Chapter 97

Artemis’ POV

Zelo is really confusing me. He is always hot and cold. I don’t really know what’s with him dahil the rest of the trip, he was already not in the mood. I looked at him but he was not even trying to steal glances at me.

Napatikhim na lang ako habang naglalakad pabalik ng bangka.

“You know what I really enjoy that time when we spend the night together for the campaign to love the Philippines,” ani Ms. Brown kaya bahagya akong nahinto sa paglalakad. Spend the night together… It doesn’t mean anything, Artemis. Tigilan mo ang pag-iisip ng kung ano.

“I would love to do that again! I hope you have time again, Mr. President!” It was just a friendly exclaim but why do I feel like something tugged in my heart?

“Oh, you two spend the night together? Saan? Sa Bataan ba ‘yan? ‘Yan ba ‘yong article na lumabas na nag-date kayo?” I don’t know why Juan Cloud sound so annoying. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot. Hindi ko na rin namamalayan na bumibilis na ang lakad ko at humihina na ang tinig nila. Huling tanong na lang na narinig ay ang tanong muli mi Juan Cloud.

“So magdamag pala kayong magkasama? Sa iisang hotel?”

Dati pa naman ‘yon, Artemis. Zelo said that he’s still inlove with you. And if he really did. Then it’s fine, walang kayo noong mga panahong ‘yon. You left him, remember?

Mariin ko nang kinagat ang labi ko roon. Even if I said it’s fine, hindi ko maatim isipin that he did something while wearing our wedding ring. Ni hindi niya inaalis. Right. You can love someone while you fuck someone else. Normal for boys but never been moral. It is morally wrong however Zelo and I are not together. Sa papel, oo. But that time we gave each other space. Mariin ko na lang na kinagat ang aking labi.

Stop overthinking things, Artemis! Spend the night together lang! Para kang tanga!

Gusto ko na lang tuktukan ang sarili. Halos napatalon pa ako sa gulat nang nakalapit na pala sila.

“Artemis, ang bilis kong maglakad. Halos takbuhin mo na,” sabi ni Juan Cloud. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya. I didn’t even realize that I was already glaring at him. Napatikhim na lang ako roon.

“Nakita ko kasi si Manong, na-excite lang,” ani ko na tumawa pa. Ngumisi lang ito sa akin kaya nakatanggap siya ng kurot sa kaniyang asawa.

Mayamaya lang ay giniya ko lang sila sa pagsakay. Nang si Zelo na’y napatingin lang ako sa kaniyang kamay bago sa kaniya. Agad ko ring nakasalubong ang mata niyang nakatitig sa akin. Ngumiti akong muli at sinenyasan siyang umakyat. Kahit na wala siyang kangiti-ngiti ay binuhat niya pa rin ako para isakay roon.

Mariin ko na lang ding kinagat ang aking labi bago ko siya hinayaan. My mind is already running miles in loop. Nagpaalam na rin ang team ni Ms. Brown. She was so sweet when she said goodbye to me. May bukas pa naman ulit kaya nakangiti lang akong magpaalam sa mga ito.

Nasa bahay na ang mga bata kaya hindi na rin kailangang sunduin. Sobrang tahimik lang namin ni Zelo habang nasa byahe. As if we change in just an hour. Para bang kanina lang ay halos hindi na kami mapaghiwalay but now the two of us are not talking with each other anymore. I tried to be casual naman and even smile at him pero siya itong nakatitig na lang. I don’t know with him. Baka na-realize niyang ayaw niya pang makipagbalikan. It’s completely fine with me.

Subalit unti-unting bumigat ang aking dibdib nang maisip na habang nililigawan ko ito’y, he’s casually lusting over another one. Hindi ko ‘yon kaya. Hindi pa nangyayari’y hindi ko na maatim na maisip pa.

I love him. Sobra. But I don’t think I’ll be martyr enough to wait while he was that way. What the heck, Artemis? You are just thinking too much. Zelo is not like that. You already said that it wasn’t healthy and you wanted to be honest in this relationship now.

That’s why I decided that I’ll talk to him once the kids are already asleep.

“The kids will surely like our pasalubongs,” ani ko na ngumiti pa. He shortly said 'yeah'. Para bang napilitan pang kausapin ako. Napanguso na lang ako at hindi na nagsalita pa. I didn’t try talking to him anymore. I was already putting up with it.

Nang makarating sa bahay ay dire-diretso ko lang na dinala ang mga pasalubong para sa mga bata. Ni hindi ko na rin hinintay pa na matapos muna siya sa pagpa-park ng kaniyang kotse, hindi katulad ng madalas kong ginagawa.

“Hi, Babies! Have you waited for so long for us?” nakangiti kong tanong bago ko sila nilapitan. Agad kong hinalikan ang mga pisngi ng mga ito.

Binati ko rin si Seb na siyang nagpaalam na rin kalaunan dahil bahagya niya raw na-miss ang boses ni Ares. Napangiti na lang ako habang pinapanood itong umalis. Kahit na aso’t pusa ang dalawa’y they just really love each other so much. And I envy the two of them. Kapag ayos ay hindi mapaghiwalay.

Napawi lang ang ngiti sa labi ko nang pumasok si Zelo. He greeted the kids with a thin line of smile din.

