KABANATA 59
"Mimi, are we going to buy baby clothes for my baby sister?!" she excitedly squealed.
Napatalon pa siya sa kandungan ko ngunit sinuway siya ni Draco na nasa daan ang tingin.
"Behave, Baby. Your sister will get mad," anito bago ngumisi.
"Oops, I'm sorry, I'm just excited! I wanna see her and watch Peppa Pig with her!"
Napanguso ako at napahilot na lang sa sentido. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip nilang mag-ama at iniisip na babae ang baby.
"Calm down, we didn't know the gender yet. This might be a boy," mahinahong pakiusap ko ngunit hindi naman nawala ang sigla ni Mareng.
"It's okay, I'll name him George. I'll be Peppa, then Didi will be Daddy pig, Mimi is Mummy pig, and then Lolo is Granpa pig, and Lola is Granny pig!"
"The fudge!" mura ni Draco bago napapreno.
Hindi ko mapigilan ang panlakihan ng mata at mapasapo sa noo ko sa narinig mula kay Mareng. Gusto ko lang maging Nanay pero hindi maging baboy.
"Baby, we're human, okay? Remember that," nakangiwing paalala ni Draco kay Mareng.
"But, we're family! And they are family too!" she foughted.
I sighed and hugged her from the back, "But we're not pigs, Baby."
She pouted, but never argued again. Himalang tumahimik siya at niyakap na lamang ako. Dinantay pa nito ang ulo niya sa aking dibdib.
Napangiti ako roon. Kahit na alam kong matutuwa siya na magkaka-baby na ay hindi pa rin maialis sa isip ko na baka magselos si Mareng lalo na kung babae. Mabuti na lang at hindi. Natutuwa ako na natutuwa ito.
Nawala roon ang iniisip ko nang makitang imbis na sa palengke ang tungo namin ay sa isang coffee shop ang maneho ni Draco.
"Akala ko ba bibisitahin natin ang store?" kunot-noong baling ko sa kanya.
Sinabi niya kaninang umaga na sa store ang punta ngunit heto at iba ang destinasyon.
"Yes, but we need to attend the meet up that you set, remember? You want me to have closure with Kim, right?"
Wala namang tunog ng sarkasmo ang boses niya ngunit hindi ko maiwasang mainis.
"Gusto mo talagang makipagkita sa kanya? Bakit? Nagbago na isip mo-"
"Of course not, Baby. Kahit pa tigressa ka hindi na magbabago ang isip ko-"
"Draco!" Sinamaan ko siya ng tingin na mahina niyang kinatawa.
"We're perfect match, didn't you know? A tigress and a badboy." He smiled, then winked at me.
Sasagot pa sana ako at sasabihing hindi ngunit tinigil na niya ang sasakyan sa harap ng coffee shop. Umahon na rin si Mareng at umalis sa kandungan ko.
Bumaba na si Draco at mabilis na umikot sa pwesto namin upang buksan ang pinto. Maingat pa nitong binaba si Mareng bago ako alalayan pababa.
"Hindi pa ako baldado, Pareng Drake. Huwag ka ng magpa-goodshot." Nginisihan ko siya na kinailing at kinatawa niya nang mahina.
Ngunit noong papasok na sa coffee shop at matanaw na ang nakaposturang si Miss Kim ay nalusaw ang ngisi ko. Mukha itong kagalang-galang kahit pa madilim ang pagkakapula ng mga labi niya. Gumuhit pa ang mahinhing ngiti rito nang makita si Draco at Mareng at talaga yatang bulag ang guro pagdating sa akin.
"Drake, good thing you are safe! I got worried. So, when are we going to Guimaras?" nagagalak na bungad nito. Napatayo pa at nilahad ang upuan sa harap niya.
"About that, Mareng has something to say to you," ani Draco.
I kept a poker face, refusing to participate in this conversation, despite the fact that I wanted to yell rants at her.
"Yes, Mareng Baby?" malambing nitong tawag kay Mareng.
