Chapter 1
Rhexyl’s P. O. V
Pagkatapos kong masuot ang thick black glasses, kinuha ko ang lumang bag na ginagamit ko. Hinablot ko ang mga libro na lagi kong dala papuntang school. After checking my self again, lumabas na ako ng k’warto.
“Ya, alis na po ako.” magalang kong paalam.
Tumingin siya sa’kin.
“Aalis ka na? Mag-almusal ka na muna.” sabi ni yaya.
Lumapit ako sa mesa, everything is prepared for my breakfast. Napangiti ako, makakatanggi pa ba ako. Umupo ako at agad ng nagsimulang kumain.
“Late ka na iha, anong oras ka ba natulog kagabi?” wika ni yaya.
“Maaga pa po sa maaga,” sagot ko.
Wala naman silang magagawa. Gusto ko late akong papasok para wala akong makita, o makasalubong na bully. Gusto ko tahimik ang pagpasok ko. Tumayo na ako dahil tapos na akong mag-almusal.
“Punta na po ako.” paalam ko kay yaya.
Tumango siya bilang sagot, kalaunan ay ngumiti siya.
“Mag-iingat ka at kung maari ay mag-iwas sa gulo.” paalala n’ya, o tamang sabihing utos niya.
Sumimangot ako, umiiwas na nga, e. Sadyang gulo lang talaga ang nalapit sa’kin. Pagkalabas ko sa gate. Ibinaba ko ang skateboard, sumakay dito saka umalis na. Huminto ako sa tapat ng University, sa bulok na school na pinapasukan ko. Wala naman akong choice kundi ang pagtiyagaan ito. Hindi ako mayaman para maging choosy pa. Dalawang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa kolehiyo. Bitbit ang skateboard, lumapit ako sa gate para pumasok na pero –
“Hep! Hep! Iha, sino ka? Studyante ka ba dito?” pigil at pagtatanong ng sobrang higpit na tagabantay ng gate.
Humarap ako kay manong guard, tiningnan ko siya ng mayroong pagkabagot.
“Ikaw na naman! Jusko, ikaw lang pala. Late ka na nga. Gan’yan pa ang suot mo.” inis niyang sabi. Tinutukoy niya ang suot kong damit.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Paalala ko lang saiyo, iha. School ang pinupuntahan mo hindi tambayan. Nasaan ang I. D mo?” tanong niya habang salubong ang mga kilay niya.
Binuksan ko ang bag ko. Hinalungkat ko ang loob searching for the i. d. Hindi ko agad nakita ang hinahanap ko kasi dala ko lahat ng basura ng bahay este kung ano-anong anik-anik ang nasa loob ng bag ko.
“Ano na? Dala mo ba? Aba’y! kapag wala ka pa ring dala hindi kita pahihintulutan na pumasok.” Lintanya n’ya na kunti na lang talaga bubuga na s’ya ng apoy, pulang-pula na ang mukha sa inis.
“Alam mo bang marami ka ng nalabag na rules? Malapit ka ng ma-expelled sa paaralang ito.” dagdag niyang wika.
Nakalimutan kong maglagay ng bulak sa tainga ko bago umalis ng bahay. Mula ng pumasok ako sa paaralang ito. Walang araw na wala akong naririnig na mga reklamo. Madalas na napupuna nila ang kasuotan ko. Ano bang mali sa suot ko? Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt na hanggang tuhod, rip jeans na maluwag, naka-rubber shoes na color black, nakasumbrero, tapos naka black eyeglasses. Damit pa rin naman ito. Bumuga siya ng apoy, kapag pumasok akong naka-swimsuit lang.
Isa pa, dito ako komportable. Sobrang iksi ng palda ng uniform nila hanggang hita ang haba. ‘Yong iba naman kinapos na yata sa tela, kita na kasi ang bagay na ‘di dapat makita ng mga kalalakihan. Pasok sa tainga labas sa kabila na lang ang ginawa ko sa sinabi ni manong guard. Napakamot ako sa noo habang naghahanap ng I. d ko.
“Sa lahat ng studyante dito. Ikaw lang ang hindi marunong sumunod sa patakaran ng paaralang ito.” Patuloy na lintanya ni manong guard.
Wala naman kasing kwenta ‘yon.
“Pasensya na po, wala akong dalang I. d.” mahina at mayroong paggalang kong sabi.
Dala ko naman sadyang tinatamad lang akong ilabas at i-suot. Umusok ang kaniyang tainga sa inis, medyo may katandaan na siya. Lagi siyang high blood sa tuwing ako na ang papasok. Kaya minsan, humahanap ako ng ibang malulusutan. Baka kasi maheart-attack siya, ako pa sisihin. Naaawa na rin naman kasi ako. Baka tumaas din ang blood pressure niya sa stress sa’kin.
“Late ka na nga. Nakasuot ka pa ng pangtambay sa kanto, wala ka pang dalang I. d. Naku! Talaga!” nagtitimpi n’yang sabi.
Kumamot lang ako sa ulo. Maaga na akong papasok para sa last subject ko.
“D’yan ka lang, h’wag kang aalis.” wika ni manong guard.
Masunurin ako, kaya tumango ako sa kan’ya. Naiiling s’yang pumasok sa loob ng guard post niya. Magre-report lang s’ya, e. Maya lang, lumapit s’yang muli sa’kin.
