Chapter 1

TAMANG magbubukang liwayway nang magising si Val. Dahil linggo ngayon medyo nalate nga siya bumangon. Usually madilim palang nasa bukid na siya. Gusto sana niyang mag jogging muna pero naisip niya maglilinis na lang siya ng bahay nila.

"Val, anak, anong gagawin mo? Bakit hawak-hawak mo iyan walis tambo?"

"Nay, wala akong trabaho ngayon sa bukid, kaya ako na ang maglilinis ng buong bahay." Ito naman talaga ang balak niya.

"Aba anak, huwag ako na o ang kapatid mo na lamang ang gumawa ng gawain bahay. Magpahinga ka tuwing linggo kana nga lang hindi pupunta sa bukid. Eh, ikaw pa ang gagawa ng gawain bahay."

"Kaya nga Nay, para ikaw naman ang magpahinga, sa gawain bahay. At isa pa wala rito ang anak ninyong dalaga."

"Aba saan na naman ba nagpunta ang kapatid mong iyon? Kay aga-agang magliwaliw."

"Ah, Zeny. Nagpaalam sa akin ang anak mo kahapon, doon siya natulog kina, Jenny?"

"Ano bakit mo siya pinayagan, Artemio ha?!" napataas ang boses ni Aling Zeny.

"Eh, nakiusap naman ng maayos iyon anak mo sa akin, Zeny. "

"Kahit na, Artemio, aba masundo nga ang batang iyon."

"Inay, hayaan mo na siya pag uwi niya saka mo pagalitan," sabat ni Val.

"Ano pa nga ba. Oh, akin na iyan tambo anak, ako na ang maglinis."

"Huwag na Nay, ako na."

"Hindi puwede anak, hala ang mabuti mong gawin sumama ka sa mga kaibigan mo, at nang magkanobya kana rin, " ito palagi ang sinabi sa anak kaso pinapasok lang sa kabilang tenga nito.

"Nay, naman."

"Aba, Val, hindi kana bata, tumatanda ka na, aba ay bigyan mo naman kami ng apo ng Tatay mo."

"Tama ang Nanay mo, Val, matanda na kami, dapat sa idad mong iyan may mga apo na kami sa iyo na tatlo o apat na." sabat naman ng kanyang ama.

"Tatay, ang dami naman ng sinabi mo!" reklamo niya.

"Kulang pa nga anak, dapat anim tatlong babae tatlong lalaki para pantay di ba?"

Napailing si Val."Tay, Nay, darating din ako riyan pero hindi pa sa ngayon."

"Kailan pa anak, baka maunahan ka pa ng mga kapatid mong maliliit. O baka naman kuba na kami ng Tatay mo saka mo pa kami bibigyan ng apong anim."

"Oo nga naman, Val. Iyan kapatid mong si Calvin, may crush na raw sa school nila. Eh, samantalang ikaw anak, kahit crush man lang yata wala ka pa!" birong seryoso na sabi ng ama

"Siguro, Tay, Nay, hindi ko pa nakikita ang babaeng crush ko o mamahalin ko."

"Hay naku naman. Oh, crush wala pa si Kuya, Inay, Itay, apo ba ang hinihiling ninyo kay kuya Val? Hayaan ninyo ako ang magbigay ng apo sa inyo." sabat ng bunsong kapatid ni Val na kadarating lamang.

Isang batok naman ang ibinigay ng Tatay nila rito."Tarantado kang bata ka, ah! Kay liit-liit mo pa alam mo na ang ibig sabihin ng apo!"

Napatawa naman si Val sa ginawa ng ama sa kapatid.

"Aray ko naman Tay, ang sakit nong, ah!" Hinimas nito ang batok.

"Aba, nagreklamo kapa baka gusto mong dagdagan ko pa iyan ha, Calvin?!"

"Hindi po Tay, masakit kaya," maamong sagot nito.

"Oh, Zeny, tutal si Val na ang nag prisentang maglinis ng bahay, samahan mo na lang ako sa bayan, para mamili ng mga abono."

"Pero, Artemio!" prostesta ng ginang

"Nay, sumama ka kay Tatay, ako na ang bahala rito sa bahay."

"Oh sige na nga, hintayin mo ako Artemio, magpapalit lamang ako ng damit ko."

"Bilisan mo lang Zeny, huwag ka ng mag make up pa ha?" biro ni mang Artemio sa asawa.

Inirapan naman ni Aling Zeny ang asawa.

Napailing at napangiti naman si Val sa magulang. Wala siyang masasabi sa mga ito, may tampuhan man kaagad naman nilang inaayos ito. Lalo na ang kanyang ama palaging sinusuyo ang ina pag nagkagalit silang dalawa. Ito ang gusto niyang buhay tahimik masaya na minsan magulo.

Nang makaalis ang magulang. Inutusan ang kapatid na mag igib ng tubig. Inumpisahan naman na ni Val ang paglilinis ng bahay. Tila siya nag aerobic. Lampaso dito Lampaso doon ang ginawa niya. Maliit lamang ang bahay nila kaya kaagad niya itong natapos.

Nagpahinga muna siya sandali. Pagkatapos siya'y nagluto nang panangtalian nilang magkakapatid.

