Chapter 13

Hindi nagdalawang isip ang prinsesa sa alok ng prinsipe. Agad siyang sumama. Sobrang saya ang prinsesa Amerenda sa mga nangyayari sa kaniya ngayon.

Ang kailangan niya nalang gawin ay mapa-ibig ang prinsipe. Marami siyang ginawa para lalong mapalapit ang loob nila sa isa't-isa.

Marami siyang mga kasinungalingang sinabi upang maawa sa kanya ang prinsipe.

Hinabaan niya ang pasensya sa panliligaw sa prinsipe. Kailangan niya maging matatag.

Hanggang isang araw bumisita sa kaharian ng Nahuna ang prinsipe para alokin ang prinsesa na magpakasal sa kanya.

Sobrang natuwa ang prinsesa. Sa wakas, makakauwi na siya sa hinaharap at maililigtas niya ang mga mahal sa buhay.

Inagahan ng prinsesa ang araw ng pagpapakasal nila ng prinsipe dahil baka may mangyaring hindi maganda. Pumayag ang prinsipe sa sinabi ng prinsesa na pwedeng dalawang beses sila magpakasal. Ang una, ngayon na wala ang mga magulang niya. Pangalawa, kapag dumating ang mga magulang niya.

Oo, magpapakasal sila ngayon na wala ang mga magulang ng prinsesa kaya nga mabuti napapayag niya ang Prinsipe

Pinili ni prinsesa Amerenda na sa kahariang Nahuna sila mag-iisang dibdib. Dumalo rin ang mga taong sakop ng dalawang kaharian lalo na mga kaibigang maharlika.

Sa wakas, matatapos na ang misyon ko rito. Makikita ko na ulit sina ama at ina lalo na ang pinakamamahal kong haring Waru.

Nagsimula na ang pag-iisang dibdib nila. Nagtititgan sila sa isa't-isa na nakangiti. Hindi mabilang ang sayang nararamdaman ng reyna Amerenda .

Natigil ang lahat ng dumating si reyna Entrea kasama si Marla at Amesh pati ang ama at ina ng prinsesa at ilang mga kawal.

"Ano ito, bakit nakalabas ang babaeng iyan sa kukungan? Hulihin niyo siya!" Nakita niya rin ang ama at ina niya, lalo siyang nagulat ng makita si Marla.

"Ikaw dapat ang nasa kulungan. Ikaw ang huhulihin namin," sigaw sa kanya ni reyna Entrea.

"Ano ba nangyayari dito?" Nalilito ang prinsipe.

"Ang papakasalan niyo mahal na prinsipe ay isang walang pusong prinsesa. Isang masamang tao!" Mahinahing pagsasalita ni reyna Amerenda.

"Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi mo dating reyna!" Tumingin si reyna Entrea kay Marla.

"Sige, magsalita ka na para malaman ng lahat kung gaano kasama ang prinsesang tinitingala ng mga tao dahil sa inosenteng mukha."

"Narinig kong pinalabas ng prinsesa, umuwi na ako sa kamag-anak ko, pero hindi iyon totoo. Dinala niya ako sa ilog at doon pinagtangkaan ang buhay ko sa pamamagitan ng pagtulak sa akin para mahulog ako sa ilog. Hindi ko alam bakit niya iyon ginagaw sa akin. Mabubuti naman ipinapakita ko sa kaniya. Wala akong ginawang hindi mabuti sa kanya kaya nagtataka ako kung bakit masama ang ipinapakita niya sa akin. Akala ko mamamatay na ako sa araw na iyon. Sobrang takot na takot ako buti niligtas ako ng tribu ng Agusan. Ilang araw din akong walang malay," umiiyak pa si Marla habang nagkukwento.

"Kami ang tribu ng Agusan. Totoo ang nga pinagsasabi niya," sabat ni Amesh.

Tahimik lang ang amang hari at inang reyna. Hindi sila makapaniwala na kaya iyong gawin ng prinsesa.

"At ito pa. Alam ba ng haring Landon at reyna Siwas ang ginawa ng prinsesa habang wala sila dito. Ayon sa nalaman ko, pinaratangan niyang nagtaksil ang bayang ng sudankal na sakop ng kahariang ito. Walang awa niya pinagsisira ang mga hanapbuhay ng mga tao doon.

