KABANATA 44
"Ikaw ang live-in partner ng anak ko?" si Mama na lumilibot ang tingin sa bawat tattoo ni Draco.
Alam ko kung gaano kaasiwa si Mama lalo na sa mga lalaking may maraming tattoo. Taliwas iyon sa paniniwala nila at hindi nito panigurado tanggap.
Gusto ko na lamang lumubog sa lupa sa sitwasyon. Bakit kasi kailangang ngayon pa siya umuwi?!
"Yes, Ma'am. And here's Mareng, my daughter." Hinaplos pa nito ang buhok ni Mareng na abala sa pagkain ng manok.
Mabuti na nga lang at napilit ko silang huwag na munang mag-grocery. Hindi ko rin mabibitbit ang mga iyon lalo na kung nasa ganitong sitwasyon. Nirason ko na lang na gustong kumain ng manok ni Mareng sa fast food. Sa maraming tao upang hindi makasigaw si Mama.
"Your daughter? Ibig mong sabihin-"
"Our daughter, Ma. Anak po namin," agap ko sa sasabihin pa ni Mama.
Agad na tumaas ang kilay ni Mama at naningkit ang mga mata kay Mareng na nasa pagitan namin ni Draco. Inosente lamang ngumuso ang bata bago ako nilingon.
"Nothing, Baby. Just eat," I mouthed.
Tumango ito at balewalang nagpatuloy sa pagkain.
"Yes, Ma'am. My daughter-"
"Draco!" simpleng angil ko upang hindi niya ituloy ang ano mang balak niya.
Hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamao nang lingunin ako nito at tila hindi ako balak pakinggan. Balak ba niyang sabihin kay Mama na hindi ko anak si Mareng?!
Nagtagis ang bagang ko at pasimpleng umiling sa kanya. Napabuntong hininga lamang ito bago uminom sa baso ng tubig.
"I think we need to go home, Ma'am. Ipahahatid ko na lamang po kayo-"
"I can go home alone, Mister whoever you are." Tumayo si Mama at binalingan pa ako ng tingin, "Sasabihin ko ito sa Papa mo," anito bago tuluyang tumalikod at binitbit ang bag niya.
"Bye, Grandma!" sigaw ni Mareng ngunit hindi iyon nilingon ni Mama.
Nang wala na ang bulto ni Mama ay masama kong tiningnan si Draco. Bahagyang nakagilid ang ulo nito habang ang mga asul na mata ay sinasalubong ang tingin ko.
"Asshole! Respeto na nga lang hindi mo pa maibigay," simpleng angil ko.
Hindi man lang niya hinintay na kusang magpaalam si Mama at talagang nagpahiwatig pa siyang kailangan na naming umuwi!
Why did I even try to get this man?! Simula pa lang naman ay hambog na.
"I didn't do anything to disrespect her, Verona. She chose to go home-"
"That is because you pointed out that we'll be going home! Bakit ba kasi nagpakita ka pa?! Nanatili ka na lang sana sa puno ng mangga." Umingos ako at agad na inayos ang bag na dala.
"Really? You don't want to see me? Na-huh, I will always run after my daughters." Bumagsak pa ang tingin nito sa impis kong tiyan.
Napamaang ako at napakurap. Hindi inasahan ang sinabi niya. Plano niya sigurong habulin lang ay ang mga anak niya!
"Sorry? Come again? Kahit siguro mabuntis ako ngayon ay hindi ko na ipapaako sa'yo!" Ngumisi ako at tumayo.
"Just try, Verona. You don't want me mad, don't you?" sa mabalasik niyang boses.
Bumuka ang mga labi ko at handa ng sumagot kung hindi lang tumikhim si Mareng.
"Uhm, parents. Huwag po kayong mag-away. Papangit po ang baby sister ko." Yumakap pa ito sa bewang ko at hinalikan ang tiyan ko.
Napakurap ako muli ngunit natigilan matapos makita ang pagngisi ni Draco at pagmamayabang ng mga tingin.
"She is on her way, Baby," anito kay Mareng na akala mo ay sigurado.
Mariin akong pumikit at imbis na sumagot ay nagyaya na lamang akong umuwi. Hindi rin naman ako mananalo. At hindi ko alam na mas ma-ha-high blood ako pagkarating sa apartment.
His two big suitcases are peacefully resting in front of my apartment. I pursed my lips as I glanced at his closed apartment door.
"Ano na naman 'to, Draco?!" may gigil na bigkas ko at namewang sa harap niya.
Wala sa loob na napahagod siya sa kanyang buhok at kita ko pa na binigyan niya ng isang kindat si Mareng na nangunguso.
