CHAPTER 14 - Memories

15 years ago...

"Mommy, daddy! Look oh, gramps and I went shopping." Masaya kong sabi habang may hawak hawak na dalawang paper bag at nakabuntot kay butler Broks na may mga bitbit ding paper bags.

"Baby, why so madami naman niyan?" Tanong ni mom at kinuha ang dala kong paperbag na may lamang toys.

"What kind of toy is that?" Tanong naman ni dad.

"Zandra, Renxo, its just some things she wants to play.. Right princess?"

"Right gramps." Nakangiti akong tumango at kinuha ang isang laruang pana.

"Is that 'some things' she wanted to play, pa?" Tanong ni dad kay gramps.

"She's a girl for God's sake." Sabi ni daddy.

"What's wrong, Ren? Hindi ako ang pumili niyan, siya." Natatawang ani gramps. Napailing nalang si daddy, natawa naman si mommy at tinulungan akong sa mga laruan ko.

____

"Baby please hold on... Hindi ko kakayaning mawala ka sakin." I heard someone said.

I want to open my eyes pero hindi ko magawa. I can't even move my body even my fingers.

"Please, Weyla.. Please..." Last thing I heard again from the same voice.

____

12 years ago..

"Are you excited, princess?" Nakangiting tanong ni gramps, habang hawak ang kamay ko.

"Where are you guys going?" Tanong ni dad na kadadating lang.

"Oh, I'm going to bring Rein to OH." Sagot ni gramps while we're walking pass by dad.

"What? Dad—"

"You can come with us if you want." Natatawang ani gramps habang papalayo kami kay daddy.

"Bye dad." Masaya kong sabi at dirediretso sa labas kasama si gramps.

I didn't know actually we're going. Ang sabi lang ni gramps, ay masaya daw don dahil madami akong mapaglalaruan at magiging kalaro.

"Wow, is this the OH gramps?" Tanong ko habang nakatingin sa mga nadadaanan namin.

"Yes. Where everyone trained their selves to be strong." Sagot ni gramps.

Madami ang bumabati sa aming taong hindi ko kilala. It is like a training house. Well I actually don't know.

"What is OH, anyway?" Tanong ko naman.

"Organization House... Only the people who are true to our clan can enter here." Tumango nalang ako sa sinabi ni gramps sa akin.

"Do you understand what your gramps said, Rein?" Daddy asked, kanina pa siya tahimik at nakasunod lang sa amin.

"Dad, I'm already 8 years old. Naiintindihan ko po ang sinasabi ni gramps." Natatawa kong sabi.

"She's incredible for a girl at her age." Napalingon naman kami sa lalaking kaidad lang yata ni dad ang biglang nagsalita.

"Good afternoon everyone." Bati ng isang batang lalaking kasama nito.

"Relix.. It's good to see you here, it's been four years... Wow is that Ryan? Ang laki niya na." Sunod sunod na sabi ni dad at ginulo pa ang buhok ng Ryan. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

Nagusap usap sila habang iniwan nila kami ni Ryan sa loob ng isang boxing room.

Nainip naman ako dahil hindi naman nagsasalita yung Ryan na yun, kaya lumabas ako, at naglakad lakad.

At napunta ako sa isang kwartong may mga baril, I saw this sa mga movie. Where they will try to shot the target na I don't know kung ano ang tawag don.

"Hoy, wag mong hawakan yan!"

"Bakit mo ko sinundan! And who cares? This thing is interesting." Sabi ko habang nakatingin sa hawak kong baril.

"It not good to play with guns, ibaba mo yan." Seryoso niyang sabi pero binilatan ko lang siya at hinawakan nang maayos ang baril at itinutok sa target.

*bang!

"Oh jusko! Rein!" Tumakbo si daddy patungo sa akin at kinuha ang baril sa kamay ko.

I heard gramps laughing habang kasama niya si tito Relix na hawak na si Ryan.

"She's just like you when you were at her age." Natatawang sabi ni tito Relix.

____

"Weyla, please wake up... Please baby wake up." I heard someone's sobbing.

Nararamdaman ko na hawak niya ang kamay ko. I want to move my body, I want to open my eyes, I want to.. even just move my fingers.... But I don't know, hindi ko magawa...

"Nasasaktan ako na makita kang nakahiga lang diyan. Please open your eyes." He's sobbing. I can hear that.

"I love you... Please wake up already."

____

10 years ago...

"Happy anniversary mommy, daddy!" Masaya kong sabi at tumakbo patungo sa kanila para e'hug sila.

