CHAPTER 8; PLAN

"Are you sure about your plan?" tanong ni daddy habang kumakain.

Andito kami sa hapag kainan ngayon, nababagabag pa rin ako sa narinig ko'ng usapan ni daddy kahapon kaya't napag- desisyunan ko na pumunta sa bahay para alamin ang totoo.

Ang alam ni daddy ay kukunin ko lamang ang ibang gamit na naiwan ko sa k'warto.

Nag-aalala sila lalo pa't hindi pa nila nakakausap ulit si mommy after ng pananakit niya sa akin.

"Yes dad, I know naman na kapag ganito'ng oras ay nasa office si mommy, at saka hindi naman ako magtatagal doon. Kapag nakuha ko na ang gamit ko ay aalis na agad ako"

"Okay, ihahatid na kita, kapag nakita ko na wala nga doon ang mommy mo ay aalis na agad ako" suhest'yon ni dadddy.

"Ako rin, sasabay na ako sa inyo" sang-ayon ni kuya.

"Dad, kuya, bihis na kayo oh, ako heto, nakapantulog pa"

"We can wait" pag-pipilit ni daddy.

"Yes" si kuya, tumingin s'ya sa relo n'ya, nakita ko na nagtiim-bagang s'ya bago tumingin sa akin. "We can wait" but he's tapping his right toe on the floor.

Weh?

"Sure kayo?" taas kilay ko'ng tanong sa kanila.

"Yes" sabay na sagot nila.

"Hindi kayo male-late sa mga schedule n'yo?"

"Nope" diretso'ng sagot ni daddy, tiningnan namin si kuya nang hindi s'ya sumagot.

"Hindi ka male-late sa schedule mo kuya?"

"Yes. I mean, I can make excuses"

"Is that so?" papayag sa sana ako nang

Ringgggg Ringgg Ringggg

Kringggg Kringgg Kringgg

Sabay na tumunog ang mga cellphone nila.

"Napatingin sila sa akin bago sabay na sinagot ang tawag.

"Hello sir Nico, 25minutes bago mag start ang conference meeting, nasa b'yahe na po ba kayo?"  napa-sapo na lang sa noo si daddy nang marinig ang sinabi ng sekretarya na nasa kabilang linya.

"Hello Acsel? Andito na ang mga panelist, nasaan ka na ba?" napatingin naman si kuya sa akin nang marinig ang kaklase sa kabilang linya.

"Well I guess hindi kayo p'wede so.. Alis na" napatingin sila sa isa't-isa bago muling tumingin sa akin.

"Sige na, shooo shoo" taboy ko pa.

"On the way na pre, salamat" si kuya bago pinatay ang tawag.

"Just give me a minute or two, may ginagawa lang ako, thanks" si daddy at saka pinatay na rin ang tawag.

"Call me when you got home, bye" sabi ni daddy bago humalik sa pisngi ko at umalis na.

"Balitaan mo na lang ako sis, bye" paalam din ni kuya, humalik sa pisngi ko at umalis na.

Napahinga ako nang maluwag, I was saved by the ring, thanks G.

Matapos kumain ay iniligpit ko muna ang hapag kainan bago umakyat sa taas para makapag-ayos na.

I was wearing a black leggings partnered with a gray sneakers  and a white top with cap. I pony tailed my hair before wearing the black cap.

"Manang, aalis na po akooo!"

Nang makalabas sa main door ay dumiretso na ako sa gate, tinanguan ko na lamang ang guard at saka umalis na.

Naglakad pa ako ng 1kilometer bago pa ako makarating sa bungad ng village.

Kailangan ko pa maglakad ng kalahating metro bago makarating sa daanan ng sasakyan.

Magka-cab na lang ako since wala naman kase ako'ng sasakyan.

After a minute of walking, sakto naman na may dadaan na cab sa tinigilan ko kaya pinara ko na ito.

Mabuti na lang at walang pasahero.

Sinabi ko ang adress ng bahay ni mommy at saka nagbayad sa driver.

