Kabanata 2. Mourning.
NAWALA ang saya sa bahay namin ang dating maingay animo’y inabanduna na. Nagkalat ang mga gamit sa kung saan. Napatitig ako sa litratong nakasabit sa dingding. Litrato kung saan buo pa kaming tatlo at masaya. Napabuntong- hininga ako, parang namanhid ang puso at naging bato. Nawalan ako ng gana sa lahat. Pati yata pagkain ay nakalimutan ko na. Dalawang araw ang lumipas simula ng mamatay sila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila nadadalaw sa kanilang burol. Gustuhin ko man na dalawin sila, alam kong sasalubungin lamang ako ng matinding galit ni Tita Emma. Nasa kan’ya ang katawan ng mga magulang ko at mahigpit akong pinagbabawalan na lumapit. Malungkot akong nakatingin lamang sa kawalan. Tama naman siya, ako naman talaga ang dahilan kung bakit namatay sila. Naging pabaya akong anak. Tahimik akong humikbi at niyakap ang mga tuhod. Paulit-ulit kong naririnig ang masasakit na salita sa akin ni Tita Emma ng malaman nitong namatay ang kapatid niya.
Si Tatay Vladimir.
Pero bakit gan’on? Kahit isang araw lang naman, sana’y bigyan niya ako ng huling pagkakataon upang makapiling ang mga magulang ko. Hindi naman ako manggugulo doon. Ngunit wala akong nagawa kung ‘di tahimik na humikbi. Lumipas ang dalawang oras. Marahas kong pinahid ang mga luha. Hindi ko kayang magmukmok na lamang dito. Hindi ko talaga kayang hindi sila makita. Huling araw na ito ng burol nila. Pagkatapos nito, hindi ko na sila makikita kailan man.
I can take it anymore.
Mabilis kong tinahak ang bahay nina Tita Emma. Lumandas ang mga daliri ko sa silver na gate nila. Nakasilip ako. Mula sa labas, makikita kung gaano kadami ang nakikiramay at alam kong dahil iyon sa magandang pakikisama ng aking mga magulang noong nabubuhay pa sila. Mapait akong napangiti. Tahimik akong nakatanaw sa gate at lumipas ang tatlong oras na nasa labas lamang. Nakaupo ako sa malaking bato. Panandalian kong ipinakit ang mga mata. Maaliwalas ang simoy ng hangin at bahagya pang sumisikat ang araw kaya medyo naiinitan na rin ako pero wala akong pakialam. Mabilis akong lumingon dahil bumukas ang malaking gate. Napatayo ako ng makita si Tito Ivan na naglalakad palapit sa akin. “Bakit hindi ka pumapasok? Kanina ka pa ba dito?” Mabilis na tanong niya. Napayuko ako at nahihiyang tumango.
Napabuntong -hininga si Tito Ivan at tuluyan na akong napaiyak ng yakapin niya. “I was shocked by what happened, Claire. Your parents always avoid trouble, so I wonder, why this happened to them?” pagtataka niya. Tama siya, hindi kailan man sumali sa gulo ang mga magulang ko. Wala silang kaaway. Natulala ako sa kawalan ngunit hinaplos niya ang likod ko. “I’m sorry, Claire. I apologize for what Emma told you. Please understand her because she cannot accept the death of Kuya Vladimir, “he explained softly.
“Pasensya na rin po, Tito,” paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa kanila. Ngumiti lamang si Tito Ivan at marahang pinahid ang mga luha ko. Hinila niya ang mga kamay ko. “Pumasok na tayo sa loob, mainit na dito.” Tumingin ako sa loob ng bakuran nila, napakaraming tao. Bigla akong nag-alinlangan na pumasok. Kaya ko bang haharapin si Tita Emma? Binalot ng panlalamig ang katawan ko. “P-ero Tito, magagalit po si Tita kapag pinapasok niyo ako,” suddenly my voice broke. Hinaplos niya ang buhok ko at pilit na hinuli ang mga mata ko. Mabigat siyang napabuntong-hininga. “Just ignore her. Emma made the funeral early. It’s their last day today. Don’t you want to be with them?” reminding him. Huminga ako ng malalim at walang nagawa kung ‘di ang sumunod sa kaniya.
