KABANATA 19
THIRD PERSON'S POV
"Boss, nandito po si Ma'am Treya."
Tiningnan niya ito pagtapos sabihin ng isang bodyguard na kasama niya ang katagang 'yon.
"Where?" Pagkapuway tanong ni Travis.
"In her husband room, boss."
Agad siyang pumunta sa kuwartong 'yon, may nakasabay pa siyang doctor at nurse na nagtatakbuhan papunta sa kaniyang tutunguhan.
Nagtakha si Travis kung ano ang pupuntahan nila, pagbukas ng isang nurse ay nabugaran niya ang isang babaeng umiiyak habang yakap ang isang taong natutulog sa higaan.
Do'n niya lang napagtanto na si Treya ang umiiyak. Why is she crying? Bulong niya sa sarili.
"Ma'am, excuse po," pakiusap ng isang nurse kay Treya na umiiyak habang yakap ang namayapang asawa. Hinawakan siya nang nurse sa balikat ngunit tinabig lang 'yon ni Treya.
"D-Don't..." Walang lakas niyang saad habang tinatabig ang kamay ng isang babaeng nurse.
"Pero, Ma'am..."
"N-No... H-Hindi niyo na masu-survive ang a-asawa k-ko, h-hindi na..." Nagsimula na naman siyang umiyak.
Nakakalungkot at naaawang tiningnan ng mga nurse at doctor si Treya na humahagulgol. Nararamdaman nila kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Ngunit sadyang gano'n ang tadhana, hindi mo masasabi kung ano ang 'yong kapalaran.
Mahirap man ngunit kailangang tanggapin, panahon lang ang kailangan upang tuluyang maghilom ang sakit.
"Wala na, w-wala na ang a-asawa ko! Why!? Argh!!" She suddenly collapsed.
Napagod dahil kakaiyak. Agad naman itong sinalo ng isang nurse, samantalang si Travis naman ay sinabihan ang isang bodyguard na i-assist si Treya.
Hindi naman siya gaanong gano'n kasama para pabayaan lang ito. Pinuntahan niya ang katawan ng asawa ni Treya upang tingnan ito.
Nakaramdam siya ng takot dahil sa nangyari, takot na baka mahalintulad ang kaniyang asawa mula sa nangyari sa asawa ni Treya.
Mapahanganggang ngayon, pinipilit niya ang kaniyang sariling maging malakas alang-alang sa asawa at anak. Kung kaya niya lang unahan ang mga nakaunang reserba para sa Heart donor ay ginawa na niya.
Ngunit hindi gano'n kadali, kailangan mong maghintay ng tamang panahon upang magkaroon ng sariling heart donor. Kung kaya niyang ibigay ang sarili puso ay ginawa na niya alang-alang sa asawa.
Pero paano ang mga anak nila? Sinong mag-aalaga sa asawa niya kapag tuluyan na itong gumaling? Paano pa niya maitatama ang mga maling nagawa niya kung wala na siya? Kaya hangga't maaari ay hindi siya susuko.
Makasarili na kung makasarili pero hindi niya hahayaang mawala ng tuluyan ang asawa. Kailangan pa siya nito, maging ang kanilang mga anak.
NANDITO si Travis sa kuwarto kung saan naka-confine ang asawa. Monitoring pa rin ito ng Doctor.
Ilang araw na magmula ang ng namatay ang asawa ni Treya, hindi siya nakapunta ng ilibing ang asawa nito. Pina-cremate kasi nito ang labi ng asawa.
Tahimik niyang minasdan ang mukha ng asawa nang may biglang kumatok sa pintuan. Sumilip ang isang bodyguard ro'n, nagtaka siya kung bakit para itong balisa.
"What is it?"
"B-Boss... Si Ma'am Treya po, w-wala na..." Mahinang saad nito sa kaniya.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Paanong wala? Bulong sa sarili.
"Anong ibig sabihin mong wala na?"
"P-Patay na, boss. Nakitang walang buhay sa loob ng bahay nila. May sugat sa pulso, senyales na kinitil ang sariling buhay," namumutlang saad nito.
Kagimbal-gimbal man ay agad siyang natulala ilang saglit bago matauhan.
"Nasaan siya ngayon?"
"Nasa morgue po.."
"Ano pa ang nakita sa loob ng bahay niya? May nakita ba kayo?"
"Meron po, isang kutsilyong may dugo. At isang papel, sobre... Heto po."
Napatingin siya sa papel na binigay sa kaniya. May bakas ng mga dugo 'yon, ngunit hindi 'yon ang nakatuon sa pansin niya kundi sa isang pangalan na nakaukit ro'n, isang sulat kamay.
Agad niya itong tiningnan at binasa.
Hi, Evan...
I know na binabasa mo na ito ngayong wala ako, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko... Sorry kung dahil sa akin ay nasira kayo, sorry dahil sa padalos-dalos kong desisyon... Pakisabi na rin kay Bel na humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kaniya... Alam kong kulang pa ang lahat ng salitang sorry sa nagawa ko...
Ngunit hindi ko kayang makitang wala na sa akin ang asawa ko, kaya gusto kong sumunod sa kaniya. Hindi ako matahimik, nagi-guilty ako oo, pero mahal na mahal ko ang asawa ko. Pasensya na sa lahat. Sana mapatawad niyo ako.
Nalaman ko rin ang sakit ni Bel, sa oras na ito na habang binabasa mo ito ay alam kong wala na ako. 'Yung puso ko, ibibigay ko kay Bel. Gusto kong ibigay sa kaniya na para kahit na wala ako, na wala na ang kapatid niya ay makasama niya ako. Pakisabing mahal na mahal ko siya, 'yung labi ko, gusto kong ipa-cremate at ilagay sa Jar kung saan nakalagay ang asawa ko. Salamat at patawad, bye...
Nilikumos niya ang papel matapos niyang mabasa 'yon. Lungkot ang naramdaman niya at kaunting saya.
Salamat at patawad rin Treya. Bulong niya sa sarili.
Ilang saglit pa ay nilagay na sa operasyon ang kaniyang asawa, ang labi naman ni Treya ay agad na pina-cremate matapos ibalsamo.
Ilang oras ang nakararaan ay successful na nailipat ang puso ni Treya kay Bel. Kaginhawaan at saya ang nararamdaman ni Travis sa mga oras na 'yon.