Mareng looked at me, asking for permission, so I nodded. Doon lang yata ako napansin ni Miss Kim dahil nawala ang ngiti nito nang masalubong ang mga titig ko.
"Buhay ka pa pala-"
"Of course. I will. Even if I die, I will still live, if you know what I mean." Ngumisi ako at kumapit sa braso ni Draco.
I will always live in Draco's heart, mind, and soul. Basta huwag lang siyang magloko!
"Uhm. Can I talk now?" si Mareng na inosenteng nakatingin.
"Sure, Baby." Then, I nodded at her, encouraging her to speak her mind.
"Uhm. Miss Kim, I want to apologize for inviting you to go with us. And I'm sorry, but I'm choosing my real Mimi."
Kita ko ang pag-awang ng mga labi ni Miss Kim. Maging ako man ay nagulat sa sinabi ni Mareng dahil una sa lahat hindi niya kailangang mag-sorry. Sa alaala ko ay si Miss Kim ang nag-brain wash sa kanya.
Gusto kong magreklamo ngunit pinigilan ako ni Draco. Maingat ngunit may kahigpitan na hinapit nito ang bewang ko. Ramdam ko rin ang pagkapit ni Mareng sa palad ko kaya't mas lalong nawala sa loob ko na pagalitan ang guro.
"And we're pregnant, Miss Kim!" masiglang dugtong ni Mareng na bumuhos ng init sa puso ko.
"You're pregnant?" bumagsak pa ang tingin nito sa tiyan ko.
Nang mag-angat ang tingin niya ay mayabang akong ngumiti ngunit naglaho rin nang ngumisi ito.
"Ah, kaya ka siguro pinili kasi nga buntis-"
But I didn't hear anymore of her words when Draco covered my ears as he guided me to walk outside the coffee shop. Mahigpit rin ang kapit sa akin ni Mareng na sinasabayan ang lakad ko.
"Don't listen to her. Like I told you, even without a baby, I will always choose you," he murmured, and that made me calm down.
Magtiwala, Veron.
At iyon ang gagawin ko, ang pagkatiwalaan siya. Hindi naman nasusukat sa pagkakamali ng tao kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay. All I know is that Draco will always be my bad-ass boy.
Matapos sa coffee shop ay akala ko diretso na kaming palengke ngunit nagtagal pa ang biyahe namin sa kalsada, nakatulog na nga rin si Mareng sa kandungan ko. At halos murahin ko si Draco nang makita ang Roro terminal.
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit ngisi lamang ang sinukli niya.
"Pupunta tayong Guimaras?! Ni wala akong bitbit na gamit-"
"Doesn't matter, you don't need them-"
"What's the actual fuck, Draco?!" putol ko sa kanya.
Hindi na naman matinong kausap!
"You and me, under the sheet." He chuckled.
I groaned and rolled my eyes at him. Nagawa pa niya akong tawanan nang malakas bago tinigil ang sasakyan. Sana lang huwag manahin ng anak ko ang ugali niya. Tama nang nakuha ni Mareng ang ilan.
Sa inis ko ay hindi ko siya kinausap sa byahe. Si Mareng lang ang inasikaso ko.
Halos madilim na ng makarating kami sa mansyon niya. Hilera na naman ang mga kasama niya sa bahay kahit malamig at mukhang marami pa ang lamok.
"Good evening, Sir Draco. Ma'am Veron!"
Tumango ako kahit inaantok na. Masakit na rin ang batok ko mula sa biyahe.
"Mimi, can we sleep now? I'm tired," si Mareng na buhat ni Draco. Niyukyok pa nito ang ulo sa balikat ni Draco ngunit ang tingin ay nasa akin.
"Let's eat first, then sleep, Baby."
Ngumiti ako sa mga kasambahay bago sumunod kay Draco. Nilahad nito ang palad niya na agad kong hinawakan upang magkasabay kami paakyat sa hagdan.
"Careful. Watch your steps," paalala nito kahit pa maliwanag naman ang mga ilaw na nakahilera sa magarbong hagdan.
