CHAPTER 10 - Questions

"Ohayo, Weyla." Miiver greeted and gave me a big smile nang makita niya ako sa hallway.

"Ohayo, Miiver." I smiled a little and continue walking sumabay naman siya sakin.

Everyone's eyes were on us, but I don't give a damn. Nasanay narin naman ako sa chismisan nila.

"So... How's your sleep? Did you sleep well?" He asked and I only nodded.

"That's good... Did you already do your templates?" He asked again.

"Yup but I'm not yet finished, maybe by monday matapos ko na." Sagot ko naman.

"Wow, nothings new— I mean that's good to hear." Aniya at napakamot pa ng ulo.

Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.

"Miiver, can I asked you something?"

Lumingon naman siya akin dahil sa tanong ko.

"Sure? What is it?"

"Do you know me?" Agad na tanong ko.

Muka naman siyang nagulat.

"Please be honest with me, Miiver... I was observing you lately, the way to talk to me, the way how you treat me... I have this feeling that you know me for so long." Malumanay kong sabi sa kaniya.

It's been more than a week since we became friends... I can really tell that he know me, nong unang araw palang ng magkita kami, I already have this feeling.

"Can you tell me first what happened to you?" Seryoso niyang sabi at mahina naman akong tumango.

"Let's talk in the library." Yun nalang ang sinabi ko at sabay kaming naglakad patungo sa libarary.

I am really desperate to know everything about me, to know my past, and what's inside that memory that I lost.

"I have an amnesia. I lost my memories almost three years ago... My Lola and auntie told me na na-hit an run daw ako, kaya na-coma ako ng 6 months."

Miiver is only listening to me habang sinasabi ko sa kaniya ang mga nangyari.

"You live with Marina Navar and Ynna Navar all this years... Kung saan saan ka namin hinanap nasa pilipinas ka lang din pala..." Bumuntong hininga muna siya at umayos nang upo.

"... I'm sorry Weyla but I'm not going to tell you everything right now. You have to remember those memories you lost all by yourself." Medjo malungkot niyang sabi.

"So you knew something about me?" Tanong ko naman at tumango lang siya.

"The moment I saw you, hindi na maipag kakaila na ikaw talaga yan. Those eyes, still full of different emotions, humaba lang ang buhok mo at nagiba ang color and you even have a bangs, which is not your type of hair style..."

Napahawak naman ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya. It is straight dark brown hanggang bewang ko, at nong last year ay nag pa bangs ako. Dahil maganda at uso daw sabi ni auntie. Na e'maintain ko ang hair style na to for a year.

"You had a bright natural black straight hair, you always like it in wolf cut hair style, and it's just right here, middle length of your back..... I know almost everything about you, because we are best friends."

Napatitig ako sa kaniya dahil sa huling sinabi niya. I... I do have a best friend? But I forgot about him?

"Tell me everything, Miiver." Ani ko, pero ngumiti lang siya ng pilit at umiling.

"I'm sorry... Why don't you asked the ones who found you, first?"

"Who found me?" Takang tanong ko at tumango naman siya.

"Because you're not Weyla Navar."

Parang napantig ang tenga ko dahil sa nadinig.... I– I am what? Not Weyla Navar!? Parang biglang nayanig ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

"Wait what!?"

I can't still believe this! Nagsasabi ba siya ng totoo?

Biglang nag vibrate ang phone niya, kaya napatingin sa dito at may binasang message.

"I'm sorry, this is an emergency. I need to go... Please, please come back to us, we'll be waiting."

Yun lang ang huling sinabi niya bago mabilis na umalis ng library... Muka naman akong tangang nakatingin lang sa dinaanan niya.

I decide na lumabas na after ilang minute na pag oover think.

You are not Weyla Navar.

What Miiver told me is still popping in my head. If I am not Weyla Navar... Then who am I?

"Look who's here..."

Napaangat agad ako nang tingin dahil sa narinig ko.

"Mayra." I muttered while looking at her.

Hindi ko siya nakita for almost three weeks. Saan kaya galing 'tong babaeng to, at ngayon bigla na naman sumulpot sa harapan ko.

"Oh, you still know my name, very good." Pumalakpak pa ang gaga at mas lumapit pa sa akin.

"Ano 'tong nababalitaan kong.... nagkakamabutihan na daw kayo ni Xzevier?" Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

Speaking of Xzevier... Aish! Wag ka ngayon mag isip Weyla, nasa harap mo ang demonyetang Mayra.

"I told you naman before na the game is just about to start diba? Sayang lang at wala sina Bernice at Hazel kasi nasuspend.... dahil sayo." Itinuro niya ako at mahinang itinulak gamit ang daliri niya.

"I'm not just going to take revenge for what you did to my two little duckling, but also.... I will do this to wake you up! Hindi kayo bagay ni Xzevier!"

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sakin. Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang kaliwa kong pisnge.

"How dare you..." Malamig kong sambit at tiningnan siya ng masama.

