Chapter 91

Artemis’ POV

“Hey, Babe, we didn’t had the chance to talk. You went back immediately.” Papasok ako sa trabaho nang makita ko ang lalaking nagngangalang Margus. They are in the table while having breakfast with their family. Agad na kumaway ang babae kahapon kay Zelo. Napatingin naman ako kay Zelo na salubong ang kilay ngayon.

“Good morning, hope you are enjoying your stay in Hatty Resort po,” I just greeted them before I continue walking. Kasabay ko lang din naman si Zelo. Agad ko ring nakikita ang titig nito sa akin.

“That guy is surely hitting on you,” Zelo said when we went to the table near the shore. Inilapag ko lang din ang mga gamit ko dahil dito lang din naman siya tatambay ngayon. Well, he was really enjoying his stay here in Cebu. Kapag break ko’y nakikita ko siyang nalilibang na subukan ang ikang outdoor activities here in the resort.

“Aren’t you going to say something?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

“I told you no matter how many people hit on me, I don’t really care at all. You are the only person I like kaya bakit ko pa kailangang pansinin ang mga iyon?” I asked. He just pouted. Hindi rin nakapagsalita agad.

“Here. When I went in the supermarket earlier, I saw this flower. It’s just remind me of you,” ani ko before giving him flowers na nasa bag. Bahagya nga lang nasira ‘yon at nagdalawang isip pa na iabot kaya lang ay agad niya na ring nailagay sa kaniyang tabi. Matagal pa siyang napatitig doon kaya napangiti na lang ako.

“Once I’m finally done with my job, do you want to have a date with me?” casual kong tanong sa kaniya. Napataas ang kilay niya sa akin ngunit mayamaya lang ay nagkibit na lang din ng balikat.

“It depends if I finish my job fast too,” he said kaya malapad akong napangiti roon. Sunod-sunod ang pagtango ko.

That’s our plan after my work kaya naman habang nagtatatrabaho’y bahagyang tinatangay ako ng utak sa mga gagawin kasama si Zelo ngayong araw.

“Manong Peter, did you court your wife?” tanong ko kay Manong Peter nang nagpapahinga kami matapos ng tour sa iba pang isla malapit sa Hatty Resort.

“Oo naman, Ineng. Usong-uso ang panliligaw niyon, eh,” aniya na malapad pang napangiti.

“Paano po ba manligaw at manuyo, Manong Peter?” tanong ko sa kaniya.

“Nang manligaw ako, naging tapat lang ako sa aking nararamdaman. Kapag nanunuyo ka naman, daanin mo sa matatamis na salita o ‘di naman kaya’y ipagluto mo ganiyan. Iparamdam mo lang na naiintindihan mo ang nararamdaman niya,” anito na napapaisip pa. Napangiti ako bago napatango.

“Mukhang kahit matagal na ho kayo’y inlove na inlove pa rin sa isa’t isa,” ani ko na malapad ang ngiti.

“Aba, oo naman. Ang sabi nila sa pagtagal ng relasiyon, nawawala na ang tamis pero hindi ‘yan totoo. Pero sino ba ‘yang liligawan o susuyuin mo, Hija? Totoo ba talaga ang sinasabi nila na hinahabol mo ang dating presidente na madalas nakatambay sa resort?” tanong nito.

“Ah, opo. Nanliligaw po ako,” sambit ko. Ganoon naman talaga ang ganap sa aming dalawa ni Zelo ngayon.

“Oh, so you really have someone you like.” Agad akong napatingin sa gildi ko nang may magsalita. Agad akong napasimangot nang makitang nakikinig pala ang lalaking nagngangalang Margus. Ang pamilya niya kasi ulit ang nililiboy ko sa kabilang isla naman.

“Sorry, do I make you feel uncomfortable?” tanong niya na napakamot pa sa kaniya ulo.

“Yup, you got it right,” ani ko.

“Well, you are really my taste but I’m too good-looking to chase over one girl who likes someone else,” confident niyang sambit kaya napangisi na lang ako at napakibit ng balikat. Wala na sana akong balak pansinin siya kaya lang ay nagsalita itong muli.

