(Nick)
Everyone was disappointed because Amara wasn’t with him. Sinabi na lang niya na sinusumpong ng migraine ang anak. He can't keep what he is feeling inside him but he doesn't know if he will tell his wife about what happened. Nagdesisyon siya na kay Blake muna sabihin. Maiintindihan siya nito dahil may mga anak din itong babae. Pinili niya na kausapin si Blake sa kaliwang bahagi ng malaking hardin ng mga ito. Nakikita pa din sila ng mga pamilya nila pero hindi maririnig ang usapan nila.
"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo pa sinabi kay Stacey." naiiling na komento ni Blake.
"I can't explain in words how I feel. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko. I don’t even know how she will react. Ayw ko ding malaman kung totoo o hindi ang sinabi ng gagong yun! " he hissed.
Pinipigilan niya ang sarili na ipakita sa expression niya ang totoong nararamdaman. Alam niya na nakatingin sa kanya ang asawa. His wife has a radar and she knows him so well. She already asked him if he's okay when he arrived an hour ago. Pero hanggat kaya niya, ayaw muna niyang sabihin dito ang lahat.
Iniba niya ang posisyon nbiya para ang kaliwang bahagi lang ng mukha at katawan niya ang nakikita ng asawa. Sinalinan ulit ni Blake ng alak ang kopita niya at mabilis niya itong ininom.
"Hinay-hinay sa pagtungga. Our wives are now both looking here." Said Blake and he sighed heavily.
"Sooner or later malalaman din ni Stacey kaya anong ngayon ang balak mo?"
"Hindi ko alam." He admitted while sounding helpless.
Tumango-tango si Blake.
" But from what you told me, I have to say that I admire your future son-in-law.” Blake said with a chuckle.
He grunted but didn't say anything. He didn’t comment because he himself is having mixed feelings. His wife had told me multiple times that sooner or later he has to accept the fact that some bastards will pursue their beautiful daughter. He may not entirely like Brad Lopez or any other fuck ass who would want Amara but..
"It's inevitable. If I were in your shoes, I would feel the same. Dalawa ang akin at naiimagine ko lang mangyayari yank ay Faith o kay Hope.." Blake flexed one of his biceps and with narrowed eyes, he continued speaking, "hindi pa naman ako kinakalawang. I will beat up those assholes. Lalo ka na, nag-iisa ang anak mo kaya naiintindihan talaga kita. Pero kagaya ng sabi ko, andiyan na yan. You can't kill your future-son.."
"Fucking hell ! Will you stop saying that!" inis na saway niya na nagpatawa kay Blake.
With a grin, the latter said, " Seriously Nick.. hindi mo naman pwedeng patayin ang lalaking yun. Tama na yung nabugbog mo. I know about his father. Alam ko na kagaya natin, gago din yun during his time. And him letting you just hit his son like that, must mean something. Alam siguro ng ama na seryoso ang anak kay Amara. Think about that Nick. At kung totoong may nangyari na sa kanila, your daughter might even get pregnant soon.." Blake raised one of his hands as if in surrender nang magmura ulit siya at kunin ang bote ng alak dito para magsalin sa baso niya.
"Face reality! That is possible! I think wala namang problema sa anak ni Lopez. Ang anak mo ang kausapin mo. You said that according to her ayaw niyang magpakasal. "
"That's what I don't fucking understand! Bakit siya sumama sa tarantadong yun kung hindi naman pala niya gusto?!" he rasped.
"Baka natatakot lang siya sa'yo kaya sinabi niya yun. Alam naman niya na kung pwede lang ayaw mo siyang mag-asawa. Pero teka, may naisip ako na pwede nating gawin..."
He narrowed his eyes and said, " Ano yun? At this point, kahit ano gagawin ko para kahit papano maayos ito."
Tumango si Blake. “Okay wait. “ sabi nito bago tawagin si Kurt na kausap ni Eliot.
(Blake)
“Pa?” kunot ang noong tawag ni Kurt habang palapit sa kanila.
Hindi man niya totoong anak ito, may hawig pa din ito sa kanya. Guwapo, mestizo, maganda ang katawan at matangkad din ito. Tamang-tama sa naisip niya.
“May problema ang tito Nick mo. At alam ko tayo ang makakatulong sa kanya.” Sabi niya dito bago lumingon kay Nick.
Nakakunot din ang noo nito pero hindi ito nagsalita. Para silang magkapatid nito kahit noong una muntik na silang maging magkaribal kay Stacey. Gagawin niya ang lahat para makatulong dito dahil pamilya sila.
