CHAPTER 14 INCOMING CALL

"Misis."

"Hindi pa ba kayo uuwi ni Cade?"

"Uuwi na kami mamaya."

"Sige, mag iingat kayo ha, dahan dahan sa pagda drive."

"Yeah, thank you Misis."

"Okay."

"Nasa bahay ka na?" tanong niya.

"Oo, kanina pa."

"Ganun ba, sige bye!."

at nawala na ito sa kabilang linya.

Pinuntahan niya ang anak at inayang umuwi na ito.

"Bye Grandma, Bye Grandpa!." yumakap at humalik ang anak bago ito pumasok sa loob ng sasakyan.

"Sa Sabado dito kayo ha."

"Yes ma." Hinalikan Niya ang ina.

"Ingat ka sa pagmamaneho iho, tumawag ka sa amin pag dating niyo ni Cade sa inyo." Sabi ng kaniyang ama.

"Opo."

"Sige na Iho." Tinapik siya ng ama sa balikat at pumasok na siya sa loob ng kotse bago pinaandar iyon palabas ng kanilang mansion.

"Daddy, love mo ba si Mommy?"

Nabigla siya sa tanong ng anak. Hindi siya agad nakapag salita.

"Oo naman anak, love na love ko kayo ni Mommy."

Nakangiting sagot niya dito.

"Thank you Daddy, I love you." saka siya hinalikan at niyakap ng anak. Nasaling ang kaniyang damdamin sa ginawa nito at nangilid ang kaniyang mga luha.

Kailangan na niyang magdesisyon at ayusin ang problema nila ni Tricia. Ayaw niyang masaktan ang anak.

"Saka Daddy may wish pa ako na isa." sabi na naman nito. Napatingin siya dito.

"Ano yun baby?".

"I want to have a little sister na."

"What?"

"Why po?"

"Okay, sasabihin ko yun kay Mommy pagdating natin sa bahay."

"Promise?"

"Yeah."

"Thank you Daddy."

at minsan pay niyakap siya nito.

Napailing na lamang siya sa mga sinasabi ng anak. Malabo kasing mangyari iyon.

Maya maya'y nakarating na sila. Pinagbuksan sila ni Tricia.

"Hi Mommy!." agad na yumakap at humalik si Cade sa kanya.

"Hello baby."

"Hi Misis." hinalikan siya ni Jacob sa labi. Nabigla naman siya sa ginawa nito. Kailangan ba nila talagang umarte na okay lang ang lahat sa harapan ng anak?

"Tara na sa loob." binuhat ni Jacob ang anak saka naman siya inakbayan. Napaka gandang tanawin ng isang buo at masayang pamilya.

"Kumain na ba kayo?"

tanong niya sa dalawa.

"Yeah, siya nga pala sa saturday doon tayo kina mama."

Nasa kwarto sila noon at binibihisan niya ang anak.

"Okay"

"Daddy." Si Cade.

"Yes baby?"

"Ako na magsasabi kay Mommy."

"Ha? Ano yun?" napatingin siya sa binata at sa anak.

Napakunot noo naman si Jacob.

"Mommy I want to have a little sister na." sabi ng anak. Napanganga siya sa narinig.

"Ano?"

"Yes Mommy, gusto ko na nang kapatid na babae."

"Ano kasi.." Hindi niya alam kung paano at ano ang sasabihin sa anak. alam niyang matalino ito.

"Mommy please?" hinawakan pa siya nito sa kamay. Napatingin naman siya kay Jacob at nagpapasaklolo.

"Yes baby, magkakaroon ka na ng little sister soon."

Nakangiting sabi nito sa anak. Ganun??

"Promise Mommy? Promise Daddy?"

Nanlalaki ang mga matang binalingan sila.

"Yeah." magkapanabay na sagot nila ng binata. Ano na naman bang pumasok sa kukote ng batang ito at kung anu ano ang naiisip.

"Thank you po." Saka sila nito niyakap. Nagkatinginan na lamang sila ng binata.

Pahiga na siya noon ng mag ring ang cellphone ng binata, nasa banyo ito at naliligo. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at si CASEY na naman ang nasa caller ID nito. Naka limang tawag yata ito bago nag text.

"Hon, we need to talk. I'm really sorry. I love you."

Sabi nito sa text tapos tumawag na naman ito.

Sakto namang palabas na ng banyo ang nakatapis na binata.

Nagkatinginan sila. Saka niya iniabot ang damit nito. Nakasanayan na niyang gawin iyon bilang Daddy ng anak niya.

"Thank you misis."

Kahit hindi siya nito tanungin, nararamdaman niyang alam ng binata na nabasa nito ang text ni Casey. Tinanguan na lang niya ito at tinalikuran na ang binata.

"Excuse me." narinig pa niyang sabi nito bago lumabas ng kanilang silid.

"Anong ibig sabihin ng text na iyon ni casey? bakit siya nag sosorry kay Jacob." tanong niya sa kaniyang sarili pero wala din siyang nakuhang sagot. Kaya nagpasya na lamang siyang matulog.

