KABANATA 18

TRAVIS EVAN RIOS

"Boss," pagtawag pansin sa akin nang kasama kong bodyguard.

Nagtatakha ko siyang binalingan ng tingin, nagtatanong kung bakit niya ako tinawag.

Nakaupo ako ngayon sa Waiting Area, naghihintay sa asawa ko. Ilang oras na rin ang nakalipas nang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya, medyo naka-hinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nang Doctor.

"Nandito po 'yung asawa ni Ma'am Treya."

What? Anong ginagawa niya rito?

"Where?"

"Nasa loob po kanina nang kuwarto ni Ma'am Bel, nakahiga po siya sa isang hospital bed. Sa tingin ko po, may sakit siya."

I frowned at what he said. What's wrong with him? Does Treya know this?

"Alright, Check his background what is wrong with him and why he is here."

"Yes, Boss."

I turned my gaze to the Doctor who looked at my wife's condition.

"How is my wife?"

"As of now, she is in good condition. All we need to do now is keep a close eye on her condition. Sa lalong madaling panahon ay kailangan na natin ng Heart Donor para sa kaniya, upang hindi na mas lalong lumala ang kalagayan niya."

I took a heavy breathe while looking at him. I don't know what to do, is this my karma for lying at my wife? God, ang mga anak namin ay hindi pa alam ang kalagayan ng Mommy nila.

Upang makabawi ay kailangan ko ng maghanap ng Donor.

"As what I said, we need to monitor her condition. If ever na hindi natin maagapan ang sakit niya, pasensya na wala akong magagawa kung wala pang Heart Donor. Excuse."

I clench my fist into ball. God, help me...

~~

TREYA ABELANA SCHENEDER-SCOURTER

When my sister's whereabouts, my husband is gone too. I don't know where he is. Hindi siya nagpaalam sa akin kung nasaan siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya.

Lahat. Lahat-lahat ng mga pagkakamali kong hindi nasabi sa kaniya. I know na I'm Agent, at alam niya rin 'yon. I miss him so much. I think he misunderstood kung ano ang relasyon ko sa Asawa ni Bel.

I want to say sorry at him for what I did, say sorry if I hurt him. Lahat pinagsisisihan kong hindi sinabi sa kaniya na wala kaming relasyon ni Evan, na lahat ng 'yon ay acting lang.

Hinanap ko siya, pero mukhang may nagpipigil sa akin kung nasaan man siya. I want to see him, lahat ng mga kakilala ko sa Agency hindi nila makita kung nasaan siya.

Ilang araw na rin akong nakatulala rito sa kuwarto naming mag-asawa. Miss na miss ko na ang asawa ko, I want to kiss him, hug him, cuddle with him. Pero paano ko magagawa 'yon kung wala siya?

Alam ko namang may kasalanan ako, I know na hindi ako nag-iisip. Damn.

"Hon, where are you?" Bulong ko sa kawalan. Naramdaman ko na namang basa ang mga mata ko, senyales na umiiyak ako.

After my husband and Bel left, hindi na ako nagpakita sa mga pamangkin ko pati na rin kay Evan. Those kids, I miss them pero kailangan kong hanapin ang asawa ko.

Nagtatanong kung kamusta na kaya siya? Kung ayos lang siya? Suddenly, those moment na masaya pa kami ay parang gusto kong balikan. I hug his T-shirt, crying because of pain.

I think this is my karma for what I did into Rios Family, kasi kung nag-isip lang ako ay baka hindi nawala sa akin ang asawa ko.

Sa loob ng ilang araw, linggo, hindi ako tumigil sa kakahanap sa kaniya. At kung magpapahinga man ako, dito ako sa kuwarto namin dumidiretso. Nawalan na rin ng gana kumain, nawalan ng gana sa buhay.

Gano'n talaga siguro 'no? Na kung kailan wala na ang mahal mo, do'n mo lang mare-realised kung gaano mo sila mahal na sana sinulit niyo ang araw na magkasama kayo.

"Hon, I miss you so much. I want to say that I love you... Where are you, hon? Can you please go home?"

Natigil ako sa pagkatulala ng biglang tumunog ang cellphone ko. I answer the phone call habang pinupunasan ang luha ko.

"Hello?"

"Boss, nakita na po namin kung nasaan si Mr. Scourter."

Immediately stood up mula sa pagkakaupo sa higaan namin ng asawa ko.

"Where?"

"Nasa ospital po siya, xxx xxx hopsital, critical."

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone dahil sa sinabi niyang 'yon.

W-What... What happened to him? W-Why? Bakit siya nando'n? At anong critical?!

Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko ngunit alam kong hindi 'yon masasagot kapag hindi ko inalam kung ano ang condition niya.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko, hindi ko na inalala kung anong suot ko.

Nang makating sa garahe, agarang pumasok sa loob at nagmaneho.

Kahit na nanginginig at umiiyak ay binalewala ko na lang para lang makarating sa ospital.

Nang makarating at pumasok sa loob ng hospital ay nanginginig ang kamay kong tinungo ang nurse station.

"W-Where is Mr. S-Scourter Room?" my voice cracked while asking this female nurse.

"Are you related to the patient, Ma'am?"

"Yes, he's my h-husband," nangangatal kong saad.

"Room 145, second floor." After what she said, tumakbo ako papunta sa room na 'yon. Maraming tumitingin pero hindi ko na sila pinansin, ang tanging nasa isip ko lang ay makita ang asawa ko.

