CHAPTER 11 - Party and Danger
It seems like sometimes, hindi mo maramdaman ang bilis nang takbo ng oras.. Time flies really fast without even noticing it.
"Weyla? Nandito yung kaibagan mo, sinusunod ka na, kaya lumabas ka na jan." Dinig kong sabi ni auntie mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Sa nagdaang isang linggo, parang walang nagbago, kahit na puro tanong ang nasa isip ko.
Inayos ko muna ang damit ko at tumingin sa salamin, at ilayos ang bangs ko. Ipina-bun ko ang buhok ko... I am hoping that this night will be good.
"Good evening, Pretty Weyla!" Agad na bungad nang sunod ko.
Sino pa ngaba'ng tumatawag sa aking Pretty Weyla, edi si Lemuel -_- He's wearing white tuxedo, he look so good in his attire.
"You are so beautiful tonight, Pretty Weyla... Sayang ako ang unang nakakita." Natatawang niyang sabi.
"Tsss.. Tara na nga, baka malate pa tayo." Sabi ko sa kaniya.
"Auntie, Lola, alis na po kami." Paalam ko sa kanila.
"Mauna na po kami." Nakangiting paalam naman ni Lemuel.
"Magiingat kayo... Enjoy the night, Weyla." Dinig kong sabi ni Lola at auntie.
Lumabas na agad kami ni Lemuel sa unit... Ngayong gabi gaganapin ang grand ball na sinasabi ni Tallia, at invited kaming lahat. Hindi na nga sana ako pupunta pero pinipilit ako ni Xzevier. Nagising na ngalang ako kanina na may malaking box na nakalagay sa study table ko sa kwarto. Ang sabi ni auntie ay para sakin daw ito. Nang tingnan ko ito ay isang blue long gown, at may sulat at text pang galing kay Xzevier.
Mga hapon nang magtext si Monique na susunduin daw ako ni Lemuel dahil hindi ko naman alam kung saan ang Z-hotel. Si Xzevier naman ay umuwi kahapon sa kanila at doon na daw lang kami mag kita sa party.
"Weyla!" Monique smiled and waved her hand nang makita niya kaming pumasok sa entrance ng grand hall.
She's wearing a perfect tube long gown. Inilugay niya rin buhok. She's really beautiful, sophisticated and glamorous.
Agad kaming pumasok sa loob at madami na ang mga tao. Lahat ng nandito ay mga mayayaman, mga kilala sa business world.
"Weyla, you're here!" Masayang bati ni Tallia nang makita kami at kasama niya si Dennis.
"Hi." Nakangiti kong bati. Lumapit siya sakin at nakipagbeso.
"The others are with their parents... Sa table muna tayo. Nag pareserved ako for us of course."
Natawa nalang kami dahil sa sinabi niya at agad na pumunta sa table na sinasabi niya. We just stayed there and nag kwentohan. Dumating si Klinnia at Kyle, kasunod si Clinton, but after ilang minute umalis rin si Tallia.
"Good evening everyone... Thank you for coming here tonight and for being here for this special event for the Z-corporates..."
Nagpalakpakan naman ang lahat at ngumiti lang ang lalaking nasa itaas ngayon nang stage. He has an authoritative aura, just like someone I knew.
"Z-corporates is already in its 50th year in the business world. And I am very much happy to see this company still rising on top... And I would like to see this in the next generation handed by my very own children... Please welcome my family here on stage."
Nagpalakpakan ulit ang lahat, habang ang lalaki ay nakangiting nakatingin sa apat na naglalakad patungo sa taas nang stage.
Nagulat ako nang makita si Xzevier at ang kuya niya, at si Tallia, kasama ang isang magandang babae, makikita sa muka nito ang kagandahan taliwas sa edad nito.
"Z-Corporates stands for Zandros-Corporates." Dinig kong bulong ni Klinnia sa akin.
Zadros.... So they are family... Ang tanga mo Weyla -_-
"These three would be the next owner of the Zandros pride, the Z-corporates!"