Nandito siya sa harap ng pool nakaupo. Lumabas siya ng silid nila pero hindi niya magawang sagutin ang tawag ni Casey dahil naiinis siya. Nalaman niya kasi na kumain ito sa labas kasama ang ex nito at nasaling ang kanyang ego. Kahit sino naman diba? Siya si Jacob Henry Fuentebella isang sikat na businesses tycoon tapos lolokohin lang siya ng isang Casey Reyes na isang modelo?

"Damn!." napamura siya sa inis.

Hating gabi na ng magpasya siyang pumasok na sa loob. Tulog na ang kaniyang mag-ina. Tinitigan niyang maigi ang mga ito. Napaka amo ng mukha ni Tricia kahit natutulog. Nag aanyaya ang manipis nitong labi na mangali ngali niyang halikan.

Bumaling siya kay Cade, sa kaniya nito nakuha lahat ang features nito. Carbon copy ika nga nila. Imagine? Isang gabi lang niya nakasama si Tricia at ni pangalan ng isat isa hindi nila alam pero tignan mo at naka buo agad sila. Napatawa na lamang siya sa isiping iyon at tumabi na siya sa kanyang anak. Nasa gitna kasi nila ito. Kung siya lang sana ang masusunod nasa tabi siya ni Tricia at nakayakap dito mag damag.

Kinabukasan, tulad ng dati maaga na naman siyang nagising at nagluto ng breakfast nila. Nakapag timpla na rin siya ng kape ng binata ng makita niyang pababa na ito.

"Good morning misis." Nakangiting nilapitan siya nito at hinalikan sa labi. Sa labi ba talaga siya dapat halikan? Nasanay na rin siya at hinahayaan na lang din niya ito.

"Good morning too, kain na." nginitian din niya ito. Ipinaghila siya ng binata ng upuan sa tabi nito. Siya rin ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan nito.

"Thank you."

Nasabi na lamang niya at ngiti lang ang iginanti nito bago hinarap ang kanilang pagkain.

"Uhmm Misis--."

"Bakit?"

"Ano--."

"Ano?"

"Kayo na ba ni Arvin?"

Umagang umaga mag aaway na naman yata sila nito. Bakit nasali na naman si Arvin sa usapan nila.

"Bakit?" tanong niya.

Tumigil ito sa pagkain saka mariin siyang tinitigan.

"Tinatanong ko lang."

"Kailangan mo pa ba talagang malaman?"

"Oo naman, paano natin ibibigay sa anak natin yung masaya at buong pamilya kung...."

"Sino si Casey?" Nabigla yata ito sa tanong niya, at huli na din ng maisip niya ang tanong dito.

"Kilala mo siya?"

"Siya ba yung kasama mo noon sa restaurant?"

may bikig sa lalamunan ng itanong niya iyon.

"Yeah."

Napabutung hininga ito.

"Siya yung laging tumatawag sayo diba?"

"Yeah."

"Girlfriend mo ba siya?"

Hindi agad ito nakasagot sa tanong niya. Kaya napatayo na siya sa mesa. Nawalan na siya ng ganang kumain. Iniwan niya ang binata at umakyat siya sa taas para ayusin ang gagamitin nitong damit.

"Ayaw kong masaktan si Cade."

Napalingon siya sa nagsalita. Mariing nakatitig ang binata sa kanya. Katatapos niya noon plantsahin ang damit nito.

"Wala naman ako sinabing bawal kang mag girlfriend eh, magagawa mo naman lahat yung gusto mo."

Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon.

"Paano si Cade?"

Lumapit ito sa kanya at pinaharap siya nito.

"Anak mo pa rin si Cade, pero hindi ibig sabihin nun na iiwan mo ang nakasanayan mo para sa bata."

"Gusto ng anak natin ng complete and happy Family diba?."

"Oo, pero maiintindihan din niya iyon balang araw."

"Napaka selfish naman yata natin kung uunahin natin ang pansarili nating kaligayan kaysa diyan sa anak natin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayusin na natin ito para kay Cade."

"Paano yung girlfriend mo?."

"Ako ba talaga yung tinatanong mo o iyang sarili mo?" Nakakunot noong tanong nito.

"Wala akong issue dito." tinalikuran niya ito pero agad na hinila siya ng binata kaya napasubsob siya sa dibdib nito.

"Si Arvin ba?" Naningkit ang mga matang tanong nito sa kanya. Hindi naman siya agad nakaimik.

"Walang kami ni Arvin!"

inis na sabi niya.

"Pero mahal mo siya diba?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw itong may girlfriend ngayon di ba?"

"Kaya nga aayusin ko!."

"Hindi ko sinasabing hiwalayan mo siya!."

"Maiintindihan niya ako, gagawin ko ang lahat para kay Cade!."

"Bahala ka." saka itinulak niya ito at tinalikuran ang binata palabas sa kanilang silid.

