KABANATA 52
I don't know if I should be happy that the last two weeks made me feel like this is my future life.
A life with Draco and Mareng.
"Are you sure you don't want to go with me to the store?" Yumakap ito sa bewang ko mula sa likod at inamoy pa ang balikat ko.
I smiled and met his deep stare from the mirror.
"Nope. Maghahanap ako ng trabaho."
Umungol ito ng protesta at siniksik ang ulo sa leeg ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang pumulupot din ang isa niya pang braso sa aking tiyan.
"You can work on the Nearest Bank again. I can ask Gueco to hire you-"
Wala sa oras na napaharap ako sa kanya at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.
"Don't do that! I want to be accepted because I am qualified, not just because you said so." Umiling ako sa kanya at pinaningkitan din siya ng tingin.
Hindi ko pa nakalilimutang siya ang nagrekomenda sa akin sa Nearest Bank para sa internship kaya't ayaw kong ganoon na naman ang gagawin niya ngayong naghahanap ako ng trabaho.
"Can you please stop meddling with this? I want to at least try my luck and be hired without your connection."
Humigpit ang yakap niya at ramdam ko ang pag-amoy nito sa palad ko at marahang pagkagat roon dahilan upang maialis ko iyon sa bibig niya.
"I just want things to be easier for you. If it's me, I don't want you to work anymore, but I know that's against your will."
Napanguso ako sa sinabi niya ngunit napangiti matapos nitong patakan ng halik ang mga labi ko.
Nag-angat ako ng tingin at nahuli ang nangingiti nitong mga mata.
"Why don't you just be my accountant?" he offered.
Mabilis akong umiling at lumayo. Ayaw pa nga nitong bitiwan ang bewang ko kung hindi lang nito nalingunan ang oras at makitang mahuhuli na sa klase si Mareng.
"Send Mareng to school now, Draco. Ayaw no'n ng na-le-late."
"Fine. But remind me later to review your resume so I can validate your credentials," he said, then chuckled.
"Oo na! Kapag hindi ako natanggap, sa'yo ako mag-a-apply."
Tinulak ko na ito papalabas ng kwarto, sakto lang na madatnan sa sala si Mareng. Lukot na ang mukha nito at matalim na ang asul niyang mga mata.
"What took you so long, Didi?"
"Nothing, Baby. Is this your last week in school?" si Draco na agad binuhat si Mareng.
"No. We still have two weeks before the moving up ceremony. Mimi! Half-day lang kami ngayon. I want some spaghetti later when I get home!" Ngumisi ito at kinurap-kurap pa ang mga mata.
"Oh sure, Baby. Be good at school!" Nag-flying kiss pa ako nang nasa pinto na.
"You do know your Mimi is not a good cook, Mareng. We'll just buy it at the fastfood when we're on our way home-"
"Draco! Magtigil ka diyan!" inis kong sigaw matapos marinig ang sinabi nito.
Humalakhak lamang ito bago ako mabilis na hinalikan sa noo at tuluyan nang lumabas habang buhat si Mareng.
I smiled when he waved his hand before manuevering the car. I even saw Mareng wave her hands at me and give me a flying kiss that made my heart warm.
Hindi mawala ang imaheng iyon sa isip ko. Nangingiti pa ako nang magsimulang magluto ng spaghetti. Kahit nang pumasok sa loob bahay si Aling Flor ay hindi mawala ang ngiti ko.
"Ano, Veron? Nakapagpatingin ka na ba?" tanong nito na nakapagpawala sa ngiti ko.
Hindi ko pa nasasabi ang problemang iyon kay Draco at tingin ko hindi naman na kailangan. Sa kanya na mismo nanggaling na kahit walang baby ay ayos lang. Iyon na muna ang panghahawakan ko.
"Uhm. Hindi po ako tumuloy. Hindi naman na po kailangan. Hindi naman po naghahanap ng baby si Draco. Blessing na lang po siguro kung mabibiyayaan." Pinilit kong ngumiti bago muling hinalo ang sauce ng spaghetti.
"Sabagay, may Mareng na rin naman kayo. Isa pa, mabubuntis ka pa naman siguro ulit. Hindi naman siguro imposibleng magkaroon ka pa ng isa pang anak bukod kay Mareng."
Natigilan ako dahil doon. Nakagat ang labi sa kaisipang hindi ko nga pala nasabing hindi ko anak si Mareng. Tumikhim ako at nagdalawang isip pa kung sasabihin ko ba kay Aling Flor. Ngunit sa huli ay bumuka rin ang mga labi ko.
"Hindi ko po anak si Mareng. Anak po siya ni Draco pero hindi po ako ang Nanay," nakayukong bigkas ko.
Hindi ko alam ngunit tila nabunutan ako ng tinik dahil doon kahit pa nanahimik si Aling Flor at tila nagulat pa sa pag-amin ko. Imbis na kabahan ay ngumiti ako nang mapait. Siguro kasi ang tagal ko nang gustong may masabihan noon ngunit wala akong mahanap na tamang tao.
"Ulitin mo nga, Veron. Nabingi yata ako." Alanganin pang tumawa si Aling Flor.
"Mahal ko po si Mareng at tinuring na anak kahit pa hindi po ako ang Mama niya-"
Agad akong natigilan matapos marinig ang pagbagsak ng pinto pasara. Tinungo ko ang sala at halos mamutla pa ako nang makita roon si Mareng na masama ang tingin sa akin.
"Mareng-"
But I didn't finish my sentence when she dashed into her room and slammed her own door.