Nasa tapat na ako pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

Para akong nanghihina habang pinipihit ang door knob, pagbukas ko ng pinto nakita ko ang isang nurse na nagtse-check ng kung ano sa isang taong nakahiga sa hospital bed.

Dahan-dahan akong lumapit sa taong nakahiga do'n, nang makalapit ng tuluyan ay doon na ako napansin ng nurse.

Umiyak na ako ng tuluyan dahil sa bumungad sa akin, ang asawa ko. Payat, maputla at hindi na makilala. Anong nangyari?

"W-What happened to h-him?"

"Kaano-ano ka po ng pasyente, Ma'am?"

"He's my husband. I repeat, what happened to him?" Matigas kong saad.

"Stage 4 Cancer. Brain tumor, Ma'am. Excuse po."

Muntik na akong mabuwal dahil sa narinig, paanong?

Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"H-How? Hon, w-wake up... I'm here... Please, hon. Wake up, hmm... Babawi pa ako sa 'yo, eh. I love you so much... Mage-explain pa ako sa 'yo, hon... Wake up please, I miss you so much," I cry habang hawak ang kamay niya.

Nakaluhod ako habang nakikiusap na gumising siya. Hindi ko alam kung hanggang ilang oras akong umiyak at nakatulog.

Nagising na lang ako may humahaplos na ulo ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa may-ari ng kamay na 'yon.

Muli na naman akong napaiyak ng masilayan ang asawa kong nakatingin sa akin.

"Hon!" I hug him, cry at his shoulder.

Humagulgol ako habang mahigpit ang hawak sa kaniya.

"S-Shh.. I-It's ok..." He whispered.

"Why?!"

"Hmm..."

"Why you didn't tell me?!"

"Because I know that you will worried about me... Ayokong mag-alala ka sa akin."

"Kaya tinago mo? Hon, it's hurt..."

"I am too." Hinawakan niya ang pisngi ko upang tumingin ako sa kaniya. He wipe my tears using his hands.

He smiled at me, he give me a kiss on my forehead.

"Hon, I love you... I didn't tell you because I know na mag-aalala ka na ayokong mangyari. And I know na hindi mo na ako mahal, hon, kung nandirito ka dahil naaawa ka sa akin, don't. Kaya ko ang sarili ko, I know na ilang oras o araw na lang ay maaaring mawala na ako. If you're having a guilt, don't worry I already forgive you. I want to give you a kids but you know my conditions... I know you want a kids but here I am, hindi ka mabigyan ng anak—"

"Don't say that! Yes I want a kids but it doesn't mean that I don't love you, at hindi ako narito kasi naaawa ako. Narito ako kasi mahal kita, nandito ako kasi nag-aalala ako sa'yo... Bakit hindi mo sinabi sa akin na may s-sakit k-ka?" my voice cracked dahil sa huling salitang sinabi ko.

"Sana sinabi mo, para maagapan natin... I don't want to lose you, hindi ko kakayanin. Sorry kung naiisip mong hindi na kita mahal, sorry kung palagi akong na kay Evan, sorry kung may pagkukulang ako, sorry kung hindi na kita naaalagaan, sorry dahil naging asawa mo ako... Ang dami ko pang gustong gawin para makabawi sa 'yo... Please, labanin natin 'yung sakit mo. I love you so much!"

Ang sakit sa pusong makitang umiiyak rin siya, nagpilit siya ng ngiti sa akin habang pilit na pinapahiran ang mga luha ko.

Nakikita ko sa mga mata niya na pagod na siya, pagod at sakit. Mariin akong pumikit.

"It's ok, I already forgive you. Take care huh?" nangungusap niyang saad sa akin.

"What do you mean?" Imbes na sagot ay isang ngiti lang ang natanggap ko.

"Hon, I'm sleepy..." Ano?

Umiling ako sa kaniya. No.

"But, hon.. Inaantok ako, can you please stay beside me habang natutulog ako? Just this once?" Pagod niyang saad.

"Ayoko." Mariin kong banggit, pag pumikit siya ay iiwan na niya ako.

"I'm tired, hon. I want to sleep."

I'm not ready yet, kakakita ko pa lang sa kaniya, eh. Bakit ngayon pa? Gusto ko pa siyang makasama, iparamdam sa kaniyang mahal na mahal ko siya. Huli na ba ang lahat?

"O-Ok, you can s-sleep now. I l-love you." Pikit matang saad ko. Gusto kong umayaw pero siya na ang sumusuko.

Ngumiti siya sa akin at saka dahan-dahang pumikit. Ang mahigpit niyang kapit sa akin ay unti-unting lumuwag kasabay ng isang makinang tumunog.

Tulala akong nakatingin sa kaniya habang umiiyak, unti-unti na rin siyang nagingitim.

Niyakap ko ng mahigpit ang katawan niya. Wala na, wala na ang lakas ko, wala na ang mahal ko. Natulog na siya at hindi na muling magigising pa.

Masakit, ni hindi ko manlang nakabawi sa kaniya.

"Ahhh!!!! Why??!!!" Sigaw ko sa buong kuwarto habang yakap siya ng mahigpit.

Ito na ba ang katapusan ko? Gusto kong sumunod sa kaniya... Gustong-gusto!

Narinig kong may bumukas ng pintuan pero hindi ko pinansin 'yon, ang tanging naisip ko lang ay ang asawa kong wala ng buhay.