Chapter FOURTEEN
The Secret Wife's Temptation
"So ano nang kasunod nito? Alam kong hindi natin maililihim ng matagal sa pamilya natin na kasal na tayo, Rhames. Lalo na kay Tor. Kinakabahan ako baka may ibang makaalam."
Iyon ang inaalala ni Reverie nitong mga nakaraang araw. Kahit sa pinsan niyang si Abigail ay 'di pa rin niya naipapakilala si
Zurick. Wala pa rin kasi ito hanggang ngayon.
"Let me handle him. Titiyempo lang ako kung kailan ko ipagtatapat
sa kanya na idinaan mo ako sa dahas dahil patay na patay ka sa akin kaya naging asawa kita—ouch! So
cruel, dolce signora." Mapusok na daing ni Zurick nang sapukin ni
Reverie ang perfect sculpted niyang panga gamit ang kamao nito.
"Gago! May dahas ka pang nalalaman. Inggrato! Ang feeling ha."
Nakakamanghang isipin na madali lang nasapak ni Reverie si Zurick habang nakadapa siya sa ibabaw nito.
Katatapos lang mananghalian nilang dalawa at katulad sa mga
nagdaang araw at linggo na sila ay magkasama ay minabuti na lamang
ang manatili at solohin ang isa't isa sa loob ng unit ni Reverie.
Hindi na mabilang sa kamay ang araw na nagdaan sapol noong
magdesisyon silang dalawa na subukang ayusin ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
They're giving their marriage a good try if it will work their own way.
At sa ngayon ay mukhang umigi at yumaman naman ang kanilang
relasyon. Kung magbangayan man sila ay mabilis din naman nilang
naayos ang kanilang gusot.
Sa bawat araw na magdaan ay unti-unting lumalalim ang pag-iigihan nila. Mas nakikilala pa nila ang ugali ng bawat isa. Smooth starts for them.
"I'm planning to get a flight back to the States. I'm not really ready for this
but I need to face your brother. Siguro ay kailangan ko nang magpagawa ng ataol dahil duda akong makakabalik pa ako saiyo ng buhay. Kung mangyayari iyon, tiyak na ikaw ang pinakamagandang biyuda sa balat ng lupa."
Napahinto si Reverie sa paglalaro ng balahibo ni Zurick na nasa dibdib nito upang tignan ito nang masama.
"You're scaring me and you're not funny." Napakagat-labi siya.
Ang katunayan niyan ay ganoon din ang iniisip niya. Malupit pa naman magalit ang kanyang kapatid na si Trever.
An uncertain smile formed in Zurick’s lips. Hinahagod pa rin nito ang
hubad na likod ni Reverie na naroon sa kanyang ibabaw.
Hindi na nila matandaan kung gaano na sila katagal na nasa ganoong posisyon. But she wished they would remain that close forever. Whenever they are together like that, Reverie could only think of one man in her life and that is Zurick Rhames.
Basta isa lang ang natitiyak nila, iyon ay ang susunod nilang mga hakbang na sana’y magbunga ng maganda.
"I'm just telling you the possibilities, dolce signora. Your brother might kill me kapag nalaman niyang kasal na tayo. Of course he won't believe me if ever I'll tell him that it was your idea to put ourselves into this marriage.”
Hindi nakasagot si Reverie. Naroon ang kaba sa sistema niya at aktibung-aktibo na tumatakbo sa bawat ugat niya.
"Trever will kill the sht out of me, that's for sure. Kaya nga dapat ay
sulitin na natin ang nalalabi nating oras. Kailangang maka-ten rounds tayo sa isang araw. May quota ba dapat. Ten Rhames' golden condom down daily. What do you think? Great idea, isn't it?" Ngumisi ito sabay pagapang ng fingertips nito sa
spinal cord ni Reverie. Nanunudyong binabaybay iyon. She felt her blood ran hot through her veins. He was turning her on again. As easy as that.
