Chapter 80 Her Day
Sophia's POV
Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa.
Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon.
While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about.
"Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula... buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na turan ni Killian.
Mahinhing natawa si Beatrice. "Siguro naman, bayad na ako. Hindi mo na ako sisingilin sa pagligtas mo sa 'kin," pabiro niyang sabi.
Madali kong in-undo ang activation ng aking kapangyarihan. Ayaw ko ng ipagpatuloy alamin ang kanilang pinag-uusapan. Sapat na sa 'kin ang mga narinig ko... bilang suporta sa hinalang magkasama sila sa mga araw na wala siyang paramdam sa 'kin.
"Ano na ang balak mo niyan?" Lorena asked.
"Hahayaan ko na siya, kung 'yan ang nais niya. Wala naman akong magagawa kung si Beatrice ang kaniyang pipiliin..."
"Ha? Sigurado ka—"
I clenched my jaw. "... Is that what he thought I would say?"
"What? Wait, Lady Sophia!"
Hindi ko pinansin ang tawag ni Lorena. Bumwelo ako ng takbo patungo sa kanilang kinaroroonan. Naagaw ko ang atensyon ni Killian, hindi ko pa man ginagawa ang binabalak ko.
"Sophia—argh!"
I gave him a blow on his stomach, causing him to wince in pain. Napaupo si Killian sa sahig habang nakahawak sa parte kung saan ko siya sinipa. Hindi maipinta ang itsura niya. Mukhang hindi ko nga nakontrol ang sarili ko, naibuhos ko sa kaniya ang naipon kong sama ng loob.
"Oh my gosh!" gulat na reaksyon ni Beatrice. Namilog ang mga mata niya habang takip ang bibig gamit ang sariling palad.
I glared at her, she flinched. She shortly bowed her head to avoid my gaze. "I am pleased to meet you, the lovely flower of the Asterin Empire, Princess Sophia."
Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya para harapin ang lalaki na 'to. Sinuklay ko ng pataas ang aking buhok gamit ang mga daliri. Huminga muna ako ng malalim bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.
"When you said you'll make me miserable … is this what you meant?" I said, without looking at him. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata dahil feeling ko … mabi-break down ako.
Ayaw kong magmukhang kawawa sa harapan nila. Kung ito na ang maging katapusan ng koneksyon naming dalawa, then so be it.
"Lakas mo pa no'n mag-react. Dismayado ka dahil ang naging tingin ko sa 'yo … character lang ng isang kwento. Tapos ngayon … sa huli, gugustuhin mo rin pala ang bida!" nagtitimpi kong singhal sa kaniya habang nakaturo sa direksyon ni Beatrice.
"Pft—hahahahaha!"
Naging salubong ang kilay ko sa kaniyang reaksyon. Inangat ko ang mukha ko para makita siya ng maayos. Nakalapat ang likod niya sa damuhan habang tumatawa ng parang wala ng bukas. Namumula ang buo niyang mukha hanggang sa leeg. Maluha-luha rin ito't napapahampas pa sa lupa.
Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sobrang kahihiyan. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Hindi naman siguro ako tunog selosa at naging parang tanga 'di ba?
"I don't know what exactly you just heard in our conversation, but I think you misunderstand something here…" he said after fixing his composure. Matuwid siyang tumayo saka inayos ang gusot sa suot niyang gray suit.
"I misunderstand? Ha!" I replied, sarcastically. "Alin do'n? 'Yong kaalamang magkasama kayo sa panahong hindi ka nagpaparamdam sa 'kin?"
He smirked. "I have my reasons."
"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon. Pakinggan natin kung anong alibi ang baon mo—what the heck?" Halos humiyaw ako sa gulat nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng putukan.
Inulan kami ng mga maliliit at hugis parisukat na iba't ibang kulay ng mga maninipis na papel. Wait, are this confetti?
"Happy Birthday, Sophia!" Umalingawngaw sa paligid ang bating 'yon ng mga nagsipag labasan sa kani-kanilang taguan.
Madali kong nilingon ang pinanggalingan niyon. Bumungad sa 'kin ang mga pamilyar na tao na nakasuot ng party hat. May mga iilan na hawak-hawak pa ang party popper, kung saan doon nagmula ang mga tunog na gumulat sa 'kin.
Napapalibutan nila ang kinatatayuan namin nina Killian at Beatrice. Naririto ang mga elf, mga tauhang naninilbihan sa White Dukedom, pati na rin ang mga miyembro ng Nukpana. Lahat sila ay nakabihis ng magarang kasuotan, tila ba ay pinaghandaan nila ang araw na 'to.