"Aw~ thank you our princess. We love you so much" Mommy and daddy said and hugged me once more.

"I love you both." I said.

"Ma'am, sir, young lady, we have to go. Chairman is now waiting at the mansion." Sabi ni butler Broks.

"Huh? Anong meron don?" Takang tanong ni mommy.

"We have a surprise po!" Masaya kong sabi. At hinawakan ang dalawa nilang kamay at mabilis na naglakad palabas ng bahay namin.

While we're on way, the car suddenly stop. At sunod sunod na pinagbabaril ang sasakyan namin.

Sumisigaw kami ni mommy habang itinago nila ako ni daddy sa gitna nila at nakayuko. Habang nakikipag palitan ng baril sina butler Broks at ilang guards namin.

"Dad!" Sigaw ko nang lumabas si dad at nakipagbarilan din sa labas.

"Baby, stay here. Cover your head, and just lay down." Tumango lang ako sa sinabi ni mommy. Agad din siyang lumabas ng sasakyan at tumulong sa labas.

"Mommy, daddy." I started sobbing it's been almost already a minute. I suddenly glance sa guard na nakahandusay sa labas ng sasakyan, there is a gun on his hand.

Lumabas ako ng sasakyan habang nakatingin sa baril. Tumakbo ako patungo ron at kinuha ito... Binaril ko ang isang lalaking nakabonet na nagtangkang barilin ako. Nagulat pa ako at tiningnan ang katawan niyang nakahandusay sa daan. Napatitig nalang ako sa dugong umaagos sa dibdib niya.

"No, Rein!"

Hindi ko na alam ang nangyari. I just saw my mom widen her eyes and parted her mouth, at dahan dahang bumagsak sa harapan ko.

"Mommy!!!"

"Zandra!!!"

Dad runs towards us ganon din ang ilang guards para i cover kami.

"Mommy, mommy.." Iyak ako nang iyak, hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"No, Zandra! Hold on, honey." Natatarantang sabi ni dad habang nakahawak sa kamay ni mommy.

"I-I l-lo-love y-you b-both." Utal utal at nahihirapang sabi ni mom. I saw blood coming out from her mouth. I cried as she closed her eyes.

"No! Hon! Open your eyes!" Malakas na sabi ni dad at inalog alog pa si mom.

"Sir, lots of enemy approaching." Dinig kong sabi butler Broks.

Dahan dahang ibinaba ni dad si mom at kinarga ako at tumakbo patungo sa van na nasa pinakalikuran. I am crying while looking at my mother.

Mommy...

"Broks, dalhin niyo na si Rein sa Mansion." Utos ni daddy kay butler broks.

"Dad...."

"Susunod si daddy okay? I promise... I love you." Tumulo ang luha sa mata ni dad at yumakap sa akin nang mahigpit.

"Go! Go!" Utos niya sa mga guards.

I am crying while I'm looking at him with the other bodyguards. Habang papalayo ang sasakyan namin ay nakikita ko paring napapalibotan na sila ng mga kalaban.

"Daddy.... Mommy..." I started crying again. Hanggang sa makarating kami sa Mansion. Umalis agad si butler Broks nang maibigay niya ako kay gramps.

Iyak lang ako nang iyak, hindi ako makausap ni  gramps. Hanggang sa makatulog ako.

And when I opened my eyes, Sana hindi nalang ako nagising.

"Mommy!!! Daddy!!!!" I am crying while hugging their coffins.

Iniwan nila ako. Bakit?

Sana hindi ko nalang sinuway si mom.

Sana nag stay nalang ako sa sasakyan tulad nang utos niya.

Sana hindi nalang ako pumayag na iuwi ng magisa at wala si daddy.

"Mom, dad? My 10th birthday will be next month. Diba you promise na we're going to Tokyo with gramps." I mumbled as I am looking at their peaceful face. They're sleeping quietly.

The last day came. Hindi ako umiyak sa libing, no one dare to talk to me because I will just slap or pushed them away.

Nang matapos ang libing. My tears came out. I am crying very hard in front of their grave. Pinapatahan ako ni Gramps pero hindi ako tumigil sa kakaiyak.

One day... I'm going to avenge your death...

Thats the last day everyone saw me smile, laugh and cry. After that no one saw me smile genuinely, laugh and especially cry.

My 10th birthday came pero hindi ako nagpakita sa lahat. Madaming inimbitahang bisita si gramps, pati rin ang mga kaibigan ko sa mansion. But I stayed in our house, sa bahay namin ng mga magulang ko and I stayed at the basement. Kung saan nakalagay ang mga gamit ni daddy at mommy. Narito ang gym. Dito din sila nag tra'training. They were the best tandem in their generation.

