Chapter 21: CHAPTER TWENTY-ONE
DASHING and robust physique. So sexily dashing.
Iyon kaagad ang mga salitang naipon sa utak ni Reverie nang iluwa ng pintuan ang lalaking pakay niya.
May namumuong mga butil ng pawis sa noo ng lalaki at medyo madumi ang mga kamay. Suot ang pares na casual youthful sports suits at takaw-pansin nitong Patek Philippe 5004T wristwatch ay lito itong tumindig sa hamba ng pintuan.
Kung kanina ay kasing tatag ng bato ang confidence niya, pakiramdaman niya ngayong nasa harapan na niya si Zurick ay mistulang tinupok na ng pinakamatapang na chemical elements ang inipon niyang lakas at tapang.
Here he was, stunned silence on the door frame and shockingly stared at her for a brief moment. Hanggang sa nakaahon ito sa pagkagitla dahil sa presensiya niya sa loob ng opisina nito.
Nakakainis lang isipin para sa parte ni Reverie na segundo lang ang kakailanganin ni Zurick upang maibalik sa wasto ang sarili nito.
Siya naman ngayon ang lantarang nagulat nang dahan-dahang may bumanat na nakakaliyong ngiti sa mga labi ni Zurick. His regale grin harshly demanded so much attention and Reverie tried so hard not give him that satisfaction.
The Almighty Zurick de Souza was finally standing in front of her. Finally so close. Ngayon ay narealize niya na malaki na talaga ang pinagbago ng pisikal nitong hitsura. He changed to a better Roman God who will surely get women's creed effortlessly. Iyong tipong sasambahin ng kababaehan ni lupang lalakaran niya.
But still, he is a curse for Reverie.
"So, remind me first if you owe me a visit, Miss de Gracia?" His tone was so casual.
Sinara nito ang pinto. Kasabay noon ang paglukso ng kaba at hapdi galing sa dibdib ni Reverie.
Miss? So I am a Miss to him now? Putanginang 'to! Damdam ng kalooban ni Reverie.
She remained on the swivel chair, acting so territorial. So tough.
Wala siyang balak na tumayo mula roon dahil alam niyang mapapahiya lamang siya oras na mapansin ni Zurick ang lack of confidence niya sa harapan nito.
She had much of that before she arrived in the site, so why now? Where did they all go?
Matapang na sinalo ni Reverie ang mga mapaglarong titig ni Zurick. Iyong klase ng titig na hindi niya nasisilayan sa tuwing kasama nito si Abigail. Parang kahawig na ito ng Zurick na dati niyang... nakasama noon.
"I want us to talk." Reverie bravely said. She tried to sound casual as well.
Wala rin naman siyang balak na ipakita kay Zurick na may epekto ang presensiya nito sa kanya.
"Talk?" Zurick mimicked coolly.
Ito na naman siya! Iyong makahulugang pagpasada ng hintuturo nito sa makapal nitong kilay ay iba na naman ang dating kay Reverie. That mannerism of him reminds her of Zurick's playful and horny side.
Shut it, please!
Lightly, he took a steps towards her direction. Dahil doon ay nahirapan si Reverie na labanan ang marahas na reaksiyon ng kanyang puso. Kumakalabog iyon nang hindi naaayon sa gusto niya. Traydor na damdamin!
He's getting closer. Wtf? Just what the fvck?
"Us?" Anito nang dumiretso ito sa likurang bahagi ni Reverie.
Mentally panting, she subtly glanced back to check what he's doing back there.
Nakahinga nang maluwag si Reverie nang may kinuwa lang pala ito sa wooden cabinet na nasa likuran niya.
"About what, anyway? I guess you should consult my secretary first and arrange an appointment so you don't have to bother yourself driving from Manila up to here." Anito sa nagyeyelong himig habang nagpupunas ng madumi nitong kamay. "Plus, I'm a very busy person. Much of my time is so restricted."
Kumulo ang dugo ni Reverie dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay paraan ito ni Zurick upang itaboy siya at ipahiwatig na wala itong ganang makipag-usap sa kanya.
Tangina talaga!
At hindi iyon nagustuhan ng... puso niya.
Fvck!
"Talk to you some other time. Do what you've been told. Talk to my secretary first-"
Naikuyom ng marahas ni Reverie ang kanyang mga palad atsaka hindi na nagpapigil na sumabog sa sobrang inis at galit. "Putangina mo! Puwede bang itigil mo na iyan?! Tumigil ka na dahil pikon na pikon na ako sa kakaganiyan mo! I'm so sick of your pretentious bvllshits, de Souza!" Sigaw niya. Tumayo na siya mula sa swivel chair at matamang hinarap si Zurick gamit ang nagliliyab sa galit niyang mga mata.
Binalewala niya ang ano mang reaksiyon ni Zurick at inis niyang kinalkal ang bag niya upang kunin ang folder sa loob niyon.