"Didi, I'm still upset!" Pinagkrus pa nito ang maliit na braso sa harap ng kanyang dibdib.
Agad na gumuhit ang ngisi sa mga labi ko matapos makita ang pagkunot ng kanyang noo. Naiiling akong lumapit sa kanyang mga maleta.
"Get this out of my way, Draco. You're not welcome here." Humalukipkip ako at hinintay ang pagbuhat niya sa mga maleta.
"Now, I'm homeless," he whispered as he carried his belongings.
Kusang tumaas ang kilay ko, "And why is that?"
"Didi, that's your home!" Tinuro pa ni Mareng ang katabing apartment.
"I stopped renting it. I want to be home with you." Hinuli pa nito ang mga tingin ko.
Napatikhim ako at hindi kumibo habang si Mareng ay nagmamadaling buksan ang pinto.
I sighed as I helped Mareng open the door, "Problema ko ba 'yon? Rentahan mo ulit."
Ngumisi ako at binigyan siya ng simpleng kaway ng kamay bago tuluyang pumasok sa apartment. Maging si Mareng ay humahagikhik pang pumasok at mabilis na sinara ang pinto. Pagka-lock sa pinto ay agad akong napasandal.
That's fine, Veron! You made the right decision!
Kaya lang ay nakokonsensya ako. Yes, he can surely rent a room, but what if he doesn't want to do so?
Ayos lang naman siguro iyon. Desisyon niya iyon. Kasalanan na niya kung pahihirapan pa niya ang sarili niya. Bawal na marupok, Veron!
Hindi ko alam na ganoon talaga katampo si Mareng na kahit ilang araw na ay hindi niya hinanap si Draco.
"Mimi, can we buy Mango Ice Cream later?" si Mareng na papasok sa banyo para maligo.
"Sure, Baby. Bilisan mo maligo!" sigaw ko pa.
Balak ko rin namang bumili ng pregnancy test kit. Gusto ko nang malaman kahit wala pang symptoms. Gustong-gusto ko na iyong ibato kay Draco kapag positibo.
Napangisi ako sa sariling plano. That way, he can't say no to me. I can be Mareng's mother in any way. And if I have to legalise it, I will.
Kaya nga pagdating ng hapon ay nagtungo kami sa convenience store para sa ice cream at sa drug store naman para sa pregnancy test kit. Mabilis ko pa 'yong tinago sa slingbag ko pagkabayad.
"Uhm, Mimi. Can we visit the Mango store?"
Naipirmi ko ang mga labi at hinawakan nang mabuti ang palapulsuhan ni Mareng. Huminga nang malalim at pinagbigyan ito sa request niya. Gusto ko rin namang malaman kung bukas pa ang mango store ni Draco.
"Mimi, can't we welcome Didi to the house? What if he sleeps on the street?" sa nag-aalalang boses nito.
Imbis na maawa ay napangisi ako, "He won't, Baby. Pwede naman siyang bumalik sa Guimaras kung gusto niya. At hindi iyon matutulog sa kalsada," pagtatapos ko.
Pinilit kong kinunot ang noo habang papalapit sa Mango store. Natatanaw ko na si Didoy na nag-aayos ng mga basket ng mangga. Hinanap ko pa ang isa pang empleyadong nakita ko noon ngunit iba ang sumalubong sa mga mata ko. Hubad-barong katawan ni Draco ang nakabalandra sa paningin ko. Mariin ang tingin sa akin habang hawak ang isang pirasong mangga.
Umiwas ako ng tingin at hindi maiwasang mapalunok. Lalo pa't kabisado ko ang kurba ng katawan niya. Fuck with that baby-making process!
"Didi!" Bumitaw si Mareng sa hawak ko at nagtatakbo pa patungo sa kanya.
Ayaw ko mang lumapit ay napilitan ako. Pinanatili ko nga lamang ang walang pakialam na hilatsa ng itsura ko. Labag pa sa loob kong bitbitin ang Mango ice cream na alam kong para sa kanya.
"Didi, I miss you!"
Akala ko pa naman ay hindi niya hahanapin, ngunit heto at nagpapabuhat na sa tatay niya.
"I miss you too, Baby." Binuhat nito si Mareng at hinalikan pa ang noo ngunit ang tingin niya ay nanatili sa akin.
Nang makalapit ay tumikhim ako at ngumiti nang bahagya sa mga mamimiling nakamasid.
"Mimi, can we stay for a little while? My baby sister might be tired from walking," malambing na pakiusap ni Mareng na kinaawang ng mga labi ko.
