Chapter 14
Sinabi rin ng hari na bukas ang kaharian nila sa tribu ng Agusan.
Binalik ng hari at reyna ang ugnayan nila sa bayan ng Sudankal at humingi sila ng tawad sa ginawa ng kanilang prinsesa.
Binigyan nila ng tulong at binalik ang perang kinuha ng prinsesa.
Pumunta rin ang hari at reyna sa kahariang Ramas at humingi ng tawad kay reyna Entrea lalo na sa prinsipe.
Ayaw nilang mawala ang ugnayan sa dalawang kaharian dahil pareho nilang sinusulong ang kapayapaan.
Pumunta sa silid ng prinsesa Amerenda ang ama at ina niya. Nakita nilang tahimik na nakatingin ito sa bintana.
"Aming prinsesa, kami ay nag-aalala na sa iyo. Laging kaunti lang kinakain mo. Minsan pa, hindi ka kumakain. Ano ba nangyayari sa iyo? Kung may problema ka sabihin mo sa amin, tutulungan ka namin." Niyakap nila si prinsea Amerenda.
"Anak, mga magulang mo kami. makikinig kami sa iyo. Kung may problema ka, huwag mong sarilinin, tahimik lang ang prinsesa Amerenda kaya lalong nag-aalala sa kaniya ang amang hari at inang reyna.
Hapon ng bumisita sa silid ng prinsesa si Marla.
Anong ginagawa mo rito? Sinira mo ang buhay ko pati ba naman dito sa panahong ito. Tama na! pagod na ko. Ayaw mo akong lubayan. Bakit hinahadlangan mo lagi ang kasiyahan ko! Bakit kailangan mong sirain ang buhay ko?! Masaya ka na ba, sira na ang buhay ko ngayon?! Masaya ka siguro. Naiinis at galit ako sayo Marla!! Galit na galit ako sa inyong dalawa ni Rreyna Entrea!!"
"Nalilito ako sayo. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo. Pero, kung may nagawa man akong hindi mabuti sa iyo. Patawad! Patawad kung dumating ako sa buhay mo. Patawad kung sa tingin mong nasira ko ang buhay mo ng dumating ako. Patawad prinsesa Amerenda! Sana mapatawad mo ako!" lumuhod si Marla at yumuko. "Patawad prinsesa!"
Hindi niya pinansin ang paghingi ng tawad ni Marla kasi dahil sa pagtitiwala niya nawalan siya ng mga mahal sa buhay kaya ayaw niyang maniwala sa paghingi nito kapatawaran.
Makalipas ang tatlong linggo, nabalitaan ng prinsesa na ikakasal bukas ang prinsipe kaya nag-isip siya kung anong gagawin para makatakas.
Kailangan ko mapigilan ang kasal, kailangan hindi matuloy ang kasal nila dahil iyon na ang katapusan ng aking misyon dito. Hindi ako papayag!
KInabukasan, nagpaalam ang reyna at hari sa prinsesa para sa pagdalo nila ng kasal nina prinsipe Waru at prinsesa Nana. Kasama nila si Marla.
Sila ay nasasaktan din sa balitang iyon dahil alam nilang pinakamamahal na lalake ng prinsesa ang ipapakasal.
Nagpanggap ang prinsesa na siya ay natutulog para kampante lamang sila. Nang makita niyang pag-alis ng amang hari at inang reyna, pinatawag niya si Amesh sa mga kawal dahil doon siya manghihingi ng tulong.
"Amesh, tulungan mo ako. Nagmamakaawa ako sa iyo. Kailangan kong makalabas dito para pigilan ang pag-iisang dibdib ng dalawa."
"Ano!? Huwag ka nga magpatawa. Tsaka, mahigpit na bilin ng iyong ama na hindi ka papalabasin ng kaharian."
"Amesh maawa ka. Kailangan ko mapigilan ang kasal, kung hindi iyon na ang katapusan ko. Maawa ka sa akin. Kailangan ako ang mapag-iisang dibdib sa prinsipe!"
