Chapter 13: FOR CADE'S SAKE

Nasundan na lamang niya ito ng tingin ng palabas na ito sa kanilang bahay. Hindi man niya aminin pero nasaktan siya sa iniasta nito. Hinayaan na lang niya ang binata.

Sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone at si France ang tumatawag.

"France."

"Sweetheart may problema ba?"

"Halata ba?"

"I'm on my way now, give me 2 minutes nandiyan na ako."

"Seryoso ka?"

"Yeah, paki handa na din ang mesa diyan ako magbi breakfast." at narinig niya ang malutong na tawa nito sa kabilang linya.

Nahawa din siya dito. Mabuti na lang at nandiyan lagi si France para sa kaniya.

After 2 minutes nakarinig siya ng pag beep ng sasakyan at si France na nga iyon.

"France!." agad siya na yumakap sa kaibigan pagkapasok nito.

"What happened sweetheart?"

"Nakita niya kami ni Arvin na magka sama at si Cade."

"Tapos?"

"Galit na galit siya sa akin tapos lasing siya kagabi na umuwi."

pagku kwento niya sa binata.

Inaya niya ito sa kusina at nagsimulang kumain ang binata. Tinotoo talaga nito na doon mag breakfast.

"Tapos kanina lang akala ko okay na, inaya ko siyang kumain pero sabi niya sa office na lang daw. Napahiya pa ako."

"Nagseselos siya kay pareng Arvin?"

"Bakit naman siya magseselos?"

"Malay natin, guwapo din naman si pareng Arvin ah." tudyo nito sa kanya. Napangiti din siya. Oo aminado naman siyang guwapo din si Arvin.

"Saka bakit siya magseselos eh may kasama naman siyang babae."

Bigla siyang napasimangot.

" Nakita mo?"

"Yes."

"Si Casey yun."

"Kilala mo?"

"Nope, pero model yun eh, Kelan ko lang din nalaman kay Insan."

"Ganun ba."

"Okay ka lang ba?"

Tila may part yata ng puso niya ang nasaktan.

"Are you sure?."

Tinitigan pa siya siya nito.

"Oo nga!." asik nito.

"Eh bakit bakit ka naiinis?"

"Hindi ah!." Kaila niya.

"Hindi daw! ano ba kasi talaga set up niyo ng Jacob na iyon?".

"Nagsasama lang naman kami dahil kay Cade."

"Wala kang feelings for him?"

"Baliw!."

"Yung totoo? kilala kita Sweetheart."

"Parang tanga ito." nakatawang sabi niya sa binata.

"Paano si Arvin?"

"Mahal ko si Arvin."

"Kayo na ba?"

"Hindi ko pa siya sinasagot."

"Huwag kang padalus-dalos magdesisyon ha." paalala ng binata sa kanya.

"Yup! Thank you."

"Alam na ba ng girlfriend ni Jacob na may anak siya?"

"Malay ko, wala naman nababanggit sa akin si Jacob na may girlfriend siya."

Ganun ba."

"Basta Nagsasama lang kami dahil kay Cade."

"Hindi ka naman nagseselos na may girlfriend siya?" Seryosong tanong ni France sa kanya.

"What? Baliw ka ba? at bakit naman ako magseselos diba?"

"Oo nga pala noh, may Arvin ka na din pala." nakatawang sabi nito.

"Sasagutin ko na ba si Arvin?"

"Ang gulo naman kasi ng set up niyo ng Jacob na iyon! gusto ng anak niyo ng buo at masayang pamilya tapos mahal mo si Arvin, mahal din niya si Casey.."

"Anong gagawin ko?"

"Pag usapan niyong maigi ni Jacob yan dahil kapag hindi kayo umayos ang unang masasaktan diyan si Cade."

Napatango na lang siya sa sinabi ng binata hanggang sa magpaalam na ito dahil papasok pa ito ng office.

"Tama ba yung ginawa ko kay Tricia? naging bastos naman yata ako masyado."

"Ang tanga mo kasi Jacob!." pinapagalitan niya ang kanyang sarili dahil hindi okay sa part niya ang ginawa niya dito kaninang umaga. Tapos kagabi lang muntikan na namang may mangyari sa kanila tapos iyon pa yung gagawin niya kay Tricia.?

Napailing na lamang siya. Nang biglang nag ring ang kaniyang cellphone at si Tricia ang tumatawag. Bigla siyang kinabahan.

"Hello Misis.."

"Daddy its me Cade." nakahinga siya ng maluwag ng malaman na si Cade pala iyon at hindi si Tricia.

"Yes baby?"

"Bakit hindi mo po ako ginising pagka pasok mo ng work Daddy?."

"I'm sorry baby, ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."

sabi niya sa anak. Nakonsensiya naman siya sa narinig. Naalala na naman niya yung ginawa niya kay Tricia.