Nang matapos ang sinabi ni Mr Zandros ay nagpalakpakan naman ang lahat. Masyadong madaming tao at wala akong kakilala. Tangining ang mga kasama ko lang ang kilala ko dito. May ilang familiar din na muka like mga schoolmates namin.
Kaya pala kilala ang Zandros sa buong university, dahil hindi lang isa ito sa shareholders, kilala din ito sa business world. Ang yaman talaga nila...
"Excuse me wash room lang ako." Paalam ko sa mga kasama ko sa table.
Agad naman akong tumayo at hinanap ang cr. I asked one of the staffs at itinuro niya ang daan patungo roon.
Marami akong nakakasalubong na mga bisita, pero hindi ko lang sila tinitingnan at pinapansin.
Nang makarating ako sa loob ng cr ay may isang taong nag aayos ng kaniyang make up sa harapan ng salamin.
Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok nalang sa isang cubicle. Nadinig ko siyang nagsasalita pero mahina lang. At nang makalabas ako ay nandon parin ito at nagsasalitang mag isa. Lumapit ako sa sink and just washed my hands.
"You can't stop me!" Iritado nitong sabi at nag lagay ng lipstick.
May nakalagay palang bluetooth earphones sa tenga niya.
"Just shut up!" Iritado parin ang boses nito.
Hindi ko alam kung hindi niya ba ako na pansin o sadyang focus lang talaga siya sa pag reretouch at sa kausap niya.
"Staring is rude.." Mataray niyang sabi habang nasa cellphone niya na ang tingin.
Mahina nalang akong natawa at lumabas ng cr. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na lumingon siya sakin pero hindi ko na ito pinansin at nag at naglakad na pabalik sa loob ng hall.
The night is so fabulous... Everyone seems like enjoying this pleasing aesthetic and marvellous night.
"May I have this dance?"
Napalingon ako sa lalaking nasa likoran ko ngayon at nakalahad ang kamay.
"Xzevier..." Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako patungo sa gitna ng dance floor.
"Sorry, I wasn't able to fetch you.." Mahinang aniya.
"It's okay..." Nakangiti kong sabi.
Hindi pa kasi sila ni Tallia pumupunta sa table namin after ng introduction ng tatay nila sa stage.
"You're so gorgeous and look so stunning, tonight." He smiled at me and I just smiled back.
I know madami ang tao at madami rin ang sumasayaw. Halos lahat naman ay may kaniya kaniyang ginagawa, at walang mga pakialam sa iba. Ganiyan naman talaga minsan sa mga ganitong party ng mga mayayaman, kunti lang ang nakiki'intriga.
I still remember what happened few days ago... He asked me to be his girl, after that kiss we shared, of course I said no, because I thought he already has a girlfriend. At ang tanga ko sa part na yun, tsk!
But... After that day, even I tried avoiding him, hindi siya tumitigil, he even told me na liligawan niya ako para pumayag ako maging girlfriend niya.
"What are you thinking?" Tanong ng katabi ko.
Nasa table na kami ngayon at ang nasa tabi ko ay si Xzevier.
"Nothing..." Pilit akong ngumiti.
He's so good, sweet and caring to me. Parang hindi siya ang Xzevier na nakilala ko nong unang araw na nagkita kami. The very authoritative and dangerous King of all kings.
"Where is Tallia and Tristan, Xzevier?" Tanong ni Klinnia.
"Syempre nasa parents nila, nakikipaghalubilo sa iba." Sarkastikong sagot ni Kyle. Natawa nalang si Monique at Lemuel.
"Grabe, kanina pa sila nakikipaghalubilo, they should take a rest, diba?" Ani ulit ni Klinnia.
"We have a very important guests, sila ang kausap nina Daddy." Sabi naman ni Xzevier.
Tumango tango naman ako ganon yung iba.
"Most be a business partner?" Ani Clinton.
"Yup... the EGC." Sagot ni Xzevier...
Napakunot noo naman ako.. EGC? Ano naman yun...?
"You mean the Esquivel Group of Companies?" Tanong naman ni Klinnia. Xzevier just nodded his head.