"U—umayos ka nga muna! Nasa seryosong topic tayo tapos isisingit n
naman iyang kalandian mo. Naku ha! Alam mo namang madali rin akong magpalandi saiyo." Frustrated na angal ni Reverie.
"Landi-landi mo talaga. Dapat kasi wala nang quota, 'no ka ba? Atsaka
ten condoms down? Duh, just ten? Ang hina mo naman! Baka ay maka-dose pa nga tayo, depende sa sigla natin at sustansiya." Dagdag niya at bumungisngis.
Nahawaan na rin talaga siya ng kamandag ng kalandian ng asawa niya.
Napahagikhik na rin si Zurick, bagay na nagpapasaya sa puso ni Reverie.
Tumatalon ang puso niya sa tuwing nasisilayan niya ang genuine na
tawa at ngiti ni Zurick. Kakaiba at nakakabighaning pagmasdan.
Umaapaw pa lalo ang kaguwapuhan nito kapag ngumingiti ito ng ganoon. Lalo na kung para sa kanya ang ngiti nito. Mapamihag masyado.
Sino ba namang mag-aakala na bubuksan niya ang duwag niyang
puso para sa taong dati ay pinakakinamumuhian niya?
“Naalala ko lang. Hindi ba sabi sa entertainment news noon na
balak ninyong mag-business after disbanding the SoulDragon? Ikaw
anong plano mo?" Bagong paksang inungkat ni Reverie.
Nagpapahinga na ngayon ang ulo niya sa dibdib ni Zurick. Patagilid like she was listening to his heartbeat. Habang si Zurick naman ay panandaliang nanahimik na para bang may inaalala itong ibang bagay.
Sumagi kasi sa isipan ni Reverie na mukhang ginawa na siyang top
priority ni Zurick. Hindi naman sa nagsasawa na siya o nagrereklamo.
Isinasaalang-alang din niya siyempre ang personal na buhay nito.
“Rhames, alalahanin mong tao lang ako kaya hindi lang dapat ang mundo mo. Tell me what are your plans. We could talk about our plans for us. Let's communicate.”
Dama niya ang pag-aatubili nito.
Dama ni Reverie ang biglang pagbabago ng paghinga ni Zurick.
“Rhames, we're still young. Nag-aaral pa ako, one year to go pa. Nandito pa ang buhay ko sa France. Ikaw, saan bukod sa akin?"
"Kung saan nakatapak ang mga paa mo, doon din siyempre ako. Kung saan naroon ang anino mo, gusto ko nakasunod lang ako. You're
now my day and night, Reeve. You are my life and definitely the death of me if ever you turn your back on me.
So you don't have to bother yourself to shoo me away because I won't let go of you." Lumakas ang tibok ng nadadarang na puso ni Reverie sa bawat katagang sinasabi ni
Zurick.
Ang mga salita nito ay sumisigaw ng katapatan.
Mas lalong napapikit si Reverie nang yakapin siya ng mas mahigpit
ni Zurick. Panay din ang halik nito sa tuktok ng kanyang ulo, bagay na nagpapalambot sa kalamnan niya.
She could conclude that the safest paradise on Earth is in Zurick's
arms. Ang paraisong tiyak na babalik-balikan niya.
"In love ka na talaga sa akin 'no?" Kabadong tudyo niya upang
mabawasan ang bigat ng kanilang usapan.
"You have no idea."
"Sus! Hard to believe you. Paano mo natitiyak iyang feelings mo
kung hindi ka pa naman na-inlove dati, aber?"
"You're being paranoid. I'm dead serious about you. I'm so in love with you. Baliw ako saiyo. Saiyo lang ako nahibang ng ganito. End of the
story." Nangangakong pahayag nito.
"Nakakagimbal ang mga linyahang ganiyan. Narinig ko na rin iyan
dati e. He was serious about me one minute then he was flirting another
woman after. Boys really!"
Dahil sa sinabi niyang iyon kaya naging bayolente ang paghinga ni
Zurick. Tila may ibinubulong itong panganib.
