Epilogue 1
Zelo’s POV
“I talk to Umbrielle now, Mr. Tigre. She already agree to the deal. She already created plan. She’ll use the son of the governor to do it,” ani Alfredo, isa sa mga tauhan ko mula sa Tigers. Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng ngisi sa aking labi. So she’ll use me?
“That’s all for the report, Mr. Tigre,” he said again when he didn’t hear anything from me.
“Alright. That’s good to hear. I want this job to be done as soon as possible,” I said. I have a voice changer so Alfredo doesn’t really know what my real voice is. He was the acting head of Tigers.
Ibinaba ko ang aking telepono bago ako napatingin sa folder na nasa harapan ko. I look at the girl in the photo. This is her portfolio. She really stain her hands killing a lot of dirty politicians. She’s not even serious on her photo. May ngisi sa labi habang hawak-hawak ang kulay gray niyang buhok. Nangingibabaw rin ang ganda ng kaniyang kulay gray na mga mata. No wonder she have use her face a lot.
Napakibit na lang ako ng balikat bago ko binaba ang hawak-hawak na folder. For now, makikisabay lang ako sa kung anumang gagawin nito. Ang pinakamahalaga lang ay ang patayin niya ang ama ko. I want to kill him as soon as possible. Hindi ko na kayang tumira pa kasama ang kadiring matandang ‘yon. Wala nang natitira pang kahit kaunting respeto sa akin.
“Where’s my father?” tanong ko nang umuwi ng bahay matapos kong manatili sa aking hide out. I wanted to just stay far from here but I need to stay behind the enemy too. I need to know his moves para mapigilan kong mangyari ang mga kasamaan niya.
“Ano po, Sir… Ah… Nasa kwarto po…” Hindi makatingin sa akin ang maid ng aking ama. Napapikit na lang ako bago ko hinilot ang aking sentido. Nakakasuka talagang manatili sa lugar na ito.
Umakyat ako sa hagdan at dinig na dinig mula sa kabahayan ang pag-ungol mula sa taas tila ba pinaparinig sa mga tao rito ang nangyayari. Buong pagkatao nga talaga ng matandang ‘yon ay kamuhi-muhi.
Para bang gusto kong masuka habang papalapit nang papalapit sa taas. I imagine myself killing him many times. Sa panaginip. Sa maraming paraan.
Hindi ko maiwasan ang mapangiwi nang makitang nasa hallway pa nila ginagawa ‘yon. It’s one of his maid here. Nakakasuka. Nakakapandiri talaga ang isang tulad niya.
I don’t really have plan going here today but this dirty old man called me to have a talk. Nang makita ako’y talagang hindi rin nahiya. Bakit nga ba siya mahihiya sa akin gayong noon pa lang kay Mama’y gawain niya na ‘to. Napangisi na lang ako habang malamig ko siyang tinignan.
“Oh, anak, nandito ka na pala.” Nanatili lang ang malamig kong tingin sa kaniya. Tila mas maganda pang walang ama kaysa ituring ko siya bilang isa.
Matapos nilang gawin ay sinampal niya sa pwet ng pera ang katulong at nalalaglag na lang ‘yon sa sahig. Tinapakan niya pa ang pera bago siya naglakad patungo sa akin. How can… How can I have someone like him as my dad? Ganoon ba ako kamalas para parusahan ako ng ganito?
“You may go, you dirty bitch,” he said habang sinusuot ang kaniyang sinturon. Ang babae naman ay nagmamadaling umalis nang mapulot na ang pera. Iba nga talaga ang nagagawa ng pera. And those who have money are really fucking with those needy. Alam na alam din kung sino ang mga talagang nangangailangan.
“Since you are here, I would like you to marry one of colleague’s child. I will benefit from it once the campaign happens. And you too, it was the senator’s daughter. Tutal ay patapos ka naman na sa law school, para mapakinabangan naman na kita,” aniya. Kumuyom lang ang aking kamao habang nanatili ang tingin sa kaniya.