"Ganun po ba, what are you doing Daddy?"

"I'm here in my office anak."

"Pwede ba kaming pumunta ni Mommy diyan sa office?"

"Ha?"

"Please Daddy!."

"Where is Mommy?" tanong niya sa anak.

"Nasa bathroom po naliligo."

"Okay baby, see you."

"Pumapayag ka na po?

"Yes baby, bakit naman hindi diba?" nakatawang sabi niya sa anak.

"Thank you Daddy! I love you po." Tuwang tuwa na sabi ng kaniyang anak. Napangiti na lamang siya.

Katatapos niyang maligo ng katukin siya ng Yaya ni Cade.

"Iha nandiyan sa baba ang lola at lolo ni Cade."

"Cge po, susunod na po ako." sabi niya dito at inayos niya ang kaniyang sarili bago lumabas sa kanilang silid.

Nadatnan niyang nagkukwento si Cade sa lolo at lola nito.

"Hello ma, hello pa." lumapit siya sa mag asawa at humalik at yumakap siya sa mga ito.

"Kumusta kayo dito iha?"

"Okay lang naman po."

"Halata nga eh, blooming ka iha." nakatawang puna ng ginang sa kaniya.

"Oo nga." segunda rin ng Don. Nginitian na lang niya ang mga ito.

"Napadalaw po kayo?"

"Namimiss na namin kayo eh." si Doña.

"Uuwi po kami sa sabado." sagot niya.

"Mabuti kung ganun iha at namimiss na namin kayo, lalo na itong si Cade." ang Don.

"Mommy sasama ka?"

"Ha? Saan?"

"Nag aaya itong anak mo sa office ng Daddy niya, gusto daw niya pumunta doon."

"Ho?"

"Alam na ni Jacob at hinihintay na niya tayo iha." ang Doña.

"Paano po ba yun, may lakad po ako."

"Ganun ba iha? Oh siya sige nandito naman kami ng papa niyo kami na lang ang sasama kay Cade at makadalaw din minsan sa company." sabi ng Don.

"Pasensya na po, biglaan naman po kasi." paumanhin niya.

"It's okay Iha." nginitian siya ng mag asawa at nagpaalam na ang mga ito kasama si Cade.

"Daddy!." Agad na yumakap si Cade sa kaniyang Ama. Nagtaka naman ang mga nakangiting empleyado niya dahil ngayon lang may naligaw na bata at tinatawag na Daddy ang Boss nila.

Ipinakilala niya sa lahat si Cade Panay ang puri ng lahat.

"Ang pogi naman ng anak niyo Sir."

"Xerox copy sir!." sabi ng kaniyang mga empleyado at aminado naman siya kahit sa unang tingin pa lang malalaman mo nang mag ama nga sila.

"Nasaan po ang Mommy niya?"

"Makikilala nyo din siya sa susunod." nakangiting sabi niya. Nagtanguan naman ang mga ito at tila excited na makita ang kaniyang asawa. Marahil Magtataka ang mga ito kung hindi si Casey ang ipapakilala niyang asawa. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na Girlfriend niya si Casey dahil nagpupunta ito sa Opisina niya kapag hindi siya mahagilap.

Napailing na lang siya sa isiping iyon. Masaya niyang inilibot ang anak sa buong building.

"Where's Mommy?" pagkuway tanong niya sa anak.

"May lakad daw po siya."

"Sinong kasama niya?"

"Si Tito Arvin po."

"What?." pasigaw na sabi niya.

"Daddy?" nag tataka naman ang kaniyang anak.

"I'm sorry baby." saka niya ginulo ito sa buhok.

"Cade." si Doña Karina.

"Ma, kayo muna bahala kay Cade may kakausapin lang ako saglit." Paalam niya sa ina. Tumango naman ito. Tinawagan niya si Tricia. Nanggagalaiti siya sa nalaman mula sa anak. Lumabas ito kasama si Arvin?

"Hello."

"Where the hell are you?"

galit na tanong niya agad dito.

"Ha?"

"Hindi ka sumama kina mama dahil lang sa Arvin na iyan?"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw!"

"Wala akong ginagawang masama."

"Damn! ano na lang iisipin nina mama at papa kapag nalaman nilang nakikipag date ka pa sa iba." bulyaw nito.

"MyGod! Jacob may nakakaalam ba kung ano yung totoong situation natin nina Cade?" Naiinis na rin na siya.

"Noon wala, pero ngayon kalat na kalat na. Mamaya din, alam na nang buong mundo! Ipinakilala ko lang naman sa lahat na may anak na ako at soon makikilala din nila ang Mommy ni Cade!."

"What?"

"Narinig mo naman iyong sinabi ko." galit parin ito.

"Jacob."

"Kaya sana naman mag iingat ka!."

"Pinapakialaman ko ba ang personal mong buhay? hindi naman diba?"