“Boys, yes but I am man enough just to be deserving of you, Reverie. I am not just a boy, I'm your husband and I'm all yours.”
"DAMMIT, bro! Bakit kailangan doon sa Royal wedding ka pa nanggulo Puwede mo namang antayin na matapos muna iyong kasal bago mo sinugod iyong target mo. Pambihira ka, pare! Sinira mo iyong wedding ng British Royal couple." Walang humpay na sermon ni Eszio
kay Zurick habang pabalik sila sa Fabian's tower.
"He deserves my punches and kicks. Damn that man! Kulang pa iyong ginawa ko sa siraulong ‘yon. Akala ko si Nigel ang lilitaw na hadlang sa amin pero iyong gagong iyon lang din
pala."
Ipinatong ni Zurick ang baba niya sa nakakuyom pa rin niyang kamay habang nakasandal sa bintana ng sasakyan ng kanyang kaibigan.
Sinugod lang naman niya si Marko de Niro na nakaposteng guwardiya sa napakalaking event ng isang Royal couple upang ibaling dito ang hinagpis niya. That asshole of a man doesn't want to stop bothering his wife.
Hindi talaga siya matahimik sa kaalamang si Marko ang natatanging dahilan kung bakit ganoon na lamang ang takot ni Reverie na ibigay ang buong tiwala nito sa kanya. Marko gave her trauma and what made him mad is that Marko is back to pester Reverie again. What does he really want?!
And it would be hard for Reverie to ignore it lalo na ngayong nagbalik sa eksena ang lalaki. Zurick only want him to stay away from his wife.
Nasungkit na nga niya ang puso ni Reverie pero hindi iyon sapat
dahil naroon pa rin ang doubts at pag-aalinlangan sa kalooban nito.
At kasalanan lang naman iyon ni Marko. Nabubuhay ang trauma ni
Reeve kapag nakikita niya si Marko.
Gago iyon! Proud pa siya kanina nang ipamukha niya sa akin na
"Can you believe it? He had three flings that time noong sila pa ni Reverie. Gago iyon! Proud pa siya kanina nang ipamukha niya sa akin ang lahat ng kagaguhan niya kay Reeve. And he even told me he will have her back. Ang gago-gago ng hayup na iyon. I could kill that sonofabtch!”
"Dude, cool down a bit! It's been a long time already since that cheating happen. Reeve is already married to you.”
"That's not my fcking point here, Favian. Ang issue ko dito, kaya takot magtiwala ng lubos si Reeve dahil sa panloloko ng tarantadong
iyon noon sa kanya. Something is still missing between her and I because of what that dog caused her. Gusto ko lang makuha ng buo ang
babaeng gusto ko. That's all!" He breathed violently.
Namamanhid pa rin ang mga kamao niya hanggang sa mga oras na iyon dahil sa pagsugod niya kay Marko de Niro.
Kapag makita pa niya itong umaaligid muli kay Reverie ay ipinapangako
niyang hindi lang bugbog ang aabutin nito sa kanya. Wala na siyang
pakialam kung sabihin pa ng iba na napaka-irrational ng dahilan niya.
"Point taken, bro, pero kasi, sana man lang hindi ka na nag-eskandalo roon. Gago ka rin e. Masyado kang mainit, naeskandalo ka tuloy. Sikat ka pa man din dito sa Paris. Tsk! At may posibilidad pa na ma-ban ka sa bansa. Hindi biro iyong gulong ginawa mo, de Souza. You'll be facing heavy consequences for what you did, expect it."
Tila nahimasmasan si Zurick sa sinabi ng kaibigan.
Fck possibilities! Fck the consequences!
Hindi rin naman siya makakapayag na ipa-deport siya ng French
government dahil sa eskandalong ginawa niya. Hindi maaari.
Doon ang buhay ni Reverie kaya nararapat lang na doon din siya
manatili.
hirap siyang
"YOU'RE appointed for a force deportation. That's an order fromthe French law, dude."