I started training myself.

___

"Zy, I know you can hear me... Please wake up. Ryan would be mad. Please open your eyes."

I regain my senses when I heard someone mentioned my name... Is that Miiver?

"Please Queenzy! Akieyah's here with me." He said again.

"I'm sorry I didn't know you lost your memories. I miss you na sis." I heard Akieyah said.

Did I lost my memories? Oh yeah, I forgot...

"Please wake up na. Verlin and Hendrix are in Korea but they are going home na. So open your eyes Queen." Dinig kong sabi ni Akieyah.

I want to open my eyes. I want to move my body, but I can't.

____

5 years ago..

"I told you, I'm not going!" Inis na sabi ko sa taong kausap ko sa phone.

"Queenzy! Please..." Tumaas ang boses niya pero agad din namang lumambot.

"Aish! Fine! I'll be there!" Sabi ko at agad na ibinaba ang tawag.

Napatingin ako sa picture naming naka wallpaper sa phone ko.

"Why I can't resist you, Ryan? Psh.." Ani ko habang nakatingin sa picture niya, sa picture namin. Napailing nalang ako at tumayo na para magbihis.

"I thought you aren't coming." Bungad agad ni Ryan nang makadating ako sa hq.

"Tsss.. Baka magtampo ka na naman kasi, mahirap na."

"Ikaw talaga.." Kinurot niya pa ang pisnge ko kaya napa aray nalang ako at pinalo ang kamay niya pero natawa lang siya.

"Zy, Yan, halikayo dito." Dinig kong ani ng isang kasama naming busy sa harap nang computer.

"Bakit, M?" Tanong agad ni Ryan.

"Wag niyo munang ituloy ang lakad niyo ngayon, may ipinapagawa si GM." Sagot nito kay Ryan.

GM stands for Grand Master.

Tsss.. Nanaman! Kahapon lang may ipinatrabaho siya, tapos ngayon... Hay nako!

"Can't we cancel it, Miiver?" Inis na tanong ko.

"Zy, you know your grandpa... Here talk to him." Sagot niya at may pinindot sa keyboard. Lumabas sa malaking screen ang muka nang isang matandang nasa 60's, he's smiling widely, while I remain wearing poker face.

"Good afternoon everyone... My my my lovely princess, how are you doin'?" Nakangiti niyang tanong.

"Fine." Inip na sagot ko lang. Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Anyways, I want you to cancel your transaction and missions with your other clients and be here in Japan, tomorrow. Use the private plane that I gave you... But before that, I have a very important task for all of you... tonight."

Napatingin kami sa computer ni Miiver nang biglang may nag pop.

"As the top rank assassin in the world. This will  be easy... I'm counting on you, especially you my dear princess." Yun lang ang huling sinabi ni gramps bago nawala siya sa linya.

"Gusto niyang pumunta tayo ng Japan bukas tapos nag iwan pa ng misyon para mamayang gabi?. Naku yang lolo mo talaga, Zy!"

"Kalma lang Verlin, ang puso mo!"

"Tumigil ka Hendrix, mapapatay kita!"

Napailing nalang ako dahil sa bangayan ni Verlin at Hendrix.

"You know what guys, instead na magbangayan kayo, why not we start making a plan na?"

"Akieyah's right. Zy and Ryan canceled their date because of this. So better start making plans, right guys?" Nakataas baba pa ang kilay niya habang nakatingin sa amin.

"And you really highlight that 'canceled date', ha Miiver!" Ani Ryan at binato ng mouse si Miiver.

Nagtawanan naman sina Akieyah, Verlin at Hendrix, dahil sa bangayan ng dalawang mag bestfriend.

"Enough... Let's start." Inip na ani ko at naglakad palapit sa malaking mesa.

This group was built for over ten years now.. We were able to go to the different countries just to do our mission.

Sila ang naging sandalan ko ilang years bago mawala ang mga magulang ko.

Our mission is to eliminate the toxic people in the government or in the country. We were paid of course. They offered hundred of millions just to eliminate that parasite. And our dearest master or who governs us, is my dearest grandpa.

Halos hindi na namin mabilang kung ilan na ang ipinatrabaho sa amin. Mostly si gramps ang nagbibigay ng misyon sa amin. But of course we also have our own client. Hindi naman kami basta basta tumatanggap hanggat hindi namin nalalaman ang background ng taong tratrabahuin namin.

