Chapter 92

Artemis’ POV

“You two look annoying,” ani Ares na napangiwi pa sa amin ni Zelo when he saw that we are smiling from eye to eye.

“Oh, come on, hindi ko na kasalanan kung ayaw kang makita ni Seb ngayon dahil hindi ka nagsaing,” nakangisi kong sambit. He pouted before sitting on the higj chair in the kitchen. Muntikan na siyang mapalayas ni Seb. Mainit ang ulo nito nang mga nakaraan. May hinuha na ako kung bakit. She’s like that din noong pinagbubuntis niya si Ruiz. Ayaw niyang makita si Ares, walang magawa ang kapatid ko niyon kundi ang tawagan lang siya sa cellphone. Video call na si Seb lang ang kita.

“Manood ka kung paano ang tamang pagluluto baka sakaling gusto ka nang makita ni Seb,” pang-aasar ko kay Ares kaya hindi niya mapigilan ang irapan na lang ako. Napatawa ako nang mahina roon.

“As if you can cook. I thought you wanted to marry someone who’s good at cooking, Zelo?” tanong ni Ares. Agad akong napasimangot doon. Well, marunong akong magluto ng basic lang.

“But I can cook,” ani ko at nag-isip pa ng bagay na mapapakinabangan sa akin.

“Your food taste diffetent,” ani Zelo kaya napaawang ang labi ko at offended na napatingin sa kaniya.

“Hindi kita paglulutuan pa! Ang arte mo!” ani ko at lalayo pa sana subalit agad niyang nahapit ang aking baywang.

“It taste different in a nice way, Artemis. It taste better when you are the one cooking,” bawi niya kaya napairap na lang ako at hindi rin umalis. Nang lingunin niya ako’y pinagtaasan niya ng kilay.

“Ganiyan ba ang nag-aapply bilang girlfriend? Mas masungit pa sa pinag-a-apply-an?” natatawang tanong niya habang nanatili lang ang kamay sa aking baywang.

“Ang landi niyo. Pucha naman,” ani Ares na tumatawa lang kanina.

“Nakakasira kayo ng mata,” he said again before trying to dial Seb’s number.

“What if I kick you out too para hindi lang mata ang masira sa ‘yo?” malambing kong tanong sa aking kapatid. Napanguso siya at tumawa pa.

“Ito naman hindi mabiro,” aniya na napakamot pa sa pisngi.

“Well, I’ll get going now. Looks like you’ll have another niece or nephew, Seb just wanted to hear my voice but not my face,” ani Ares na malapad na malapad na ang ngisi ngayon. Agad na siyang tumayo at mukhang excited nang umuwi sa kanila.

“Malapit nang umuwi ang mga bata. Huwag na kayong mag-isip na gumawa pa ng kababalaghan,” bilin niya pa kaya napangiwi na lang ako bago ko siya inirapan.

Napatawa na lang ito bago kumakaway na lumabas na ng bahay. Naiwan lang kami ni Zelo sa kusina. Zelo and I are just cooking food for lunch. He was just beside me while helping me cook.

“You know I dream about this when we are together when you are still at law school. I dreamed to spend my day off with you. Cooking, watching movies or just those random things that normal couple would do…” mahina kong sambit habang hinihintay lang namin na kumulo ang niluluto.

“I thought it would never be possible but you are already here with me… I love every seconds I’m spending with you, Zelo…” sambit ko. Narinig ko lang ang mahinang mura niya bago niya ako hinarap sa kaniya. Napasandal lang ako sa lababo at napalunok nang mapatingin ako sa kaniya. Mariin kong kinagat ang aking labi at mag-iiwas na sana nang tingin dahil tila nalulunod na naman ako sa kaniyang mga mata subalit agad niya nang nasakop ang aking mga labi.

His kisses gave me so much warm. Sa sobrang lalim ng halik niya’y tila hindi ako makahinga but at the same time I can breathe. As if he gave life with his kisses.

“Hala! Little sibling here we come!” Agad kong naitulak si Zelo palayo sa akin nang marinig ang sigaw ni Hades. Nanlalaki ang aking mga mata at agad akong napatikhim. Agad kong nakita ang mga batang nanakbo patungo sa sala.

Namumungay pa rin ang mata ni Zelo habang nakatitig sa akin.

“I’ll just go to the kids. Can you continue it?” tamong ko kay Zelo na mukhang wala pa rin sa wisyo. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. At ang utak ngayon ay naghahalo sa kaniyang halik at sa murang pag-iisip ng mga bata.

Nagtungo ako sa sala. Agad ko silang nakitang nagbababa ng kanilang bag. Malapad ang mga ngiti at nang makita ako’y kumaway pa bago lumapit. Umarte na tila ba walang nangyari. Hinalikan lang nila ako sa magkabilang pisngi.

Ni hindi ko na nagawa pang magpaliwanag dahil imbes na magtanong ang mga ito sa nakita, nagtanong lang kung anong ulam at sinamahan akong bumalik sa kusina para batiin ang kanilang ama na para ring walang nangyari ngayon. Ni hindi man lang nakitaan ng kahit katiting na hiya.

“How’s school, Babies?” tanong niya pa sa mga ito. Casual na sinagot ng mga bata ‘yon bago sila tumulong sa pag-aayos ng lamesa.

“Some kid tried to take Athena from us, Daddy” ani Hades kaya agad akong napatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.

“What? Did some stranger went t—” Agad na umiling si Hades doon.

“No po, Mama. It’s just that some kid in our room was giving her food,” ani Hades na napanguso.

“Ang OA niyan, Mama and Daddy! He keeps on chasing away all those guys who wanted to be friends with me,” reklamo ni Athena kaya napangisi si Zelo.