“I’ll take care of our food after I take a bath for a while,” ani ko na ngumiti sa kanilang tatlo. The twins nodded while smiling at me while Zelo remained staring. Hindi rin nagsalita kaya hindi ko na hinintay pa. Nagtungo na lang din ako sa kwarto. Hindi naman ako gaanong nagtagal subalit pakiramdam ko, ang lahat ng nasa isip ay paikot-ikot lang.

Nang lumabas ako sa banyo’y nakita kong nasa loob na rin si Zelo.

“Where’s the kids?” tanong ko sa kaniya.

“Downstair. Playing games.” Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Lumabas ako ng kwarto kahit ramdam ko ang titig niya sa akin.

Nagtungo lang ako sa kusina at nagsimula na ring maghiwa ng ilang gulay para sa aming ulam. I was just thinking about all the things na gustong sabihin kay Zelo nang makita ko ang pagpasok niya sa loob ng kusina.

“What’s for dinner?” His voice was soft but also cold. Ang mga mata niya’y diretsong-diretso na nakatingin sa akin ngayon.

“Kare-kare. Is there anything you want for dinner?” tanong ko na ngumiti sa kaniya even if it’s not genuine at all.

“Kare-kare is fine with me. I’ll help you cook,” aniya na lumapit sa gawi ko. Parang sumisikip agad ang dibdib ko ngayong malapit na kami sa isa’t isa.

“It’s okay. You should play with the kids. This is our time to bond with them…” ani ko na nasa mga gulay ang mata kahit na ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata sa akin.

“I’ll do that after this,” aniya kaya mariin ko lang na kinagat ang labi ko at bahagyang lumayo sa kaniya nang magkadikit ang braso naming dalawa.

“What are you doing?” Bakas ang iritasiyon sa kaniyang tinig at nang lingunin ko siya’y kita ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga.

“Cooking.” I know what he is talking about but I’ll talk to him later once the kids is already asleep. I’ll just clear things up with him later.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga na wari ba’y naiirita na sa akin. I know that he is.

“Pilosopo.” He sounds annoyed. Kahit naman siguro ako’y maiirita sa sarili. Naging abala kami sa paghihiwa at pagluluto. Nang matahimik at hinihintay na lang na kumulo, agad akong napaayos ng tayo lalo na nang magtatangka siyang magsalita.

“Can you look at it? I’ll play with the kids for a while,” I said kaya napatitig lang siya subalit kalaunan ay tumango lang. He doesn’t have any choice lalo na at ang mga bata na ang usapan dito.

I immediately went to my twins. They are busy solving puzzle. Ni hindi ko maintindihan kaya panay lang ang puri ko kapag nakakatapos sila. They really does look like their father. Parehong seryoso kapag tungkol na sa mga ganitong bagay.

When we are done with our dinner, nagtungo na rin kami sa sala dahil nag-aayang manood ang mga bata. They are done with their puzzle so they wanted to watch movie before they sleep now. Paniguradong kalahati lang ay inaantok na ang mga ito kaya pinagbigyan na namin.

“Why aren’t you two talking with each other?” Bahagya akong nahinto dahil sa tanong ni Athena. Pareho pa silang nakatingin sa aming dalawa ng ama nila.

“What? We are,” natatawa kong sambit bago ako umupo sa baba, sa tabi ni Hades kaya mas lalo pang tumaas ang kilay nila sa amin.

“Did you two had a row? Why aren’t you sitting with each other now, Mama? And Daddy keeps on staring at you,” sambit pa ni Hades na nagpabalik-balik pa ang tingin sa aming dalawa.

“You two have a wild imagination. I just wanted to sit with you because I wanted to spend time being outside for too long” ani ko na tumawa pa.

“Really, huh? You said we shouldn’t lie, Mama. Daddy, are you two okay?” tanong pa ni Athena na nilingon ang kaniyang ama. Well, Zelo looks like he doesn’t want to lie to the kids.

“We didn’t have a row, Babies. But I have a fault with your Mom. I got a little bit upset over something and looks like she also has something in mind that saddens her. However, I’m planning to talk to her later. Is it fine if we used the master bedroom?” he asked. He handles them so well. The kids are not clueless so I guess it’s the right thing to do.

“Yes, sure, Mama and Daddy! You two should fix it! It doesn’t feel good when you are upset over something. It’s heavy in the heart,” anila kaya napangiti na lang din ako. When the movie started, mag-isa lang si Zelo sa sofa. But since the kids have mature mind, they even randomly had a draw kung kanino sila tatabi. Si Hades ang katabi ko. He just lie down on my lap while watching habang si Athena ay nasa tabi lang din ng kaniyang ama.

I fell asleep. Hindi ko na namalayan na wala na sa tabi ko si Hades. Saka ko lang din napagtanto na nasa sofa na ako mismo katabi na si Zelo ngayon. He was still watching the television habang hinahaplos ang buhok ko. Dahan-dahan akong napaayos ng upo at napatingin sa paligid. Wala na ang dalawang bata kaya agad kong nilingon si Zelo.

“Where’s the twins?” tanong ko na may pagtataka.

“They already fell asleep,” aniya kaya unti-unti akong napatango. He was just watching me while I was fixing myself. Sinalubong ko rin ang mata niya ngayon.

“Can we talk?” I asked. I don’t want to let this day ends without us talking about our issues. He said that he was upset so I want to know why. I want us to be open with each other now. I just want this relationship to work. For the two of us.