"Hay... Ma mimiss ko ang gang fights sa UWS." Ani Verlin habang inaayos ang suot niya.

Kapag kasi wala kaming mga trabaho ay pampalipas oras namin ang pagsali sa mga gang fight sa Underworld Society.

"Very! But guys do you hear about the new gang? Dang! They're powerful, like what the f? Bago lang sila but they already gaining comrades, dumadami na ang gangs na hawak nila.. Just like our first month there." Sabi naman ni Akieyah na may hawak na bag.

"But they won't beat us. So Kalma lang kayo. We're already on the top. So... Tara na." Ani Ryan at nauna nang maglakad palabas. Sumunod nalang ako ganon din yung apat.

Let's do this fast para makapagpahinga na rin ako.

"Z, target on sight. He's already entering the lobby." Dinig kong sabi ni Miiver mula sa maliit na chips na nakalagay sa tenga ko.

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng katabing building ng Voz Company. Senator Horson Hernandez, 50 years old. He's the master mind sa ambush na nangyari one year ago sa anak ng president. No one knew that of course. Magaling siyang magtago, ang plastic niya pa.

"They already in the party." Dinig kong ani Akieyah na kasama si Verlin sa loob ng building. Nag disguise ang dalawa bilang bisita sa party na ginaganap sa loob ng building ngayon.

"Dalawang bantay lang ang kasama sa loob naiwan ang iba sa labas." Dinig kong sabi naman ni Verlin.

"May problema tayo. Papasok ang DSG sa loob." Dinig kong ani naman ni Hendrix na kasama ngayon si Miiver.

"Drop it H, hayaan mo sila." Inip na ani ni Ryan na siyang kasama ko ngayon.

"R, Z, palabas siya ng kwarto." Dinig naming sabi ni Verlin.

"V, K, sundan niyo lang." Sabi ni Ryan.

"Naiinip na ko dito." Sabi ko at hinawakan ang M16A1 Sniper at itinutok sa fifth floor ng building kung saan naron ang target.

"Kalma lang, love." Natatawang sabi ni Ryan na nasa tabi ko.

"He's talking to the DSG Kings.. They're going out." Dinig kong sabi ni Akieyah.

"K, V, stop following them. Umalis na kayo jan. I saw them entering the presidential area, at the top floor." Ani Miiver. Nakatuka siya sa cctv cameras sa buong area. Nasa sasakyan lang siya habang si Hendrix ang kasama niya. Kapag mag kaproblema alam na nila ang gagawin. Sila ang mata namin sa labas at loob, habang sina Verlin at Akieyah sa close sight sa target.

"Spotted." Nakangisi kong sabi nang makita mula sa glass wall ang target kasama ang dalawa nitong guard at tatlong lalaki, they most be the DSG kings, but I thought lima sila? Where are the other two?

Inayos kong mabuti ang baril at itinutok sa target, sa mismong ulo nito..... And I pulled the trigger twice.

"Bingo!" Masaya kong sabi nang magkagulo ang mga kasama niya. Agad kong inayos ang sarili at tinulungan ako ni Ryan ayusin ang mga gamit namin.

"M." Ani ko habang nakahawak chip na nasa sa tenga ko.

"Palabas na sina K, nasa sasakyan lang kami ni H." Tumango tango nalang ako at tiningnan si Ryan.

"Let's go." Aniya, tumango ako at sumunod sa kaniya palabas.

Alam kong nagkakagulo na ngayon sa loob. Mabuti nalang na hindi siya sa party nagkalat.

"Z, move fast, nagsidatingan ang mga tauhan ng DSG kings. And the two Kings are now entering your area." Dinig kong sabi ni Miiver.

"Guys, nasa likod na kami." Dinig kong sabi naman ni Verlin.

Nagkatinginan naman kami ni Ryan at mabilis na bumaba gamit ang hagdan.

Hindi pa man kami nakakababa sa second floor nang makita namin ang mga tauhan ng Kings na nagsisitakbohan pa tungo sa taas. Mabuti nalang at hinablot ni Ryan ang kamay ko at nag tago sa isang kwarto.

"Tara." Aniya at mabilis na hinila ako palabas.

Mabilis kaming matutonton dahil wala namang kataotao sa building na to. Mabuti nalang at madilim, nakasuot pa kami ng all black at may takip pa ang buong muka at ulo namin.

Nasa malapit na kami nang exit nang may makasalubong kaming dalawang lalaki.

"You must be the sniper?" Ani nang isa, he has a deep baritone cold voice.