Napaawang ang mga labi ko at nahihiyang liningon si Aling Flor at humingi ng pasensya. Mabuti na lang at nakakaintindi itong tumango bago umalis.
Huminga ako nang malalim at pinilit kinalma ang kabog ng puso ko sa nakitang itsura ni Mareng. I knew then that there was a rising problem that I needed to settle with her. Kaya naman nang buksan ko ang pinto sa kwarto niya ay kinabahan na ako sa galit niyang tingin.
"What's wrong, Baby? Hindi ba ay mamaya pa ang uwian mo?" mahinahon kong tanong.
Hindi siya sumagot kaya naman lumapit na ako at dinama ang noo niya ngunit agad niyang pinalis iyon.
"Sinong naghatid sa'yo? Sana ay tinawagan mo ako para nasundo kita-"
"Miss Kim sent me home. And now I want you to leave."
My lips parted and I think my world got still with that. Sinubukan ko pang hawakan ang braso niya ngunit umiwas ito. Ni hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya.
"What, Baby? Why do you want Mimi to leave?" mas mahinahong tanong ko.
Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ko nang makita ang unti-unting pagsibol ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Tila piniraso ang puso ko dahil doon.
"I want you to leave! Leave me alone! Leave this house! And leave us! We don't need you! Hindi ikaw ang Mama ko!"
Sinipa nito ang kamay ko na kinaatras ko. Ngunit hindi ko iyon alintana lalo pa't hindi ko maitago ang gulat sa mga sinabi niya. I know she's just a kid and maybe she's not serious about what she said.
Mahinahon akong bumuntong hininga at sinalubong ang galit niyang tingin. Pula na ang ilong niya at namamasa na ang asul niyang mga mata na siyang kinahina ko.
"I am your mother, Mareng-"
"No! You are not my mother!"
Namilog ang mga mata ko dahil doon. Kasasabi ko lang kanina niyon kay Aling Flor at malabong narinig iyon ni Mareng.
"What are you saying, Mareng? Mama mo ako, Anak." Sinubukan ko pang haplusin ang buhok niya ngunit winaksi niya rin ang kamay ko.
"No! You are not! Teacher Kim said that your name is not on my birth certificate. She said, my mother is Mara Yumang. Not Verona Hernandez! You are not my mother!" naghihinakit na sigaw niya na siyang bumasag sa akin.
I was taken aback and surprised that I wasn't able to find any right words to say.
"Sabi ni Miss Kim hindi kita Mama. Iba ang Mama ko!"
"W-hat? Mareng, ako ang Mama mo. Bakit ka maniniwala kay Miss Kim? She wants your father, that's why she wants me out of the picture-"
"But she is telling the truth, right?" mahina niyang tanong na kinatigil ko.
Mas lalo akong natigilan at hindi makapagslita dahil doon. I know there will come a time when I will need to tell the truth, but not now. She's young and definitely not able to understand everything.
"Miss Kim said she is willing to be my mother once you leave. So leave-"
"Ano ba'ng pinagsasabi mo, Mareng?! Ako ang Mama mo! O kahit hindi pa, anak pa rin kita!"
Tila sumabog ang kaisipan ko sa nangyayari at hindi maiwasang mag-panic lalo pa't naging malamig ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung ano lahat ang sinabi ni Miss Kim sa kanya ngunit hindi pwedeng itakwil ako ng anak ko!
Suminghot ako at pinigilan ang umiyak. Wala rin itong nagawa nang hawakan ko ang magkabilaang balikat niya at pilit hulihin ang kanyang tingin.
"Listen, Baby. It's hard to admit that I am not your real mother, but I became a mother to you, Mareng. I threw away my youth just for you. I threw my dreams, my dignity, and even my body at your father just so I would not lose you," humugot ako nang malalim na hininga bago siyauling tiningnan.
"And yet I am losing you. I caught every harsh word and harsh thing, and I am wholeheartedly willing to catch a bullet just for you, Baby. Please don't make me leave."
Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko ngunit tila wala lang iyon kay Mareng na malamig ang tingin sa akin.
"But you don't have to do all of those because you are not my mother, Miss Veron."
Miss Veron?
Kusa kong nabitiwan ang mga balikat niya at nawalan ng lakas dahil doon. Hindi ko alam kung nabibingi lamang ako ngunit pinaniwala ko ang sariling hindi iyon narinig.
"Miss Kim told me, she told me, you don't really love me because I a-m not your r-eal d-aughter. That is w-hy your e-yes aren't b-lue, that is why we d-on't have the same b-rows, that's why you are unable to fetch me in school, you are always l-ate, and you do not l-isten to me."
Ilang beses akong umiling at hindi matanggap na nainiwala ito kay Miss Kim. Ngayon ko gustong makita ang guro at sabunutan sa lahat ng sinabi nito.
"That is not true, Baby. Mareng, I am still your mother. Mama mo pa rin ako, Anak! Hindi mo pwedeng baguhin 'yon. That will kill me, literally." Inalog ko ang mga balikat niya ngunit winaksi niya lamang ulit ang mga kamay ko.
Malamig niya lamang akong tiningnan kahit pa pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Mas lalo lamang akong nasaktan sa nakikita kong paghihirap niya.
"I don't want you here, anymore, Miss Veron. You lied to me. You made me believe you were my mother. So please leave, Miss Veron," malamig niyang bigkas.
Miss Veron? Again?
Hindi nga ako nabibingi at talagang Miss Veron na ang tawag niya sa akin.
She no longer calls me Mimi.
And that kills me more than a million times. It felt like a million sharp knives stabbed me countless times. Tearing me apart, piece by piece. causing me to bleed and be wounded.