Chapter 95

Artemis’ POV

“Good morning, Ms. Artemis,” bati sa akin ni Ms. Brown. She is so pretty with her natural make up. Ang kaniyang maputing kulay ay nangingibabaw sa aming lahat.

“Good morning, Ms. Brown.” I greeted her team too. Lumabas din sa sasakyan sina Juan Clud at ang kaniyang asawa habang maligalig na bumabati, binati ko rin sila pabalik.

Maski ang nasa likod kong si Zelo’y binati rin nila. We are going with our tour today. We are going to island hop.

I just let them go one by one. Tumalong din ako kay Manong Lito, isa sa mga bangkerong nakatrabaho ko na, para alalalayan ang mga ito.

When it's Zelo’s turn, I smile brightly at him.

“I hope you enjoy the trip, Sir…” ani ko habang may ngiti sa labi. Tumaas lang ang kilay nito subalit ang ngiti sa labi’y malapad na rin. Agad napaawang ang labi ko nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at sinakay sa bangka. Mahina pa siyang natawa sa kagaguhan niya nang makita kung paano ako bahagyang nagulat. Napailing na lang ako sa kaniya. Napatikhim ako nang makitang nakatingin sa amin ang kaniyang mga kasama habang nangingisi. Si Ms. Brown din ay may ngiti habang nakatingin sa aming dalawa.

I cleared my throat and professionally said all the information about the island that we are going to visit. Nakikinig lang din naman sila sa akin.

Nang matapos akong magsalita ay nalilibang na ang mga ito habang sinusubukang kumuha ng litrato at magkwentuhan.

“I can take a picture of you guys if you want to,” ani ko. Hindi naman ang phone ni Zelo ang hiniram ko. That guy is not upgrading his phone at all. Kung anong phone niya noong nagkita kami ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Nagagamit pa naman daw kasi niya. He really have that Tito vibes kaya hindi ko na lang din napigilan ang mapailing.

“You should join us too, Ms. Artemis,” anila kaya ngumiti lang ako.

“It’s okay, this is my job,” nakangiti kong sambit sa kanila. I was enjoying a lot of things, I was exploring the world to be exact. However, ni wala pa ako sa kalahati.

“Smile,” ani ko na sinabayan din ang ngiti nila. Napanguso ako nang makita ang malapad na ngiti ni Zelo sa likod ng camera. He can smile this bright, huh?

“Can we look at it?” tanong nila kaya iniabot ko ang phone ni Ms. Brown. She smiles brightly looking at their pictures. She even teases Zelo.

“So you can smile this bright, Mr. President. I didn’t know that. Looks like we needed to spend more time with you so we can know each other more,” ani Ms. Brown na malapad ang ngiti kay Zelo. When she saw that I was looking at the two of them. Napatikhim lang siya bago ngumiting muli. Binalik ko lang ang ngiti niya sa kaniya.

“Kailangan pala si Misis ang kukuha ng litrato para ganito kalawak ang ngiti ni Mr. President,” natatawang sambit ni Juan Cloud nang makita ang litrato sa camera.

Hindi ko na rin pa pjnagtuonan ng pansin ang asaran dahil nakarating na kami sa unang isla. We’ll walk in the rock formation for a while para magtungo sa lake doon.

When we get there, I lead the way. Nakaalalay lang sa likod ko si Zelo kaya kumurba lang din ang ngiti sa aking labi. Isa pa, kapag nililingon ko sila para magsabi tungkol sa lugar, I can see how he was lowkey proud. Or maybe I was just thinking it pero bahagya ring naiilang kapag nakikita ko siyang nakatitig sa akin.

I just cleared my throat when we finally got in the lake.

“I hope you can follow their simple rule. Claygo. Clean as you go,” ani ko na ngumiti. Sumang-ayon naman sila roon. After a while ay nagtungo lang kami sa ilang cottage.

They are taking pictures so I help them. Naningkit nga lang ang mata ko nang makitang random din akong kinukuhanan ni Zelo ng litrato.

“What are you doing?” tanong ko na lumapit pa sa kaniya at kinuha ang digital camera na kaniyang hawak.