“Look Nick.. palagay ko ang pinakamagandang gawin ay magkunwari tayong ipapakasal mo si Amara kay Kurt para isalba siya sa kahihiyan kung sakaling buntis nga siya.”
“Ano?” sabi ni Nick at dinig naman niyang tinawag ulit siya ni Kurt.
“Kalma lang kayo kung ayaw niyong lumapit si Stacey at ang asawa ko. Kapag nangyari yun lalo mo nang hindi maayos ang problema mo sa anak mo. Pwedeng makinig muna kayo?” tanong niya sa dalawa.
“Pa, baka magkaproblema ako sa nililigawan ko nyan. Sobrang selosa pa naman yun.” Sabi ni Kurt.
“Huwag kang mag-alala akong bahala. Sasabihin lang naman ni Nick kay Amara yun pero ganun lang. Kahit sa mga pinsan mo at sa tita Heather mo wala kang sasabihin. I just had to let you know about the plan. Para in case kausapin ka ni Amara, alam mo ang isasagot mo.” Kalmadong sabi niya dito bago si Nick naman ang kinausap.
“Sa tingin ko naman sa anak mo, nangingibabaw lang ang takot sayo. Tama ka na hindi naman sasama yun sa anak ni Brandon Lopez kung hindi niya din gusto. Subukan natin ang naisip ko wala namang mawawala. Kung hindi umubra, mag-isip tayo ng plan B.”
Tumango lang si Nick bago tumingin kay Kurt.
“Okay lang ba sayo?” tanong nito.
Nag-isip ng ilang segundo si Kurt bago tumango na din.
“Anything for the family tito Nick.” Sagot nito.
“So wala ng problema.” Nangingiting sabi niya sa dalawa.
Nick raised his glass and they made a toast.
(Amara)
She must have spaced out. Naramdaman na lang niya ang tapik ng yaya niya sa balikat niya bago ito lumabas.
Ipapakasal daw siya ng daddy niya kay Kurt?
Parang hindi niya kayang paniwalaan na gagawin yung ng ama. Pinunasan niya ang luha ng likod ng kamay niya.
Pwedeng kaya sinabi yun ng daddy niya ay dahil sa pagtanggi niya na magpakasal kay Brad. Baka iniisip ng ama na kung mabuntis siya, hindi sila lulubog sa kahihiyan kung ikakasal naman siya. Kilala ang pamilya Alcantara. Gustong pangalagaan ng daddy niya ang apelyido nila. Ang hindi lang niya alam ay kung paano nito napapayag ang kuya Kurt nila na pakasalan siya? Obviously, what they will have is a marriage of convenience.
Galit siya kay Brad pero kaya ba niyang magpakasal sa iba? She hates his condescending attitude and his ways that’s why she doesn’t want to get married to him. Nobya pa lang siya nito na maituturing pero grabe na ang ginagawa nito sa kanya kaya paano pa kapag mag-asawa na sila? At napakabilis naman talaga. Madami talaga siyang dahilan kung bakit ayaw niyang magpa-kasal dito at hindi lang siya nag-iinarte.
He forced her in everything. Tinakot siya, pinagbantaan at binlack-mail. . Brad may be a lot of women's desire but she is not like most of them. She is not discriminating Althea but they are so different. She has been her parents' princess but she has never been bratty. Hindi niya matatawag na kaartehan ang pagtanggi niyang makasal sila ng IBBf niya agad-agad. She is a decent woman from a respectable family. If Brad cannot treat her right then he doesn't deserve her.
Hindi na niya maibabalik ang virginity niya at mukhang hindi din naman niya mahihiwalayan ito ng basta-basta. Kaya ang dapat na gawin nito ay sinserong kilalanin siya ng lubusan at ligawan ng maayos She also wants to know what makes him tick before she becomes his wife. Hindi solusyon ang hasty marriage. Instant bf na nga niya ito, pati ba naman kasal, instant pa din?
She finally made a decision.
She will talk to her dad first thing in the morning. Hindi siya papayag magpakasal sa kuya Kurt niya. It's not fair to any of them. May sariling buhay ito at ayaw niyang masira dahil lang sa gusto ng daddy niya na pakasalan siya nito. At sigurado siya na may hindi magandang gagawin si Brad kapag nagpakasal siya sa iba.
***
"Anak ng ... anong nangyari dito?!" exclaimed Cooper.