Nang makarating ay nagpasalamat muna ako sa driver bago bumaba.

Tiningnan ko muna ang kabuuan ng bahay bago pumasok sa gate, nakasara ito pero wala namang lock kaya nakapasok agad ako. Nakita ako ng guard at binati ko s'ya.

"What's up manong, miss me?" biro ko dito.

"Aba'y oo naman ma'am, napadalaw ka? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na —mabuti at wala dito ang mommy mo—oh sasabihin ko na—naku, wala ang mommy mo" mahabang sabi n'ya sabay tawa.

"Ikaw talaga manong, hindi rin naman ho ako magtatagal, may kukunin lang po ako, huwag mo na lang po sabihin kay mommy na dumating ako"

"Roger that ma'am"

"Thanks manong" sabi ko na lang at pumasok na sa loob.

Kampante ang lakad ko kase alam ko na wala si mommy, nginingitian ko lamang ang mga katulong na nagugulat sa pagdating ko.

Dumiretso ako sa office ni mommy, tiningnan ko kung naka-lock ito. But when I turned the knob, luckily, it opened.

Tiningnan ko muna ang paligid bago ako dahan-dahang pumasok sa loob.

Nang makapasok ay dumiretso ako sa mukhang drawer na lagayan ng papeles ni mommy, ewan ko kung ano'ng tawag doon.

Tiningnan ko lahat ng papeles na nandoon at nagbabakasaling may makatulong sa akin sa mga ito.

Wala ako'ng ibang makita kundi mga cheke, papeles ng kumpanya, katibayan na kay mommy ito.

Financial Reports, Marketing, mga papel na kailangan pirmahan, Mr. Yu business proposals, Buisness contract with other business tycoons. Contract with Mr. Chan.

Napatigil ako nang mabasa ko ang huli.

Naalala ko ang sinabi ni kuya kay daddy. Ipapakasal ako ni mommy sa anak ni Mr. Chan.

Kinuha ko ang papel at binasa nang maayos ang nakapaloob dito.

Pinagpawisan ang noo ko, nanginginig ang kamay ko. Ang mata ko ay tila naguguluhan sa dami ng letra na nakikita.

Para ako'ng isang produkto ng kompanya ni mommy para i-alok niya sa ibang businessman na kakilala niya.

Totoo nga, ipapakasal ako ni mommy sa anak ni Mr. Chan kapalit ng pagiging matibay ng partnership ng dalawang kompanya.

Nakakapanghina, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niya ako'ng pakawalan?

Naghanap pa ako sa mga papeles. Binubuksan ko rin bawat drawer na nakikita ko.

Muli ako'ng napatigil nang makita ang nag-iisang folder sa drawer sa ilalim ng ofice table niya.

QUEREN ANDREA T. CHUI

Kinuha ko ito at binuklat.

Birth Certificates, a lot of copy of my Birth Certificate.

Binasa ko ito lahat at tiningnan kung may pagkakaiba ang bawat isa.

Sa ibang copy ay Tan ang apelyido ko which is iyong middle name ko na surname ni mommy.

Sa ibang copy naman is Chui na, nakalagay din dito na napalitan na ang apelyido ko from Tan to Chui.

It was changed around October 2004 but my birth year is 2003.

Naghanap pa ako ng ibang papel pero puro copy lamang ng birth certificate lang ang nandito.

Nang walang makita ay inayos ko ang mga ito, ibinalik ko sa folder at inilagay ulit sa drawer.

Naghanap pa ako ng ibang papel pero katulad kanina, puro papeles ng kompanya ang nakikita ko.

Kinabahan ko nang narinig na may naglalakad sa labas, papasok dito.

Luminga linga ako sa paligid at naghanap mapagtataguan.

Sh*t

Nakita ko ang isang makapal na kurtina na nakaharang sa bintana ng office ni mommy, dark ang kulay nito at abot hanggang sa sahig ang haba.

Narinig ko na nag click ang door knob, dali-dali ako'ng pumasok sa kurtina.

Hinawakan ko ang kaunting tela nito para ilayo sa katawan ko.