I knew then that he was not just an ordinary vendor of mangoes. Duda na ako noon pa man na may kaya siya lalo pa't lahat ng bigay niya ay bago at may halaga. Kaya pala hindi niya inaalala kung magkano man ang magastos niya dahil kayang-kaya niyang magwaldas ng salapi.
"Is this enough?" anito pagkalagay ng pagkain sa plato ko.
Napaingos ako sa sobrang dami niyon. Pinuno niya ng paella at lechon manok.
"Sobrang dami. Hindi ko mauubos ito." Binalik ko pa sa plato niya ang kalahati na kinakunot ng noo niya.
"What about the baby? Is she not going to get hungry later in the night?"
"Yes, Mimi. My baby sister might get hungry. You should eat a lot like me." Pinakita pa nito ang laki ng subo niya sa paella.
Nagtitimpi akong pumikit. Pagmulat ko ay ganoon pa rin ang hitsura nilang mag-ama. Seryoso at naghihintay sa reaksyon ko.
"It's still blood-"
"Still our baby," mabilis na salo ni Draco.
"Yes. My sister," segunda rin ni Mareng.
Napasapo ako sa noo ko at nailing. Ano pang laban ko kung pinagtutulungan na ako?
"Dadagdagan ko na lang ang kakainin ko pero hindi ko uubusin 'yan." Tinuro ko pa ang kalahati ng pagkain.
"Hm, sure, Baby. I'll eat the rest, then I'll-"
"Draco!" nagbabantang pigil ko.
Pakiramdam ko kasi alam ko na ang sasabihin niya ngunit imbis na ngumisi ito ay nangunot pa ang noo niya.
"What? Did I say something wrong?"
Napaglapat ko ang aking mga labi at pinag-initan ng mga pisngi. Epekto yata ito ng pagiging buntis kaya't iba ang nasa isip ko.
"I thought you'll say, "I'll eat you," mahinang bigkas ko, takot na marinig ni Mareng.
Ngunit traydor si Draco dahil humalakhak pa ito.
"Sure, Baby. I'll you later."
Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang tinampi sa braso nang makitang nagsalubong ang kilay ni Mareng. Kinurot ko pa ang tagiliran niya na kinangiwi niya. Hindi nag-iingat!
"Why would you eat Mimi, Didi?" kuryosong tanong nito.
Naputol ang tawa ni Draco at napangiwi sa tinging pinupukol sa kanya ni Mareng.
"Are you zombie, Didi?" dagdag pa nito.
Napakamot ng kilay si Draco habang ako naman ang nagpipigil na mangisi. Tingnan ko lang kung paano niya lulusutan 'yan!
"No, Baby. You heard me wrong. Did I say eat? I said feed-"
"Didi, I'm not deaf! I heard you!" Pinagkrus nito ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib.
Nilingon ako ni Draco ng maamo, nanghihingi ng tulong ngunit tinaas ko lang ang kilay ko bago nagpatuloy sa pagkain.
"Didi, I don't want you to be a zombie, so don't eat Mimi. Please!" Nag-puppy eyes pa ito.
Alanganing tumawa si Draco bago tumango.
"Sure, Baby. Walang kainan."
Kagat ko ang labi at pigil ang matawa sa aburido nitong itsura. Nawalan din ng angas ang asul niyang mga mata at tila labag sa loob ang sinabi niya.
"That's better!" si Mareng na kumbinsido.
Hindi ko alam kung paano nairaos ang hapunan sa ganoon. Talo si Draco kay Mareng nang magpumilit itong tumabi sa amin sa pagtulog. Pumwesto pa siya sa gitna. Dinig ko ang protesta ni Draco dahil doon kaya naman napangisi ako.
"Baby, your Mimi is safe with me. I won't eat her," suyo pa niya.
"You're a traitor, Didi. I won't believe you. I'll stay here." Humarap ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
I saw how Draco knotted his brows and asked for my help. He did even mouthed, "Help me, please."
I arched my brow and mouthed back, "Better luck next time."
He groaned while I hugged Mareng tightly as I flashed my smirk.