CHAPTER TWENTY-TWO

"ANG ANTIBIOTIC talaga niyang pinsan mong si Abigail, girl. Sure ka bang kompleto sa bakuna iyang babaeng iyan?" Pagtataray ng kausap ni Reverie.

Tinitimbang ni Reverie ang emosyon dahil sa sinabi ng matalik niyang kaibigang si Elfie. Nagtatalo ang isip niya kung tatawa ba siya sa pahayag nito o sisimangot.

"Elf, leave Abby alone, alright?" Giit ni Reverie sa pinatamad na boses atsaka nagpakawala ng malalim na hininga.

Tinalikuran na niya si Elfie at lumapit sa hydro pool sa kanyang harapan. Umupo siya sa gilid niyon at dahan-dahang inilublob ang dalawang paa sa tubig. Her eyes darted into the natural light floods in through a glass ceiling.

Ang daming bagay-bagay ang pilit na sumisiksik sa isipan niya hanggang sa mga oras na iyon.

Una ay kung bakit bigla na lamang umalis ng bansa si Abigail pagkatapos nilang magkaayos?

No one knows where exactly Abigail is.

Maayos naman na sila, iyon ang alam niya dahil nangako siya sa kanyang pinsan na tuluyan na niyang tutuldukan ang ano mang koneksiyon niya kay Zurick.

Good thing that Zurick finally got his balls to cooperate with their legal separation.

Nagpakalayo-layo na siya. Ilang buwan din siyang namalagi sa ibang bansa upang umiwas sa issue at iwasan si Zurick. Lahat ng posibleng paraan ay sinubukan niya na dahil ang akala niya ay iyon ang makabubuti sa lahat pero parang mas gumulo lang yata ang sitwasyon.

Abigail is missing and everyone in their family are so damn worried.

Pangalawa ang Kuya niya na masyadong apektado sa nangyayari sa buhay nito ngayon tungkol sa sino mang nasa likod ng panggugulo sa buhay nito.

Pangatlo ay ang boyfriend niyang si Darius na lalong nagpapasakit sa ulo niya ngayon.

Darius seems so eager to marry her right after their annulment process. Wala namang sagabal para um-oo siya, sadyang wala pa siyang planong matali agad-agad.

She sighed deeply.

"I knew it! MIA ang acting ng babaeng iyan ngayon para makuha na naman ang simpatya ng lahat, especially Zurick's. Can't you get it, Reeve? Halata namang paawa effect ang antibiotic na iyon para sa kanya ang lahat ng atensiyon." Patuloy na pagtataray ni Elfie habang pinapapak ang isang tangkas ng ubas at prenteng nakaupo sa isang bubble chair sa loob ng pasilidad kung nasaan ang hydro pool.

Usually ay iginugugol ni Reverie ang buong oras niya sa Spa na pag-aari ni Elfie. Kasosyo siya sa negosyong iyon ng kaibigan pero ngayon lang siya nagkaroon ng interest sa nasabing Spa.

Just for distraction.

"She's being irrational if that's so." Halos pabulong niyang sabi.

Talagang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon.

She's starting to find a new life for her... with Darius.

After that day when she and Zurick tackled about their separation ay kaagad siyang lumipad patungong Italy para sa proseso ng kanilang annulment. She even laughed at Zurick's offer about that crazy deal.

Sapol nang araw na iyon ay halos pestehen siya ni Zurick kapag may pagkakataon ito. But she bravely pushed him away. Siguro ay napagod na rin ito at nagkusa na lamang na tigilan siya at ibigay ang kagustuhan niya.

Their annulment.

At abot-kamay niya na iyon.

Abot-kamay niya na ang matagal na niyang pinapangarap. Isang natatanging pangarap na duda siyang pinapaboran ng isipan niya.

It was like she found a frail victory in the sea of defeats.

"Totoo nga siguro ang chika na kaya nag-disappear-appear one-half, one-fourth iyang magaling mong pinsan kasi nagtampo raw sa Papa Zurick mo, girl."

