Chapter 42 Sunday morning
Nagusap usap ang grupo na magsimba at magpasalamat para sa malaking event na gaganapin mamayang gabi. Nagkita sina kambal at ang pamilya ni Carl, nag bless at kiss ang mga anak nila.
“Carl, all set na ba. Ready na mamaya.” tanong ni Christine.
“Yes, everything is fine, naka relax din ako.”
Dumating si Ken sa simbahan at nagmano ang mga bata sa kanya.
“Musta na Pare, nagkita na ba kayo.”
Pailing iling lang si Ken. Pumasok na sila sa loob ng simbahan andun na ang magkaibigang Charlotte at Verna. Dasal ni Carl, maging succesful ang event. Isang oras ang misa, at binanggit ng Pari ang kanilang reunion bilang patalastas at nag offering sina Andrea at Ken. Natapos ang misa at naghintayan sila sa labas ng simbahan.
“Bulinggit, may news ka naba kay Bernadette” tanong ni Christine.
“Nakausap ko ang sister nyang si Belinda, sabi naman nya sagot daw ng ate nya Bahala na.”
“Hindi mo ba nakausap o natawagan.”
“Si Belinda nga lang ang nakausap ko, palagi daw wala ang ate nya sa bahay, madalas nasa kumbento.”
Hiningi ni Ken ang number ng kapatid ni Bernadette para tawagan at kausapin.
“May oras pa Ken, tawagan mo o puntahan mo sa tinitirhan nila.” Sabi ni Carl kay Ken.
Tinawagan ni Ken ang binigay na cellphone number ni Andrea at sumagot si Belinda.
“Hello, Belinda, si Kenneth eto, kilala mo ba ako, nakuha ko ang number mo kay Ate Andrea mo, pwede bang makausap ang ate Bernadette mo.”
“Hello, sorry kuya wala pa siya di pa dumadating, baka after lunch na. Tawagan kita pag dumating ng maaga.”
“Yes please, thank you.” masayang binaba ni Ken ang cellphone. Nagkaruon ng linaw ang kanyang pakay.
“Mauna na kami sa inyo, magpaparlor pa kami ni Verna.”
Nagpaalam na din ang pamilya ni Carl, sinabi nya dederecho na sya sa Shangrila, dun na sila magmula.
Si kambal ay umuwi na din para mag prepara na rin at ihahatid pa ni Christine ang anak sa mommy nya.
Di mapakali si Ken kaya tinawagan nya uli si Belinda, di na nya kayang maghintay pa ng tawag, hiningi nya ang address nito.