"Hah!? What will you gonna do this time?" Mataray niyang sabi at may isininyas sa mga kasama niya kaya nagsilapitan ito sakin.

"Lecture that whore." Sabi ni Mayra sa mga kasama niyang anim na lalaki at dalawang babae bago siya umatras, at naka cross arm pa habang nakangising nakatingin sa akin.

Naunang lumapit ang dalawang babaeng hindi ko kilala at nakasmirk pa.

Tanga, hindi naman bagay -_-

"Try or you'll die." I coldly said. I blankly and coldly stare at them habang maayos na nakatayo lang sa lugar ko.

They were surprised dahil sa ipinapakita ko. But Mayra shouted at them kaya sumugod ang dalawang babae.

I just ducked and avoid their attacks. Since dalawa pa lang sila ay hindi ako nahirapan kalabanin sila. I moved fast and kicked their damn ass.

Nang hindi na makatayo ang dalawang babae ay sumugod naman ang tatlong lalaki.

I managed to avoid their attacks. Ang isang lalaki at tatadyakan sana ako but I just jump at siya naman ang tinadyakan ko. Napalingon ako agad when I felt someone is going to punch me.

"Not to my precious face." I coldly said as I slap him using my close fist.

The other one coming from the left is about to kick me but I just avoid it at hinawakan ang paa niya at ibinalibag sa semento.

Hinihingal na ako, god!

Napayuko ako agad nang maramdamang may paparating. I kicked his private part kaya napaluhod ito at napasigaw sa sakit.

Habol ang hininga akong timingin sa tatlong natitira pa.

"Ano pang hinihintay niyo!" Sigaw ni Mayra mula sa likod nila, she's gritting her teeth.

Nagtinginan muna ang tatlo bago dahan dahan lumapit sa akin. At pinatunog pa ang kamay nila.

"Bilisan niyo! Hindi na yan makakalaban pa!" Dinig kong sigaw ni Mayra.

Napangisi nalang ako. I don't know, pero parang may apoy na biglang nagliyab sa loob ko. I seems like, I'm not scared to face them, even if hinihingal na ako.

Sumugod agad ang isa kay mabilis akong umiwas. Sumunod namang sumugod ang pangalawa at sumunod ang pangatlo.

Aba... Gumawa pa ng strategy. Neknek niyo!

I gave a hard kick to the first attempter, napasigaw at napaluhod nalang ito agad.

Sumunod na sumugod ang pangalawa. Aba, magaling to ah. I punch and kick him, minsan na iiwasan niya. But the last blow I gave hit him really hard kaya napa ouch nalang siya at napaupo. I am going to gave him another last kick when I suddenly felt someone is behind me.

"How did you forgot the other enemy?" He said coldly as he gave a hard pouch to the last guy standing.

"Xzevier..." I mumble his name.

Naglakad siya patungo sa akin na may seryosong mga tingin.

"Are you okay?" Nagaalala niyang tanong.

Ang kaninang seryoso niyang tingin ay napalitan nang nagaalalang tanong.

"Yup, I'm all good." Sagot ko nalang.

Napalingon naman ako sa kinaruruonan ni Mayra kanina pero wala na ito ngayon doon. Napailing nalang ako at tiningnan ang mga nakalaban ko, may tulog sa sahig at yung iba ay nag mamadali at iika-ikang umalis.

Lumapit naman siya sakin at pinunasan ng panyo niya ang pawis ko sa muka.

"Kelan ka dumating dito?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Just in time to see you fighting the last three... How did you do that anyway?" Nakanunot na aniya pa.

"I learned." Simpleng sagot ko and shrugged my shoulders.

"Psh, let's go. It's already lunch time." Inakbayan niya naman ako at sabay kaming naglakad paalis sa lugar na yon.

Pero nang makita kong madaming tao sa hallway ay siniko ko siya at tinanggal naman niya ang kamay niya.

Pasimple akong nauna sa kaniya hanggang sa makarating kami nang cafeteria. Naroon na si Klinnia at Monique kasama ang gang niya ng makarating kami.

"Good afternoon everyone...." Nakangiting bati sa amin ni Tallia.

Habang nagla-lunch kami ay bigla siyang dumating dito sa cafeteria... Muntik pa akong mabilaukan kaya napainom agad ako ng tubig.

"Tallia? What brings you here?" Takang tanong ni Xzevier.

"Come on Xzevier... I am free today, kaya naisipan kong puntahan kayo... Didn't you missed me guys?" Nakapanguso pa ito pagkatapos sabihin iyon.

"Anyways, I brought you good news..." Nakangiti niyang ani ulit.

"What is it naman, Unnie?" Monique asked.

"Next week... Z-Corporates will be having a grand ball in Z-hotel." Ani Tallia.

"Bakit hindi ko to alam?" Taas kilay na sabi ni Xzevier.

"Kasi. Hindi ka naman umuuwi... Palagi ka nalang nasa condo mo." Taas kilay ding sabi ni Tallia.