Parang binagyo ang kwarto dahil nagkalat ang mga basag na bote ng alak at wala sa Brad. Mabilis na pumasok ito sa banyo para tignan kung andun ang kaibigan.
"Shit kupal!" hiyaw nito ng makita na nakalubog si Brad sa bathtub. Hinablot nito ang ulo ng kaibigan.
(Brad)
He coughed when he accidentally ingested water. He cursed angrily matapos itulak si Cooper.
"What the fuck?!"
Napaatras si Cooper ng tumayo siya from the tub while he throws him a black look.
"Tanginang kupal ka! Magpapakamatay ka ba?!" his friend asked.
Binato niya ito ng sabon pero nasalo nito bago pa ito tamaan.
"Gago! I took a bath to clear my head! Anong magpapakamatay ang sinasabi mo? Ikaw ang malapit ko ng patayin! Give my fucking spare key back asshole! I don't want you barging in my property anytime you want kupal ka!" galit na sabi niya habang pinupunasan ang katawan ng twalya.
"Matapos kitang tulungan kagabi yan ang mapapala ko sayo ngayon? Shit naman kupal! Alam mo ba na makakadalawa na sana kami ni Hailey pero ng tinex ako ni tito na papunta sila dito ng daddy ng Amara mo, kinalimutan ko ang libog ko? Tapos gaganyanin mo lang ako? Minsan sumasama na ang loob ko sayong kupal ka! Ikaw na nga ang tinutulungan ang sama mo po sa akin! Akala ko lulunurin mo na ang sarili mo dahil sa nangyari kagabi! Buti nga concerned ako sayo kahit ganyan na madalas masama ang ugali mo!" sumbat nito.
"Shut the fuck up Aguas kung ayaw mong ikaw ang ilublob ko diyan! Kailan ka pa naging madramang gago ka?!" he asked with annoyance.
Wala pa siya halos tulog and he had been drinking since last night. Even if he can hold his drink, sa dami ng nilaklak niyang alak, tinamaan din siya.
He doesn't agree with what his father said na hayaan muna ang daddy ni Amara at magpalamig muna siya pero alam niya tama naman ito. Kahit mahirap, susubukan niyang gawin. Kasalanan naman niya talaga kung bakit lalong nagalit ito.
He cursed when he saw his bruises again. Wala siyang balak lumabas hanggat may mga pasa siya. Ibinilin muna niya sa assistant niya ang mga negosyo niya.
"Bilib din naman ako sayo kupal! Napigilan mo ang sarili mo na hindi man lang sanggain ang mga suntok sayo ng biyenan mo! In love ka na nga yata talaga! Akalain mo na ang extreme bad boy of the Lopezes nagpabugbog? Anak ng puting tupa kupal! Unbelievable! Si Amara lang pala ang magpapaamo sayo!" pangaalaska ni Cooper.
"Zip your filthy mouth Aguas ! If not! Sayo ko ibubuhos ang galit ko!" banta niya bago lumabas ng banyo.
Tatawagan niya ulit ang nobya. Alam naman niya na baka hindi siya kausapin nito pero madaming beses niyang sinubukan. Nung una hindi nito sinasagot then eventually naging unattended na.
"Tiisin mo muna kahit ilang araw kups! Hayaan mong mamiss ka! Hindi naman krimen ang magpa-miss! " pangaasar ni Cooper pero hindi na lang niya pinansin. Lalong hindi siya titigilan nito kapag pinatulan niya. He dialed his woman's number butit’s still unattended.
Halos pa-hapon na pero tila walang balak ang nobya na kausapin siya.
"Kahit masama ang ugali mo nagdala ako ng pagkain. Mukha namang mula kagabi puro alak yang laman ng tiyan mo. Mahirap ng magka-ulcer kupal! Maaga kang mamamatay at mabyubyuda ang Amara mo.. shit naman Lopez!" angal nito ng batuhin niya ng lata ng beer.
Papatulan na niya sana ito but his phone rang. Kumunot ang noo niya dahil ang mama niya ang tumatawag.
“Ma?”
"Anak! Good news! Amara and her family are coming over the house for dinner tomorrow night! Her father said he wants to meet our family!" masiglang bungad ng mama niya.
(Nick)
Nakatiim-bagang siya habang nakikinig sa anak.
“Please daddy. You don’t have to do this. Ayaw kong magpa-kasal kay kuya Kurt.”
“Ito lang ang alam kong paraan. Pumayag nga si Kurt na gawin ito dahil gusto niyang tumulong na maisalba sa kahihiyan ang pamilya natin kaya wala kang karapatang umayaw. “ malamig na sabi niya.