"Though, even hindi dumating ang CEO ng EGC, he send his secretary together with the important people part of their company." Tumango nalang si Klinnia sa sinabi ni Xzevier.
Actually wala akong maintindihan sa pinapagusapan nila, wala naman akong alam sa business world -_-
Maya maya pa ay dumating si Tallia na may ngiti sa mga labi... She's really gorgeous, ang tanga ko para maniwalang mag jowa sila ni Xzevier -_-
"Weyla, samahan mo ko please." Bulong ni Monique sa akin. Since siya ang katabi ko sa kaliwa.
"Saan naman?" Takang bulong ko din sa kaniya.
"Wash room lang." Sagot niya naman... Tumango nalang ako at sabay kami nag excuse sa mga kasama namin.
"Monique, can you tell me about Tallia, Tristan, and Xzevier?" I asked while naglalakad kami sa hallway na patungo sa cr.
"Well, Tristan is the eldest, next is Tallia and their baby is Xzevier..." Natatawa niyang sabi sa huling part.
"... Ano bang gusto mong malaman?" Tanong niya naman.
"Hm, about their lives?" Hindi sigurado kong ani.
"Ikaw ha... Getting to know each other stage na ba kayo ni Xzevier?.... Or... Mag jowa na kayo no!??" Panunukso nito.
"Hindi no." Ani ko at napailing nalang.
Tumawa naman siya at hindi tumigil sa panunukso. Hindi ko nalang siya pinansin at nauna nang pumasok sa cr. Sumunod naman siya sakin at pumasok sa isang cubicle habang ako ay nasa harap lang ng salamin at inaayos ang buhok ko.
Someone grabbed my hand at tinakpan ang bibig ko gamit ang panyo. I saw his reflection on the mirror, and his wearing a cap... I tried na kumawala sa hawak niya pero naibagsak ko nalang ang kamay ko at everything turns black.
I opened my eyes with my hands and my feet are tied up.
"What the hell!" Inis na asik ko.
Nagsitinginan naman agad sa gawi ko ang kumidnap sa akin. And I damn gave them death glares...
"Miss, mabuti at gumising ka nang hindi pa bumabalik si boss, kasi baka magising kang madungis." Sabi ng lalaki. Nagtawanan naman ang mga kasama nito.
"Anong kailangan niyo sakin!?" Inis kong sabi habang masama parin ang tingin sa kanila.
"Kalma ka lang miss. Hindi ikaw ang kailangan namin... Yung shota mo!" Sabi nang lalaki ulit, nagtawanan na naman sila.
Anong shota! Wala naman akong shota! Tangina niyong lahat!
Napatingin kaming lahat sa harap ng malaking pinto nang bigla itong bumukas. Nasa abandonadong gusali pala ako at kasalukuyang nakaupo at nakagapos sa gilid.
"Oh buti gising ka na." Isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Tangina mo, Noe! Pakawalan mo ko dito!" Inis at malakas kong sabi. Tumawa lang naman siya at lumapit sakin.
"Magandang binibini... Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ko napapatay ang letcheng Zandros na yun! Tingnan mo ang ginawa niya sa muka ko, oh!" Itinuro niya ang malaking scar sa left part ng pisnge niya.
"Papatayin ko yun, oras na magpakita siya dito... Pinabagsak niya ang companya ng tatay ko.. Pina'expel niya kami sa RU... Oras na siguro para mabawasan ang Kings." Tumawa siya na parang nababaliw at umalis sa harapan ko.
Kailangan kong makaalis dito. Dahil alam kong seryoso si Noe sa sinabi niya. Madami akong nakikitang tauhan niyang may mga baril...
"Xzevier..." I mumbled his name at tumingin sa mga paa ko... Please wag kang pupunta...
"Hello, hello! Kamusta ang feeling prinsesa?"
Napaangat naman agad ako ng tingin nang marinig ang boses na yun...
"Mayra..." I mentioned her name gamit ang maliit na boses.
Nakangisi siyang lumapit sa akin at hinawakan ang chin ko ng mahigpit.