Napakunot noo nalang ako dahil sa inaasta ng dalawang to. Bakit parang ang kunti lang ang alam ko tungkol sa kanila?

"Ano bang meron sa condo mo at hindi ka makauwi?" Taas kilay at nakangising ani Tallia.

I heard Monique and Klinnia chuckled. These girls! I know what they are thinking –_–

"Anyways, My handsome honey looks like hindi na nasisiyahan.." Natatawa nito sabi at napasulyap sakin, at ngumiti.

"So, I am expecting everyone would be there... Let's talk about this over lunch.. Nagugutom na ko." Napanguso pa siya at inagawan ng pagkain si Xzevier.

They are really close, and muka talaga silang mag kasintahan. But I remember Xzevier said, na I'm wrong daw... I really need to know what's up with these two. It seems like everyone knew everything about them, since they are childhood group of bestfriends. Kilala nila ang isa't isa simula pagkabata, at sabit lang ako sa grupong ito.

Nang matapos kaming maglunch ay nagpahatid si Tallia kay Xzevier sa parking. Dahil may importanting paguusapan daw sila. Hinatid naman kami ng apat sa classroom namin.

Agad ko namang nakita si Miiver na seryosong nakatingin sa amin. Agad na naalala ko ang pinagusapan namin kanina.

"Weyla? Pwede na tayong mag usap?" Tanong nito.

Tumingin ako sa mga kasama ko bago tumango sa kaniya. Naglakad naman siya paalis kaya sinundan ko siya at tumigil kami sa pinakalast na daan kung saan walang tao.

"Ano yun, Miiver?" Agad na tanong ko.

"Why are you always with them?" Seryoso niyang tanong.

Nanliit naman agad ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"I can't understand you, Miiver." I confusedly mumbled.

"Why are you always with that Zandros and with his gang!?... You should avoid them, they will only make your life miserable, they will just hurt you."

Napakunot noo naman agad ako dahil sa mga sinabi niya sa akin. Ano bang problema nito?

"Pano mo nasasabi yan? Kilala mo ba sila?" Kunot noo kong sabi.

Nagulat naman siya pero agad din namang nakabawi at seryoso akong tiningnan.

"I know them... But you.... you know them more that I do... I am just protecting you, and your heart, because the moment your memories will came back... I'm telling you, Zy... Masasaktan ka lang."

Matapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong iniwan kaya napatulala nalang ako

.

Anong ibig niyang sabihin... Anong ibig mong sabihin Miiver?! Bakit ako masasaktan? And what!?... I know them, more than he do? Pano? At bakit? Pano nangyari yon? Ngayon ko lang sila nakilala, at ngayon lang nila ako nakilala... Panong, kilala ko sila? Kung kilala ko sila dapat kilala na din nila ako...

"Ahh!" Napahawak agad ako sa ulo ko dahil sa sakit. Parang binibiyak ito dahil sa sakit.

Blurry images... Maraming hindi malinaw na imahe ang pumapasok sa isip ko.

"Argh!" Napaupo na ako dahil sa sobrang sakit. I can't even feel my body. Ang tanging nararamdaman ko lang ay sakit ng ulo ko.

Zy.... Queen... Rein... Ojosama... Lady Rein...

Another blurry image, and voices of different people that I don't even know... Who are they?

Zy...

I heard Miiver's voice... I know boses niya yon... I saw his face and his wearing a wide smile... I saw another image, and he's smiling at me, I saw a group of people and they are looking at me... I don't know him... I don't know them...

Shit! Who are they?

I woke up with my head's spinning.. Nahihilo ako, asan ako?... Napatingin ako sa buong lugar. Nasa isang maliit na kwarto ako... Saan to?

"Weyla.."

Napalingon ako sa taong nagbukas ng pinto...

"Xzevier..."

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Damn! I'm so fucking worried..." Nagaalala niyang ani.

"... Wala bang masakit sayo? Okay na ba ang pakiramdan mo?" Sunod sunod niyang sabi at nagaalalang tumingin sa mga mata ko.

"Xzevier... Okay lang ako..." I forced a smile while I am looking at him straight to his eyes.

"Hindi ko kakayaning may mangyaring hindi maganda sayo... Hindi ko kakayaning masaktan ka... I can't bear to see you in pain nor to see you suffer, Especially... I can't afford to loss you... No, not this time..."

"Xzevier..?" I mumbled his name as we are staring directly to each others eyes.

"I like you, Weyla." He said genuinely, alam ko, dahil nakikita ko sa mga mata niya.

"Xzevier...?" Nagulat ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang e rereact or kung ano ang sasabihin.

"Please be my girl... Please, Weyla." He mumbled as he slowly lean forward.

Nanatiling nakatingin lang ako sa mga mata niya habang papalapit nang papalapit ang mga labi niya sa akin.

He's lips crashed mine and all what I did was to closed my eyes.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng muka ko.

I don't know exactly what they call this. But I felt beautiful sensation in my damn heart.

***