Hinampas niya ang folder sa dibdib ni Zurick. She knew for sure that she totally looked like a hungry wild animal that is so ready to jump and kill its spotted prey.
"Sign it! That's our annulment papers and all I ask from you is your cooperation. Only that one and nothing more." Hingal na wika ni Reverie.
Nakipagtitigan siya ng agresibo kay Zurick. Walang balak na magpatinag sa mabigat na titig nito sa kanya.
His eyes that she used to admire before, now are extremely looking at her with tons of rage swirling in them. He looked so dangerous at the moment and it almost made her jump from her skin.
"Stop acting like a stupid crap and insist that you already forget me. That you're unable to remember me at all. Well, fvck you all the way, Rhames. Huwag mong bilugin ang ulo ko dahil nagsasayang ka lang ng panahon mo. Let's end it here. It should be done long time ago if you had just cooperated."
Umayos ng tayo si Reverie at naghahanda nang umalis subalit naantala iyon nang higitin ni Zurick ang siko niya. May puwersa iyon, kaya naman ay mistulan siyang hamak na bagay na basta na lamang bumagsak pabalik sa swivel chair na nasa likuran niya.
"What the hell are you doing?!" She shouted at Zurick.
Zurick released her elbow and walked heavily towards the door, immediately locking it up.
Naalarma si Reverie sa ginawa nito. "What the... Hoy, ano'ng ginagawa mo ha?!" Frights mixed in her stiffed voice.
Nang humarap muli sa kanya si Zurick ay ganap nang nahalinhinan ang ekspresiyon nito kanina ng mas agresibong pagbabago. Nananantya ang titig na malupit nitong hinahampas sa direksyon ni Reverie.
Natutop bigla ni Reverie ang sariling bibig nang walang pag-aalinlangang pinunit ni Zurick ang mga dokumento na iniabot niya rito.
"End up here? As easy as that? Such an inconsiderate woman!" Zurick muttered those words like a mantra.
His aristocratic face completely covered with so much fury in their depths.
Tila naiwala ni Reverie ang kakayahan niyang magsalita dahil sa inakto ni Zurick sa harapan niya. She didn't expect it. Akala niya ay magiging suwabe lang ang pag-uusap nila ni Zurick at hindi nila kailangan humantong sa marahas na negosasyon.
But it's happening now and she hardly can't react more. Can't escape through it.
Zurick puffed a forceful sigh after throwing away the torn documents on the floor. Pigil ang galit nito at halatang hirap na hirap pakalmahin ang sarili.
"You want us to talk, right? Now, let's talk!" Sabi nito nang titig na titig sa tahimik na si Reverie.
"You didn't ask for the truths, but I'm giving it to you willfully, Reverie. Oo, I lied when I said that I already forget you at all in front of your parents. I lied but I meant it."
Mabigat na dumapo ang isang kamay ni Zurick papunta sa baba niya upang hagurin ito sa iritadong asal.
"I meant it dahil sa lagay mo ngayon ay hindi na talaga kita makilala. Try to look at yourself! You've changed a lot. No, you've totally changed into the worst version of yourself and you're now a complete stranger to me. Mula sa kilos, pananalita at lalo na sa pananamit mo ngayon, wala na akong makitang bakas ng dating ikaw sa ayos mo ngayon."
"Do not fvcking insult me, damn you!" Reverie clenched her jaw tightly. Pero taliwas doon ang reaksiyon ng puso niya.
"I'm not insulting you. I'm describing you and I'll tell you that I don't really like it. I don't like the new you, Reverie." Iminuwestra pa ni Zurick ang kabuuan ni Reverie kahit pa naroon ito sa swivel chair.
Magkahalong disgusto at disappointment ang inilalarawan ng mapanghusga nitong mga mata na lubhang ikinalungkot ng damdamin ni Reverie.
She's the worst version of herself now. Iyon naman ang pinili niya. Ang ginusto niya kaya ano'ng magagawa ng pamumuna ng iba?
Hindi dapat siya naaapektuhan sa mga insulto nito pero bakit nanlalambot siya sa bawat masasakit na salitang binibitawan nito laban sa kanya?
Ganoon na ba siya ngayon... kasama?
"Kung umasta ka, daig mo pa ang mumurahing babae sa kanto. And what's that tattoo on the flank side of your belly, huh? Then your dress... Goodness! You dressed and act like a whore for fvck's sake, Reeve. I even spotted you countless times, kissing and made out to any random men that you saw in every wild party you attended by. Alam mo bang pulutan ka na ngayon ng mga lalaking nakakita saiyo sa labas kanina. They're so fvcking entertained with your boobs that are already waving hello to all those pair of eyes that watching you like a hawk back there. Goddammit!" Umawang ang labi ni Reverie sa sinambulat nito. Zurick furiously ran his hands through his disheveled hair and breathed heavily.
