Chapter 2
“Ya, nandito na po ako.” sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay.
Lumabas galing kusina si yaya, kunot-noo s’yang tumingin sa akin.
“Anong klaseng tingin yan, Yaya?” tanong ko.
Umupo ako sa one seater couch. Lumapit sa’kin si yaya ng nakapamewangan ng bewang, at nakataas ang isang kilay tila nagtataka kung bakit ang aga kong umuwi.
“Bakit ‘kay aga mo yata? Tumakas ka na naman ‘no! Ikaw talagang bata ka! Kailan ka ba titino? Hindi na ako magugulat kung bukas tanggal ka na naman sa school mo.” Panenermon n’ya,
Hinubad ko ang suot kong rubber shoes.
“Hindi na nga ako umaangal d’yan sa klase ng pananamit mo. Kay ganda-ganda mong dalaga!” naiiling n’yang sabi ng mayroong pagkadismaya.
“Yaya, wala po kaming pasok kasi may nangyari pong ‘di maganda kaya pina-uwi po kami ng maaga.” paliwanag ko sa mabagal na paraan.
Alam ko kasing di siya titigil hangga’t hindi ako nagpapaliwanag.
“Nangyari? Bakit? Binully ka naman ba? Sinaktan ka naman ba nila? Sumagot ka nga, iha!” ‘yong ekspresiyon n’ya napalitan ng pagkahestirikal.
“Yaya, relax! Isa-isang tanong lang, nag-iisa lang ako. Para ka naman si manong guard, e.” reklamo ko.
Tumahimik naman s’ya pero naghihintay pa rin s’ya sa sasabihin ko. Lihim naman akong sumimangot. Napabuntong hininga muna ako.
“Wala pong nangyari sa’kin. Mayroong natagpuan po kasing patay sa school namin. Mga kaklase ko ‘yong natagpuang bangkay.” Sabi ko,
Lumaki ang kan’yang mata.
“Ano? Sino daw ang may gawa?” gulat n’yang tanong ni yaya.
Kumibit-balikat ako. “Malay ko,” walang buhay kong sagot.
“Jusko! Mag-iingat ka lagi. Iba na ang panahon ngayon.” pagpapayo n’ya,
Tumango ako bilang tugon.
“Oh siya! Magpahinga ka na. Nang makakain ka na ng meryenda.” kalmado n’yang sabi.
Tumango ako, bumalik na ulit s’ya sa ginagawa niya. Tumayo na ako, aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita si yaya
“Ay, iha! Nakalimutan kong sabihin. Mayroong package na dumating para sayo.” biglang sabi ni yaya.
Package?
“Kanino po galing?” takang tanong ko.
“Walang nakalagay. Pangalan mo lang ang nakasulat.” sagot ni yaya.
Kahit nagtataka pa rin ako. Tumango na lang ako. Umakyat at pumunta ako ng k’warto. Pagbukas ko pa lang. Nakita ko kaagad ang package nasa ibabaw ng kama ko. Sinarado ko ang pinto. Itinapon ko naman sa kung saan ang bag ko. Hinawi ko ang lahat ng nakakalat, mga librong nasa sahig, damit, mga plastic ng junk foods na kinain ko kagabi, mga unan, kumot. Para ngang may dumaan na buhawi dahil sa sobrang kalat.
Muntik na akong madapa dahil sa pagkakatisod ko. Inis kong sinipa ang bagay na nakaharang. Pagkalapit ko sa package. Tiningnan ko ito nang maigi. Hinanap ang address o pangalan man lang ng sender pero wala nga. Pangalan ko lang talaga.
Weird?
Kumuha ako ng cutter to open it. Pagkabukas ko, isang kahon ang bumungad sa akin. Kunot-noo ko itong kinuha, binuksan ulit. Tumaas ang kilay ko na kahon pa rin ang laman. Pinaglalaruan ba ako ng kung sinong hudas na sender? Binuksan ko ito ng binuksan hanggang sa makita ko ang putting sobre.
“ A letter? “ I said questioningly.
Seriously? Talagang pinackage pa? para lang sa isang letter? Ano ‘to? Sobre pero wala namang bukasan o nakalagay. Wala namang lagayan ng papel, inikot-ikot tapos tinataktak baka sakaling mahulog kung mayr’ong sulat man. May napansin ako sa ibaba nito. Sa bandang kanan, mayroong nakasulat na U. D. M
“ U. D. M? “ wika ko.
What is the meaning of this three letters? Hinaplos ng hinlalaki ko ang tatlong letter, nagulat ako nang biglang magbago ang kulay ng sobre from white to black with gold.
What is this thing?