“Why the fuck are you looking at me like that? Ano? Kaya mo na? You fucking idiot, hindi ka mabubuhay kung hindi dahil sa akin! Wala kang utang na loob!” aniya na sinampal pa ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi bago ko kinuha ang panyo sa aking bulsa para punasan ang aking pisngi.
“What a piece of trash,” natatawa kong bulong sa aking sarili. Agad tumalim ang mga mata niya nang makita ang pagpunas at pagtawa ko.
“Sure. I’ll do that, Governor. By the way, wash your hands first before touching someone else. Oh, right, the dirt won’t already wash away,” ani ko. Galit agad niya akong tinignan at sinubukan pang saktan muli kaya lang ay nahawakan ko na ang kamay niya at naitulak ko na siya palayo sa akin bago ako pumasok sa aking kwarto.
I want to stay here. To remind myself how much I suffer from his hands. When I was a kid, I used to be so scared of him. Those people who feel like they are on top just really know how to eat up the weak. But can’t really fight equally with others who was stronger than them.
I used to cry a lot in this room. I watched a lot of things I shouldn’t have in this house. Maybe these are the reasons I don’t want to move out yet. I don’t want to go unless I already get my revenge on my father. Until I still see him alive.
Naririnig ko pa ang malulutong niyang mura sa labas subalit tila ‘yon na rin ang naging musika sa akin para makatulog sa nakakapagod kong araw. Sigurado rin namang hindi siya makakapasok sa loob sa dami kong lock na pinaglalagay sa aking pinto.
Nagising lang ako sa ingay mula sa labas. See? Sa huli’y siya rin lang naman ang napapagod.
That’s what always happens. The only reason why I’m still alive is my father. Until he was still breathing, I can’t just end my life. I can’t just die yet. My mom and all his victims deserve justice. And if the justice system can’t do anything about it. I don’t have a choice but put the law in my hand.
Ang alam ko’y kapag katapos kong gawin ang plano, gusto ko na lang din ang maglaho. Hindi ko nga lang akalaing magbabago ang lahat ng dumating siya sa buhay ko. She really know how to mess with people’s life.
“Library ka ulit? Paano kinakaya ng utak mo?” Cloud asked me. He was just someone I suddenly knew in college. He acts as if I was the only one who do that. Nang hindi ko siya sagutin ay napakibit na lang din siya ng balikat at hindi na nangulit pa.
Katulad ng plano, sa library ako dumeretso. The girl will visit me here today. Iyon ang binalita sa akin ni Alfredo.
She was wearing eyeglasses while her hair is in tails. So does she think that because I’m good at studying, she can be close to me with that look? I can’t help but smirk. This looks amusing.
I acted as if I didn’t see her nang makita siyang may tulak-tulak na trolley na punong-puno ng libro. She went to my side habang nagkukunwaring inaayos ang mga libro subalit hirap-hirap pa siyang ilagay sa tamang lugar ang ilang libro. Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang palapit siya nang palapit.
“Oh, I know some books related to that topic,” she said habang kinukuha sa ang pinakaharap na libro. She even smile at me when she tried to give the book. Umarte siya na parang wala lang ‘yon at bumalik sa kaniyang ginagawa. She went to another stall matapos niyang magawa ‘yon. Hmm, not bad. It’s just funny because I know what she’s trying to pull.
Even when I was already back on my table. Ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. As if she's trying to analayze everything that I’m doing. Napangisi na lang ako roon bago ako napakibit ng balikat.
I got distracted a little bit subalit naging abala na rin naman ako sa aking trabaho kalaunan. I was already studying for real when she suddenly gave me a drink. Napataas ang kilay ko sa kaniya.
“Free sandwich for someone who studies hard. You are already 8 hours here, Mister. And I saw that you haven’t eaten anything,” aniya na ngumiti pa sa akin. She has a pretty smile. Napatingin ako sa sandwhich na ibinigay nito. I know that this is just because of her job but I appreciate it a little. I always study hard for so long that I sometimes forget to eat.