“As he should, Baby. Those kids will just take you from us,” ani Zelo kaya hindi ko mapigilan ang mapailing nang magtalo na silang tatlo tungkol doon. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti dahil Zelo and Athena really build their relationship from the scratch. Masayang-masaya ako nang unti-unti ring kilalanin ni Athena ang kaniyang ama.

“You two are just overacting. They just wanted to be friends,” sambit ni Athena na napailing pa.

Napanguso ako nang kahit kausap ni Zelo si Athena’y nagawa niya pa akong ipaghila ng upuan. And it looks like he wasn’t aware on what he did. Tila ba normal at reflexes niya na iyon.

After a while ay nagsimula na rin kaming kumain. We are just talking with the kids about random things that they wanted to talk about.

“Hades got a high score in our science lab po. He got praise a lot. Tanggal angas when the girl he likes complimented him,” pagkukwento ni Athena kaya hindi ko mapigilan ang matawa bago ko inasar si Hades na siyang agad na tinawag ang pangalan ng kaniyang kapatid.

“I said I don’t like her,” aniya na pinamulahan pa ng mukha kaya natawa lang din kami.

“Alright, sabi mo, eh,” ani Athena na napanguso pa at pinipigilan ang mapahagikhik.

“You promise you wouldn’t tell it,” sambit pa ni Hades sa kaniya. Nagbulungan na sila mayamaya kaya napapatawa na lang din kami ni Zelo.

That’s how our lunch happened. I never really know that this is possible. Para bang ang hirap isipin na normal na buhay na namin ito. It feels surreal.

“So are you back together now, Mama and Daddy?” Halos maibuga ko ang aking kinakain sa pagka-random na tanong ni Athena. Agad akong nasamid doon.

“We aren’t yet, Baby.” Sa simpleng sagot ni Zelo ay bahagya akong napanguso but I shrugged it off. I don’t really mind it at all. I’m willing to wait until he is already ready. I don’t care if he won’t go back or what. I just wanted to let him know what I really feel about him. Gusto ko lang na iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kagusto. I just wanted to be vocal on what I really feel about him too.

“Oh, I thought you’ll be able to grant us siblings na po. We wanted a cute baby in the house, Daddy and Mama. Like Ruiz or smaller! Ruiz is getting big now…” anila na napanguso pa. Napatawa naman ako roon dahil kung maka-request ang mga ito’y para bang napakadali ng mga gusto.

“Hmm, don’t pressure your Mom just yet, Babies… We’ll get there,” ani Zelo kaya agad akong napatingin sa kaniya at napataas pa ng kilay. Aba’t para bang ako lang ang pressure sa gusto ng kaniyang mga anak, huh?

Hindi ko maiwasan ang mapailing na lang doon. The kids got excited talking about the sibling that they want. Halos walang tigil ang usapan nila sa lahat ng plano nilang gawin kasama ang unborn child na gusto. Napailing na lang ako dahil hanggang sa pagkatapos naming kumain ay hindi sila natapos doon.

“I’ll help you,” bulong ni Zelo bago kinuha sa akin ang ilang gamit na hawak niya. After naming maglinis ay inihanda na ang papanoorin.

They wanted to watch action movies kaya hinayaan ko sila. I don’t really watch movies but I tried my best not to fall asleep.

Nasa carpet ang dalawang bata habang sa sofa naman kami ni Zelo. They want it there dahil mas komportable raw.

Sumandal lang ako kay Zelo, I felt him stiffen for a while.

“Can I hold your hands?” tanong ko sa kaniya bago siya nilingon. He just look at me for a while and he let me held his hands. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya at kumurba ang malapad na ngiti sa labi bago ko tinititigang muli ang kamay naming dalawa. Hindi ko maaalala kung kailan ko huling hinawakan ang kamay niya na walang pag-aalala tungkol sa kung ano. Most of the time, takot ako na isang araw ay bibitawan namin ang isa’t isa but now, I’m just at peace. I’m happy that I can hold his hand without worrying about anything.

“I’m glad that I can hold your hands like this. My hands are perfectly fit with yours, look,” ani ko na tinaas pa ang kamay naming dalawa. I don’t know if he looks at it. He didn’t say anything.

“Shh, Mama, are we going to watch or you two will just keep on coaxing each other?” reklamo ng dalawang bata kaya hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina.

We continue our movie marathon kaya lang ay imbes na manood ay nakatulog lang ako sa tabi ni Zelo. Sa himbing ng tulog ko’y hindi ko na rin namalayan ang oras. I’m already in Zelo’s lap nang magising at mukhang nakatulog na rin silang tatlo. Zelo and my hands is still intertwined with each other. Napangiti lang ako roon, unti-unti ko nga lang binitawan para maayos ko silang tatlo.

Nilagyan ko ng unan ang ulo ni Zelo habang ang mga batang mahimbing ang tulog ay dahan-dahan ko ring binuhat.

I was about to carry them when Zelo wake up. He look at me with confusion subalit nang makita niyang bubuhatin ko na ang mga bata’y nagsalubong ang kilay niya.

“I’ll take them in their room,” he said na mabilis na tumayo.

“Why aren’t you asking for help?” He asked. Hindi ako nagsalita while he continues helping me taking the kids to their room. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya. I guess I knew what he wants.

Bumaba na rin kami kalaunan para ligpitin ang ilang kalat. Nang matapos ako sa pag-aayos, napatitig lang ako sa kaniya.

“Can you open this jar for me?” I asked, handing him the jar that I can easily open. That’s when I knew that something really change.

I saw him looking at me for a while. I can see how he slowly smiles before taking it. Hindi ko na rin napigilan ang ngiti sa aking mga labi. Damn, you are already done for, Artemis.