CHAPTER14-TRAINING

KINABUKASAN maaga pa lang ay naghahanda na kami lalo na ang mga tauhan ni Dark para sa gaganaping pagsasanay.

Kasalukuyan kaming nandito sa silid sanayan. Habang ako'y nakasalampak nang upo, ang mga kalahi naman ni Dark ay nagsasanay rin. Pinapanood ko ang bawat galaw nila, subalit hindi ko naman sila masundan sapagkat sobrang bilis nila.

Nakasimangot tuloy ako. Ngunit na bigla ako sa taong basta na lang naupo sa aking tabi sabay halik sa leeg ko. Dama ko rin ang dila nitong mainit.

"Ang bango..." bulong pa nito. Ramdam kong gumapang ang labi nito sa aking punong tainga at iyong ang pinaghahalikan. Bigla tuloy nag-init ang buong katawan ko. Para bang may kuryenteng dumadaloy sa mga ugat ko.

Peste! Hindi puwedeng lagi akong nag-iinit kapag nasa tabi ko ito. Alam kong panandalian lamang ang lahat ng ito lalo at hindi ko siya kauri.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan Bella. Para sa akin ay walang puwedeng nakakahadlang kung ano mang mayroon tayo ngayon..." bulong ng lalaking nasa tabi ko.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Dahil nabasa na naman nito ang nilalaman ng isipan ko. Kaya naman sa inis ko rito'y bigla akong humarap sabay pitik sa ilong nito. 

"Puwede ba, huwag mong basahin ang nilalaman ng isipan ko!" nakasimangot na sabi ko rito.

Humalakhak lamang at tila aliw na aliw sa akin. Kaya naiinis na tumayo ako para lumabas ng silid sanayan. Ngunit hinabol ako ni Dark.

"Akala ko ba'y gusto mong magsanay? Bakit aalis ka na agad?" tanong nito ngunit nasa boses nito ang pang-aalaska sa akin.

"Okay, turuan muna akong magsanay para makasama ako sa gaganaping laban ninyo ni Draco. Dahil gusto kong ipaghiganti ang aking ama at ina. Marahan namang tumango si Dark. Hanggang sa yayain na akong magsimula kami.

"Bella, tingnan mo lahat ng gagawin ko tapos gayahin mo," bilin sa akin ng binata.

"Sige Dark," sagot ko rito. Tinawag muna nito ang isa sa mga tauhan niya. At pagkatapos ay sila na ang naglaban. Nakita kong sobrang bilis ng mga galaw nila. Pero kakaiba ang pagkilos ni Drak. Sabagay isa nga pala itong pinuno ng Dragon White Forest. Hindi nakakapagtaka na mabilis itong kumilos kumpara sa ibang kalahi nito 

Hanggang sa. . . isang malakas na sipa ang ibinigay ni Dark sa kanyang katunggali na kinatalsik ng huli.

"Master, sobrang napakalakas mo na nga," saad ng kalahi ni Dark, habang hirap na hirap tumayo.

"Ikaw naman Bella. Lumapit ka sa akin at magsimula na tayo," saad ni Dark sa akin. 

Nakangiwing tumingin ako rito. Baka sipain din ako nito? Katulad nang ginawa nito sa kanyang kalahi. 

"Huwag kang mag-alala hindi ko gagawin iyon," nakangising sabi ng lalaki.

"Sinabi nang huwag mong basahin ang nilalaman ng utak ko!" palatak ko. Sabay sugod dito upang sipain ito. Ngunit mabilis lang nitong naiwasan ang aking ginawa.

"Bakit ka naman umiwas?!" asar na asar na tanong ko.

"Natural, dahil sisipain mo ako kaya umilag ako," sagot nito. Sabay lagay ng dalawang kamay sa beywang.

"Bella, oras na matamaan mo ako may premyo ka sa akin."

"Wow! Talaga? Ano naman iyon?"

"Secret! Basta kapag natamaan mo ang aking katawan ibibigay ko sa 'yo ang premyo mo," nakangising sabi nito sa akin.

"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang premyong sinasabi mo Dark. Kung hindi ko 'yan matitipuhan lalamasin ko ang itlog mo!" palatak ko.