“You can’t eat at the library,” malamig kong saad bago ko inalis ang mga mata sa kaniya. Para akojg nawawala sa kaniyang kulay abong mga mata. No wonder he can get guys easily.
“Right! That’s why you needed to rest for a while and eat. It will be better to rest and go back to study once you are full,” aniya pa na malapad na ngumiti sa akin. Napataas lang ang kilay ko roon.
“Bakit nanghihimasok ka sa ibang tao?” I asked. Of course, I don’t want to make it obvious even though I know.
“Oh, it’s not like that. There’s really a promo for those diligent students. I’m just concerned about you, Mister,” she said. Tinuro niya pa ang nakapaskil na promo nga ng library. There will always be diligent people they’ll give food to. Well, I was always studying in this library so I know na pakulo lang niya ito. Not bad, huh?
“I’m sorry if you think na nanghihimasok ako,” sambit niya pa na ngumiting muli subalit ang kaniyang kilay ay nanginginig na wari ba’y naiirita. Hindi ko mapigilan ang palihim na mapangisi roon. Looks like this act won’t be that bad.
“Oh, well, you can go back to your study, Mister. I’m sorry for being a nuisance.” Hindi nakatakas sa akin ang pagiging sarkastiko niya kahit na pa sinubukan niya pang ngumiti at baitan ang tinig. Hindi ko na naitago pa ang ngisi sa aking labi bago ako bumalik sa aking inaaral.
I saw her eyes already throwing daggers to me. Nakikita ko ang sama ng tingin niya sa screen ng laptop ko nang buksan ko ‘yon para magtipa. Minsan ay napapatingin ako sa kaniya. She looks really bored. Hindi mo aakalaing ang assasin na ilang dirty politician na ang napatay at ang inip na inip na assistant librarian ay iisa.
Sa tuwing susubukan niyang hawakan o basahin ang isang libro’y halos makatulog siya. Kung hindi siya inuutusan ay baka talagang natulog na ito. Dinadaan niya na lang din pa-minsan-minsan sa pamumuna sa mga estudyanteng naglilikha ng ingay o ano. Just really trying to distract herself. Hindi ko na lang din mapigilan ang mapailing sa aking sarili dahil nagsasayang na rin ng oras para lang panoorin ito nang panoorin.
Mayamaya lang ay lumapit itong muli sa akin. Mukhang inaantok pa subalit pinipigilan ang humikab.
“Excuse me, Mister. Ikaw na lang ang nandito. Magsasara na ho kami,” aniya. Saka ko lang din namalayan na ako na nga lang ang nag-iisang narito.
Hindi ako nagsalita at nagsimula nang magligpit. Siya naman ay mukhang uwing-uwi na rin. Tumayo na ako nang matapos. I don’t know her next move is but maybe that was already enough for today kaya lang nang pababa na’y agad ko siyang nakitang may nga buhat na libro.
Hindi na ako nagtaka nang sinadya niyang ilaglag sa sahig ang ilang libro. As if she’s expecting me to be a getleman and help her. Napataas lang ang kilay ko roon habang sinusubukan niyang pulutin ang mga libro. Napangisi na lang ako at lalagpasan na sana siya. Nakita ko agad ang talim ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin bago niya hinawakan ang aking binti.
“Excuse me but can you help me pick it up?” she asked.
“Why would I? What would I gain helping you?” I asked, raising my eyebrow at her. Unti-unting napaawang ang labi niya roon at hinayaan na ako nang magsimula akong maglakas paalis subalit hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang kaniyang bulong.
“Asshole. He’s no different from his scumbag father.” Narinig kong bulong niya. Hindi ko mapigilan pa ang sariling mapaharap sa kaniya.
“What?” I asked. Hindi matanggap na naikukumpara sa magaling kong ama.
“Wala ho, Mister. Salamat na lang. Laking tulong mo.”