“I just capture you. You look pretty everyday,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapailing subalit kumurba rin ang ngiti sa labi.

“Enough with taking their pictures. Should we swim?” he asked na pumulupot na ang kamay sa aking baywang while his chin is already rested on my shoulders. Pinapanood lang ako na tinitignan ang mga litratong nakuha niya.

“I won’t swim, I’m at work right now. Just have fun with them, I’ll watch,” ani ko na malambing na nilingon siya.

“I’ll be having fun more if I’m with you,” aniya na malapad pa ang ngisi sa labi. Hindi ko mapigilan ang mapailing sa kaniya.

“Tigilan mo nga ako. Ang landi mo,” ani ko na natawa pa bago siya tinulak nang mahina dahil tinatawag na rin ito nina Juan Cloud.

Matagal pa siyang nanatili sa gawi ko subalit wala ring nagawa dahil ginamit ni Juan Cloud ang ‘ngayon lang sila bumisita rito' card. I told him to entertain his guest too. Napangiti na lang ako habang pinapanood ang mga ito. I’m just really glad too that he is getting closer with other people.

Kinakausap ko rin ang maghahatid sa amin sa kabilang isla kaya nakikinood lang ako sa kanila. They are already in the diving area. Handa na rin si Zelo kaya pinanood ko siya. His form is really nice. Nang tuluyan siyang makatalon doon, kumurba lang ang ngiti sa labi ko. It’s always satisfying tuwing nasa tubig na. The feeling of freedom and everything.

Unti-unti nga lang nawala ang ngiti sa labi ko nang matapos ang ilang minuto ay hindi pa rin umaahon si Zelo. Nanlalaki ang mga mata ko nang subukang tumalon sa lake.

Saktong pagtungo ko sa kaniyang gawi ang pag-ahon niya. Bahagya siyang nagulat nang makita ako na nasa harapan niya na. Ang suot-suot kong casual clothes are basang-basa na ngayon.

“What are you doing, Zelo? I thought something already happen to you!” galit kong sambit sa kaniya. Ramdam na ramdam pa rin ang dagundong ng tibok ng puso ko. Ang pagtataka sa kaniyang mukha’y unti-unting napalitan ng ngiti sa labi.

“I just want to feel the water,” aniya na may ngiti pa sa labi.

“I didn’t know that you are that scared for me to be gone to the point that you’ll jump in the water with your shoes on,” aniya nang makitang lumutang ang isa sa mga suot kong hiking shoes. Ang talim ng mga mata ko sa kaniya ay hindi na rin mawala. Hindi ko na mapigilan pa ang simangot sa aking mukha. He looks like he is having fun pa. Marahan ko lang na tinulak ang kaniyang dibdib para ilayo siya sa akin. Marahas ko ring kinuha ang sapatos na nakalutang.

Ramdam ko pa rin ang kaba habang naglalakad ako paalis doon. Sina Juan Cloud at ang ilang kasama nina Ms. Brown ay nangingiti rin habang nakatingin sa aming dalawa.

Nanatili lang naman ang seryosong mukha ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko.

Nang tuluyan nga lang akong makaakyat, saka ko lang napagtanto na nakasunod si Zelo sa akin. Agad niyang hinapit ang aking baywang.

“Sorry for making you worried,” aniya but he looks like he is not sorry at all. Ngiting-ngiti rin kasi ito. Inirapan ko lang siya bago niya ako inupo sa isang malaking bato. Inalis niya ang sapatos na suot ko habang pigil pa rin ang ngiti niya.

“I’m sorry for getting you wet. I didn’t know that you’ll be that worried,” sambit niya kaya matalim ang mga mata ko.

“Why do you seem like you are not sorry at all?” Pinaningkitan ko pa siya mg mata.

“Well, you like me that much…” he said as if he was that pleased and delighted.

“As if. Ayaw ko lang mawalan ng tatay ang mga anak ko,” ani ko kaya tumawa siya. Para bang walang makakasira ng mood niya ngayon. Umirap na lang ako at bahagya nang kumalma na ngayon. Alam ko rin naman na masiyado lang akong nag-overreact kaya pinalagpas ko na lang din ang nakikitang ngiti sa kaniyang labi.

