Chapter fifteen

Mabilis na lumipas ang mga araw at isang buwan na ako dito kay bossing . Kanina bago umalis si bossing papunta sa trabaho inabot nya sa akin ang sweldo ko."Tumataginting na 100k. Ano bukas magpapaalam ako kay bossing para maipadala ko yung 70k kila inang. Tapos ililibre ko sila Helen dun sa ihaw ihaw na pwesto sa labas nitong subdivision."nag desisyon akong bumaba mula sa silid na tinutuluyan ko.

"Sama kayo lahat sa akin mag ihaw ihaw tayo."Yaya ko sa mga tao sa kusina. Si Helen, Neng Aling Celia at ate Gina. Tumingin sila sa akin."Sagot ko, tara na."mabilis pa sa alas kwatro na iniwan nila ang mga ginagawa at lumapit sa akin.

"Sigurado ka?"paninigurado ni Neng sa akin.

"Wala ng bawian yan ha?"paninigurado naman ni Helen.

"Pano si sir? Baka hanapin si Tinang non."si Aleng Nelia na pinaka matanda sa amin, sya din cook dito sa mansyon.

"Ako na pong bahala."naglakad kami palabas ng gate. Malayo pa man kami ay humarang na ang ibang tauhan ni bossing.

"Hindi kayo pwedeng lumabas ma'am. Bilin ni bossing."ako lang talaga ang bawal, burong buro na ako dito sa mansyon.

"Nagpaalam ako sa sir nyo. Naku lagot ka isusumbong ko kayo pag dating nun. Pinayagan panaman ako basta sinabing isama ko sila."pag sisinungaling ko sa mga ito dahil tyak na hindi ako papayagan. Ewan ko din ba bakit magmula nung lumabas na kasintahan ako ni bossing e masyado na syang naging mahigpit. Para daw sa kaligtasan ko yun kase madami daw syang kaaway. Wala naman ako load para tawagan sya tsaka sinabi nya sa akin na may importante na kliyente syang makaka meeting ngayon kaya ayooko lang syang abalahin no!

Nagbulungan yung tauhan ni bossing na humarang sa akin.

"Hindi nga pwedeng tumawag kay Draco kase may importante syang meeting e! Tapos eto pa nga yung pera na bigay nya sa akin. Sabe nya bumili ka ng kahit na ano o magpunta ka kahit saan mo gustong mag punta basta isama mo sila Helen."pag sisinungaling ko pa sa mga ito.

"Bat pati ako sinama mo sa kwento mo bruha ka."narinig kung gigil na bumulong si Helen. Siniko ko lang ito ang ingay ingay baka marinig kami.

Napakamot ng ulo ang mga tauhan ni bossing."Sige ma'am sasama nalang po kami sa inyo para sa kaligtasan nyo po."

"Ang o-oa e dyan lang naman sa labas ng gate."sagot ko sa mga ito."Sige na nga sumama na kayong dalawa, tara na."Akmang kukuha pa ng sasakyan ang mga ito."Maglalakad lang tayo, ano ba naman kayo ang lapit lapit."Nagpatiuna na akong naglakad, sumunod na din sina Helen at ang dalawa pang tauhan ni bossing. Hindi naman ganon kalayo ang nilakad namin, wala pa yatang sampung minuto ng marating namin ang labas ng gate.

"Ang daming street foods."napapa palakpak pa

ako habang palapit kami sa pwesto ng nag iihaw. Bilisan nyo baka maunahan pa tayo ng taga Mindoro."mukhang walang naka gets sa biro ko."Joke kase yun, ano ba naman tong mga to ang sslow. Sige tara na kain lang sagot ko lahat."paninigurado ko sa mga kasama ko. Nag silapitan na din sila at nag kanya kanya ng dampot.

"Paborito ko itong isaw isaw, tapos etong dugo. May day old din, tsaka kwek kwek. Eto ding ulo."Hindi ako magkandatuto sa pipiliin ko kaya ko naman itong kainin lahat.