“However, I can help you with that. I can give you some advice while we are still here,” aniya na malapad pa ang ngisi sa akin. Hindi ko na sana papansinin pa ito. Hindi pa rin naman oras ng trabaho para i-entertain sila.

“What Uncle said is right but this will give you some ideas what to do, millenial version,” aniya kaya napangisi ako. I don’t think this will be good idea lalo na’t tito vibes ‘yang si Zelo.

“First, find out his love language. Kapag nahanap mo ang kiliti niyan I’m sure it will be really easy,” sambit niya sa akin. I know Zelo’s love language. He loves quality time and physical touch. That’s the reason why I wanted to have a date with him today.

“Next, communicating with your significant other. Try to find out if he likes texting or calling something like that. But always remember that communication is the key,” sambit niya pa. Hindi ko alam kung paano niya ako nahimayat na makinig sa kaniya. Basta ang alam ko’y napapatango na lang ako sa mga suhestiyon nito.

Well, it’s been a while since Zelo and I really had call and text with each other. Noong bago-bago pa lang kaming magkakilala, madalas talagang panay ang text and call namin sa isa’t isa. Nang bumalik ako sa buhay niya’y halos dikit na dikit kami kaya para saan pa. Ngayon naman ay gustuhin ko man siyang i-text o tawagan, napakahina naman ng signal dito. Isa pa, nasa iisang bahay lang kami ngayon.

Marami rin akong natutunan kay Margus. He’s not that bad din naman pala. Mukha ngang forte niya ang manligaw sa dami niyang naituro sa akin.

“Thank you for the tour, Ms. Cañete, nag-enjoy kami!” sambit ni Margus nang makabalik kami sa resort.

“Try to do those things I said to you,” aniya na kumindat pa sa akin. Napailing na lang ako bago nagpasalamat sa kaniya. Agad kong natanaw si Zelo na nasa dalampasigan lang. It looks like he’s already done with his work. Excited naman akong nagtungo sa kaniya dahil tapos na rin ang trabaho ko.

“Hi, are you done with your work?” Imbes na pansinin ang tanong ko’y napatingin lang siya sa pinanggalingan ko kanina.

“Why does that guy still linger around you and look at him staring at you as if he wants to devour you whole?” Napatingin naman ako sa gawi ni Margus na nakatingin nga sa amin. He smile when he saw me bago siya kumaway.

“Good luck,” he even murmur. Hindi ko mapigilan ang mapailing na lang doon bago ko binalik ang tingin kay Zelo.

“Why? Are you jealous?” natatawa kong biro sa kaniya. Nanatili lang siyang nakasimangot doon.

“You shouldn’t… We two just had a talk today because I asked how to court and woo someone you like,” ani ko. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo roon subalit hindi na ganoon kasalubong.

“Why would you ask him that? And who would you court?” he asked.

“Sino pa ba? I told you I’m applying to be your girlfriend and then wife. If I wanted you to take me, I would like to showcase myself,” natatawa kong sambit. Napaawang lang ang labi niya roon.

“I told you. I’m going to run after you now and this time I wanted to do all those things I really wanted to do with you.” Those things na hindi ko nagawa dahil lagi kong isinasantabi ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Hindi siya nagsalita kaya I tilted my head to look at him.

“So? Still jealous?” tanong ko sa kaniya.

“How can I stay to be jealous when you already assure me?” tanong niya na napanguso pa. Kusang kumurba ang ngiti sa aking mga labi bago ko hinawakan ang kamay niya.

“So? Are you going to have a date with me now?” Malapad agad ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kamay naming dalawa nang humigpit na rin ang hawak niya roon.

“Anteh, bakit parang ang bilis mo?! Bakit may pa-holding hands na agad?” Nanlalaki ang mga mata ni Mina at halos mabitawan niya pa ang tray na kaniyang hawak. Hindi ko mapigilan ang matawa roon bago mapailing.

Some staff who are looking our way already have a teasing look while looking at me.

“What’s with your grin?” tanong ni Zelo na naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin ngayon.

