Kabanata 3. Hidden beauty.
NAILIBING ng matiwasay ang mga magulang ko. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit sa aming bahay. Pinipili ko ang mga gamit na mapapakinabangan pa at puwedeng ipagbili sa bayan. Nagdesisyon akong lumipat ng tirahan. “Mahal, bakit ang kalat dito?” bungad ni Tita Emma pagkapasok sa bahay namin, nasa likuran niya si Tito Ivan. Bihis na bihis ang mag-asawa. “Aalis kayo?” Pagtataka ko. Umupo si Tita Emma sa tabi ko at kumot pa rin ang noo niya dahil nagtataka sa ginagawa ko.
“Oh, hindi ba sinabi sayo ni Elma?” kumunot ang noo ko at sandaling sumulyap sa kan’ya. “Ang alin?” takang tanong ko. Nagsirkuhan ang mga kilay niya dahil sa pagkainis. “Sabi na nga ba at hindi na naman sinabi ng batang ‘yon! Napakasinungaling talaga. Kaya hindi ko nagustuhan ‘yang kaibigan mo!” Bakas ang pagkakaasar sa ekspresyon niya. Nagkatinginan kami ni Tito Ivan at tuluyan na siyang humalakhak. Ako naman ay nagtataka lamang. “Sweetheart, you’re cute when you’re pregnant,” nangingiting lambing ni Tito sa kan’ya. Bigla akong napasimangot dahil sa kakornihan nilang mag-asawa. Ganito sila araw-araw, ang maglampungan sa harapan ko. Nakakairita.
Tumayo ako at ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang mga napiling gamit. “Tita hindi ko po siya kaibigan. Wala po akong kaibigan dito,” paglilinaw ko. Umirap lamang si Tita Emma at humarap sa akin. “Edi mas mabuti ‘yon! Halika! Tutulungan kitang mag-impake. Isasama ka namin ng Tito mo sa ibang bansa at simula ngayon doon ka na titira,” masayang balita niya. Wala akong naging reaksyon kaya nagtaka siya. Napawi ang ngiti niya. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko pa nga pala naipapaliwanag sa kanila ang mga plano ko. At mukhang naging biglaan ang pag-alis nila patungong ibang bansa. “Tita, ayaw ko pong maging pabigat sa inyo. Balak ko po sanang manirahan sa boarding house na malapit lamang sa school,” paliwanag ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kanilang dalawa.
Napatingin ako sa aking mga kamay ng haplusin niya ito. “Dahil ba ito sa mga nasabi ko?” malungkot na sabi niya. Napakurap ako at mabilis na umiling sa kan’ya. “Tita, hindi po. Gusto ko lang pong maging independent. Gagawin ko po ito para sa sarili ko. Nangako rin po ako sa kanila,” marahan kong paliwanag sa kan’ya. Tumingin ako kay Tito Ivan at nakakaunawa naman siyang tumango.
Napabuntong hininga siya at mabigat ang loob na suminghap. “All right, if that’s what you want. But when you need something, don’t be shy to ask for help,” she said with a smile. Tumango na lamang ako upang matapos ang usapan. I averted my eyes.
I heavy sigh.
I’m sorry Tita, yes I want to be with you, but I can’t afford to ruin your precious life because of me.
NAKATITIG ako sa pulang kahon na siyang tinutukoy ni Nanay. Kanina pa ako problemado kung paano ito mabubuksan. Ngunit imbes na lapitan, tumayo ako upang hawiin ang kurtina sa bintana upang malayang makapasok ang liwanag sa loob ng kwarto ko, isang napakalaking himala para sa mga kapitbahay kong ilang araw ng nangangamba sa kalagayan ko dahil nitong nakaraang araw, madalas kinukulob ko lamang ang sarili sa buong bahay. Muli akong lumapit sa baul. Kuryuso at puno ng katanungan ang isipan. Anong meron sa baul na ito? Sinuri ko ang maliit na baul. Nakapa ko ulit ang maliit na lock sa bandang tabi. Sa sobrang pag-iisip ko, kung paano ko ito mabubuksan, bigla akong napangiwi dahil sa matinding pagkirot ng ulo. Umaatake na naman.