Kinuha niya rin ang pera nila at sinabing, puputulin na ang ugnayan sa bayang iyon. Ganyang uri ba ng tao ang gusto mong pakasalan at samahan hambambuhay prinsipe Waru?"

Tumingin ang prinsipe kay prinsesa Waru.

"Ipapaliwanag ko ang lahat!"

Sumabat si reyna Entrea, "Siya rin ang nag-utos sa mga tulisan na harangan kayo at atakehin at nag-iwan ng prowebang magtuturo na ako ang nag-utos. Sa madaling salit, siya ang gustong pumatay sa iyo para makuha ang katayuan ng palasyo. Baka pagkatapos niyong magpakasal ay papatayin ka niya para maiwan sa kanya ang trono."

"Tumahimik ka wala kang alam," sigaw niya sa reyna Entrea.

"Tapos na ako sa paglalahad ng mga nalalaman ko. Kayo na ang maghusga sa mga masasamang ginawa ng prinsesa."

"Prinsesa, ginawa mo lahat iyon para sa trono, para lumawak ang kapangyarihan mo?"

"Hindi, huwag kang maniwala sa mga pinagsasabi ni reyna Entrea."

" Huwag mo na akong linlangin pa. Puro kasinungalingan nalang naririnig ko. Ako ay pago na pagod na."

"Prinsipe!"/ Tumingin si prinsipe Waru kay reyna Entrea at humingi ng tawad. Naglakad siya papunta kay haring Landon at reyna Siwas. Humingi ng pasensya at maayos nagpaalam.

Kahit anong tawag ng prinsesa sa kanya. Hindi siya tumingin patuloy lang siya sa paglalakad palabas ng palasyo kasama ang reyna Entrea.

Pinauwi na rin nila ang mga panauhin. Pinag-uusapan nila ang narinig na ginawang kasamaan ng prinsesa.

Lumapit ang amang hari at inang reyna kay prinsesa Landon.

"Hindi ako makapaniwala na kaya mong gawin ang mga bagay na iyon?" Tanong ng hari.

"Patawad. May dahilan po ako."

"Kahit anong dahilan pa iyan, alam mong hindi mabuti iyon," sabat ng inang reyna.

"Mabuti? Wala namang magandang kinahihinatnan sa paggawa ng mabuti dahil aabusuhin ka lang," pabalang na sagot niya.

"Prinsesa, napansin namin ang pagbabago mo at hindi rin namin alam kung bakit ka nagbago. Pwede mo naman sabihin sa amin. Huwag mong sarilinin."

"Patawad po. Hindi pa ngayon."

"Ayaw naming lumawak pa ang kasamaan mo. Pasensya na." Kahit labag sa kalooban nila ang gagawin sa prinsesa pinairal nila ang batas. Pinadampot ng hari si prinsesa Amerenda at nilagay sa silid nito.

Pinagbabawalan siyang lumabas kaya may dalawang kawal ang nagbabantay sa labas ng pintuan ng silid niya. Habang naglakad paalis tumingin siya kay Marla pati na kay Amesh.

"Masaya akong nagkita ulit tayo, heneral Amesh." Nagtaka si Amesh kung bakit tinawag siyang heneral tsaka parang kilala siya ng prinsesa.

Kinausap ng amang hari at inang reyna si Marla. "Kami na ang humingi ng tawad sa ginawa ng prinsesa.

Hindi rin namin alam kung ano nangyayari sa kanya."

Sa pagbalik sa nakaraaan. Maraming nagbago. Unang una, ang ugali ng prinsesa. Pangalawa, ang ugali ni reyna Entrea lalo na si Marla. At ilan pang bagay na nag-iba lalo na ang takbo ng kapalarang ng prinsesa.

"Baka po mabigat ang pinagdadaanan niya po ngayon kaya intindihin nalang po natin at tulungan." Nagpasalamat ang amang hari at inang reyna sa pagiging maunawain ni Marla.

Nagpasalamat din sila sa tribu ng Agusan sa pagsagip nila ng buhay ni Marla. Dahil doon inalok si Amesh na maging isa sa mandirigma ng kahariang Nahuna at ito'y tinanggap ng buong puso ni Amesh.