hmmm, just one person."

Napahawak sa dibdib niya si Hara paano kumakabog ito ng malakas. Get na niya ang sinabi nito na one person lang. Di ba siya ang tinutukoy nito naku asyumera talaga siya.”Oh, sino naman? Oh alam ko na iyon babaeng lagi mong kasama di ba?"

Napailing-iling si Harold.”No! Not her!"

Sabi ko na eh ako ngiting-ngiti siya. Ako ba gusto niyang sabihin. ”Eh, sino?"

”Secret!"

Ano raw secret anak ng Dragon. Abay parang gusto niyang maging Dragona para bugaan ng apoy ito para maging letchon tao.

Kahit hindi nakikita ni Harold si Hara, alam niyang naiinis ito sa kanya sa sinabi niyang secret. He click the video call para makita ito.

Gulat naman si Hara dahil gusto ni Harold na mag video call sila. Teka. Teka. Teka. Tumakbo siya sa may salamin para tignan ang itsura baka kasi nag transform siyang Dragona, eh. Inayos lang ang buhok at ngumiti pinindot na ang video."Hi," aniya.

”I miss you, sweetheart!" bungad na tugon ni Harold.

”Para sa akin ba iyan o, para sa secret mo?" Hara, relax nagpapahalata ka na para kang nagseselos, eh. Paalala niya sa sarili.

Napatawa si Harold nararamdaman niyang tila nagseselos si Hara.”Selos ka naman agad, sweetheart!"

"Huh! Ako nagseselos? Kanino naman ako magseselos, aber?"

”Nagseselos ka sa sarili mo, sweetheart. The secret that I said is ikaw!"

Hara automatically smile. Paanong hindi siya ngingiti eh, siya raw ang secret. Wow na wow mapapatili talaga siya.”Sira ka naman pala, eh, may pa secret-secret ka pang nalalaman."

Panay ang tawa ni Harold." Di inamin mo na nagseselos ka nga, sweetheart!"

Nahawa narin si Hara sa katatawa ni Harold, para sa kanya kay sarap pakinggang ang pagtawa nito. Alam niyang she's going to fall for him so hard. At pakiramdam din niya na mahirap na siyang umahon sa pagka-inlove kay Harold.”Ikaw kasi, eh."

”Sweetheart, puwede ka ba bukas?" biglang tanong ni Harold.

Iba ang pumasok sa isip ni Hara sa sinabi ni Harold."Ha? Pu... Puwede saan?"

Napangiti si Harold. Makikita kasi ang mukha ni Hara, may gagawin sila sa sinabi kung puwede ito bukas.”Hey, sweetheart. Isn't what you think!"

”Huh? Think na ano?" Kaila niya.

”We going to make a bebe Hara O, bebe Harold, right?"

Nag-blush si Hara sa sinabi ni Harold.”Bebe?"

”Aha, bebe, baby!"

”Loko ka talaga!"

”I'm serious, sweetheart. Are you free tomorrow?"

”Bakit nga?"

”I have a practice tomorrow, isasama kita, para makita mo kung paano ako makipag-race, gusto mo ba?"

Tatatango si Hara Oo naman, gustong-gusto niya.

”Okay see you tommorow, sweetheart, dadaana kita diyan sa bahay ninyo."

”Sige."

”Teka, lang ha sweetheart. Ako sweetheart ang tawag ko sa iyo. Pero ikaw di mo man lang ako tinatawag na sweetheart. Please call me sweetheart too, sweetheart!"

Para kay Hara naiilang o nahihiya siyang natawaging itong sweetheart, eh.”Ano kasi."

”Kaya mo iyang, sweetheart. Please!"

"Sige na nga. Swe... Sweet... Sweetheart!"

”Say it one more time, sweetheart. Please!"

”Sweetheart, sweetheart, okay na ba?"

”Okay na okay, sweetheart, for now bye na muna, see you tomorrow!"

"Okay, see you tomorrow, sweetheart!"

”Good, sweetheart." Kumaway siya kay Hara bago ini-off ang video.

Kumaway rin si Hara kay Harold. Matapos silang mag-usap para siyang sira-ulo hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Kinuha pa ang unan niyakap ito ng mahigpit. She image na si Harold ang kayakap niya.