Reverie's confused eyes immediately flew back to where Elfie is sitting.

"What about it?" She interestingly asked.

"Iyong chika na nagkaroon sila ng major LQ kasi itong si girl ay pinipilit na mag-migrate na sila ni Zurick pa-far away habambuhay at doon nalang ganapin ang kasal nila kuno. Solohista iyang babaeng iyan talaga! Mahadira! Pero umayaw naman itong si boylet kasi siyempre his heart belongs in here. Kaya iyon..." Paliwanag ni Elfie gamit ang pilit na binabaeng tinig.

Halos umawang ang labi ni Reverie sa narinig.

She was clueless regarding with that issue. It was really heavy but stupid it seems but she felt like something took her at the bottom of could nine.

She must be insane thinking about that piece of crap habang nagkakagulo na ang lahat.

"But... I thought Rhames is in Singapore with Tor and the rest of their gang, 'di ba? Akala ko nga kasama si Abby do'n..."

Iyon ay ayon sa matalik na kaibigan ng kapatid niya na si Dozier Villarte.

Dozier was contacting her these past few weeks dahil may inaalok itong trabaho sa kanya para sa monthly launching ng produkto ng kompanya nito kaya paminsan-minsan ay nakakakuha siya ng balita mula sa kay Dozier.

"Paano mo nalaman na nandoon si Rhames, aber?" Suddenly, Elfie asked her using his teasing tone and even wiggled his eyebrows in a very playful manner.

This gay!

Reverie scowled at Elfie. "I just do and for heaven's sake, do not give me that look, Elf. Kinikilabutan ako!" Umarteng nangisay si Reverie at marahas na tumayo kapagkuwan.

She was about to walk out when Elfie chuckled heartily. "Seems really interested, huh?"

Umirap siya ng buong-puso at huminto para lamang ibato kay Elfie ang una niyang nadampot na prutas sa fruit tray malapit sa dulong bubble chair.

Humalakhak siya nang mapa-aray si Elfie dahil sa pagtama ng mansanas sa braso nito.

"I'm so not interested, Elf. I'm just sexily curious, 'ya know?"

Talaga lang, huh?

Agarang kontra naman ng kabilang utak ni Reverie sa kanya.

"ANO'NG kaguluhan ang nagaganap dito? Anyone, what's happening in here?" Iritableng usisa ni Reverie sa mga staff nila sa Spa na naabutan niyang animo'y pumipila para sa free kiss mula sa sikat na Hollywood male celebrity.

Kahit ang staff nila sa reception desk ay naglaho na rin.

Ayon at nakikipagsiksikan din sa ibang empleyado na parang may pinagkakaguluhan na ano man sa loob ng Mineral Grotto na isa rin sa special na facility sa kanilang Spa.

"Back to work, everyone!" Pagsasalita ulit ni Reverie sa mas pinataas na boses.

Pero wala pa ring nakinig sa kanya. Ni hindi alintana ng kanyang mga empleyado sa Spa ang kanyang mabigat na presensiya.

"Jacky, ako naman diyan sa harapan. Palit naman tayo ng puwesto, tutal mas maliit naman ako saiyo. Huwag ka namang masyadong gahaman diyan!" Reklamo ng isang empleyado na nasa pinakalikuran ng mga nagkukumpulan.

"Ten minutes more, Kaye." Apela naman no'ng Jacky na lalong nagpasama sa timpla ni Reverie.

Ano bang mayroon sa Mineral Grotto? At nasaan si Elfie? Inis na naitanong ni Reverie sa kanyang sarili.

"Ten minutes? Jacky, huh? Magkakaibigan tayo rito kaya dapat walang makakalamang!"

"Kasi naman, Kaye. Blame it on your genes. Saan ka ba kasi pinalaki ng mga magulang mo at mukhang hindi nila nakadaupang-palad si Cherrifer?"

"Hala siya! So, ganituhan na tayo ngayon? Baka naman gusto mong itong palad ko na mismo ang dumapo saiyo. Ano ka?"