Nakakainis lang! kanina okay pa sila tapos ngayon nag aaway sila? Maya maya'y Narinig na lang niya ang tunog ng papaalis na sasakyan. Hindi na siya kinibo ng binata kaya lalong sumama ang loob niya.

Kanina pa siya nakaupo sa kanyang swivel chair at tambak ang pipirmahan niyang mga papeles pero wala siya sa mood para gawin iyon. Namalayan na lamang niya ang sarili na tinatawagan ang Ama.

"What's going on son?"

Agad na tanong ng kanyang Ama. Sa Malalim na pagbuntung hininga pa lang niya sa kabilang linya alam na niyang may mabigat siyang pinagdadaanan ngayon.

"Alam na ni Tricia na may girlfriend ako, hindi naman siya nagalit." kwento niya.

"Tapos?"

"Ang gusto ko lang naman maibigay ko yung matagal ng pangarap ng anak ko na buo at masayang pamilya, ngayon pa lang ako bumabawi sa mag-ina ko pa."

"Sinabi mo yan kay Tricia?."

"Yeah, pero pakiramdam ko hindi siya agree sa gusto ko na mangyari dahil sa Arvin na iyon."

"Pag usapan natin iyan pagpunta niyo bukas dito iho."

"Thank you pa."

Napailing na lang ang Don. Ngayon lang niya nakitang nasasaktan ang anak dahil sa kanyang mag-ina na matagal na panahong nawalay.

Hindi rin naman niya masisisi si Tricia kung may mahal na itong iba dahil kahit si Jacob ay ganun din. Kailangan lang nila mag usap ng maayos para sa kapakanan ng kanilang anak.

Katatapos niyang maligo at kausap sa cellphone si France ng dumating si Jacob. Mag aalas siyete na noon ng gabi.

"Sige hihintayin na lang kita dito, magbibihis pa ako." Sabi niya bago pinatay ang cellphone.

Napatingin sa kanya ang binata.

"Kumain ka na?" pagkuway tanong niya dito.

"Mamaya na, hindi pa ako gutom." sagot nito. Nilapitan nito ang anak na natutulog at hinalikan ito sa pisngi.

"Okay."

"May lakad ka?" tanong nito. Saka nito inilabas ang laptop mula sa bag.

"Ano kasi, birthday ng mama ni Arvin."

"Ganun ba." walang emosyong sabi nito saka tumitig sa laptop nito.

"Kasama ko naman si France, ihahatid niya rin ako mamaya."

nagsimula niyang ayusin ang kanyang sarili.

Nakasuot siya ng Maroon Off shoulder dress na above the knee at lalong nagpatingkayad sa kanyang kaputian. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok na kinulot lang niya sa dulo.

Light Makeup lang din ang ginamit niya na lalong nagpadagdag sa kaniyang kagandahan.

Maya maya'y may bumusina na sa labas ng kanilang bahay.

Nilapitan niya ang anak na natutulog at hinalikan.

"Aalis na ako." sabi niya sa binata pero ni hindi man lang siya nito nagawang sulyapan kaya tumalikod na siya. Bad mood na naman ito.

Pinagbuksan siya ni France ng pinto at inalalayan siya hanggang makapasok sa loob ng sasakyan at umikot ito sa kabila.

"Ang ganda mo naman." puri sa kanya ng kaibigan.

"Dati naman eh." nakatawang sabi niya.

"Sabi ko nga." palusot nito at nagkatawanan sila.

"Buti pinayagan ka ni Jacob?"

"Hindi kami okay ngayon, Hindi nga niya ako pinapansin mula kaninang umaga." napasimangot siya.

"Bakit?"

"Dahil kay Cade, gusto niya ayusin namin yung situation namin tapos tinanong ko siya tungkol kay Casey, binalik din niya si Arvin."

"Tapos?"

"Inamin niya na girlfriend niya si Casey at kakausapin daw niya, sabi ko naman na hindi niya pwedeng iwanan ang nakasanayan tapos nagalit siya sa akin akala niya ako yung gumagawa ng issue dahil kay Arvin."

"Wala ka bang feelings kay Jacob kahit konti?"

Mariin siyang tinitigan ng kaibigan.

"Wala."

Sagot niya, pero may part sa puso niya ang hindi sumang ayon sa sinabi niya.

"Alam ko na yung gustong mangyari ni Jacob sa inyo."

"Ano?"

"Gusto niya maging legal yung pagsasama niyo bilang totoong pamilya niya."

"Pero may girlfriend siya."

giit niya.

"Mas importante kayo ni Cade sa kaniya."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng binata.

"Iniisip mo ba si Arvin?"

Paano si Arvin kapag sila na? Paano si Cade? Si Jacob? naguluhan siya sa isiping iyon.

"Pag isipan mong maigi ang gagawin mong desisyon, oo kaibigan ko nga si Arvin pero mas papaboran ko ang gustong mangyari ni Jacob na ibigay ang masaya at kompletong pamilya na gusto ng anak mo."

Hindi na lang siya nagsalita. Hanggang sa makarating na sila sa mansion ng mga Dela Vega.