“Ang sabi ng adviser mo, bumunot ka na muna ng damo r’yan sa tabi-tabi.” sabi ni manong guard.
Tumingin s’ya sa gawi ng flag pole.
“Doon! Sa tabi ng flag pole. Doon ka magbunot ng damo.” utos n’ya.
Wala naman akong magawa. Lumakad ako papuntang flag pole para makapag-bunot na ng damo. Kahit mainit, sinimulan ko na ang pagbubunot. Hindi na ‘to bago sa’kin, araw-araw ko ba naman ‘tong ginagawa. Nalibot ko na ang boung campus sa pagbubunot ng damo, malinis na nga ang boung lugar. Tsk! Ang babaw ng parusa nila, pagbubunot ng damo? Highschool lang? Ginawa pa akong gardener. Habang abala ako sa pagbubunot ng mga ligaw na damo. Nakarinig akong nagtitiling babae, napalingon ako sa kaniya.
“May patay! Tulong, may mga patay po.” sigaw niya.
Aligaga siya, sa itsura niya para siyang nakakita ng multo. Muntik pa siyang mapatid dahil sa pagkataranta niya. Napalingon ako sa guard post. Nakita kong lumabas si manong guard. Lumapit sa kan’ya ang nag-titiling babae, naalarma s’ya. Maya lang, lumabas na rin ang ibang mga teacher maging ang dean. Kahit malayo ako, nakikita kong namumutla ang babae. Nababasa ko ang buka ng kan’yang bibig.
Sumunod ang ulo ko sa direksyon ng pinuntahan nila, kasama ang babae. Papunta silang back school. Mayr’ong mga studyante ring tumakbo sa gawing ‘yon. Since curious rin ako, iniwan ko ang ginagawa ko. Tumakbo ako papunta sa lugar na pinagkakaguluhan nila. Umiwas ako sa isang babaeng nagtatakbo papa-alis, kalaunan sumuka na s’ya. Rinig ko ang pagsinghapan nila. Ang ilan ding mga studyante ay sumusuka na rin. Kumunot ang noo ko, ano bang meron?
“Tumawag kayo ng pulis! Dalian niyo!” sigaw at tarantang sabi ng isang guro.
Lumapit pa ako pero pinigilan ako ng isa pang teacher, humakbang ako palayo sa kan’ya.
“H’wag ka ng tumuloy. Hindi mo gugustuhin pang makita ito.” seryoso n’yang sabi.
Hindi ako nakinig sa kan’ya, dumiretso pa rin ako. Nagulat ako sa nakita ko, mga patay? Ang brutal ng pumatay sa kanila.
“Jusko! Sino ang walangyang gumawa nito sa kanila? Bakit ganito katindi?” Rinig kong sabi ng isang professor.
Anim silang patay sa tingin ko studyante rin sila dito, dahil suot nila ang uniform ng university. Napalunok ako sa nakikita ko, ang buong back school ay walang ibang makikita kun’di kulay pula. Nagkalat ang kanilang dugo, ang parte ng kanilang katawan ay hiwalay sa katawan nila, ang braso, binti at ulo nila ay hindi mawari kong sino ang tunay na nagmamay-ari nito. May nakita rin akong mga daliri, mata, laslas ang leeg, ang ilan sa kanila mulat pa ang mga mata.
Hindi ko nakayanan kaya umatras ako, sumuka rin ako sa tabi. Parang chinap-chop sila, grabe ang pumatay sa kanila. Sino kaya s’ya? Wala naman siyang puso. Nang mahimasmasan ako sa pagsusuka, tumayo ako nang maayos. Dumating na ang mga pulis, kaagad silang rumesponde.
“Lumayo kayong lahat. H’wag kayong hahawak ng kahit ano.” Police officer na pinagtutulukan kaming maka-alis sa crime scene.
Wala kaming nagawa kun’di ang umalis, kasi talagang hindi mo kakayanin ang amoy ng dugo at ang mga lagay ng mga patay. Nilisan namin ang lugar. Hinayaan ang mga pulis na mag-imbestiga. Inutusan kami ng mga professor na bumalik sa kan’ya-kan’ya naming classroom. Dahil sa nangyari, wala kaming pasok. Naging tahimik din ang araw ko, wala sa wisyo ang mga nambubully. Nagkalat ang mga pulis tinatanong ang lahat ng taong nakakakilala sa mga namatay, nakasama rin ako sa mga taong natanong.
Ayon kasi sa sinabi ng isa kong kaklase, ako raw ang huling taong nakasama nila which is totoo naman. Nang araw kasi na ‘yon, hapon na. Oras na ng uwian, inabangan nila ako na lagi naman nilang ginagawa. Silang grupo ang laging present sa pambubully sa’kin, pero pagkatapos nila akong iwan na parang basahan, pagbabatuhin, sira-sirain ang damit ko. Umalis na sila na may ngiting tagumpay. Pagka-alis nila tahimik na niligpit ko ang gamit ko at umuwi na.
Hindi ko naman sila pinapatulan, kasi wala din akong mapapala marami sila iisa lang ako. Wala akong laban sa kanila, saka paki-alam ko ba sa kanila. Pero kahit ganoon, naaawa pa rin naman ako sa kanila, grabe kasi yung tinamo nila talagang di mo makikilala mga pagmumukha nila. Nang walang napala sa’kin ang pulis. Hinayaan nila na akong maka-uwi.
TheKnightQueen