Mahigpit akong humawak sa lamesa upang suportahan ang sarili. Bumilis ang pagpintig ng puso ko at kasabay nito ang iba’t-ibang blured vision na lumabas sa aking mga alaala ngunit ang lagi kong ipinagtataka, bakit parang walang linaw ang mga pangyayari? Lagi kong nakikita ang matipunong lalaki, malabo ang kaniyang mukha ngunit kapansin-pansin ang magandang tindig niya at magarang kasuotan. Nagsasayaw sila ng babaeng mukhang prinsesa sa gitna ng eleganteng bulwagan. Ngunit kapag pinagmamasdan ko itong mabuti, kasunod nito ang matinding pagsintak ng kirot sa aking ulo. In the end, lagi na lang akong napapatanong sa sarili. Who are they?
Napahilot ako sa batok dahil baka sa puyat at kulang sa maayos na pagkain. Malamang dahil sa pagpapabaya ko sa sariling katawan dahil tatlong buwan na rin ang lumipas ng umalis sila.
Noong umuwi sa Amerika sina Tita Ivan, madalas akong tulala at nag-aalala para sa kalagayan ni Tita Emma, hindi nila alam na talagang sinadya kong magpa-iwan dahil umiiwas ako na madamay sila sa kamalasan kong dala. Napansin ko kase na medyo maselan ang pagbubuntis niya, kaya naman ng mag-suggest si Tito Ivan na mag-migrate kami sa ibang bansa mas naging panatag ang loob ko na makakabuti ‘yon para sa kalagayan ni Tita na mapalayo sa akin. Naisip ko na mas maaalagaan siya doon ng maayos dahil nasa Amerika nakatira ang buong pamilya ni Tito Ivan.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw na mag-isa ako, hindi naging madali sa akin ang lahat, unti-unti kong naramdaman ang pangungulila sa kanila. Sa madaling salita, hindi ako sanay na walang kasama sa buhay. Kaya naman, tuwing gigising ako sa umaga, parang pinapatay ako sa kalungkutan, lalo na kapag napapatingin ako sa bawat sulok ng bahay namin, dahil lahat ng parte nito ay punung-puno ng magagandang alaala naming tatlo. Sa loob ng ilang buwang nag-iisa ako, saksi ang pamamahay na ito ng kalungkutan at paghihinagpis ko mapa-araw man o gabi. Halos hindi na rin ako lumalabas at nagmumukmok na lamang dito. Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa iba. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng mamatay sila pero parang isang bangungot pa rin na paulit-ulit kong napapanaginipan.
Ngunit iba ang araw na ito, dahil nakapagdesisyon na ako.
Ngayon ay napagpasyahan kong manirahan sa ibang bayan, kahit na wala akong ideya sa panibagong buhay na tatahakin ko, kailangan kong sumugal dahil alam kong may dahilan kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon. Oo at hindi ko maitatanggi na malaki ang naging impak ng pagkawala nila sa buhay ko. Kung dati ay tumatawa pa ako, ngayon ay hindi na. Kung dati, ay kaya ko pang makisalamuha sa mga tao, ngayon ay umiiwas na. Takot akong makipag-usap sa iba at iniiwasan kong mapatitig sa kanilang mga mata. Mas makakabuting ganito dahil wala rin naman akong magagawa sa kapalaran nila. Diyos ang nagbigay ng tadhana sa kanila kaya dapat hindi ko iyon pakialamanan.