“Nothing. I was just happy right now,” he stare at me for a while, nang mag-iwas ng tingin ay agad ko ring nakita ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi.

Nagtungo kami sa dalampasigan kalaunan, we are planning to sky skiing today. Nakausap ko na rin naman ang nagga-guide pagdating doon. I took out my clothes. May suot naman akong bikini kaya ayos lang. Kita kong napatingin lang si Zelo sa akin doon. I have some scars on my body, ang ilan ay may tattoo na. Zelo stare at those scars. Napatikhim ako dahil hindi ko naman usually iniisip kung anong tingin ng ibang tao but it was really different when Zelo was the one looking.

“You have a pretty tattoos…” he said before he held me in my waist. Mariin kong kinagat ang aking labi at halos hindi na makatingin sa kaniya.

“Thank you…” I don’t even know why I’m getting shy right now.

Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin nang lumapit sa amin ang tutulong sa sky skiing namin. Renzo was smiling widely while looking at us.

“Kaya pala ang hirap mong ligawan, Artemis. Ang taas naman pala ng standard mo,” natatawa nitong sambit.

“Good afternoon po pala, Mr. President. Swerte mo ho at sinagot ka na ni Ms. Artemis. Ang daming manliligaw niyan dito.” Napailing na lang ako kay Renzo bago natawa.

“I was actually the one courting him, Renzo,” ani ko na ngumiti pa. Agad napaawang ang labi ni Renzo at bahagyang nagulat doon subalit bandang huli’y napangiti na lang din.

“Oh, I thought you are already together… Mr. President looks like he’s already building a wall around you,” natatawang sambit nito kaya napailing ako roon.

“We are married. Tell all those people planning to court her that she’s already tied up to me. She already own my surname,” Zelo said na nilingon pa ako. Unti-unting napaawang ang labi ko roon at hindi agad nakapagsalita. Napatawa naman sa amin si Renzo.

“Oh… So Artemis isn’t lying at all when she said that she’s married,” natatawang sambit nito kaya nahihiya na lang akong pinamulahan ng mukha.

“What about we should our outdoor activity now?” tanong ko na biniro pa ito na he’s chismoso. Natawa na lang din siya bago kami inanyayahan ni Zelo na magtungo na sa dalampasigan.

Zelo looks satisfied on what he heard. He’s really in the mood when we went to the sea. Hindi naman na naging mahirap para sa aminh dalawa ang matuto dahil parehong nasubukan na rin kaya matapos maturuan ni Renzo, binigyan na rin niya kami ng space na dalawa.

Hindi na mapawi pa ang ngiti sa aking mga labi nang mabilis kong pinaandar ang akin. Sa tuwing nagkakatinginan kami ni Zelo, I can see the smile on his face. After naming malibang doon ay nagawa pa naming mag-jet ski.

“You can drive. Sa likod na ako,” aniya kaya agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.

“Ang sabihin mo’y tiya-tiyansing ka lang,” natatawa kong sambit sa kaniya. Inirapan niya ako roon but he didn’t say anything.

Nang sumakay kami’y napakahigpit nang pagpulupot nito sa aking baywang. Ramdam ko naman ang lakas ng tibok ng puso ko. I’m pretty sure that this is not because of driving. Well, sigurado naman ako na si Zelo ang dahilan nito. Hindi pa rin talaga nakakalma ang puso kapag nasa iisang lugar na kasama siya.

Ramdam ko lang ang pagtama ng malamig na simoy ng hangin sa akin habang ang mga alam ay tila sinasabayan lang ang lakas ng tibok ng puso po.

“It took me so long to just randomly say this to you without feeling burdened and feeling guilty. I’m inlove with you, Zelo,” mahinang sambit ko bago binilisan ang takbo ng jet ski dahil sa pagka-random ko. But I just wanted to inform him of that. I want to be vocal about what I feel now.

Hindi ko narinig ang kaniyang sinabi but I just felt his breath behind my neck before I heard his little giggle. Damn. I’m really falling deeper into this guy.

I’m just really glad that we are enjoying those things that we wanted to do years ago.