May naka-ukit na design sa both side nito. Mayroong bilog sa gitna which I think is the lock of this envelope. Binuksan ko ito pero ‘di ko mabuksan. Napatingin ako sa kamay ko at sa cutter. Di kaya? Sinugatan ko ang daliri ko gamit ang cutter. Napapikit ako sa hapdi, tiniis ko na lang. Itinapat ko ang aking daliri sa bilog nito. Hinayaan kong matuluan ito ng dugo ko. Inilayo ko ang aking kamay nang narinig ko ang pag-click at paggalaw nito. Pinanood ko ang kusa nitong pagbukas, pagkatapos may lumitaw na holographic human.
“ I’m glad to see you, Maria Aljea Rhexyl Salvez. We are inviting you to come to our school. You can explore and develop your latent talents at our university, which is relevant and fit for you. If you’re interested, click CONFIRMED; if not, we’ll give you a day to make up your mind.” wika ng hollographic woman.
“What’s school?” I asked.
“ I’ll tell you when you are fully decided. Enjoy your day, Ms. Salvez.” She said saka s’ya naglaho.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si yaya na mayroong dalang pagkain.
“Dinalhan na kita ng makakain.” sabi niya saka inilapag ang tray of food.
Dumapo ang tingin niya sa package.
“Binuksan mo na? Anong laman?” tanong niya.
“Nothing, just a sh*t! I mean, a prank. Wala namang laman, wrong send siguro.” Sagot ko.
“Anong nangyari sa daliri mo?” pag-aalalang tanong n’ya.
Napadako ang tingin ko sa sobre. Bumalik na ito sa dati, kulay puti na ulit.
“Nasugatan po ng cutter habang binubuksan ang package.” sagot ko kay yaya.
“Saglit, kukuha ako ng panggamot.” sambit ni yaya,
Hinawakan ko ang kamay niya.
“No need, ‘Ya. I’m okay. Ako na lang po ang gagamot.” pagtanggi ko.
Tiningnan niya ako ng maigi.
“Wala lang po ito. Maliit na bagay lang po ang sugat na ‘to. Hindi po ako mamatay.” sabi ko,
“Speaking of patay, panigurado akong ibabalita ‘yon mamaya. Iyong mga sinabi mong natagpuang patay sa school ni’yo.” saad n’ya,
“Panigurado po ‘yon, highlight pa.” walang gana kong sambit.
Humiga ako sa kama. Ipinikit ko ang aking mata. Biglang pumasok sa isip ko ang itsura ‘nong mga namatay, nakakadiri kasi talaga. Babaliktad talaga ang sikmura ng sinuman ang titingin o makakita.
“Jusmeyong bata ka talaga! Kakalinis ko pa lang ng kwarto mo. Pero ngayon, mukha na namang binagyo.” Narinig kong panenermon ni yaya.
Hindi ko pinansin ang lintanya ni yaya, narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko umalis na siya, pero nagulat ako ng mayroong bumato sa’kin ng unan.
“Ikaw na babae ka! Matanda ka na. Hindi ka pa rin marunong maglinis ng kuwarto mo. Marumi pa rin, kasing rumi mo!” bulyaw ng bumato sa’kin ng unan.
Napabangon ako sa pagkakahiga, gulat akong nakatingin sa kaniya.
“ Mom? “ gulat kong saad.
Anong ginagawa n’ya dito? Naligaw ‘ata.
“Don’t mom-mom me! Look at your place, sobrang kalat. Linisin mo mga ang mga basura mo.” malamig n’yang sabi,
Tumingin ako kay yaya, sinagot n’ya ang nagtatanong kong mata with her apologizing look.
Tahimik akong tumayo, pinulot ang mga kalat isa-isa. Marahan akong gumalaw, nag-iingat na wag makagawa ng hindi maganda sa mata n’ya.
“Bilisan mong kumilos! Maglilinis ka pa ng kuwarto namin. Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan. Wala ka pa ring pinagbago”inis at iritableng sabi ni Mom. Tumango ako at medyo binilisan ko ang kilos.
“Ikaw, Rosie! Bakit naka-anga ka pa d’yan?” tanong ni Mom kay yaya.
Tiningnan ko si yaya na biglang natauhan, at tarantang lumabas ng k’warto.
“Both you and that ugly person are stupid and useless!” salubong ang kilay nito at galit na saad ni Mom.
I close my eyes. Napa-iling na lang ako. Kapal ng mukha!
“Maraming taon na nga akong hindi naka-uwi. Tanga at walang k’wenta ka pa rin!” inis n’yang dagdag.
Pagkatapos kong mapulot lahat ng gamit kong nakakalat. Itinabi ko muna ang mga ito sa tabi. Itinago ko rin sa bag ang putting envelope. Hindi ko alam kung bakit pinadala sa akin iyon. Ang weird nga kasi ‘di naman sinabi kung anong school. Natauhan ako sa pag-iisip ko ng tumilapon na lang ako. Tumama ang kamay ko sa matulis na bagay. Nahilo rin ako sa impact ng pagtama ng ulo ko sa pader.
Kalma self! Patience Rhexyl!
TheKnightQueen