While walking, some people greeted Tito Ivan.
When they looked at me, they suddenly became silent. Nanatili na lamang akong nakayuko at sa sahig nakatingin habang naglalakad. Ngunit naging mabigat ang paghakbang ko dahil sa pamilyar na boses. I gripped my skirt tightly. “What are you doing here? Did I invite you here?” Aunt Emma shouted angrily. Her eyes were glaring at me. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Tito. My hands trembled and quickly let go of Tito Ivan’s hand. But I was surprised when she suddenly pulled my arm. I burst into tears when she suddenly slapped me in front of a crowd. Tito Ivan’s arms quickly wrapped around Tita Emma to stop her. “Sweetheart! Don’t hurt the child!” Pag-aawat nito sa asawa.
Lalong nanlisik ang mga mata ni Tita sa akin. Sobra akong nasaktan dahil kailan man hindi niya ako trinato ng ganito. Tito Ivan hook his head in disappointment. Nagtatalo na sila ngayon dahil sa akin. “What do you want me to do?! To accept her even if she let her parents die? No! She has no right because she hasn’t been a good daughter!” Pag-iiskandalo niya. My eyes widened in shock. Plano niyang ipahiya ako sa maraming tao na siyang kahinaan ko. Halos lumubog ako sa kinatatayuan dahil nagsimula na silang magbulungan. Itinago ako ni Tito Ivan sa likuran niya dahil kitang-kita ko ang panunuya ng mga tao. He quickly supported me, but I took advantage of that and gently wiped my tears, so that they could not see. “T-ito Ayos lang po, aalis na lang po ako,” bagsak ang mga balikat.
Saglit akong sumulyap kay Tita Emma. “T-ita, I’m sorry.” Tiningnan niya lamang ako ng masama. Nauunawaan ko siya dahil si Tatay Vladimir na lamang ang nag-iisa niyang pamilya at kapatid. Ngunit bakit nga ba walang permanente sa mundo? Bakit sa dinami- dami ng mga tao, ang pamilya pa rin namin ang sinubok ng ganito? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang nakita ko sa hinaharap gamit ang kapangyarihan na kinamumuhian ko, and the worst is, si Tita Emma ang tanging tao na pinagsabihan ko nito. We’re very close, but I didn’t expect to hurt her in the end.
Akala ko’y hindi na siya magsasalita ngunit mas nadurog ang puso ko sa huling sinabi niya. “Sorry?” Hilaw siyang tumawa. Ngunit mas lalo akong nasindak ng mabilis siyang lumapit sa akin at dinuro ako. “If you had listened to me before, they would not have died! You were careless during those times! Kuya and Ate Estrella died because of your stupid mind!” Sigaw niya. Halos mangatal siya sa panggagalaiti sa akin. Pakiramdam ko’y bigla akong naubusan ng lakas para ilaban ang kagustuhan kong makasama ang mga magulang ko sa huling sandali. Tahimik akong napahikbi at bahagyang naikuyom ang kamao sa pagkainis at galit sa aking sarili.
Tama siya, ako ang may kasalanan kaya nawala sila. “Please sweetheart, huminahon ka. Ayaw kong magkasakitan kayong dalawa. Buntis ka pa naman. Please, maging mahinahon ka,” pakiusap ni Tito Ivan sa kaniya.
Nagulat ako. Sumulyap ako kay Tita Emma, ngunit pinanlisikan niya lamang ako ng mata. Kaya bumagsak ang tingin ko sa kaniyang tiyan. Hindi ko alam na buntis pala siya. Tumakas ang luha niya. Parang pinipiga ang puso ko ng masaksihan ‘yon. “T-ita, congratulations po. Masaya po ako dahil nagkatotoo ang mga nakita ko,” napasinghap siya at humawak sa sariling sentido. Binalot ako ng takot at pag-alala, maging si Tito Ivan ay nabahala. Habol hininga siyang humawak sa braso ni Tito Ivan dahil sa panghihina. Saka ko lamang napagtanto na sana’y nanahimik na lamang ako. Mariin siyang tumitig. “No. Not all your visions are good. You need to stay away from us. I don’t want my family to be affected by the curse you brought. You better leave,” tumalikod siya at walang emosyon na umalis. Napaawang ang mga labi ko. Parang tinusok ng isang punyal ang puso ko sa huling sinabi niya. Sa dami ng masakit na salitang binigkas niya, hindi ko inaasahang sa kaniya ko pa maririnig ang pinakaayaw kong salita.