"Anong feeling maging pa'in?.. Hindi pa ako nakakaganti sayo ng maayos, Navar... Sayang lang at hindi kita pwedeng patayin ngayon. Baka magalit si Noe tsss.. Kaya ito nalang muna!" Isang malakas na sampal sa kanan, at isang malakas na sampal sa kaliwa ang nakuha ko mula sa kaniya.
Napakagat nalang ako ng labi. Naiinis na ko, ang kapal ng muka niyang sampalin ako!
Hinawakan niya bibig ko at marahas na iniharap sa kaniya.
"Tandaan mo to, hindi kayo bagay ni Xzevier. Magigising din siya isang araw, ayaw na niya sayo!" Seryoso at pagalit niyang sabi.
Marahas niyang binitawan ang muka ko at hinawakan ang noo niya.
"Hay, na kaka'stress!" Aniya at pinaypayan ang sarili. Baliw.
"Enjoy ka jan, Weyla." Ngumiti siya sakin at tumatawa na umalis sa harapan ko.
Napatingin ako sa paligid, madami ang mga tauhan nilang nagkalat sa malaking kwartong ito. Hindi ko pa alam kung gaano sila karami sa labas.
Hindi ko alam, pero wala akong nararamdamang takot, ang tangin nararamdaman ko lang ngayon ay pag aalala.
Iginalaw ko ang kamay sa likod ng upuan. Ang higpit nang pagkakagapos nila sakin, tangina! Kaylangan kong makaalis sa pagkakagapos bago sila dumating. Pero pano ko gagawin yun? Bantay sarado ako, at wala akong makitang matulis na bagay.
Nagulat ako at Napatingin sa pinto nang may isang putok ng baril ang narinig namin na galing sa labas.... Agad namang nagsilabasan naman ang ibang mga tauhan ni Noe na nandito sa loob.
Xzevier...
Sunod sunod na putok nang baril ang nadidinig ko sa baba ng gusali.
Napatingin ako kay Mayra na patungo sa akin at masama ang tingin.
"Dalhin niyo siya sa taas!" Utos niya sa dalawang lalaking nasa gilid ko.
Agad nila akong nilapitan at tinanggalan ng lubid na nakagapos sa paa ko.
Napatingin ako sa paligid ko. Masyadong marami ang mga tauhan na natira dito at may mga baril pa silang dala. Kailangan kong humanap nang tyempo.
Nang makalagan nila ang paa ko ay dinala nila ako sa may hagdan. Nakasunod si Mayra at ilang tauhan nila.
Nakarating kami sa roof top ng lumang gusali.. Madilim ang buong paligid at may kunting ilaw lang na ng gagaling sa buwan. Hindi ko rin makita ng maayos ang buong lugar sa baba.
"Dito niyo siya ilagay." Utos naman ni Mayra habang nakaturo sa upuang gawa sa kahoy.
Nagkalat sa lugar ang mga kahoy at mga bakal, at ilang mga semento. Siguro hindi tinapos ang paggawa sa gusaling ito.
"Dito ka lang! Pag magtangkang tumakas to, barilin niyo!" Sabi nito muli at itinulak ako paupo.
Napabuntong hininga nalang ako at umayos nang upo... Tiningnan ko ang mga nag babantay sa akin... Sampo lang naman sila.
Patuloy parin ang barilan sa ibabaang gusali. Kamusta kaya sila... Sana walang mangyaring masama.
Bigla akong nakaramdam ng isang prisensiya sa right side ko, kaya agad akong lumingon dito.
Nakita ko ang isang taong naka itim at may takip ang muka na umaakyat. Saan naman kaya galing 'to, bakit nakarating 'to dito sa taas.
Sumenyas siya sakin na wag maingay kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sino ba to?
Maibilis siyang kumilos at napatumba agad ang isang lalaking nakatalikod sa gawi namin ng walang ingay.
Isinunod niya ang iba, nasa lima na ang napapatulog niya sa halos ilang segundo lang gamit ang tahimik niyang mga galaw.