"Ngayon na lang din ako nakakain ng mga ito magmula ng mag trabaho ako kay sir Draco."turan ni Helen.

"Ako nakaka kain naman kapag umuuwi ako sa amin."si Neng na punong puno din ang bibig sa kinakain.

"Kaya nga lubusin na natin ngayon. Lafang kung lafang."nagpatuloy lang kami sa pagkain maging ang dalawang naka bantay sa amin ay tila nasarapan din.

"Parang hindi na ako makaka lakad pauwi, grabe ang busog ko."wika ko habang hinihimas ang aking nabiglang tyan. Iniinom ko pa din ang pinagsawsawan ko, sayang to no.

Ng biglang may nag busina ng pagka lakas lakas.

"Ayy! anak ka ng demonyo."gulat ko at halos tumapon sa mukha ko at sa damit ko ang hinihigop ko pang pinag sawsawan ng aking ihaw ihaw.

"Bwisit na walang modong nilalang yan."turan ko habang pinupunasan ang bandang dibdib ko na nabasa ng suka. Tapos inilipat ko ang tingin kila Helen.

Mukhang biglang namutla ang mga ito."Para kayong nakakita ng demonyo."biro ko sa mga ito. Bakas kase ang pagka bigla at pagka takot sa mga mukha nila. Walang nagsasalita sa mga ito kaya inilipat ko din ang tingin sa kung ano o saan sila mga nakatingin. Si bossing iyon nakaupo sa sasakyan na syang nag busina ng pagka lakas lakas, napaka siryoso ng pagmumukha.

"Lagot tayo."kinakabahan kong turan at parang gustong matae sa kaba.

"Ikaw lang."pag tatama ni Helen."Lagot ka!"tignan mo to! matapos kung ilibre ilalaglag ako.

Mas kinabahan akong lalo ng makita ko si bossing na pababa na ng sasakyan. Naglakad ito palapit sa amin.

"Who gave all of you a permission to go outside?"hiyaw nito sa amin.

"Sya po."chorus na bigkas ng mga kasama ko at may paturo pa sa akin.

"Ako nga po, sya nga po."sumusukong sabe ko.

"Didn't I told to all of you that Celestina cannot go out without bodyguards , for her safety."hiyaw pa din nito.

"Kaya nga sinama ko silang dalawa."turo ko sa dalawang kasamang bodyguard."Wag ka ng oa bossing lumafang lang kami dito ng ihaw ihaw. Nagpresinta ako na mag libre sa kanila kase diba sahod ko?"pangangatwiran ko pa rin dito.

"Do this again and I will fire all of you."may banta sa boses nito.

"Wag ka ng magalit bossing hinawakan ko ito sa braso. Medyo nagbago ang expression nito.

"We are not done yet, I will talk to all of you once we get back to the house."baling nya sa mga kasama ko."Let's go."hila nito sa akin.

"Sandaliii."huminto ako mula sa paglalakad.

"What now Celestina Perez?"

"Wow full name, galit yarn?"biro ko dito.

"I said let's go."akma ako nitong bubuhatin na parang bigas kaya dumistansya ako dito.

"I'm too tired for this woman. I said let's go."napipika na talaga nitong turan.

"Let's go ka ng let's go e hindi ko pa nga nababayaran yung kinain namin."irap ko dito.

"Why you didn't tell me?"tignan mo to, bunganga ng bunganga tapos ako pa nasisi.

"Get in the car I will pay."naglakad na ito pabalik sa pwesto nung nag iihaw.

Hindi kami kasya lahat sa sasakyan ni bossing kaya naglakad na pabalik yung mga kasama ko. Sinabi ko nga din kay bossing na maglalakad na lang din ako pero tinignan lang ako ng masama nito at nagpatuloy sa pag drive. Mukhang haggard ang lolo nyo kaya nanahimik nalang ako habang nagbbyahe kami pabalik sa mansyon.