Chapter 12

SABAY NA NAPATINGIN sina Hara at Harold sa nagsalita.

"Rod?" sabi ni Harold.

”Kuya?" sabi naman ni Hara. Ang kuya Hero niya ay nasa likuran ni Rod.

Katunayan hindi tulog si Hero kanina nakapikit lamang siya ng maramdaman ang kapatid na gising at dahan-dahan na lumabas nagtaka siya bakit ito umalis eh, anong oras na, agad siyang bumangon at sinundan ito. Hindi siya lumapit sa kapatid na naglalakad lang, nagulat na lang siya ng lumapit si Harold at yakapin si Hara, at halikan ito. Wala siyang masasabi kay Harold, okay naman itong kaibigan, ang ayaw lang niya may mga babae ito at isa na nga si Farrah na laging kasama. Sa tinging nga niya hindi nang seseryoso si Harold sa mga babae. Idadamay pa yata ang kapatid hindi naman siya papayag na lukuhin nito ang kapatid.

Nakita rin ni Rod si Hara na lumabas sa hotel hahabulin sana niya ang dalaga para samaha ito kaso nakita niya si Harold na sumunod kay Hara. Sumunod din siya sa una sinusundan lang nila si Hara pero siya may kalayuan ang distansiya niya sa dalawa. Nagulat na lang siya ng biglang yakapin ni Harold ang dalaga. At nakita niyang walang pagtutol mula kay Hara. So ibig sabihin nito may unawaan na ang dalawa akala pa naman niya wala dahil tila ilap si Hara kay Harold napansin kasi niya ito yon pala there is something between them. Napakunot ng noo siya ng lampasan siya ng isang lalaki at alam niya na ang kuya ni Hara ito. So, ang ginawa niya hinabol niya ito at nilampasan din baka kasi biglang suntukin nito si Harold. Papagitna muna siya sa dalawa. At siya ang nagsalita.

”Anak ng pating, Harold! Ano ito, ha?" Susugurin sana ni Hero si Harold kaso hinarang siya ni Rod payakap na hinawakan siya nito.

”Pare, relax lang, wala naman silang ginagawang masama," sabi ni Rod.

”Anong wala? Tinutuka ni Harold ang kapatid ko. Pare, KAPATID KO!" pagdidiin ni Hero sa salitang kapatid.

”Baka naman may relasyon sila, pare. Kaya relax okay!"

Gulat man si Harold pero agad din nakabawi. ”Hero, let's me explain!"

”Explain? Para saan? Putik, ginagapang mo pala ang kapatid ko!"

Ano raw ginagapang siya ni Harold. Ito naman kuya niya over acting kung magsalita, di ba puwedeng may gusto sila sa isat isa. ”Kuya, ang laswa mo naman magsalita."

”Hoy, Hara. Ang ibig mo bang sabihin ay may gusto ka kay Harold, ha?!"

Ginagap ni Harold ang palad ni Hara." Huwag mo nang saguting ang Kuya mo, ako ang kakausap sa kanya, sweetheart."

Nanlaki ang mata ni Hero sa narinig niyang sweetheart na tawag ni Harold sa kapatid, at ang paghawak nito sa kamay ni Hara. ”Hoy! Hoy! Binatawan mo ang kapatid ko, Harold!" Kanyang sigaw.

”Bakit ka ba nagagalit ha, pare?" tanong ni Rod.

”Sino ba ang hindi magagalit, lalo pa't kapatid mo ang sangkop. Di ba kilala mo si Farrah? Girlfriend niya ito. Ano sabihin mo sa akin paanong hindi ako magagalit, ha!"

”She is not my girlfriend, Hero!" sabat ni Harold.

”Ano? Putik! Ako ba ay niloloko mo ha, Harold? Magkaibigan tayo, pero ang nakahanda akong putulin ito, para sa kapatid ko ayaw ko siyang makitang masasaktan!"

"I'm telling you the truth, Hero. Kaya nga sinabi ko sa iyo na mag-usap tayo, para maintindihan mo ako! "

"Kuya, please. Mag-usap kayo nang maayos," sabat na rin ni Hara.

