Chapter two

Buong byahe na tahimik ang mga kasama ko, daig pa ang makikilibing sa mga itsura at mga ayos nang mga ito.

"How long is the city from your town?"Maya maya ay tanong nang aking katabi na akala mo walang dugo sa sobrang puti. Ako ang kanyang tinanong, pero si bokal na naka upo sa bandang harap ng sasakyan ang sumagot.

"Half hour sir Draco."sagot nito sa kanya.

'aba at Drako pala ang pangalan nito hindi vampire .'sa loob loob ko.

"Crazy. Why are you talking to your self?"siryosong tanong nito sa akin. Akala ko ay nasa isip ko lamang ang mga sinasabi ko.

"Wag mo akong macrazy crazy dyan bossing at baka ipakita ko sayo ang tunay na crazy. Aba! tinuruan yata ako nang inang kung pano ang self defense."pagmamalaki ko dito.

"Ayan kumanan ka dyan, hoy drayber."baling ko sa driver ng makita na ang paliko papunta sa mismong bayan.

"Deretso ka lang natatandaan ko may bangko sa gawi nato. Ayaann , ayaan na nga ."turo ko sa pamamagitan ng bibig ng makita ko ang banko medyo sa dulong bahagi ng nilikuan namin.

"Lower your voice. Will you?"iritadong wika ni drakula. Sorry naman at saktong nakatapat ang bibig ko sa tenga nya habang nagtuturo ng tamang daan.

"Sorry pogi."wika ko at pinunasan ang bandang tenga nito na sa tingin ko ay natalsikan ko ng laway kaya siguro nagagalit. Naramdaman ko ang pagkabigla sa lalaki at paninigas ng katawan nito.

"Stop it."saway nito sa akin habang pigil ang aking mga kamay.

'tignan mo to. nag magandang loob na nga, ayaw pa.'bulong bulong ko.

"Now get out."pag susungit pa nito.

"Sandali naman pogi anong get out, get out ka dyan . Samahan mo ko na ipapalit to. Nakalimutan ko pang humingi sa inang ko ng pera bago tayo nagpunta dito. Wag mo iwanan ang beauty ko dito please! Wala akong pamasahe pauwi."napapakamot at nahihiyang amin ko dito.

Mukha na talaga itong nauubusan ng pasensya. Kasalanan ko ba na ginulo nila ang nananahimik na buhay namin sa palengke.

"Fine!"suko nito sa akin."Rey samahan mo sya."baling nito sa kalbo na nakaupo sa bandang harapan ng sasakyan.

"Ayoko yan bossing. Tignan mo yung mukha nyan."turo ko pa dito."Mukhang hindi mapagkakatiwalaan."umungol ang kalbo tanda na hindi ito sang ayon sa sinabi ko. Samantalang nakita ko naman ang pigil na ngiti sa mukha ni pogi .'cute ang sarap kurutin.'

"Okay. You're taking too much of my time woman. Now go and hurry up!"wika nito at bumaba na ng sasakyan. Tahimik akong sumunod dito papasok sa banko. Pati ang mga men in black ay sumunod din sa amin , ang ilan ay pumwesto sa labas ng bangko . Ako, si pogi at si kalbo ang pumasok sa loob ng bangko. Magkatabing naupo ang mag mag amo samantalang sa tapat naman ako ng kinauupuan nila. Nakita kung bumulong si kalbo sa amo nya at pagkatapos ay tumitig silang pareho sa akin . Masyado sila kung tumingin na parang kinikilatis ako. Tinignan ko sila ng masama . Nakita kung tumango si drakula na parang sang ayon sa sinabi nung kalbo.

"Do you want a job?"tanong sa akin ni pogi .

"Ako?"paninigurado ko dito.

"Who else do you think?"masungit na sagot nito sa akin .

Inirapan ko ito ."Depende sa presyo bossing."sagot ko dito.