Kita ko ang pagguhit ng ngisi ni Draco at hindi talaga ako hinintay na makasagot. Dinala niya agad si Mareng sa loob ng tindahan at binaba sa upuang nasa tapat ng counter area.
Sumunod ako at agad na nilapag sa counter ang supot ng ice cream. Tumalima agad si Draco at kumuha ng mga baso at kutsara. Hindi mawala ang tingin ko sa hubad niyang likod. Ngunit pinukaw ng atensyon ko ang dalawang malaking maleta niya sa gilid ng counter.
Nangunot ang noo ko at nagawa pang sipain ang isa nang marahan upang malaman kung may laman. Umawang nga lamang ang mga labi ko matapos makumpirma.
Does that mean he didn't rent a place and chose to stay in this market?
Napailing ako at bahagyang tinamaan ng konsensya. Alam ko namang nagsasarado sila sa merkado sa gabi. Bakit siya pinayagang matulog sa loob?
"Here, I'll get you some ice cream." Tumabi ito sa gilid ko at agad na binuksan ang ice cream.
Ngunit hindi ko mapigilan ang hindi magtanong, "Dito ka natutulog?"
Imbis na siya ang tumingin sa akin ay nag-aalalang mga tingin ni Mareng ang nasalubong ko.
"Is that true, Didi?" Lingon nito kay Draco bago muling sumulyap sa akin, "Mimi, let's welcome Didi home. He needs a place." Pinagsalikop pa nito ang mga palad at mga matang nangungusap ang hinarap sa akin.
I rolled my eyes and bit my lower lip. Why didn't I see this coming? Why didn't I realize that he may have used this trick?
Nailing ako at mariing tiningnan si Draco na pilit tinatago ang matagumpay na ngiti sa mga labi niya.
I sighed. I guess, I have no choice at all, "Fine. But he will stay on the cleopatra." I smirked as I watched him frown.
Mahina siyang umatungal ng reklamo ngunit agad ko siyang tinaasan ng kilay kaya naman hindi siya sumagot. Nailing lamang habang nilalapag ang basong may ice cream sa tapat ko.
"I guess, I'll need to endure my punishment. Is this my princess mood?" Nilingon pa nito ang impis kong tiyan.
Agad na namula ang magkabilaang pisngi ko at nahihiyang tumalikod. Kapag ba inis, mood swing agad? I am still unsure if I am pregnant. But I still want to look into it.
Iyon yata ang inisip ko hanggang sa magsarado ang tindahan at makauwi. Gusto ko na talagang subukan at ibato o isampal kay Draco ang resulta. Sa sinasabi niya ay tila mas sabik pa siya kaysa sa akin.
"Gumamit ka na lang ng kumot pansapin sa likod mo." Nilapag ko pa ang may kakapalang kumot sa cleopatra.
Ngunit imbis na sa upuan niya ilapag ay sa sahig niya iyon nilapag kasama ng dalawang unan.
"Lalamigin ang likod mo diyan!" Namewang ako at bahagya siyang tinaliman ng tingin.
"This is better. Just in case you wanna cuddle, I am always here and you can always join me here." Ngumisi siya at humiga pa talaga.
Hindi ko siya binigyan ng ngiti. Bagkus ay tinalikuran ko ito at dumiretso ng banyo. Halos kumabog pa ang dibdib ko sa kaba nang sundan ang instruction sa pregnancy test kit. Napapalunok at kagat ang labing pinipigilan ang takot.
Nanginginig pa ang kamay ko nang ilapag iyon at hintayin ang resulta. Kahit yata sabihing gusto kong mabuntis ay doble naman ang takot na nararamdaman ko.
Ngunit umawang ang mga labi ko nang lingunin ko ang kit. Napalunok at nanghina pa ang mga tuhod. Ang akala ko ay mabubuwal ako kung hindi lang pumasok sa banyo si Draco at hapitin ang bewang ko.
"It's negative?" he muttered.
Humigpit ang hawak niya sa bewang ko habang ako ay natutulala lamang.
Bakit negative?! Sigurado akong fertile ako noon kaya bakit negative?!
He heaved a sigh and kissed my temple tenderly, "We can always try, Baby," he whispered.
I even closed my eyes tightly when his kisses traveled down into my ear up to my jaw and neck.
"Maybe, this time, it'll be positive," he hoped as he smelled my bare shoulder and slowly put down the strap of my dress.
Huminga ako nang malalim bago siya marahang tinulak at tinaas ang strap ng dress, "No, hindi na. I changed my mind."
Ngunit hindi ko magawang makawala matapos niyang angkinin ang mga labi ko at kusa akong lunurin ng kanyang mga halik.