"Itlog?" nagtatakang tanong nito.

Bigla tuloy akong napatawa ng malakas. Dahil hindi nito alam ang itlog. Mabuti na lang kaya kong pigilan na hindi mag-isip para 'di nito mabasa ang nilalaman ng isispan ko.

"Yes, itlog. Lalamasin ko nang sobra hanggang sa mabugok ito at ng mailaga ko naman," abnormal na sagot ko rito. 

Napansin kong nagsalimbayan sa pagtaas ng kilay nito. Dahil nalilito sa aking mga pinagsasabi. Kaya sinamantala ko iyon upang umataki. Subalit muli na naman itong nakaiwas.

Kaya sa sobrang inis ko sa lalaking bampira ay agad kong kinuha ang sapin sa aking paa, sabay bato rito kaya lang nasalo naman nito ang aking binato.

Isa na namang ngisi ang pinakawalan nito mula sa kanyang mga labi. Kaya parang maiiyak ako dahil sasama ng loob ko. 

"Hey! Huwag ka ngang magtampo riyan. Ano ka ba ganyan talaga kapag nakikipaglaban, kailangan umilag ng mga kalaban natin. Ikaw ba kapag tatamaan ka ng suntok ni Darco ay hindi ka iilag, Bella?" 

Bigla kong nahampas ang aking noo. Dahil sa aking katangahan. Bakit ba hindi ko agad naisip iyon. 

"Okay, mag-umpisa na tayo!" sigaw ko kay Dark. At pagkatapos ay muling naghanda para sa aking pag-ataki rito. Maliksi akong tumakbo sabay taas ng aking paa patungo sa mukha nito. Sublit maliksing nahawakan nito ang paa ko.

"Ang bagal ng kilos mo Bella. Nakikita ko agad kung saan tatama ang iyong pag-ataki. Dapat kapag nakikipaglaban ka gamitin mo rin ang iyong isipan at linlangin ang iyong katunggali," mahabang paliwanag ng lalaki sa akin.

Hanggang sa pinakita nito sa akin ang tamang pakikipaglaban. Sinundan ko ang bawat galaw ng katawan no Dark. Pati na rin ang kilos ng mga kamay nito. Hindi pala puwedeng basta lang umataki. Sinabi rin nito na hindi basta-basta si Darco. Isa itong bampirang may malakas na kapangyarihan. Bigla tuloy akomg napaisip. . . Kaya ko ba si Darco?

"Yes! Kaya mo siya. Basta sundin mo at tandaan mo ang lahat ng ituturo ko sa iyo, Bella." Napatingin ako kay Dark nang magsalita ito. Nasa mukha ng lalaki ang tiwala sa akin. Kaya isang tango ang ibinigay ko rito.

"Magsimula na tayo Bella. Dahil tumatakbo ang oras at araw."

Kaya naman muli na naman akong naghanda sa aking pag-ataki. Maliksi ang ginagawa kong pagkilos, kahit hindi ko ito matamaan ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Saka ang sabi nito ay gamitin daw ang isip. Kaya nang muli ko na naman itong sisipain ay nagkunwari akong natumba. 

"Hey, Bella!" sigaw ng lalaki sabay lapit sa akin. Maliksi akong tinulungan nito. Ngunit mabilis ding gumalaw ang kamay ko patungo sa mukha nito at sapol na sapol ito sa ilong.

Napatda ito sa aking ginawa, sabay tingin sa akin. Ako naman ay nakangising dito.

"Paano ba 'yan, natamaan kita?" 

Natatawa na lang ito sa aking ginawa sabay pisil ng aking ilong. Parang kinilig naman ako sa ginawa ng bampirang ito sa akin. Nagulat pa nga akong nang buhatin ako papalabas ng silid sanayan at dalhin sa kwarto nito. Marahan akong inihiga sa malambot na kama.

"Magpahinga ka muna Bella. Alam kong pagod ka dahil sa ginawa nating pagsasanay," saad ng lalaki sa akin. Inayos pa nga nito ang kumot at unan. At bago umalis ay mariin akong hinalikan sa aking labi.

"Pahinga ka na..." bulong ng lalaki. Ako naman ay parang dinuduyan dahil bigla akong inantok. Hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.