"If I only knew na ikaw pala ang pinag-uusapan nila, maybe I should take an actions for that. God! Now tell me, ano'ng pinapatunayan mo bakit ka nagkakaganiyan?" Hamon nito.
"Wala! At kung mayro'n man, wala ka pa ring paki." Nanindigan si Reverie.
Pagkatapos mo akong insultuhin ng wagas, ngayon gusto mo pa talaga ng sagot? Neknek mong, Italyano ka! Pakialamero!
"Walang paki? Are you insane? Let me just remind you that I'm still your husband-"
"Soon to be ex-husband, mind you!" Kagyat na putol ni Reverie rito. Umingos si Reverie. "I'll just ask my legal adviser to send you another set of annulment documents so we can file it as soon as possible." Aniya sa pagod na tinig. She's dismissing their conversation.
"Open the door. I'm done here. I'm done with you."
"Don't bother." Zurick smirked and meaningfully stared at her face down to her open cleavage.
Napahinto sa ere ang mura na sana'y ihahagupit niya kay Zurick bago siya pumanhik.
Sa ilang taon niyang pagsusuot ng mga eskandalusong outfit ay ngayon lang siya tinamaan ng hiya. Zurick's stare made her so conscious of herself. Tuloy ay gusto niyang yakapin ang sarili at kumawala sa mapanuri nitong mga mata.
Naiilang siya na dapat nama'y hindi.
"We will never be done until I say so." Bunyag ni Zurick na nagpasinghap kay Reverie. Bakas ang pinalidad sa tono ni Zurick na animo'y kahit presidente pa ng bansa ay hindi makakatutol sa kagustuhan niya.
"Fvck you! I said we're done. Tapos na tayo matagal na kaya umasta ka nang naaayon sa sitwasyon ngayon." Nanlilisik na tingin ang ibinato ni Reverie kay Zurick.
But he was still standing right there, with so much arrogance in him and an overflowing imperiousness in every simple gestures that he does.
"We were just separated by distance for years but we're still securely attached to one another. You're still attach to me, dolce signora." Pinakatitigan siya nito tulad sa paraan nang paninitig nito sa kanya noon.
"Nahihibang ka na! Iniwan mo 'ko, hindi ba? So you must consider us done since that time you left me." She spat out.
"I did but I tried-"
"Absolutely you did, asshole!" Reverie shouted. Pinag-initan siya ng mga mata. "Iniwan mo ako! Iniwan mo akong putangina mo kaya wala kang karapatan na hadlangan ang annulment natin because these are all your fault." Sumbat ni Reverie.
"Let me be free already. I'm begging you. Let ourselves free for once and for all, Zurick Rhames dahil noon pa ako pagod saiyo. Noon pa talaga! Tama na ito! Tama na ang kalokohang ito!" Hindi inaasahang mabasag ang boses niya.
Tinulak ni Reverie si Zurick upang makadaan papunta sa pintuan. Pero hindi pa man niya napipihit ang siradura ay nagsalitang muli si Zurick.
"What if I don't want to?" He challenged her mischievously.
She stiffened.
She can clearly felt the smug in his aura behind her and it sent venomous shiver down to her spine.
"Stop it, Rhames! Stop this now! Huwag mo nang pilitin dahil wala ka nang mapapala sa akin. Huwag mong ipagpilitan ang bagay na wala namang puwang sa mundo." Pumikit si Reverie. "I'm getting married, too very soon... with Darius de Fontenelle. Marry Abigail, she's the destined one for you. I'm sure of that."
Ang sakit! Bakit ganito pa rin ang sakit? Ako yata ang nahihibang dito.
Napahinto si Reverie sa pag-alis nang may nabasag na kung ano sa loob ng opisina ni Zurick. Lumundo ang dibdib niya dala ng gulat.
Nang suriin niya kung saan galing iyon ay tumambad lang naman sa kanya ang table top glass na walang awang binasag ni Zurick.
"How dare you do this to me? How dare you decide for myself if who's the girl I wanna be with or not? And how dare you accept another marriage proposal, gayong ako pa rin ang asawa mo?" Napatiim-bagang si Reverie sa mabibigat na tanong sa kanya ni Zurick.
Ibig niya itong pagtawanan. How come na ito pa ang may ganang manumbat ngayon gayong ito naman ang nagdesisyon na layuan siya noon? The fvck!
And what about Abigail? Oh crap!
"Enough with the heavy drama, Zurick Rhames. Nasabi ko na lahat ng pakay ko kaya aalis na ako."
Hinakbang na ni Reverie ang mga paa paalis mula sa kinaroroonan ni Zurick nang may pahabol pa itong natatanging panukala na nagwasak sa paninindigan niya.
"You want this over, right? Let's make a deal then."
©MaribelleVerzosa
*****LordsOfSavage
The Secret Wife's Temptation