Nanlamig si Zurick sa balitang isinambulat ng kaibigan niyang si Eszio nang mag-usap sila sa rooftop café na pag-aari nito.
Dahan-dahang kumuyom ang magkabilang palad niya. Takot ang
unang bumangon mula sa kalooban niya.
"No fucking way. Fuck no, Favian. That couldn't be." Suminghap siya ng marahas at ginulo ang kanyang buhok. Panay mura ang lumalabas sa kanyang bibig.
"Do something about it, dude. I know you can pull some strings just to avoid it." He frustratingly plead.
“I already did everything that I can do, de Souza. Buti nga at pumayag sila na ilihim sa publiko iyong insidente kaya hindi na malalaman ng mundo
na sanggano ang hinahangahang vengeance drummer ng SoulDragon." Tumawa si Eszio na lalong ikinadilim ng mukha niya. Inaasar pa siya nito.
"Banned? Bllshit! Paano na 'ko? Paano si Reverie kung ipapa-deport ako? LDR kami ng asawa ko, gano’n? Fcking shit!"
"Ayaw kitang sisihin, dude, pero kasalanan mo rin e. Idinaan mo
kasi sa init ng ulo ang problema mo. And the worst part of this is the
fact that our connection and money can do nothing to fix your mess.
French government ang kakalabanin natin kung ganoon. Anyway, don't
worry about Reeve. I can secure her for you. And you can have her
outside France instead. Hindi iyon hassle saiyo kasi mahal mo. Take her to Italy after her college."
Dahil doon kaya medyo nabawasan ang inis ni Zurick. Just by the
thought of Reverie ay ang bilis gumaan ng pakiramdam niya.
"Mahal ko nga, p're. Lakas ng tama ko sa babaeng iyon. Takti! Nakakabuang pala ang pag-ibig. Kaya pala matitino pa kayo nina Doz kasi hindi pa ninyo nararanasan iyong ganito."
Napailing sa kawalan si Eszio. "No thanks. But you're such a warfreak Roman bastard. Nagmahal ka nga, kapatid pa ni de Gracia. You're so dead, de Souza." Pumalatak si Eszio at tumungga sa canned beer niya kapagkuwan.
"Anyway she's here."
Tila huminto sa gitna ng lalamunan ni Zurick ang alak na kanyang
ininum dahil sa sinabi ni Eszio.
Pinanliitan niya ito ng mata. "She's here? 'Di ba may klase pa iyon?"
Akala niya ay nasa school pa sa mga oras na iyon si Reverie. Balak
pa naman niya itong sunduin mamaya.
"She's really here. Inside my office. I asked her to interview the two applicants of this café." Eszio informed. Sumasayaw ang kapilyuhan sa mga mata ng kanyang kaibigan.
"Applicants? Male applicants?" Nag-panic siya nang tumango si Eszio.
“Oui. Male applicants. Boys. Is there a problem, de Souza? It's just a job interview. Ang praning mo.”
"Damn you, bro!" asik niya sa kaibigan na ngayon ay tawa nang tawa.
Mabilis na kumilos si Zurick at tinunton ang office na tinutukoy ni Eszio.
And true to Eszio's words, naroon nga si Reverie at may ini-interview na dalawang lalaki. Umakyat kaagad ang dugo niya sa ulo dahil sa nakita.
Tila tagos ang matalim niyang mga titig sa fiber glass na dingding
ng opisina.
HABANG umuusad ang interview at screening ni Reverie sa dalawang applicants ay hindi niya inaasahang mahagip ng kanyang mga mata ang bulto ng lalaking nasa labas ng opisina.
It's Zurick, her husband.
Sa anyo nito ngayon ay para itong si Lucifer na sabik angkinin ang
mga kaluluwa ng dalawang lalaki na kausap niya.
Napalatak siya nang wala sa sarili. What a jealous husband.