"Hoy! Tumigil nga kayong dalawa diyan. Istorbo kayo sa pinapanood natin dito e!"

Tumikhim si Reverie upang kunin muli ang atensiyon ng mga empleyado nila. "Hello, people! May customers dito oh!"

Kinalabit niya ang likod ng staff nila na si Kaye pero iwinaksi lang nito ang kamay niya.

Aba't...

Nag-igting ang bagang ni Reverie.

"Ang sabi ko may customers tayo rito! Ano ba?!" She shouted kahit wala naman talagang customer, losing her divine poise.

"Wait a minute, abs na mainit! Grr... Teka lang muna! Istorbong mga customers!" Their staff grunted and seconds later, giggling like a cat.

Naka-tiptoe ang lahat at parang wala ni isa sa kanila ang ayaw ialis ang mga mata mula sa loob ng Mineral Grotto. Lantaran pang kinikilig ang mga ito na talagang ipinagtataka ni Reverie. Impit ang tili ng mga ito at iyong iba pa ay panakaw na kumukuha ng picture o video.

She made a wild guess. Baka may local celebrity siguro silang customer kaya gano'n.

Pinuno muna ng hangin ni Reverie ang kanyang baga bago ibinagsak ang pinakamalupit niyang alarm bell na sa wakas ay nagpabalik sa mga nilipad na huwisyo ng kanyang mga empleyado.

Alarm bell meaning hinampas lang naman niya ang fire alarm ng Spa kaya halos tangayin na ng hangin ang kaluluwa ng kanilang mga empleyado.

Humalikipkip si Reverie malapit sa reception desk at nangalumbaba roon habang isa-isang tinitigan ng matalim ang mga empleyado na mistulang natauhan nang makita siya.

"There's no fire..." She started with a bored look. "... but hear this everyone. I'm way hotter and more dangerous than a fire, so you better handle your work appropriately or else I'll fire you all with no mercy at all. Understood?"

Magkapanabay na nagsitanguan ang mga empleyado at nakayukong bumalik sa kanilang mga designated area.

Reverie stood still for few more seconds and waited for the other customers who were also alarmed by the disturbance of fire alarm but then walang may lumabas mula sa kahit anong silid ng Spa nila.

Unbelievable!

Sa mahigit isang linggo niyang pamamalakad sa Spa ay palaging naglalaro sa dalawampu hanggang treinta ang bilang ng na-a-accomodate nilang customer. So paanong wala man lang naistorbo sa tunog ng fire alarm?

Something is really wrong in here. Opinyon niya atsaka dinial ang numero ni Elfie.

Imbes na maghintay sa pagsagot ni Elfie sa tawag niya ay mismong si Elfie na ang kusang lumitaw.

Galing ito sa Mineral Grotto at mayroon pang napakalapad na ngiti. Kinikilig ang ungas.

"What's happening inside ba at mukhang wala sa tamang pag-iisip ang mga staff natin dito nang dumating ako?" Reverie asked Elfie with a majestic frown in her lovely face.

She slid her Iphone back to her purse and impatiently waiting for Elfie's explanation.

Bumuka ang bibig ni Elfie na sana ay magsasalita na nang may bultong biglang lumitaw sa likuran nito na galing din sa Mineral Grotto.

Nahigit ni Reverie ang kanyang hininga nang mapagsino ang taong iyon.

Her muscles clenched harshly as she tried to unrecognize the man.

It was Zurick.

No! She held her breath.

Dashingly standing few meters behind Elfie with only a piece of dark red, branded Spa robe and an Iphone in his ear. Sumisilip pa ang maskulado nitong dibdib at ang may kakapalang balbon doon. Basa ang buhok nito at magulo subalit hindi naman iyon nakabawas sa malupit nitong kaguwapuhan.

Zurick's beard was utterly visible. And his tattoo on his right chest, so damn...

Damn yes! This motherfucker is still gorgeous as before. Sexily hotter than before. Irresistible and God! Enough for that crappy praises. Shit!

