Chapter sixteen

Nauna kami ni bossing na dumating sa mansyon. Naglakad lang kase ang iba dahil hindi kami kasya lahat sa dalawang pinto na sasakyan ni bossing, sports car daw ang tawag sa sasakyan na yon. Naupo ako sa sala pati si bossing na nag hihintay na dumating sina Helen.

Tumayo ako at lumapit sa kina uupuan ni bossing. Tumayo ako sa harapan nito at hindi manlang ako nilingon.

"Huy!"kalabit ko sa pisngi nito.

"Wag mo naman silang pagalitan, ako naman ang nag aya sa kanila e!''hindi man lang ito sumagot at lalong hindi ito tumingin.

"Ah ayaw mong makinig ha?"walang ano ano akong umupo sa kandungan nya.

"What do you think you are doing?"masungit na tanong nito.

"Ayaw mong sumagot e! Wag mo na silang pagalitan ha? Hindi na nga mauulit."paninigurado ko dito at nilapit ang mukha sa mukha nya.

"You smell vinegar."Turan nito.

"Malamang, nag busina ka ng pagkalakas lakas. Nagulat nga ako at muntik ng malunod sa suka kase pumasok din sa ilong ko. Pagpapa awa ko dito.

"Sorry na."pina ikot ko ang mga braso sa leeg nito.

Tumitig ito sa akin habang naka suporta ang mga kamay nito sa bewang ko."Fine. But don't do that again."

"Promise."tinaas ko pa ang isang kamay.

May kinuha si bossing sa bulsa nya isa iyong itim na card."Here take this, go with Helen to the shop. You need some swim wear."

"San tayo pupunta?"takang tanong ko baka gusto nya ako na idate.

"We are going to my private island, with Marga."aray medyo lagapak yung puso ko dun.

"Bat kailangan pa ako na kasama bossing? Kayo nalang dalawa ng syota mo."nalalasahan ko yung pait sa pag sasalita ko, nakaka inis naman to hindi ba sya aware na nahuhulog na ang panty este ang puso ko sa kanya.

"Because I said so. You cannot ask me why! You're just working for me! That's an order."aray talaga kung minsan walang filter itong bibig ni bossing. Tumayo na ako mula sa pagkaka upo sa kandungan ni bossing, pero pinigil ang bewang ko nito.

"Ano?"iritadong tanong ko dito. Parang may gusto itong sabihin pero pinigil nito at inalalayan na akong makatayo. Inirapan ko sya bago lumabas.

Ubusin ko kaya yung laman nitong ATM card nya? Makaganti man lang ako kay bossing.

Kinagabihan lumabas ulit si bossing. Nadadalas yung pag labas labas nya ng gabi. Narinig daw ni Helen na si Marga pader ang kausap nito kanina bago ito lumabas.

"Hindi mo dapat nararamdaman yan kung hindi ka makire."kausap ko ang sarili habang nag susuklay sa harap ng salamin. Katatapos ko lang maligo at nag hahanda na para matulog.'Matutulog na may sama ng loob!'Humiga na ako sa kama at pinipilit kung gumawa ng tulog kahit mukhang hindi naman ako dadalawin ng antok.

Nararamdaman ko na ang antok at papikit na ang mga mata ko ng marinig ko ang ugong ng gulong ng sasakyan mula sa labas ng bahay.

Tinignan ko ang orasan sa lamesa sa gilid ng higaan ko. Mag aalas dos na! Umuwi pa hmf! Siguradong si bossing na iyon.

Naka tagilid ako ng higa, patalikod sa pinto.

Narinig kung lumangitngit ang pinto tanda na may pumasok dito. Nilock ko iyon kanina bago mahiga kaya kampante ako na si bossing ang pumasok sa aking silid. Hindi ako gumalaw at nag kunwaring tulog.

