Chapter 3: Chapter three
Magaling sa direction itong si manong driver . Nakarating kami sa tapat ng aming munting tahanan na hindi nahirapan magbigay ng dereksyon sa kanya. As usual madami ngang nagkukumpulan sa tindahan sa mismong tapat ng aming bahay. Halos mga magsi haba ang mga nguso ng mga ito lalo na ng makita nila ako na bumaba sa mamahaling sasakyan at may kasamang mukhang yayamaning ginoo. May ilang tumawag sa akin pero hindi ko na pinansin . Siguradong makiki marites lang ang mga iyon.
"Pasok ka bossing" paanyaya ko dito. Iniwan nya ang mga tauhan sa labas namin. Nakakahiya namang paghintayin sya sasakyan kaya sinama ko na. Tsaka mabuting kasama ko sya para payagan ako ng inang.
Tahimik itong pumasok sa aming tahanan. Hindi naman madumi ang bahay namin at gawa ito sa bato, normal na tahanan sa probinsya . Pero nang pumasok si bossing parang nagmukhang maliit sa kanya ang bahay namin, hindi nababagay ang itsura nya dito.
Tahimik itong pumasok.
"Aba at nakabalik ka na palang bata ka."Turan ng aking inang na lumabas mula sa kusina.
"Opo 'nang. Natatandaan nyo po ang mga hirodes na mga ito? Ayan na daw po yung bayad sa nasira nila sa pwesto natin."lumapit ako dito at iniiabot ang 80k na galing kay bossing.
"Ayy nako wala iyon. Ang kapal naman nito.''puna ng inang sa iniabot kong Pera.
"Wag ka ng magpakipot inang. Madalang lang dumating ang grasya."bulong ko sa inang dahil halatang magpapakipot pa, baka ibalik pa ang pera. Aba paano kung tanggapin ? Adee ngenge kami.
"Aba kailangan naman apo e kunwari hindi tayo nadadaan sa perang usapan ."natatawang bulong din nang inang.
"Ayos lang po yan inang."
"Umupo ka bossing."baling ko kay pogi na nakatayo pa din malapit sa pinto.
"Magandang araw po."bati ng pogi sa inang may tinatago din naman pala itong pag galang sa katawan.
"Inang kanino yung magandang sasakyan sa lab."naputol ang sasabihin nang pinsan ko ng sa pag bukas nya ng pinto e ang nabungaran nya ay si bossing.
"Susmaryosep!! nasa langit na ba ako? Ano at napaka pogi naman nang ginoong ito? At mukhang daks."malanding wika ng aking pinsan at lumapit pa ito kay bossing at mukhang balak pisilin.
"Sandali insan . Nasa lupa ka pa. Boss ko yan, mag hunos dili ka."
"Boss?"sabay na wika nina inang at Buknoy.
"Opo 'nang. Kaya nga po sila sumama dito sa akin dahil ipagpapa alam po nya ako, kase sa kanya na muna ako magttrabaho."
"Naku apo. Nakita mong puro mga barako ang mga iyan . Ano ang magiging trabaho mo sa kanila?"tanong nang inang.
"Ano tawag dun apo, Yung nahuli kita na pinapanood yung isang babae na halos masiraan ng ulo sa limang lalaki na malalaki ang ano. Anong tawag dun? Gang gang?"tanong nito sa pinsan kung si Buknoy. Mabilis akong lumapit sa inang para pigilan ito. Masyado din talaga ang bunganga ng inang ko kung minsan. Advance mag isip.
Nahihiya akong napalingon kay bossing. Kita ko dito ang bultong ngiti. Hay! nakakahiya.
"Gang bang yun inang. Mukhang nababaliw ang babae sa sobrang sarap nun inang."isa din tong pinsan ko na hindi mapigil ang bibig.
"Tama na. Nakakahiya kay bossing inang."napapakamot ang ulo kung pigil sa mga ito.
"Secretary lang daw po ako inang."pagpapalusot ko sa magiging klase ng trabaho ko .
"Aba at ano ang alam mo sa pag sesecretary apo? Baka kalahating araw palang e ipatapon kana pabalik dito."walang bilib na wika ni Inang sa akin.
"Wag po kayo mag alala inang maganda po ang kalakaran dito. 100kyaw daw po ang magiging sahod ko buwan buwan."
"Aba kung gayoon pala e sige at mag impake kana apo. Wag ka ng mag alala sa amin nitong pinsan mo at maayos kami dito. Basta at tatawag ka madalas ha?"tignan mo itong si inang madali din talagang kausap lalo na pag pera na ang usapan .
Iniwan ko muna si bossing sa inang at sa pinsan ko . Pumasok ako sa kwarto ko para mag impake ng bag na dadalin ko. Ilang pirasong damit lang ang kailangan ko, masipag naman akong maglaba. Chineck ko muna kung kumpleto pati personal hygiene ko. Check'wika ko at tumayo na mula sa aking maliit na kama para maligo muna bago kami umalis. May pagmamadali sa mga kilos ko, mahirap na at baka mainip na si bossing . Simpleng pantalon at t-shirt lang ang suot ko . Tinignan ko ang repleksyon ng aking sarili mula sa aking lumang salamin dito sa kwarto.'oh pak! san ka dyan'wika ko habang pumalo ng mahina sa pwet ko. Hindi sa pagmamayabang pero mala coca cola ang katawan ko . Isa sa mga asset ko yung medyo may kalakihan kong pwet at hinaharap. Ng makuntento ay lumabas na ako mula sa aking kwarto bitbit ang maliit na bag pack.
"Himala at nag hilod ka shesh."pabirong puna ni Buknoy." Nag mukha kang hindi libagin."dagdag pa nito.
" Tigilan mo ko Buknoy at baka gawin kitang straight dyan."biro ko dito.
"Wag po!"pabiro ding sagot nito.
"Tama na yan mga batang aree. Ang tagal mo Tinang mukhang naiinip na itong si pogi."wika ni Inang na nakatingin kay bossing.
"Ayos lang po ako. Thank you for this delicious sweets."pasasalamat ni bossing kay inang na akala mo kung anong mamahalin ang inihain e yung tig sampung pisong bananacue lang naman na nabili ng inang sa tindahan.
"Wala iyon apo."nagulat ako sa sinabi ni inang kay bossing'apo agad?'
"Pag pasensyahan mo nalang itong si Tinang kung minsan ha? E may pagkamakulit at matigas talaga ang ulo nito kung minsan. Basta wag mo syang sasakyan este sasaktan."paalala nang inang ko.
"Don't worry po. I will take good care of her. I'll make sure that she is safe with me."engliserong sagot nito.
"Oh sige inang sumagot ka."biro ko dito dahil ininglish sya ni bossing.
"No, thank you!''pag puputol nito sa usapan."Halla at lumakad na kayo at tiyak na gagabihin kayo pauwi ng Manila. Basta Tinang ha? Yung mga pangaral ko sayong bata ka. Tumawag ka madalas ha? Mamimiss ka namin apo."Naiiyak ng turan ng inang .
"Mamimiss ko din naman po kayo inang. Pero para sa future. Lavarnn."biro ko dito with matching taas ng kamay pa.
Inihatid kami sa labas ng aking inang at pinsan . Nagulat pa nga ako dahil inagaw sa akin ni bossing ang mga dala ko. Bukod sa masarap si bossing e gentleman din pala ito.'natawa ako sa naisip.
Ito ang unang beses ko na makakapunta sa manila. Siguradong maninibago ako sa lahat ng bagay, pero magpapakabait nalang ako kase baka pauwiin ako . Hindi ako marunong magbyahe pauwi Inang ko po.