Syempre hindi rin magpapahuli ang mga mahahalagang parte ng buhay ko na sina Melrose, Trisha, Mileya, Klein, Francisco, ang magkambal na sina Elios at Elena, at si Emperor White na nakabusangot ang mukha. Sila ang may hawak sa 'Happy Birthday, Sophia' banner.
"Happy birthday to you, happy birthday to you…" sabay-sabay nilang kinanta ang birthday song habang pumapalakpak upang sabayan ang bawat beat.
"Happy Birthday, Princess Sophia," bati ni Beatrice. Nakapatong sa parehong palad niya ang red velvet cake with few cherries on top. Inalapit niya iyon sa mukha ko para maihip ko ng walang hirap ang apoy sa kandilang nakatusok sa gitna ng cake.
"This is my reason. Valid ba?" said Killian.
Bumaba ang tingin ko nang hindi ko siya nakita, paglingon ko sa kanina niyang kinatatayuan. Namilog ang mga mata ko sa nasaksihan, at napaatras ng ilang hakbang. Para akong nabingi. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko na parang may nagkakarerahang kabayo. Wala akong ibang nakikita, nakatutok lang ang atensyon ko sa bagay na hawak niya.
"Noong sinabi kong gagawin kong miserable ang buhay mo, pinagsisihan ko 'yon ng sobra. Sorry dahil nagbitaw ako noon ng salitang hindi ko muna pinag-isipang mabuti. Sorry, dahil nagpadala ako sa emosyon. Sorry, dahil hindi ko inintindi 'yong part mo…"
Nanatili akong tahimik upang hintayin ang susunod niya pang sasabihin. Ramdam ko ang sinceridad sa kinang ng mga mata niya, at tono ng pananalita. His voice is like soft music that caresses my ear and flows to my heart.
Hindi ko alam kung ano ba ang iri-react ko, iiyak ba o tatawa sa itsura niya. Namumutla ang labi ni Killian, at pansin na pansin ang panginginig niya habang nakapatong sa kanang palad ang little cube shape redbox na may lamang diamond ring.
"Nasaktan mo man ako sa mga binato mo sa 'kin, tiningnan mo man ako ng may hinanakit, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko para sa 'yo. Mula noon hanggang ngayon, kahit sino ka pa … si Eliz ka man o si Sophia. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa walang katapusang buhay ko. Mahal na mahal kita…" inabot niya ang kaliwang kamay ko upang hagkan ang likod nito saka binigkas ang salitang nagpaluha sa 'kin ng tuluyan, "Will you marry me? Bawal tumanggi."
"Eh?"
"Hahahahaha! Sigurista talaga! Okay na sana kaso humirit ka pa! Hahahahaha!" Nasira ang magandang atmosphere ng paligid dahil sa pagbulahaw na tawa ni Klein. Ang mga manonood namang nagpipigil ng kanilang sarili ay nakisabay rin.
"Shut up, you old geezer!" naggagalaiting banta ni Killian habang masama ang titig kay Klein.
"Wife, look, he's threatening me ... I'm scared to death, please protect me…" sumbong niya sa katabing asawa habang yakap-yakap ang sarili. Though unfortunately, hindi siya nito pinansin dahil busy si Mileya sa pag-video ng kasalukuyang kaganapan. "She didn't love her husband anymore…" Bagsak ang balikat niya't napanguso, na ikinatawa lalo ng mga nakakakita.
Hindi ko namalayan, nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang inis sa ekspresyon ni Killian. Ang magkabila niyang tenga ay namumula ng parang kamatis.
I slightly bent my knees to bring myself closer to him, and whispered, "I love you too, Shou … and yes, I will marry you."
Sandaling natulala si Killian bago unti-unting nilingon ang gawi ko. Nataranta naman ako nang humarap siya sa 'king tuloy-tuloy ang buhos ng luha niya.
"H-hey! Why are you crying?"
"I-I am just happy…" His voice is shaking.
Nang masuot niya sa daliri ko ang singsing, saka siya tumayo para yakapin ako ng mahigpit.
"Kapag bininyagan mo 'yan kahit wala pang kasal … ako mismo ang kikilos sa pagpugot ng ulo mo, Duke Adir!" bulalas ni Emperor White na kasalukuyang umuusok ang ilong sa galit.
Nagsipag tawanan ang lahat sa tinuran niya.
Ang royal musicians na naka-stand by sa hindi kalayuan ay nagsimulang magpatugtog ng musikang sasabay sa sayang nararamdaman ng mga naririto.
Ang araw na ito … ay naging pinaka espesyal na memorya na tumatak sa puso ko.