Chapter 89

Artemis’ POV

He was right about all of that. Even when we get back together. He was the one who keeps on chasing after me however it will he different this time… If he doesn’t have a girlfriend.

Matagal lang akong natulala sa kwarto ni Hades subalit mayamaya lang ay lumabas na rin ako. Zelo didn’t go home but he looks like he wasn’t on his usual self while our kids are talking to him. Napanguso na lang ako bago ako nagtungo sa kanilang gawi. Tila ba hindi namalayan ni Zelo ang pagdating ko at pati na rin ang mga tanong sa kaniya ng kaniyang mga anak.

Bumuka ang labi niya nang makita ako subalit hindi rin naman nagsalita o ano. He just stare at me.

Pareho kaming wala sa sarili habang inaasikaso ang mga anak namin. Parehong malalim ang iniisip nang magsimulang kumain. Lahat ng sinabi niya’y dama ko. Para akong nasupalpal ng bawat katagang binitawan niya.

Maski nang makaalis siya ng sumunod na araw ay hindi ko rin siya agad nakausap dahil wala rin siya sa sarili.

“What’s wrong with you?” tanong ni Ares nang nasa opisina na naman nila ako ng kaniyang asawa habang pabalik-balik.

“How did you court Seb? Paano ka nakipagbalikan? Kakailanganin ko pa bang lumuhod katulad ng ginawa mo?” tanong ko kaya agad na nagsalubong ang kaniyang kilay.

“What are you saying again, Artemis? Akala ko ba’y kinausap mo na ang asawa mo? I thought he went back?” tanong niya kaya napakagat ako sa aking labi.

“We talked and as expected he was mad. I just want to know kung paano ka nanuyo and if he really have a girlfriend? Kung mayroon ay handa akong ibigay any divorce paper sa kaniya. Respeto na lang din sa kung anong mayroon sila,” ani ko. If he really have one, hindi ko siya masisisi dahil kasal na lang kami sa papel pero naghiwalay kami.

“Ay, ewan ko sa inyo. Mag-usap muna kayo. Sumasakit lang ang ulo ko sa ‘yo,” ani Ares na naiiling pa sa akin dahilan kung bakit tumawa si Seb. Napanguso na lang ako bago ako napahiga sa sofa nila rito sa opisina.

I even made an account on social media para lang makita ang ilang government page para makita ko man lang ang presidente.

While scrolling, agad kong nakita ang tourism ambassador ng pilipinas na sinasabi ni Ares. Bahagya akong napaahon sa pagkakahiga habang tinititigan ito. The girl looks so fine. I think she’s a half american and half filipina. She have that soft look and pretty smile. Napanguso ako dahil ang magandang ngiti pa naman ang kahinaan ni Zelo.

Napakagat ako sa aking labi bago ako pinindot ang profile ng babae. Ang masasabi ko lang ay talaga ngang napakaganda nito. I won’t wonder if she’s really Zelo’s girlfriend. Sinubukan ko pang tignan ang profile niya and saw few of their pictures together. But of course, with some government officials. And what if they are meeting each other secretly? They can’t be seen together dahil masisira ang image ng presidente at image nito. What the heck, Artemis? Your mind is running wild.

Binaba ko na lang ang aking cellphone bago ako tumayo. If I want an answer I should just really ask Zelo dahil siya lang naman ang makakasagot niyon. He won’t lie. I know him. So if he said that they are together, it would be good to just have a divorce, respect to both of us and if he doesn’t have one, I’ll pursue him.

“Where are you going now, Artemis?” tanong sa akin nina Ares.

“Work. I’m going now,” ani ko. Ares just stares at me bago napailing.

“Mabuti pa ay tawagan mo na lang ang asawa mo kaysa nag-iisip ka nang ganiyan.” Napanguso akk at napatango.

“Malapit na ang Linggo,” ani ko kaya naningkit lang ang mata niya.