"Hoy!" Sigaw ng isang malaking lalaki na nasa may pintoan.
Nagpaputok ito ng baril ngunit madali lang itong naiwasan ng lalaki. Kaya tumayo ako at tinandiyakan ang isang malapit sa akin na nagtangka ding bumaril.
It's not easy to fight, tho, dahil nakagapos pa ang kamay ko at naka gown pa ako -.- But I managed to avoid their attacks and kicked their ass instead.
Mabilis ang paghinga ko nang makita ang tatlong lalaking bumangon at lumapit sa akin.
Sumugod agad ang isa ngunit naiwas ko lang ito at tinadyakan siya sa likuran. Napalingon ako sa likoran ko nang maramdaman ang nakaitim na lalaking nakikipag palaban sa dalawa.
Nang matapos niya ang laban ay tumingin siya sakin at tumango.
"Anong—"
Napalingon kami kay Mayra na gulat na nakatingin sa amin at sa mga tauhan nilang tulog na sa sahig.
Kinuha niya agad ang baril at pinaputukan kami, pero mabilis kaming nakaiwas at nag tago sa mga sementong naka- pile sa tabi namin.
"Tangina, Navar! Lumabas ka jan!" Galit niyang sigaw at nag paputok ng tatlong bisis.
Sumenyas ang lalaki na siya ang haharap kaya napakunot noo ako. Pero wala na akong nagawa ng bigla siyang lumabas sa pinag tataguan, hindi ko na nakita ang sunod na nangyari, mga putok ng baril nalang ang nadinig ko.
Pero nang sumilip ako ay nakita kong hawak niya na si Mayra sa leeg.
"Bi-bitawan m-mo a-ako." Nahihirapang sabi ni Mayra.
Malakas na Itinulak niya nalang si Mayra kaya natumba ito at nauntog ang ulo sa sementong nasa likoran nito.
"Pinatay mo ba?" Takang tanong ko habang nakatingin sa walang malay ni si Mayra.
Nadinig kong mahinang natawa ang lalaki at lumapit kay Mayra ay kinapa ang pulso nito sa leeg.
"Buhay pa." Aniya.
Napataas ang kilay ko nang madinig ang boses niya.
"Miiver?" Ani ko habang naka tingin sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa akin.
"Bakit hindi mo to tinanggal, tsss.." Sabi niya habang tinatanggal ang lubid sa kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Humarap naman siya sakin at tinanggal ang maskarang suot niya.
"Tumawag sa akin si Monique, she's said you're missing, bigla ka na daw lang nawala sa party. And when they check the cctv footage, nakita nilang pasan ka ng taong tinawag niyang Noe.. So I detected that Noe about his whereabouts."
Tumango nalang ako sa mga sinabi niya.
"Weyla!"
Napatingin ako sa pinto ng roof top at ibinalik ko agad ang tingin kay Miiver. Boses ni Xzevier yun galing sa baba.
"Sige, Zy. Hindi nila ako pwedeng makitang ganito. Puntahan mo na sila. Magkita nalang tayo bukas sa school." Aniya at agad na tumakbo patungo sa kung saan siya kanina dumaan. Agad din akong tumakbo palabas.
"Xzevier." I shouted.
"Weyla."
Agad akong tumakbo at yumakap sa kaniya.
"Damn, I'm really worried. Okay ka lang ba? Anong ginawa nila sayo?" Nagaalala niyang sabi at hinawakan ang magkabila kong pisnge.
"Who did this?" Inis niyang sabi habang nakatingin sa sugat na gawa ng mga sampal ni Mayra kanina.
"Hayaan mo na." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"King, umalis na tayo, may mga bombang plinanta si Noe." Sabi ni Kyle na nasa likuran niya. Kaya nanlaki ang mga mata ko. Bomba? Plano niya talagang patayin kaming lahat.
"Let's go." Ani Xzevier at hinawakan ang kamay ko.
Mabilis kaming bumaba ng gusali. Napapalingon ako loob ng gusali dahil kay Miiver. Sana nakaalis na siya...
***