Narinig ko ang mga yapak nya palapit sa pwesto ko. Hindi ko magawang ibukas ang mga mata ko at baka mahuli nya akong nagtutulog tulugan lang. Ramdam ko na may nakatitig sa akin. Lumangitngit ang higaan at medyo lumubog ang bandang ibaba ng kama ko. Naramdamam ko ang malaki nitong kamay na humawak sa mukha ko, ginalaw nya pa ang kamay paikot sa buong mukha ko na parang kinakabisado ang bawat parte nito."I miss you."bulong lang iyon na sinabi ni bossing pero dahil gising ako, rinig na rinig ko. Naramdaman ko nalang ng binigyan nya ako ng halik sa noo, sa pisngi at matagal na halik sa labi ko. Sobrang na touch ako dun at gusto ko sanang kabigin sya pero hindi ko nagawa dahil nalunod ako sa mga ginagawa nya. Bago pa ako makapag react nakatayo na si bossing at nakalabas na ng silid. Napa upo ako mula sa pagkaka higa."Bakit ka ganyan bossing? May mga oras talaga na hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip nito.

Daig ko pa ang zombie ng magising ako kinabukasan, halos tatlong oras lang yata ang naitulog ko.

Ilang araw ng maagang umaalis si bossing, madami daw tinatapos na trabaho kaya hindi na kami nagkakasabay kumain sa umaga.

Sinabayan kung kumain sila Helen.

"Sabi ni sir samahan daw kita na mamili ng pang swimming. Bongga ka dzaii."sabe ni Helen habang kumakain kami ng agahan.

"Ewan ko ba naman kay bossing bakit kailangan pa akong isama sa date nila ni Marga."inis kung sagot dito.

"Para mabantayan mo sila. Wag kang padadaig dun sa maldita na yun. Ikaw ang manok namin para kay bossing."lahat ng mga tao sa kusina ay sinabing ako daw ang manok nila na ikinatuwa ko naman aba syempre. Ilalaban natin ang beauty ko.

Alas onse ng lumabas na kami ni Helen kasama si Dos na naalala kung pangalan ng tauhan ni bossing at isa pa na hindi ko naitanong ang pangalan.

"Helen sa divisoria nalang tayo mamili, mura daw ang bilihin dun."nakakahiya naman kay bossing kung madami akong magagastos.

"Bruha binigyan ka nga ng black card ni sir tapos sa divisoria lang ang bagsak mo, aba hindi ganon beshywap dapat yung pang malakasang switsuit, yung tipong pwede ka ng ihelera sa mga mowdel ng Victoria secret dzai."napa irap ako, hindi ko lubos maisip na makakapag suot ako ng gagapuranggit na mga damit na halos lalabas na ang kaluluwa ko.

"Grabe naman dun. Hindi naman ako ka sing kinis ng mga yun at hindi ganon kalakas ang loob ko na mag suot ng mga ganon no? Kung pwede nga lang mas gusto ko magsuot ng short at t-shirt."sagot ko dito.

"Ha ha ha. Ay bruha! Ano ang ipupunta mo doon sa isla? Matutulog yarn, o tatambay yarn. Ikaw pa naman ang manok naming lahat tapos mag susuot ka lang ng t-shirt at short pano ka naman mapapansin ni sir non aber?"sita nito.

"Hindi naman ako makikipag kumpetensya dun Helen. Alam mo naman na si Marga ang jowa ni bossing, malamang sya ang mahal non. Sabe nya nga ako nag ttrabaho lang sa kanya."Hindi ko maiwasang malungkot ng maalala ko na sinabi nya sa akin yun.

"Big hug bieee. Wala sa hilatcha ng mukha mo ang magpa sad girl. Di bagay."biro ni Helen at akma pa akong yayakapin.

Author's note:readoo don't upload updates during weekends, so that being said"walang fersonn ang mag bibigay ng 1star at sasabihing update otor, update otor. May kurot sa singit!!!!!!

See you on monday mga puks!