"So magagawa mo lahat ng gusto mo ganun? pwede kang mag boyfriend at pwede din ako mag girlfriend?"

"Why not?"

"Damn!." galit na pinatayan siya nito ng cellphone.

"May problema ba?"

Napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa kaniyang harapan ang kaniyang papa na nakapamulsa at tila yata kanina pa nakikinig sa usapan nila ni Tricia.

"Pa."

Napabuntung hininga siya. May maililihim pa ba siya sa kaniyang Ama? Alam niyang ito ang unang makakaunawa sa kanya.

"Are you Jealous?"

"Papa."

"Come on son, naiintindihan kita."

"Thank you pa."

"Halika na sa labas at naghihintay na ang mama at anak mo." yakag ng ama sa kanya sumunod naman siya dito.

"Daddy I'm hungry na." sabi ng anak sa kanya.

"Let's go baby, sa labas na tayo kakain."

Binuhat niya ang anak at lumabas sila ng building na iyon.

Sa isang sikat na restaurant sila kumain. Asikasong asikaso niya ang anak at nakangiting nakamasid lang ang kanyang mga magulang.

"Akala ko hindi na ako magkakaroon ng Apo." nakangiting sabi ng kanyang ina.

"Pwede ba naman iyon ma."

nakatawang sabi niya sa ina.

Napatawa din ang Don.

Matapos silang kumain namasyal pa sila sa mall bago nagpasyang umuwi.

"Pa, hahatid ko na kayo ni mama sa bahay." sabi niya sa kanyang ama.

"Daanan na natin si Tricia baka nakauwi na siya." Sabi ng kaniyang ina.

"Nasa labas pa siya ma, mag iinuman lang kami ni papa."

"May problema ba kayo ni Tricia iho?"

"Wala po." sagot niya sa ina saka sinulyapan ang ama bago pumasok ito sa loob ng kanyang kotse.

Tinanguan naman siya nito.

Makalipas ang isang oras Nakarating na sila sa kanilang bahay. Nasa kuwarto na ang kaniyang ina at si Cade nanonood ang dalawa tapos inihanda naman niya ang inumin nila ng kanyang ama sa may veranda.

"Iho." ang papa nila.

"Pa." Napa buntung hininga siya.

"Makikinig ako."

Mag sisinungaling pa ba siya sa ama?

"Naiinis ako sa sarili ko dahil nakikita kong masaya siya kay Arvin." Simula niya.

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi ko alam Pa, hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, nagagalit ako dahil sinabi niyang mahal niya yung Arvin na iyon."

Nahihirapang sabi niya sa Ama.

"Paano si Casey kayo pa ba?"

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang ang tungkol sa girlfriend niyang si Casey dahil on/off ang relasyon nilang dalawa. Pero ni minsan hindi pa niya dinala ito sa bahay nila. Si Tricia ang kauna unahang babae na dinala niya sa loob ng pamamahay nila.

"Kami parin Pa, pero nahihirapan na din akong intindihin iyong ugali niya."

"Mahal mo na ba si Tricia?"

"Hindi ko alam papa, saka may mahal na siyang iba bago pa ako dumating sa buhay nila ni Cade." sagot niya saka inisang lagok ang alak na nasa baso.

"Hindi mo naman masisisi si Tricia iho."

"Pa ang tagal kong naghintay sa kanya, 2 years ko siyang hinanap pero hindi siya nagpakita at ang malala pa, nagkaanak pa kami ng hindi ko man lang nalalaman."

Naikwento naman na niya sa mga magulang ang totoong nagyari bago pa niya ipakilala si Tricia at Cade sa kanila at tinanggap naman nila iyon.

"Tapos sabi mo gusto ng anak mo ng masaya at kompletong pamilya, paano niyo ibibigay iyon sa kanya kung may mahal naman kayong iba ni Tricia."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng Ama.

"Ayusin niyo yan ni Tricia alang ala sa apo ko, ayoko naman na sa murang edad niya masasaktan na naman siya. Ang tagal niyang nangulila sayo iho."

"Yes pa, aayusin namin ito ni Tricia."

"Saka sabihin mo na rin agad kay Casey para maging fair ka naman sa kanya." dagdag pa ng Don.

"Opo." tanging naisagot na lamang niya.

"Malaki yung tiwala ko sayo iho, sa murang edad mo kaya mong pinatakbo ng maayos ang ating kumpanya at alam kong maaayos mo yang gusot na iyan."

Tinapik siya nito sa balikat saka nginitian.

"Nandito sila ni Cade iha." boses iyon ng kanyang ina. Sabay silang napalingon ng ama.

"Oh ibibigay ko na kay Jacob iha." saka agad na iniabot ng kanyang mama ang cellphone sa kanya. Sumenyas naman ang Ama na papasok na sa loob.