She can't barely take her eyes away from him. Damn! Bakit ganoon na naman umasta ang sarili niya? Dapat hindi na ganoon dahil kay Darius lang siya dapat humanga ng ganoon.

Reverie mentally cursed herself.

Tila may kakaibang init ang dumaloy sa kaloob-looban niya sa mga oras na iyon na hindi niya lubos mawari kung saan nagmumula.

"Excuse me, Elf. Where can I possibly grab a drink here?"

Bored na tanong ni Zurick kay Elfie.

Doon na nahigit ni Reverie ang tamang pag-iisip nang mapagtantong tila hangin ang turing sa kanya ni Zurick.

He just boredly glanced at her direction for about half a second atsaka bumaling kay Elfie.

What the E F G H I J K?

Tila nagdiwang naman ang haliparot na kaibigan ni Reverie na si Elfie. Maging ito ay halos hindi na rin siya pansinin.

"Drinks ba? Wait! Ikukuha na lang kita. What do you prefer? Champagne? Tea? Or me? Name it!" Nagkakandarapang tanong ni Elfie with matching kurap pa ng mata.

Kita mo itong bayot na 'to! No'ng iniwan ako nitong ungas na de Souza na ito noon ay kulang na lang na ipakulam ng baklang ito si Zurick! And now? Duh!

And wait a minute? Don't tell me na itong lalaking ito ang pinagkakaguluhan ng lahat dito sa Spa? Holy crap!

"A canned beer will do. Thank you." He smiled that almost made Reverie clenched her jaw.

"Alright, signor. I love you, too." Elfie giggled and joyfully jogged towards the reception lounge.

Nang umalis si Elfie ay siya ring pagtalikod ni Zurick at muling itinuon ang atensiyon sa kausap nito sa cellphone.

"Blu's Urban? Are you sure? Sige, I'm coming tonight. Of course..."

Pumasok na ito pabalik sa loob ng Mineral Grotto without taking another glance at her.

Letse huh! Deadma ako to the fuckiest level! Shit!

Dahil doon ay lubusan nang nairita si Reverie. Panay ang singhal niya sa mga trabahador niya sa buong maghapon na pamamalagi niya sa Spa. She's really frustrated the whole time.

Atsaka Blu's Urban?

Bar ni Blu Delacroix iyon ah? Don't fucking tell me na may gana pang mag-bar ang kumag na ito gayong nawawala si Abigail?

Such a heartless goat! Tsk.

"Is he always here? I mean, Zurick fucking Rhames?"

Nanunuligsang tingin ang nakuha ni Reverie mula kay Elfie nang sa wakas ay naglakas-loob siyang tanungin ito tungkol kay Zurick.

She just can't help it. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog ng payapa oras na hindi siya makakuwa ng sagot sa mga katanungang bumabagabag sa kanya.

Questions all about... him.

Crap!

"What, Elpidio? At paanong nangyari na walang ibang customer ang nagawi sa Spa dahil lang nandoon si Rhames? Malulugi negosyo natin nito, bakla!" She ranted like she was really concerned about their business.

"Because he rented the whole Spa for the whole day? Gano'n si Zurick e, babad iyon dito kapag may problems."

"You mean to say na suki na siya rito sa Spa natin? Madalas siya rito, gano'n ba?" Lalong lumakas ang kuryusidad niya.

Pure curiosity, she claimed.

"Yedz..." Walang period na sagot ni Elfie habang abala pa rin sa inaayos nito sa may reception desk.

And he's problematic?

Okay... Maybe he's also worried about Abby.

Dahil sa ideyang iyon ay para bang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ni Reverie.

If he's really worried and concern about Abby, 'di sana ay hindi siya mag-aaksaya ng oras para mag-bar. Damn him!

Nang gabing iyon ay sumabay na siya pauwi kay Elfie nang may maalala siya.

"Elf, I guess I'm in the mood to party tonight. Blue Avenue tayo saglit."

*****#LordsOfSavage

The Secret Wife's Temptation