Nang makaluto na tinawag niya ang mga kapatid na nasa kabilang bahay lamang.

"Calvin, Lenny!"sigaw niya sa dalawang kapatid.

"Kuya, bakit?"sigaw din ng dalawa.

"Anong bakit, umuwi na nga kayo, tayo'y kakain na."

"Opo Kuya, nariyan na kami," tugon nila.

Nakahain na siya ng dumating na ang dalawa niyang kapatid na kaagad humarap sa hapag kainin.

Ganon si Val maasikaso sa mga kapatid. Sabi nga nila perfect to be a good father. Ang tanong kailan kaya ito mangyayari?

"Hep, hep, kayong dalawa maghugas muna kayo ng kamay ninyo bago kumain, dali hugas ng kamay," utos niya sa dalawa.

"Kuya, gutom na ako eh," sagot ng isa niyang kapatid.

"Hindi ka kakain, Lenny, hanggang hindi hinuhugasan iyan kamay mo. Bahala na iyan mga bulate mo na magrambuman sa gutom," panakot niya sa kapatid.

"Kuya naman," anito pero kaagad narin na tumayo para maghugas ng kamay.

Pagkatapos nilang mananghalian nagpaalam naman ang dalawang kapatid na paglaro sa kapitbahay nila.

Dahil wala na siyang gagawin nahiga muna siya sa sala ng may narinig siyang tumunog.

"Saan kaya ang tumunog na iyon, parang ring tone, ng cellphone ah, kanino kaya?" Bumangon siya para hanapin ito.

Hinanap niya sa buong bahay pero wala siyang nakita."Baka kay Mimi, iyon kinuha ni Nanay," wala siyang makita bumalik muli sa sala para mahiga.

Pero tumunog muli ito kung kayat pumasok siya sa silid ng magulang.

"Hmmm, sabi ko na nga ba eh kay Mimi," nakita niya ito sa loob ng cabinet isasarado na sana niya ito ng may nakita siyang parang papel na nasa ilalim ng damit.

"Ano kaya ito?" kinuha niya akala niya papel lamang ito."Huh? Sino kaya ito guwapo niya ah, kilala kaya siya ni Nanay? Matanong ng pag-uwi nila ni Tatay kung sino ang nasa larawan ito?" Hindi na ibinalik na niya ang larawan binulsa ito lumabas na siya sa silid ng magulang.

"Hi, kuya Val," ang kapatid niyang dalaga na kararating lamang.

"Oh, bakit ngayon ka lang umuwi, Mimi, saan ka na naman ba galing ha?''

"Kuya, kina, Jenny."

"Aba, Mimi, baka naman nakikipag ligawan kana kung saan-saan ha?"

" Kuya, hindi naman, ah. "

"Heto ang tandaan mo Mimi, my bahay ka kung gusto ka nilang ligawan dito sa bahay mismo, sabihin mo iyan sa gustong mangligaw sa iyo. Baka kung makita ko pana sa daan ka nililigawan aba ay makakasapak ako!"

"Si Kuya talaga napaka istrikto niya, ikaw kaya ang mangligaw.''

"At bakit ako?"

"Kasi po, tumatanda kana," may ngiting sagot ng kapatid.

Hindi naman kaagad nakasagot si Val sa sinabi ng kapatid.

"Si Kuya nag isip pa, huwag ka nang mag-isip pa, you are too old na no," kanyaw nito.

"Iyan ba ang akala mo, may dear sister, ito lang naman ang masasabi ko kalabaw lamang ang tumatanda tandaan mo iyan."

"Oh really, my big brother, show me, magpakilala ka nga ng girlfriend mo sa amin?" hamon nito.

Napailing naman si Val sa sinabi ng kapatid. Saan naman siya kukuha ng girlfriend nililigawan nga wala pa. Eh, nobya pa kaya.

"Kitam, di matanda kana Kuya, baka naman bulok na iyan sperm mo."

Napakunot ng noo si Val sa narinig."Ano iyan pinagsasabi mo ha, Mimi?"

"Kuya, ang linaw ng sinabi ko na, SPERM O SIMILYA mo, kasi po hindi mo na ilalabas ito," may pilyang anito.

"Aba, Mimi, may alam kana sa bagay na iyan teka nga nakakita kana ba ng sinabi mo ha?"

"Ha-eh?" bigla itong kinabahan.

"Anong, ha-eh? Ito ang tandaan mo, Mimi, pag nalaman ko lang na meron kang ginawa na hindi maganda ibibitin kita sa puno ng mangga na may mga hantik para magtanda ka. Ka dalaga mong tao kong saan-saan ka nakikitulog my bahay ka naman,'' sermon nito sa kapatid.

''Oh, ano, na naman iyan pinagtatalunan ninyong dalawa, ah?'' ani ng kanilang ina na kadarating lamang.

Nagkatingin silang magkapatid. Ang tingin ni Mimi sa kuya niya ay nagmamakaawa na huwag sabihin sa ina ang naging usapan nila. Sigurado abot kanto ang sermon nito sa kanya.

Pinanglakihan naman nang mata ni Val ang kapatid. Tila sinsabi ng tingin na bahala kang maagalitan.