Chapter 38 Bernadette’s birthday Feb 10

Sa tahanan ng mga Aguas ay busy sila sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain na dadalhin sa kumbento. Nagluto sila ng isang malaking kaldero ng menudo, isang kawa ng pansit bihon, fried chicken, spaghetti, mga sandwiches, tetra pack na juices at bottled mineral water. Taon taon nila etong ginagawa kapag February 10.

Ika 42nd birthday ni Bernadette, at lagi na lang tuwing kaarawan ay nasa Sisters of Mary Convent sya nagpapakain ng mga bata at matatanda. Mahigit kumulang 13 taon na nyang ginagawa eto. Pagkatapos magpakain ay dun sya naglalagi, tumutulong sa mga gawain at natutulog kasama ng mga madre.

Kasama ang magulang at mga kapatid nagtungo sila sa kumbento. Masaya silang sinalubong ng mga madre. May malaking tarpaulin, nakalagay ang “Happy Birthday Sister Bernadette!”

“Happy birtday Sister Bernadette!” bati ng mga madre at ng mga superiora sa kanya.

Maya maya ay naglabasan na ang mga bata at matatanda na may hawak na mga bulaklak na mukhang pinitas lang sa hardin. Tuwang tuwa si Bernadette pati mga magulang nya. Nag dasal at nagkantahan sila bago kumain. Busog na busog ang lahat sa pinagsaluhan handa sa kaarawan ni Bernadette. Nag paalam naang mga magulang ni Bernadette kina mother superior at sa mga madre. Iniwan nila si Bernadette alam nila na may gawain pa ang anak sa kumbento.

“Sister, ano wish mo!” tanong ni Sister Marygrace.

Ngumiti lang si Sister Bernadette, kitang kita sa kanyang mukha na kahit kaarawaan na dapat masaya siya ay may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.

“Matutupag na yan Sister Bernadette, nakita ko sa panaginip ko,” sabi naman ni Sister Luisa.

“Totoo sister Luisa, napaka gandang pangitain nyan para kay Sister Bernadette.

“Sister Bernadette, muli maraming salamat sa iyo, sa tuwing sasapit ang kaarawan mo, nilalaan mo dito sa kumbento.” Sabi ni Mother Superior.

“We love you always Sister Bernadette, pagpalain kang Panginoon.” sabi ni Sister Marygrace.

“Pagpalain ka nawa ng Panginoon”.

“Kumusta na pala si Kendra, hindi napapadalaw dito.”

“Palagi po sa dormitory nya, hindi po umaalis, malapit na kasi ang finals nila at candidate po sya as summa cum laude.”