Saglit pa ay may naisipan siyang gawin na kapilyahan.
Binalingan niya ang dalawang aplikante ng may matamis na ngiti
sa labi.
"Okay, so according to the proprietor of this café, he's absolutely looking for a prudent and a durable storage attendant. And sorry to say this,
boys but we're only looking for one to that position." Sabi ni Reverie sa
mga aplikante sabay silip kay Zurick sa gilid ng kanyang mga mata. Maigi pa rin itong nakamanman mula sa labas. Kapos sa pasensiya.
"We're willing to show you what skills we have which are related to the vacant job position, madame." Anang isa na may berdeng mga
mata.
Pabibo ito kumpara sa isang aplikante. Masahol din itong tumitig
simula pa nang mag-umpisa ang interview.
"Firstly, you need to have a strong resistance. Necessarily a solid
and firm body in short since your job is truly related to lifting and such.
Can you show me if you have that thing."
Humagikhik siya sa kanyang isipan sa kalokohang naisip.
Siyempre hindi naman nag-atubili ang dalawang aplikante na
ibunyag ang mga katawan nito sa harapan niya.
Bumilang siya ng hanggang tatlo pero hindi pa man siya nakakadalawa ay marahas nang bumukas ang sliding door ng opisina.
Pumasok si Zurick na may madilim na anyo. Matigas ang panga at
nanlilisik sa galit ang mga mata.
"What the hell are you doing, Reverie?" Singhal nito. "And you two,
get your fucking asses out of here."
"B-but, Sir..."
"I said get out! Out!" Nagulat si Reverie sa pagsigaw ni Zurick sa dalawang kawawang aplikante.
Sinenyasan na lamang ang mga ito ni Reverie for dismissal.
And she looked at Zurick innocently. "Oh? Hello, mister mainit ang ulo. Grumpy ka na naman, why,
shawty, why?" She asked softly, biting her inner lips sexily.
Umayos siya ng upo sa swivel chair na kinauupuan niya at ipinag-krus ang dalawa niyang binti. She was only wearing a skimpy outfit.
Mabibigat na titig pa rin ang ipinupukol ni Zurick kay Reverie pero
hindi siya nagpatinag. Umaarti pa rin siyang inosenti.
"Seloso ako, let me just fcking remind you that, woman. Seloso ako!" Zurick uttered violently while his chest is moving heavily.
Ngumuso si Reverie at nagpa-cute. "Aws. Seloso pala ang asawa ko. Where's my kiss, by the way?"
"Umayos ka, Reverie. Umayos ka lang talaga. Not all the times ay nasa
tabi mo ako at itataboy ang sino mang magtangkang agawin ka mula sa
akin. Kaya umayus-ayos ka lang talaga."
"Okay, okay. Cool down, mister. Joke lang iyon, no! Kiss mo na ako,
dali," she giggled.
She spread her hands to invite Zurick in her arms pero hindi pa rin
ito gumalaw sa kinatatayuan nito.
Naaalarma siya sa kakatwang ikinikilos nito ngayon.
"Is there any problem?" Nagtataka niyang usisa.
Tila may mabigat na emosyon ang dumaan sa mga mata ni Zurick
na ikinabahala niya.
May mali talaga pero wala siyang alam kung ano.
"Rhames, is there something wrong?" Kabado na talaga siya.
"R-Reeve, I'm... I am l—leaving France. I'll be staying in Rome in the meantime." He said breathlessly. Hirap ang mga salita nito. Hirap ding tingnan siya sa mga mata.
Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay nang paninikip ng dibdib
Nalaglag ang panga ni Reverie at may kirot na humampas sa dibdib niya.
Biglaan naman yata?
"I made a mistake. I'll tell you everything at home. I'm sorry. I'm sorry I can't be with you when you wake up each morning and before
you sleep at night. I'll be away for... I don't know how long. I'm so sorry."
Pagod at kabiguan ang nasa mata ni Zurick habang luha naman ang
nasa kanya.