Nilapag lang namin sa cottage ang nabasang sapatos ko.

“I have an extra shirt here if you don’t want to swim,” malambing niyang saad sa akin.

“Basa na rin ako. I’ll take a dip for a while,” ani ko dahil balak pa rin naman nilang manatili rito. Agad kumurba ang ngiti ni Zelo sa akin doon.

I was wearing a bikini too. Inalis ko lang ang suot na summer polo na suot maski ang short na maong. Zelo just stare at me while I’m doing it. Napanguso lang siya before he held me and ask me to jump with him in the lake. That’s what we did. Hindi ko mapigilan ang matawa nang mapaahon. I look at Zelo because of that. Agad ding nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. I grin at him. Hinawakan niya lang ang aking baywang kaya napangisi ako bago ko ipinulupot ang aking kamay sa kaniya. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Nagkasalubong ang mga labi namin matapos ang matagal na titigan. We kiss for so long. Halos nawala na sa isip ang mga kasama.

“I love you…” I whisper to him nang maghiwalay kami. I just stare at his eyes. Napapikit siya roon bago sinubsob lang sa aking leeg ang kaniyang mukha. Napatawa ako nang mahina roon. I know how he was trying not to say it.

“I love you, My Zelo…” mahina ko pang bulong bago hinalikan ang kaniyang ulo. Nang lingunin niya ako’y tuluyang lumamyos ang kaniyang mata. Namumungay ito habang nakatingin sa akin.

“Fuck it… I’m still falling, Artemis. Deeper. It was scary years ago. But why does the darkness in the deep comfort me now? Why do I enjoy falling deeply in love with you? I love you, Artemis. Deeper than the ocean…” he whispers before kissing my lips one more time.

Para akong nakalutang sa ere maski nang matapos ang halik. We went back to our kubo after a while. Kami na ang nagluto dahil hindi na rin namin namalayan na kanina pa kami sa tubig. Nag-iihaw lang sila Juan Cloud na siyang pinalitan namin.

Zelo and I just busied ourselves with the foods. Nang hinihintay na nga lang maihaw ‘yon, naramdaman ko si Zelo sa akin likod.

“Damn, I love every version of you,” mahinang bulong niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya. Agad nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ngumiti siya bago ako hinalikan sa ilong.

Dinig na dinig ko agad ang dagundong ng tibok ng puso ko. As if hindi mo pa narinig na sabihin niya ‘yan kanina, Artemis. Bago pa ako makapagsalita’y may mga tikhim nang narinig sa gilid.

“Grabe, sobrang PDA naman!” Pasaring na saad ni Juan Cloud subalit nilingon din ang kaniyang asawa kalaunan. “Kiss mo nga rin ako, Mommy…”

Napatawa na lang ako bago napailing. Hawak-hawak na ni Zelo ang baywang ko habang nag-iihaw kami. Ang ngiti sa aking labi’y hindi na rin mapawi pa ngayon.

Panay lang ang landian namin ni Zelo. But when we visit more places, I still try to be professional.

“So? Are you two back together now?” nakangising tanong ni Juan Cloud nang nasa bangka na kami. Nilingon ko si Zelo na siyang nasa dulong bahagi habang kausap ang team leader ng team ni Ms. Brown.

Hindi pa namin napag-uusapan ni Zelo kung ano kami kaya umiling lang ako. I want to talk to him before deciding things. I just want to know what’s the real deal between the two of us.

Napatingin akong muli kay Zelo, he wasn’t looking at us or anything. Looks like they are having a serious talk dahil ang mukha nito’y seryoso habang nakikinig.

“Stop teasing them,” bulong ng asawa ni Juan Cloud kaya napabalik ang tingin ko sa kanila. Napatawa na lang din ako nang mahina habang nakatingin sa mga ito.

Mayamaya lang ay nakarating kami sa kabilang isla. I was just guiding them nang bumaba sa bangka. Ni hindi ko pa napigilan ang ngiti ng si Zelo na ang baba but he just look at me. Wala na ang kanina lang na panlalambing nito. Nakasimangot na naman. Agad nangunot ang noo ko sa kaniya nang hindi niya pansinin ang kamay kong nakalahad.