"Prinsesa, isa kang napakagandang maharlika kaya maraming mga prisipe ang magkakarandapang pakasalan ka. Kaya ipaubaya muna sa sa ibang ang prinsipe."
Hindi mo naintindihan eh, parang awa mo na. Si Amesh na galing sa hinaharap, pinangakong maglilingkod sa akin ng tapat. Sinumpa niyang tutulungan ako sa lahat ng bagay basta sa ikabubuti ko. Parang awa mo na! Nagmamakaawa ako sa iyo Amesh!"
"Kailan ko sinabi iyon. Ngayon nga lang tayo nagkita, eh!" Nagugulo si Amesh sa mga pinagsasabi ng prinsesa.
"Sa ibang hinaharap."
"Ano? hindi kita maintindihan."
"Wala na akong oras para ipaliwanag sa iyo ang lahat. Ito lang masabi ko, sa ibang hinaharap naging matalik kitang kaibigan. Pinangako mo, aalagaan at poprotektahan mo ako. Kaya parang awa mo na, tulungan mo na ako Amesh."
"HIndi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi mo, mahal na prinsesa."
"Magtiwala ka. Tulungan mo ako. Hindi akong masamang tao, maawa ka Amesh. Parang awa mo na!
Naaawa si Amesh sa katayuan ngayon ng prinsesa kaya wala na siyang nagawa kundi tulungan ito.
Tinulungan ni Amesh ang prinsesa sa paglabas sa kaharian.
Binayaran ng prinsesa ang limampung tulisan ng malaking halaga upang mapapayag ito para tulungan siya sa mga planong pagpipigil sa pag-iisang dibdib na mangyayari.
Mabilis siyang nakapasok sa kahariang Ramas at nakita niyang nasa harap na si prinsipe Waru. Hinihintay si prinsesa Nana. Kasama niya sa paglalakd ang reyna Entrea kaya mabilis siyang pumunta sa harap.
Binato niya ng isang sandata papunta kay reyna Entrea buti nalang sa gilid ito tumama. Huminto sila at tiningnan kung sino iyon. Nakita nilang si prinsesa Amerenda.
Naglakad ang prinsesa papunta kina reyna Entrea at prinsesa Nana. Pinalibutan sila ng limampung mga tulisan. Hawak na rin nila sina reyna Entrea at prinsesa Nana.
Binalewala niya at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga magulang niya.
"Patawad ama at ina. Patawad! Gagawin ko ito hindi para sa sarili ko kundi para ito sa inyo," sabi niya sa kaniyang sarili.
Sinabihan siya ni Prinsipe Waru. "Ganun ka na ba ka-desperada prinsesa. Tama na! Tama na ang kabaliwalang ito!"
"Hindi niyo alam. Wala kayong alam. Lahat ng ito hindi para sa akin, lahat ng ito ay para sa inyo."
Sumigaw si Prinsesa Entrea. "Huwag kang magpakasal sa baliw na yan prinsipe Waru!"
"Tumahimik ka! Kung ayaw mong mauna kang pumunta sa kabilang buhay!"
Nagsalit si reyna Siwas. "Anak, tama na. Parang awa mo na, itigil mo na ito. Ano bang nangyayari sayo?"
Pinunasan ng prinsesa Amerenda ang ilang patak ng luha.
"Ituloy na natin ang kasal!"
Itim na damit ang soot ng prinsesa at hindi nakatali ang buhok niya.
Nag-umpisa na ang pag-iisang dibdib. Nilapit ng prinsipe Waru ang mukha niya sa prinsesa para halikan ito.
Dumilat ang prinsesa habang papalapit ang labi ng prinsipe sa kaniya ay umatras siya. Dumilat ang prinsipe dahil sa sinabi ng prinsesa na "Patawad!"
Binitawan niya ang sandatang hawak. Lumuhod ang prinsesa at umiyak. Tiningnan siya ng prinsipe at naawa siya sa prinsesa. Hindi niya maipaliwanag ang awang iyon.
Dumating ang mga kawal ng kahariang Ramas at tinalo ang mga tulisan, ang iba naman ay nakatakas.