”Sige, umakyat ka na sa kuwarto."

”Kuya naman," protesta ni Hara.

”Ayaw mo!"

”Sweetheart go, okay lang kami, walang mangyayaring sakitan. I will promise you that," paniguro ni Harold kay Hara.

Kahit ayaw sana ni Hara na iwan sila, sa utos ng kuya at pakiusap ni Harold, sinunod niya ang dalawang lalaki.

Nang wala na si Hara, binitawan na ni Rod si Hero, kung magsuntukan man ang dalawa eh, hahayaan na lang niya huwag lang silang magpatayan.

Inayos ni Hero ang sarili kalmado na siya.”Ngayon sabihin mo sa akin, Harold. Seryoso ka ba sa kapatid, ha?"

”We getting to know each other palang, Hero. I like her yes I do!"

”Hindi iyan ang nais kung marinig, Harold. If you like my sister fine with me. Ang tinatanong ko kung magseryoso ka ba sa kanya, dahil alam ko marami kang babae. At nariyan si Farrah."

”Farrah, is not my girlfriend, Hero."

”Oh, eh. Ano mo siya? Lagi naman kayong magkasama, nakikita ko na kung makakapit siya sa iyo may ibig sabihin. Tila pinapaalam niya sa mga kapwa niya babae na boyfriend ka niya. So, kung ganon ano ang ugnayan ninyo sa isat isa?"

Napabuntong-hininga ng malalim si Harold, paano ba niya sabihin kay Hero na she's just his bedmate o kaya sex lang ang ugnayan nilang dalawa. Damn baka masuntok siya nito kung ito ang isasagot.”Me and Farrah, flirting lang ang namamagitan sa amin dalawa, Hero."

”Oh common, Harold. Hindi ako taong gubat para maniwala sa flirting na iyan. Bakit hindi mo na lang sabihin na she's your sex mate. I am right?"

Napatingin si Harold kay Rod na nakikinig lang sa kanila. Tama naman ang sinabi ni Hero, yes they're sex mate ni Farrah.”Okay fine, nasabi mo rin naman, tama ka nga, Hero!"

Nagtitimpi naman si Hero na hindi suntukin si Harold. Isa lang naman ang nais niyang marinig, kung hindi ba nito sasaktan ang kapatid.”So, ikaw, nakikipag-flirting sa kapatid ko ganon? So, You took advantage to her innocent mind with your sweet talk.”

"Hindi, Hero. I really like her! I promise you, hindi ko siya sasaktan!"

”Fine, pero siguraduhin mo lang, oras na umiiyak ang kapatid ko dahil sa iyo, puta kahit na makulong ako mananakit ako ng tao, kung mahal mo ang kapatid ko mas mahal ko siya I will protect her, ayusin mo muna ang sa inyo ni Farrah, bago mo harapin ang kapatid ko, Harold. Then I will give you my blessing to date her!"

Ngumiti na si Harold.”I will do that, bayaw!"

”Ano bayaw na agad, baka gusto mong masapak kita!"

”If you do that, I will accept, bayaw!"

Napatawa si Rod."So, okay na kasalan na ba?"

Napailing si Hero."Kasal? Sakal puwede pa, mauna na ako sa inyo," aniya.

Tumango sina Harold at Rod, kay Hero.

Nang wala na ito.”Loko ka rin ano, Harold, kaya pala mala askal ang tinging mo sa akin, parang gusto mo akong kagating at ihagis sa pader. Because you're jealous, ng makita mong sweet ako kay Hara."

”Ikaw naman kasi, agad-agad umeksena sa sweetheart ko!"

"Naks, iba ka ngayon ah, sweetheart talaga, eh. Payo ko lang bilang kaibigan mo, talk to Farrah, ipaalam mo na hindi mo siya mahal, sa tinging ko pa naman sa kanya super in love sa iyo ang babaeng iyong. So, do it earlier para makuha mo ang blessing ni Hero. Well if you can't. I'm here nakahanda akong kunin si Hara sa iyo."

