Chapter 82: Final Chapter

Sophia's POV

Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice.

Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga.

Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid na baka agawin nila sa kaniya si Lawrence. Sa kaalamang 'yan, doon ako nagsimulang mag-alala para sa sarili kong kaligtasan. Sa paningin ko noon, hindi malabo na baka isang araw may sumaksak na lang sa akin sa likod... dulot ng galit at sama ng loob ng mga taong kinawawa ni Elizabeth.

Para maiwasan ang kinatatakutan kong mangyari, naging resolba ko ang paggawa ng paraan upang malayo sa mga dahilan na maaaring magdulot ng aking kamatayan. Mabagal man ang proseso, ang importante umuusad. Doon ko natutunan na hindi madaling makuha muli ang tiwala kapag nasira mo ito.

Masasabi kong worth it ang effort. Dito ko naranasan ang totoong saya, makatanggap ng pagmamahal mula sa pamilya, magkaroon ng mga taong naging mahalaga sa 'kin, at ganoon din ako para sa kanila.

Nakaramdam ako ng kakontentohan, sa kabila ng katotohanan na hiram ko lamang ang kinapapalooban ng kaluluwa ko sa kasalukuyan. May mga pagkakataon noong hindi maiwasang makaramdam din ako ng ganid... na hangarin at angkinin ang bagong buhay na ipinagkaloob sa akin.

Kung aalalahanin ko naman ang karanasan ko sa mundong pinanggalingan ko bilang Sophia. Lahat ng naging struggle para mabuhay, kumita para makapag-aral, at effort na mapasaya ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwento gamit ang mumurahing selpon. Hindi man masyadong maganda ang kapalaran ko roon ... natuto naman akong maging matatag sa pagharap ng mga problema. Lumawak ang aking pang-unawa na kahit nakakasakal minsan ang kalungkutan ay marami pa ring dahilan para magpatuloy at bumangon sa araw-araw para harapin ang bukas.

"Wala na talagang atrasan?" tanong ni Emperor White. Blanko ang ekspresyon niya, walang kabuhay-buhay ang tono ng pananalita pero nanunubig ang sulok ng mga mata.

Huminto ako sa harapan niya at saka tipid na ngumiti. "Don't worry, Father. If ever na gumawa siya ng kalokohan, ipapa-hunting ko siya sa 'yo," pabiro kong tugon.

"If that happens, I will exile him immediately to this country."

Mahina akong natawa saka isinukbit ang kanang kamay ko sa kaliwang braso niya. Hinarap naming pareho ang pinto hanggang sa unti-unti itong magbukas para kami ay papasukin ng mga royal guard. Ito rin ang naging senyales ng pagsisimula ng pinakahihintay na okasyon.

Sandali akong natigilan upang suriin ang paligid. Ang mga imbitado ay sabay-sabay lumingon sa aming gawi. Lahat ng mga ini-expect kong bisita ay naririto para saksihan ang espesyal na araw na 'to.

Dito mismo sa palasyo ng Emperor gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ng pinili kong makasama habang buhay, sa hirap man at ginhawa.

Sinimulan ng musikero ang pagtipa sa piyano upang sabayan ng musika ang bawat hakbang ko patungo sa dulo ng altar. Habang tinatahak ang daan, diretso lang aking tingin para salubungin ang titig ng lalaking mahal ko.

Killian Shou Adir, ang natatanging kinaaayawan ko noon na makatagpo ng landas. Hindi ko mapigilang matawa kapag inaalala ko ang mga sandaling may kaugnayan sa kaniya. Paiwas-iwas pa ako noon tapos sa huli sa kaniya rin pala ako babagsak. Dapat ko na bang paniwalaan ang katagang... The more you hate, the more you love?

"You're so beautiful..." ani Killian matapos akong obserbahan mula ulo hanggang paa.

Romantic updo with baby's-breath, a fairy-tale princess-like for my hairstyle. Light makeup to emphasize my natural beauty look. I am wearing an off-the-shoulder sweetheart neckline luxury bright white ball gown. Its silhouette is fitted through the bodice and then abruptly flares out at the waist in a round bell-like shape. And, a pair of white lace high-heels for my shoe wear.

"Siguraduhin mo lang na iingatan mo siya. Kung hindi... alam mo na ang mangyayari sa 'yo," banta ni Emperor White bago inalok ang kamay ko. Tinanggap naman iyon ni Killian, saka maingat ako nitong hinatak patungo sa kaniyang tabi.

"Yes, father-in-law," he replied, smirking.

"You dare..."