"Shit." Dinig kong ani Miiver mula sa chip.

"What? Wala ba kayong bibig?.. Hmm I guess dahil jan sa suot niyo?" Aniya ulit.

Nagsidatingan ang limang tauhan nila at sinugod kami. Pero... Mabilis namin silang napatumba. Sumugod naman yung dalawa. Kaya wala kaming magawa kundi ang lumaban.

Mabilis ang mga kilos niya at nasasabayan niya ako. Sino ba tong gagong to. Suntok, sipa at ilag. Walang nag papatalo sa amin. Mahina akong bumwelo at malakas siyang sinipa sa muka, agad na natumba naman siya.

"Z, let's go." Ani Ryan, hinawakan niya ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo paalis bago pa man kami nila maabutan.

"Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ng kasama ng nakalaban ko. At isang malakas na putok nang baril ang nadinig namin.

Napailag kami ni Ryan, ibinigay niya sakin ang dala, at kinuha ang baril niya.

Nagpalitan nang putok ng baril ang dalawa. Kumuha din yung isa kaya kinuha ko din yung akin.

Tumigil kami at mabilis na dumeritso sa exit. Hindi naman kami tinitigilan nang mga humahabol sa amin.

"Argh."

"Ry!" Agad kong hinawakan ang balikat niya. Natamaan ang kaliwang braso niya.

Itinutok ko ang baril sa kanila sa likod habang akay-akay si Ryan.

"Saan kayo pupunta?" Napatingin kami sa harapan namin nang biglang may nag tutok ng baril.

"Nice, Clin." Ani nang isang nakalaban namin kanina. Nasa likoran na pala namin silang dalawa.

Napaatras nalang kami ni Ryan habang nakatutok ang baril ko sa dalawang nasa likoran at si Ryan naman sa bagong dating.

"Just give up." Seryosong ani ng lalaking may malamig na boses, ang nakalaban ko kanina.

"Xzev, should I shot them?" Dinig kong tanong ng bagong dating.

Nakadinig kami nang putok ng baril kaya napayuko kami ni Ryan at nagtago sa kabilang dingding. Nakita naman naming natamaan ang lalaking bagong dating. Nakita naman namin si Miiver at Hendrix sa may exit.

Nagpalitan kaming lahat nang putok ng baril... Tumakbo kami ni Ryan patungo kena Miiver habang nakatutok at walang tigil parin akong bumabaril sa pinagtatagoan nang tatlo.

"Bilis! May nagsisidatingan pa sa panig nila." Ani Hendrix.

Napamura nalang ako. Apat lang kami, ang kaninang tatlong kalaban namin ay sampo na ngayon.

Biglang lumayo si Ryan sa akin at tinarget ang lalaking nakalaban ko kanina.

"R!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang matamaan siya sa balikat.

"Tangina! R!" Agad na lumapit sa amin si Miiver at hinawakan ang sugat ni Ryan.

"Tara na!" Sigaw ni Hendrix. Hinawakan ko ang balikat ni Ryan habang nasa likoran namin sina Hendrix at Miiver. Mabilis kaming tumakbo patungo sa exit. At iniwasan ang mga putok ng baril sa amin.

"Dito!" Ani Hendrix at naunang tumakbo para ilihis ang mga humahabol sa amin.

"Bilis, dito." Sabi naman ni Miiver. At naunang pumasok sa emergency exit. At sinara ito. Walang ingay ngunit mabilis kaming lumabas.

At nang makalabas kami ay nakita agad namin si V at K sa labas ng sasakyan.

"Jusko. Ry.." Agad na sabi ni Verlin nang makitang puno ng dugo si Ryan.

"Ma-malayo to sa bi-bituka." Natatawa ngunit alam kong nasasaktan siya sa sugat niya ngayon.

"Bilis, pasok na." Natatarantang ani Miiver at sumakay sa driver seat. Pumasok naman si Verlin at Akieyah sa likoran.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa likod ng building bago pa man kami makasakay.

"Ryan!!!!!"

___

"Zy! Tumawag kayo ng doctor! Bilis!"

I just moved my fingers. Hindi ko mabuksan ang mga mata ko, dahil parang mabigat ito.

Matagal ba akong natulog?

"Zy... Open your eyes..." I heard Miiver said as felt him holding my left hand.

"She moved her fingers.. But she's not responding nor even open her eyes." Dinig kong sabi ni Akieyah.

"Please Zy, come on... It's time to come back home." Malumanay na sabi ni Miiver.

I moved my eyes and slowly opened it.

"She's awake...!!"

****