Madalas ay may mga pangyayaring pilit na sumisingit sa aking mga panaginip, pero mas pinipili kong huwag makialam. Hanggang sa masanay na ako at binabalewala na lamang ang mga wierdong pangitain. Muli akong bumalik sa bintana. Sinamyo ko ang sariwang hangin. Humampas ang malamig na yakap nito sa aking balat. Tumingala ako sa langit at malungkot na pinagmasdan ang mabagal na paggalaw ng mga ulap. “Miss ko na po kayong dalawa, Nay, Tay,” bulong ko sa kawalan at panandaliang ipinikit ang mga mata. Ngunit napamulat ako dahil sa matinis na sigaw ng aking kapitbahay. Bumagsak ang malamig kong tingin sa kan’ya. “Claire, halika rito! Ano ka ba? Huwag kang magmukmok diyan!” Unti-unting kumunot ang noo ko at napasimangot.
Hindi na bago sa akin ang pagiging makulit niya, ngunit hindi ko siya gustong maging kaibigan, ayaw kong makisalamuha sa mga tao dahil natatakot akong magtiwala sa kanila. Hindi ko alam kung ano nga bang dahilan? Mula pagkabata kasi, sabik ako sa kaibigan, sanay naman akong masaktan, alispustain at husgahan ng iba pero pinangarap ko pa rin na magkaroon ng mga kaibigan. Ngunit ng dumating ang araw ng ika-labing walong taon ko, isang umaga, nagising na lamang akong umiiyak, puno ng sama ang loob ang puso at ayaw ng makisalamuha sa iba. Hanggang sa dumating ang araw na nawala ang mga magulang ko, palaisipan pa rin para sa akin ang kakaibang nangyayari sa pagkatao ko. Pansin ko, habang lumilipas ang araw nagiging mainitin na rin ang ulo ko at palaging iritado sa lahat ng bagay. Kapag nangyayari ito, hinahayaan ko na lamang na manahimik kesa magsalita. Tulad ngayon, mas pinili ko na lamang na iwasan ang kapitbahay ko. I averted my eyes on her and turned my back.
Pumunta ako sa kusina at pumasok sa banyo. Gusto kong makapag-relaxed at panandaliang alisin ang sarili sa madilim na nakaraan. Humarap ako sa salamin habang marahang hinuhubad ang silkang bestida. Huminga ako ng malalim ng makita ang walang emosyon kong mga mata at halos nangingitim na rin ang ilalim nito. Habang pinagmamasdan ang sarili, kasabay nito ang pagbagsak ng kasuotan ko sa sahig. Mula sa salamin, makikita ang mga markang itim sa aking balat. Hindi ko alam, kung bakit minsan nagiging visible at invisible ito sa aking paningin, uulpot tapos biglang mawawala. Nagkibit-balikat ako dahil tulad ngayon bigla na lamang itong nawala. I removed my contact lense and replaced it with my original eyes. All I can say is, my eyes are not normal for a mortal person. Wierd but that’s the truth. At kanino ko nga ba ito namana?
Kumunot ang noo ko, hanggang ngayon palaisipan pa rin para sa akin kung kanino ko ito namana. The color of my eyes is switches to different colors depending on my emotions. Literal na iba’t ibang kulay talaga. Hindi ko masasabing heterochromia dahil tulad ng markang itim na nakikita ko sa mga balat ko, hindi rin ito nananatili dahil sa emosyon ko. Kaya kahit hindi comportable para sa akin na magsuot ng contact lens mas pinili ni Nanay Estrella na pagsuotin ako nito dahil natatakot silang matuklasan ito ng ibang tao at baka raw pag-eksperimentuhan ako.
Pinagmasdan ko ang aking mga mata. And now my iris is the same as I feel, lifeless and dark. The previously happy eyes were emotionless. I can’t even remember when I last smiled.
Bakit nga ba humantong sa ganito ang lahat?
Why is even my hair color not the same as my parents? I violently tore the ribbon from my hair. Malayang bumagsak sa sahig ang napakahaba nitong hibla. Oh no. I only forgot to cut it for a month, but the length of my hair now has reached the ground. Almost a year compared to other people’s hair equivalent.
Bakit nga ba mabilis humaba ang buhok ko? Tuluyan ng nanulay sa aking isipan ang mga alaala noong bata pa ako kung kailan ito nagsimula.