Ang sumpa.
Napuno ng bulungan ang paligid. Ang mga matang mapang husga ay nakatingin sa akin. Hinaplos ni Tito Ivan ang ulo ko upang ipaalala ang totoong dahilan kung bakit ako naririto. Nauunawaan ko ang ibig sabihin niya. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa sasabihin ng iba dahil narito ako upang makita ang mga magulang ko. “Sige na Claire, kanina ka pa hinihintay ng mga magulang mo, ‘wag kang mag-alala, mag-uusap kami ng Tita Emma mo.” Napabuntong hininga ako at marahan na tumango. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang bulungan sa paligid. Bawat paghakbang ko’y mabigat, animo’y paunti-unting pinapatay ang pagkatao ko. Hindi maipaliwanag na sakit at kalungkutan ang iniwan sa akin, lalo na noong makita ko silang nakahiga at walang buhay sa harapan ko.
Nanginginig ang mga palad ko ng lumandas sa ibabaw ng bubog. Isang bubog na kung saan naging hadlang sa akin upang hindi ko sila mahawakan. Napakasakit, sa isang iglap, hindi ko matanggap na dalawa silang kinuha sa akin. Ano bang ginawa ko para pagkaitan ng ganito? Anong kasalanan ko? Nanlambot ang mga tuhod ko. Mabilis kong niyakap ang babasaging bubog na kabaong nila. Gusto kong abutin ang katawan nilang walang buhay at yakapin sila ng mahigpit, pero wala akong magawa kung ‘di titigan na lamang sila. Hanggang sa huli, magkasama pa rin silang dalawa dahil pinagsama sa loob ng kabaong. Naiinggit ako dahil magkahawak ang kanilang mga kamay, samantalang nasanay ako na nasa gitna nila no. Maging sa pagtulog ay magkakatabi kaming tatlo.
Tatlong oras akong nakaupo, nakatulala sa harapan nilang dalawa, tila malayo ang isip at wala sa sarili habang walang tigil ang pagluha. “N-anay, ang daya-daya niyo naman po ni Tatay, iniwan niyo po akong mag-isa. Napakadaya niyo po. Napakadaya niyo. Bakit hindi niyo na lang po ako isinama? Sana isinama niyo na lang ako. Nay, Tay, please isama niyo na lang po ako,” paulit-ulit kong pakiusap sa kanila at muling napahagulhol. Ngunit nagulat ako dahil may bumagsak sa gilid ko na nagpatigil sa paghikbi ko. Napatingin ako sa tiles. Nakita ko sa sahig ang basong basag at natapon na gatas.
Muli akong tumingala sa pinanggalingan, kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa pag-iyak. Ngunit nagulat ako. Nasa harapan ko na pala si Tita Emma na malambot ang expression habang nakatingin sa akin at mukhang kanina pa yata nakikinig. Napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod at mabilis na yumakap sa akin. “Patawad Mahal ko. Patawarin mo sana si Tita. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko naisip na kumpara sa akin, ikaw ang mas nasasaktan ngayon,” malambing na paghingi niya ng paumanhin. Mariin akong napahikbi habang nanginginig ang mga kamay at marahang hinaplos ang likuran niya para pakalmahin siya. “It’s okay, Tita.”
Mula sa aming likuran ay binalot kami ng mainit na yakap ni Tito Ivan at pareho kaming kinintalan ng halik sa ulo. Sa pagkakataong iyon, saglit na napunan ang pangungulila ko sa yakap ng aking mga magulang. Sa kabila ng pait, sakit at pighati ay naramdaman kong hindi ako nag-iisang lumaban sa parteng madilim na bahagi ng buhay ko.