Tumikhim ang pari para kunin ang kanilang atensyon, at para maiwasan ang namumuong tensyon sa dalawa. Salubong ang kilay na tinalikuran kami ng emperor para tunguhin ang kaniyang magiging pwesto. Naupo siya sa tabi ni Francisco, kahilira nila ang kinauupuan nina Elios at Elena.

"Sa pinagdugtong na buhay nina Killian Shou Adir, at Sophia D. Ark, mangingibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa harap ng Diyos na makapangyarihan," panimula ng pari. "Hiling ko ang buong katapatan ninyong ihayag ang damdamin para sa isa't isa."

"Do you, Sophia, take Killian to be your husband, to have and to hold from this day forward?"

"I do."

"Do you, Killian, take Sophia to be your wife, promising to cherish and protect her, as long as you live?"

"I do."

Sunod ay ang pagsusuot ng singsing sa katipan at ang pagbibitiw ng panata para sa isa't isa.

"I, Killian Shou Adir, vow to protect you from harm, to stand with you against your troubles," he's now putting the ring on my left ring finger, "With this ring, I promise that you'll never have to face the world alone. In the laughter and the silence, I'll be forever by your side."

"I, Sophia D. Ark, promise to be your light to guide you in the darkness and comfort you with warmth in the cold. With this ring, I promise that you'll never have to face the world alone. In the laughter and the silence, I'll be forever by your side."

"I now pronounce you husband and wife. Duke Killian, you may kiss the bride," announced the head priest.

He wrapped his arms around my waist to pull me closer. I closed my eyes, letting myself taste the sweetness of his soft lips touching mine.

"I love you, Sophia..." he whispered between our kisses.

"I love you too, Shou..."

"Congratulations," salitang paulit-ulit na maririnig mula sa mga bisita na sinabayan pa ng palakpakan.

"Blag!"

Nagitla ako sa malakas na kalabog ng pagbukas sa pinto. Nilingon naming dalawa ang direksyon niyon.

Nataranta ang karamihan nang makita ang mga traydor na pinangunahan ni Duke Montero. Nakalabas ang kani-kanilang espada at nakatutok iyon sa direksyon ni Emperor White. Kasa-kasama rin ng mga noble na 'yon ang kanilang Army of Knights.

"A treason!" sigaw ng isa sa mga bisita. May mga ilang babae naman ang nagtilian dahil sa takot.

"Protect everyone!" said Leo to his knights. Nagsikilos din naman ang mga ito at tinungo ang iba't ibang direksyon para siguruhin ang kaligtasan ng lahat.

Si Leo at si Francisco ay nanatili sa tabi ni Emperor White, kasama ang kambal na sina Elios at Elena, pati na rin sina Trisha at Melrose. Nakapalibot sa kanilang pwesto ang Elite Royal Knights na responsable sa magiging safety nila laban sa mga kalaban.

"Talagang sa kasal ko pa piniling magkalat ng mga insektong 'yan," naggagalaiting bulong ni Killian sa sarili. "Do they have a death wish?" Ang parehong kamao niya ay nakayukom ng madiin, at napapalibutan ng malakas na boltahe ng kuryente.

Walang pag-aatubili na hinawakan ko ang kanang kamay niya upang siya ay pakalmahin. "Don't stress yourself out to them," I said, "Let me handle this without spilling blood."

Pinalabas ko ang mga shadows na halos pumuno sa loob ng palasyo. Ang kaninang tapang sa mukha ng mga kalaban ay napalitan ng pangamba sa maaari nilang maging kahihinatnan sa laban.

Binigyang pahintulot ko naman si Zero One na gayahin ang itsura ko't gamitin ang kalahati ng aking kapangyarihan para magkaroon ng kontrol at mabigyan ng suporta ang mga shadow mage. Si Zero Two naman ay sinimulan na ang paglusob kasama ang shadow soldiers.

Ang ancient dragon na si Zero ay nag-anyong bata na sing tangkad at mukhang kaedaran lang ni Elios. "Sa wakas, makakapag-ehersisyo na rin," komento niya habang nakahawak sa batok at pinapatunog ang leeg.

Pinanood kong maigi ang mga nangyayari sa aking harapan. Alam kong hindi matatapos ang ganitong gulo na masasaksihan ko rin sa hinaharap. Bilang isang deity, hindi lang iyan kundi marami pa akong makakasalamuha na iba't ibang klase ng senaryo ng problema.

Sa kabila niyan, panatag akong makakayanan ko ang kahit anong pagsubok na ibabato sa 'kin ng tadhana. Ilang libong taon man mula ngayon ang lumipas, nariyan si Killian para manatili sa tabi ko, at maging katuwang sa lahat ng bagay. May silbi rin talaga ang pagiging immortal niya eh 'no?

~End~