chapter 15-Mission
DARK’S POV
“Master! Master!” humahangos na tawag sa akin ni Bruno. Siya ang inuutusan kong magmanman sa mga itim na bampira. Mission nito ang paniniwalain nito si Draco na umanib na ito sa kanya. Dahil may kakayahan akong mabasa ang iniisip ng iba. At iyon ang wala si Draco. Hindi nito malalaman ang nilalaman isipang ng kahit sinong kaharap.
Napaalarma ang dalawang nakabantay sa aking truno at maliksi nitong hinarangan ang paparating.
“Hanggang diyan ka na lang! Hindi mo maaaring lapitan si Master Dark! Walang puwang rito ang mga traydor!” kaagad na hinawakan ng mga ito si Bruno.
“Dalhin ninyo siya sa silid piitan!” utos ni Edward. Ang pinuno ng aming mga mandirigmang bampira.
“Hayaan mo siyang makalapit sa akin!” Napabaling silang lahat sa akin.
“Pero master, ang bampirang ito ay isang taksil. Ang nararapat sa kanya ay patayin!” nangangalit na saad ni Edward habang inilabas nito ang kanyang matalim na pangil handa sa pakikipaglaban.
“Si Bruno ay hindi natin kaaway, bagkus siya ang ginawa kong mata laban sa mga itim na bampira!” nauunawaan ng mga ito ang aking sinabi. At kaagad din nila itong pinakawalan.
Yumukod si Bruno nang tuluyan itong nasa harapan ko. Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo sa aking truno dahil batid ko na mahalaga ang ihahatid nitong balita.
“Master, Dark. May mahalaga po akong balita sa iyo.”
“Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ibabalita," seryoso kong tugon at muling naupo sa aking trono.
“Master, nagkaroon na nang pagtitipun ang lahat ng mga bampirang itim dahil sa nalalapit na lunar eclipse at muling kabilugan ng buwan. May masama silang binabalak laban sa natitirang babaylan.” Hindi na ako nagulat sa ibinalita sa akin ni Bruno. Naisip ko na ito. At alam kong mangyayari na nga ang balak ng itim na bampira.
Alam ko ring matagal nang hinahanap ni Draco ang natitirang babaylan, iyon ang gagamitin nito para palakasin ang kapangyarihan at magkaroon ito ng buhay na walang hanggan at upang pigilin ang kanyang pagtanda.
Pero hindi ako papayag sa plano nit Darco. Kaya
inuunahan ko na siyang hanapin ang natitira at kahuli-hulihang babaylan para pigilan ang masamang plano ni Draco. At sa hindi inaasahang pagkakataon ang babaeng hinihingan ko na ng dugo ay si Bella pala. Kaya pala una pa lang nakaramdam na ako nang kakaiba. Talagang dinidinig ni bathala ang panalangin ko sa kanya at ipinaglapit ang landas namin ng dalaga. Alam kong hindi hahayaan ni Bathala na manalo ang kasamaan laban sa kabutihan. Kaya gagawin ko ang lahat para sa aming puting mga bampira at bilang pinuno tungkulin ko rin ang mapangalagaan ang mundo ng mga tao.
Napapitlag ako nang muling magsalita si Bruno. “Master, Dark. Ano ang maaari nating gawin upang pigilan si Draco laban sa kanyang masamang binabalak niya? Kailangan nating maunahan ang pinuno ng mga itim na bampira na mahanap ang kahuli-hulihang babaylan.”
“Huwag kang mag-aalala, Bruno. Nakita ko na ang kahuli-hulihang babaylan. Nandito na, hawak na natin siya.”
Nanlaki ang mata nito sa kanyang narinig at nakita ko ang pagliwanag sa kanyang mukha. Na kanina lang ay napalibutan ng pangamba.
“Malaki ang tiwala ko sa iyo, Master. Alam kong magagapi rin natin ang kasamaan ni Draco. Hindi tayo papayag na may inosenti na namang madadamay. Ilang bampira na rin ang nagbuwis ng buhay. Marami na rin siyang pinatay na tao na walang kalaban-laban. Kailangan matigil na ang kasamaan ng Draco na iyon!”
Ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Bruno. Dahil bilang pinuno alam ko ang sakit at pighati nang mawalan ng mga nasasakupan. Paano na kaya ang mga mabubuting pamilya na nawalan ng mahal sa buhay nang dahil sa kasakiman ng mga bampirang itim. Kaya nararapat lang na tuluyan na silang maglaho sa mundong ito upang hindi na ito makapaghasik pa ng lagim sa mundo namin at sa mundo ng mga tao.
“Master, may isa pang binabalak ang mga itim na bampira. Naghahanda sila sa gagawin nilang pagsalakay rito sa atin ngayong nalalapit na kabilugan ng buwan.”
Hindi nga ako nagkakamali, tama ang lahat ng mga hula ko ukol sa mga plano ni Draco. Mabuti na lang at naghanda kami sa sa gagawin namin sa laban. Ngunit may isa pa akong suliranin dahil hanggang ngayon hindi pa alam ni Bella kong paano palakasin ang kanyang kapangyarihan. Kahit sa ayaw ko man sana isalang si Bella sa laban wala akong magagawa dahil sa kanya rin nakasasalay ang pagkatalo ni Draco.
Natigil kami sa aming pag-uusap ni Bruno nang biglang may sa amin ang isang kawal.
Tinitigan ko ang mga mata ng kawal na lumapit sa amin, pagkatapos ay binasa ko ang nilalaman ng kaisipan nito.
"Master, paparating na po si Bella," iyon ang nabasa ko nito mula sa isipan ng kawal ko.
"Paumanhin Master, ngunit ayaw po talagang magpapapigil ni Bella," wika naman ni Daisy ang isa sa mga itinalaga ko na tagapagbantay sa dalaga. Isang tango lang ang ibinigay ko sa aking kawal.
Mayamaya pa'y dumating na nga ang dalaga. Pero nakakunot naman ang noo nito habang nakatingin sa akin.
"Mabuti pa iwanan n'yo muna kami," utos ko sa mga kawal na nakapalibot sa amin.
"Bakit naman ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ko sa dalaga.
"Dahil alam kong binabasa mo ang nilalaman ng utak ko. Isa pa bakit naman kailangan mo pa akong bigyan ng kasama? Pakiramdam ko tuloy wala akong kalayaan!" masungit na turan nito sa akin.
"Ginawa ko lang nararapat upang pangalagaan ang babaeng iniingatan ko," wika ko sabay ngiti rito ng matamis.
"Kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko. Saka 'di ba? Marunong na akong makipaglaban," pahayag ni Bella sa akin.
"Bella, may mga bampira na gustong kuhanin ka mula sa akin. At 'yun ang hindi ko mapapayagan. Lalo na ngayong darating na kabilugan ng buwan. Kaya dapat pag-aralan mo ang makipaglaban ng tama. Hindi kita isasabak sa laban kung wala kang alam," nag-aalalang wika ko rito.
"Dark, alam mo kung bakit gusto kong sumama sa laban upang ipaghiganti ang mga magulang kong pinaslang ni Draco. Hindi ako papayag na 'di sila mabigyan ng katarungan!" galit na galit na sabi ni Bella.
"Shhh! Magtutulungan tayo, Bella para sa kapayapaan ng mundo at mga tao," pag-aalo ko sa dalaga.
"Lumabas ka na muna, Bruno. Dahil may bisita akong paparating at ayaw ko munang makita ka niya sa ngayon," utos ko kay Bruno.
"Naiintindihan ko, Master," saad naman ni Bruno. At mabilis naman na umalis ang lalaki sa harapan ko.