Chapter 37 Meeting of Carl and Kenneth

Nag check out na sa hotel na tinutuluyan nya si Kenneth, nag aabang naman na si Carl sa kanya sa lobby.

“Pare, musta na, long time no see.” kinamayan nya si Kenneth at niyakap parang kapatid.

“Eto pare, binata pa din hehehe!”

“Young looking pa naman, hindi ka nga nagbago parang 17 years old pa rin.” Nagtawanan ang dalawa. Binigay ni Carl ang susi ng kotse nya sa Valet attendant, sinakay ang mga bagahe at nag abot ng 500 pesos tip si Ken sa attendant.

“Pare san tayo pupunta. Nag breakfast ka na ba Pare.”

“Tapos na pinakin na ako ni misis bago pumunta sa iyo hehehe. May dadaanan pa ba tayo, may gusto kang daanan o puntahan? Tanong ni Carl habang nagmamaneho.

“Ok lang ba daan muna tayo sa Rizal High silipin ko lang.”

“Sure!”

“25 years kay bilis ng panahon Carl!”

“Oo nga Pare!”

“Naalala ko yung pag over the bakod natin, group study , lakwatsa sa plaza at sa mga mall, alam mo palagi kong binabalikan ang alalang yan.”

“Ha ha ha ha ha”

Matrapik sa C5 pero umuusad naman kahit paano, may tumirik kasi na sasakyan sa gitna kaya nahihirapan ang mga ibang sasakyan lumusot. May pulis naman na naka duty kaya mabilis din yan maayos.

Narating nila ang Rizal High, hindi na bumaba si Ken, sinilip lang nya eto sa bintana ng sasakyan ni Carl. Mga 10 minuto silang tumigil panandali bago dumiretso sa titigilan na Condo sa may Eastwood. Mas mura na kaunti ang nakuha ni Carl na Condo unit para kay Ken at malapit lapit na din naman sa Shangrila Plaza hotel.

Binaba lang nila ang mga gamit at bagahe ni Ken at umalis na uli ang 2. Pinuntahan nila ang Hotel at binayaran na ni Carl ng buo ang upa sa function room. Nagyaya si Ken na magpunta sila ng Mega Mall.

“Wow, Pare iba na pala ang mega mall, walang sinabi ang mga mall sa Canada sa mga mall sa Pinas.”

“Mag kape muna tayo Ken.” at pumasok sila sa Starbucks.

“Musta na buhay buhay!”

“Alam mo Pare, mas maganda parin talaga sa Pinas di ko eto maipagpaplit.”

“May naiwan ka ba sa Canada, baka mamiss ka, tawagan mo na muna, eto mobile ko.”

“Wala pare, di na ako nag asawa, binatang binata pa din.” pagyayabang ni Ken.

“Siguro ang puso mo nasa Pinas.”

“Pare, naaalala mo ba, bukas Feb 10, birthday ni Bernadette.”