”Sira, ano ako baliw na bitawan ang sweetheart ko! No way! And no way na makuha mo siya sa akin, Rod," nasabi niya ito dahil nga may nangyari na sa kanila ni Hara.

”Are you sure, Harold?"

”Yes, dahil akin lang siya!"

"Good, para naman mag seryoso ka na, mauna narin ako sa iyo. Uuwi na ako dahil may practice ako mamaya, di ba ikaw rin?"

Tumango si Harold kay Rod. Ng wala na ang kaibigan."Yeah, kailangan niyang kausapin si Farrah, to ended their sexual relationship.

Hindi naman mapakali sa kuwarto si Hara, sa isip niya baka nagsuntukan na ang kuya at si Harold. Pero ng marinig na bumukas ang pinto nagtulog-tulugang na siya. Dalanging niya sana okay ang kuya at si Harold.

Kinaumagahan, habang sila ay papalabas ng resort, wala silang imikan, tahimik lang si Hara, at ang kuya niya. Pero naiinis siya paanong hindi, heto na naman ang kapit tuko na si Farrah, na nakatali ang kamay sa braso ni Harold. Ang sarap lang putulin eh, nang marating nila ang parking lot. Tumingin siya kay Harold. Na nakatingin din pala sa kanya.

”I miss you, sweetheart!" Walang tunog na sabi.

Nakuha naman ni Hara ang sinabi ni Harold, pero inirapan niya ito. Eh, kasama kaya nito si Farrah. Sumenyas si Harold na lapitan siya para bigyan ng kiss, ngumuso pa nga ito. Aba sinusubukan siya ah, magawa kaya nito. Tumango siya.

Ngumiti si Harold sa pagtango ni Hara, nakaisang hakbang palang siya nang.

”Hara, sumakay ka na," utos ni Hero sa kapatid.

Binilatan ni Hara si Harold, at nagmamadali na siyang sumakay.

Ngiting-ngiti naman si Harold. May pagkabatang isip talaga si Hara. Sumakay na rin siya sa kanyang sasakyan.

Hindi naman napigilan ni Hara ang sarili tumingin siya sa parte ni Harold. Harold smile to her, at sumenyas ito na tawagang siya.

Nakita ni Hero ang pagsenyas ni Harold dahil masakay na siya sa may driver sit. Nang makita na nakatingin ang kapatid kay Harold hinila niya ng bahagya ang buhok nito.”Tama na iyan, "aniya.

”Ouch! Kuya naman!"

”Kuya ka diyan, lumalandi ka, eh."

Aba kailan pa naging istrikto itong kuya niya? ”Nakatingin lang naman ako, Kuya."

”Pareho lang iyon. Huwag mong kalimutan na nakita ko kayo, Hara." Pinaandar na niya ang sasakyan.

"Bye, sweetheart!" sabi ni Harold. Hindi na niya nakita ang reaction ni Hara dahil mabilis ng pinaharurot ni Hero ang sasakyan nito.

”Bye, sweetheart. Para sa akin ba ito, Harold?" tanong ni Farrah, pero may pagtataka sa mukha kasi may bye eh.

”I never call you, sweetheart, Farrah. Alam mo iyan!" malamig niyang sabi.

”Then para kanino ito?"

”Okay, para malinaw sa iyo ang lahat. Dito na tayo mag-usap. O baka gusto mo sa isang restaurant na lang?"

”Are you breaking up with me, Harold?" nararamdaman niya na ito ang gustong sabihin sa kanya ni Harold kaya inunahan na niya.

”What? Breaking up? No, Farrah. Dahil hindi naman naging tayo di ba? Ang alam ko mag kaibigan tayo.”

”What? Friend lang? Then ano ang tawag mo sa ginagawa nating sa kama, ha. Harold?"

"What do you think, Farrah? For me. Ang pagkakaalam ko nilalabas lang natin ang ating init sa katawan, I know ganon ka rin!"

”Ganon ba ang sa akala mo Harold? For you ay isang laro lamang ang namamagitang sa atin. No, for me ay totoo mahal kita!"

Kunot noong tumingin si Harold kay Farrah. Tama nga sinabi ni Rod sa kanya na in love sa kanya ang babae.