“So papalipasin mo pa ang mga araw?” Naiiling na lang siya sa akin samantalang napakibit lang din ako ng balikat doon.

Dumeretso na ako sa resort kung saan ako nagtatrabaho. Ako ang inaatasan na i-tour ang mga turistang binili ang promong kasama ang tour. Binati ako ng ilang staff ng hotel. Nakangiti lang din akong bumati pabalik sa mga ito.

Patungo na sana ako sa seashore subalit nahinto nang makita ang pamilyar na mukha na siyang nasa lamesa na tinatapat ang dalampasigan habang siya’y nagtitipa sa kaniyang laptop.

“Ghorl! So hindi ka pala bulag, nagagwapuhan ka rin pala!” natatawang sambit sa akin ng isa sa mga waitress dito sa resort. Hindi ko mapigilan ang mapailing habang nakatingin sa kaniya. Napakurap pa ako ng mata habang nakatingin sa lalaki.

“Kailan pa ‘yan dito, Mina?” tanong ko sa kaniya.

“Kadarating lang niyan, Anteh! Ito nga’t nag-order ng kape. Ang gwapo! Busog na busog na naman ang mga mata ko nito panigurado,” natatawang sambit niya sa akin. Tinignan ko ang tray na hawak niya. There’s a coffee there and bread. Hindi ko alam kung dito ba siya dumeretso o binisita muna ang mga anak sa eskwela.

“I’ll give it to him, Mina,” ani ko kaya agad naningkit ang mga mata ni Mina sa akin.

“Eh? Are you interested? Well, since ngayon lang naman kita nakitaan ng interes sa isang tao. Siya, sige, give it to him,” aniya na nangingisi pa sa akin. Nagpasalamat lang ako bago ako naglakad patungo kay Zelo.

He was serious typing on his laptop when I get there.

“Hi, Sir. Do you have a girlfriend?” tanong ko sa kaniya na malapad ang ngiti.

“I have a wife,” aniya na hindi inaalis ang mata sa kaniyang laptop subalit tila may napagtanto kaya unti-unti siyang nagtaas ng mukha. Agad na kumunot ang noo niya nang mapatingin sa akin. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay bago binalik ang mata sa laptop. Ang tibok ng puso ko’y hindi na naman matawaran.

“I don’t have one,” pambabawi niya sa sinabi kanina. Napanguso ako roon bago inilapag ang coffee niya sa table.

“May girlfriend ka ho? Natitipuhan? Or nililigawan except sa asawa niyo?” tanong ko dahilan kung bakit nagsalubong ang kaniyang kilay bago niya ako tinignan.

“Kung wala, then can I apply as one?” ani ko na hindi hinayaang mapawi ang ngiti sa labi. Binalik niya lang muli sa laptop lang ang kaniyang mata. Akala ko pa’y hindi na siya magsasalita pa but he answer.

“Hmm, I don’t want someone who just decided to leave on her own,” aniya kaya napanguso ako roon. Wala akong naisagot dahil ibig sabihin lang ay ayaw niya sa akin. But who cares? I still like him. As long as he still doesn’t have a girlfriend for now, I’ll run after him. Hanggang hindi pa siya nanghihingi ng divorce ay manunuyo pa rin ako. I still want him. I didn’t even have time to tell him what I really felt about him for all those years.

Sa pag-iisip ay hindi ko napansin na nakatitig na siya sa akin. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay kaya sinubukan ko siyang ngitian.

“Hmm, I won’t leave again. For real this time,” ani ko na napakamot pa sa pisngi.

“So? You didn’t answer my question.”

“I already answer that. I have a wife. Who would still like and court someone else except to the person they marry?” Napanguso ako para pigilan ang ngisi sa aking labi.

“However, we are not on good terms right now. So yeah, you can apply.” Napairap ako but my smile never faded.

Para bang ang tinik sa aking dibdib ay unti-unting nawala. As long as he doesn’t have someone else I’ll be going after him.