"100k a month. How's that?"tanong nito.

Naghugis puso ang mga mata ko sa narinig. Kahit sa pwesto namin nila inang hindi kami kumikita ng 100k sa isang buwan."Anong klaseng trabaho?"tanong ko dito.

"Be my fake girlfriend."deretsang sagot nito.

"Ano?"Hindi makapaniwala na tanong ko dito.

"Wag mong sabihing choosy ka pa sa lagay na yan."singit ni kalbo na may nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

Tinignan kong mabuti si pogi. Kung ilalapit ako sa kanya aba hindi talaga lugi ang lola nyo. Parang palaging amoy baby si pogi, samantalang ako? Gulay at prutas ang tinda namin sa palengke pero mukha akong naglako ng isda sa kalsada buong maghapon. Pero kulang lang naman ako sa paligo no! Maganda naman ako sabe nang inang ko at bukod sa lahat birhen, hmf!

"Wag kang sumingit kalbo babatukalin kita ng tsinelas sa ulo, makita mo!"Pag tataray ko dito habang nakahawak sa lumang tsinelas ko.

"Fake girlfriend lang bossing? No touchy touchy!"baling ko kay bossing.

Humagalpak ito ng tawa na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Pinandilatan ko ito ng mga mata kaya tumahimik ito at muling nag siryoso.

"You're not my type."diretsang sagot nito."Aside from that I don't want a woman who is such a nagger and also I already have a gf. So yes it's just a plain fake girlfriend. Just for the show."dagdag pa nito .

"Ayan!! Mainam ng nagkaka liwanagan tayo."napapa palakpak pang sagot ko dito ."Walang mintis na 100kyaw ha bossing? Kailan ako mag sisimula? Ay teka pala pagka tapos natin na ipapalit to samahan nyo muna akong bumalik sa amin kase kailangan kong magpaalam sa inang at sa pinsan ko."? mahabang paliwanag ko dito.

"Okay."sagot ni pogi. Mabilis naman pala itong kausap. Tahimik na kaming naghintay at si kalbo na din ang nag ayos para ipapalit yung tseke. Nagningning ang mga mata ko ng iabot na sakin nito ang 80k . Makapal miii! Siguradong matutuwa ang inang nato. Kahit wag na muna silang bumalik sa pagtitinda sa palengke tutal naman binigyan na ko ng trabaho ni pogi kaya makakapag bigay na din ako para sa gastusin sa bahay.

"Basta walang touchy touchy ha bossing?"pag uulit ko dito ng nakasakay na kami sa sasakyan nya pabalik sa amin.

"I can get any woman I want without them forcing. So I should be the one who remind you that ... "Nahinto ito ."We are together for how many hours now yet I don't know your name."naalala nito . Oo nga naman hindi pa ako pormal na nakakapag pakilala dito.

"Celestina Perez , 20 years old. From Nueva ecijaaa, Philippinessss."ginaya ko kung pano magpakilala yung magagandang dilag sa mga beauty contest.

Napailing naman si pogi."Draco Rodríguez."maikling pakilala nito na hindi manlang inabot ang kamay.

"Ilang taon kana bossing?"curious na tanong ko dito.

"28."maigsing sagot nito.

" Ah bata pa."tatango tangong sagot ko dito.

"Tsssk."Yun lang ang tanging sagot nito . Tahimik na kaming lahat habang pabalik sa aming barangay.

"Wag sa palengke mo ituloy drayber. Baka nakauwi na sa bahay ang inang ko. Ikaliwa mo nalang dyan sa susunod na kanto."turo ko sa nagmamaneho."Pagkatapos mong kumaliwa deretso ka lang tapos kakaliwa ulit tapos makakakita ka ng tindahan na maraming marites na nagkukumpulan, hindi dun yung bahay namin. Sa tapat non."paliwanag ko dito.

"Noisy."mahina lang na wika ni pogi pero umabot sa pandinig ko.