“ Ayaw kong isakripisyo ni kuya Kurt ang sarili para sa akin. A-At hindi naman kailangan dahil hindi naman ako buntis…” naiiyak na sabi ni Amara.
Naikuyom niya ang mga palad. Totoong may nangyari na dito at sa anak ni Brandon Lopez. Hindi ito nagsinungaling sa kanya. He felt his face heated. Napatiim-bagang siya bago tumalikod sa anak. Humarap siya sa bintana ng study. He can’t seem to look at his only child.
“B_but if you want me to get married to Brad, s-sige daddy papayag na ako.” Tila naiiyak na sabi nito.
Hindi niya alam ang isasagot at mararamdaman. Hindi ba ito ang gusto nilang mangyari ni Blake?
Nakarinig sila ng mga katok.
“I am sure that’s your mom. Huwag mo nang sabihin na binalak kong ipakasal kita kay Kurt. Open the door. “ malamig na utos niya kay Amara at hindi man lang siya tumingin dito.
“Honey..” dinig niyang tawag ng asawa kaya lumingon siya.
Nagtatanong ang mga mata nito. Nasa tabi nito ang anak nila na nakayuko.
“What happened? “ tanong nito matapos tapunan ng tingin si Amara.
“Unfortunately your daughter already gave herself to that….” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil umiyak si Amara at yumakap sa ina.
Hindi nagsalita ang asawa niya habang hinahagod nito ang likod ni Amara na humahagulgol.
“We will have dinner with the Lopezes. I will call them later. Hindi naman ako papayag na makasal agad ang anak natin sa anak nila . Kilalanin muna natin ng mabuti ang pamilya nila..”
Napatango na lang ang asawa niya.
Sa bahay ng mga Lopez…
(AMARA)
Nakahinga siya ng maluwag na matapos ang pag-uusap nila kagabi. Kahit papaano medyo naayos na ang relasyon nila ng daddy niya. At maganda din ang suhestiyon nito na kilalanin ang mga Lopez. They are so welcoming. Naramdaman nila ang sinseridad ng mga ito. Kinausap ng daddy niya si Brad sa harapan ng mga magulang nito bago ang hapunan. Isa sa kasunduan ay manliligaw ito sa kanya pero hindi siya sasama ditong lumabas ng mag-isa. Kung aayain siya nitong lumabas, isang beses lang kada dalawang linggo na tatagal lang ng dalawang oras. Kasama palagi si Pleyto at si yaya Amy niya at mag-dadalawang sasakyan pa sila. Hindi siya pwedeng isabay ni Brad sa kotse nito. She felt that deep inside nagrerebelde ang IIBf niya but the older Mr. Lopez said yes for him. Mabuti na lang ng direktang tinanong ng daddy niya si Brad because he finally nodded his head though with a poker face.
Naghanda ng masarap na mga pagkain ang mama ni Brad. Light na din ang mga usapan habang naghahapunan kanina.
At ngayon nasa isang bahagi ng malaking sala ang mga magulang nila. Siya naman kasama ang ate at hipag ni Brad na nasa veranda. Hindi naman siya papayagan ng daddy niya na makasama o makausap si Brad na sila lang dalawa.
Na-coconscious siya dahil hindi nito inaalis ang mata sa kanya. Nakaupo ito sa kabilang sofa na nasa tapat ng inuupuan nila. Nakangiti siya ng tipid habang kinakausap siya ng mommy ni Josh at ate ni Brad.
"Kung hindi ka lang nobya ni Brad, magseselos ako kasi hindi nabanggit ni Noah na ang ganda pala ng teacher ng anak ko na may -ari pala ng school. " sabi ng hipag ni Brad.
Sumegunda naman ang ate ni Brad. Dahil nahihiya, hindi siya sumagot pero hindi naalis ang ngiti sa mga labi niya.
" Can you two pretend not to listen? I want to talk to my woman." Brad said all of a sudden which made her frown slightly before she looked at him.
Lumapad ang ngiti ng mag-hipag pero si Natasha na ate ni Brad ang sumagot na may tonong nanunukso.
"Sure. Pero may kapalit..."
"Kahit ano!" sagot ni Brad sa kapatid pero nakatitig ito sa kanya.
"I miss you babe. I am so sorry again. Aaminin ko na sinadya ko talagang sabihin yun sa daddy. Gusto kong patunayan sa’yo na hindi ka dapat magalit sa akin dahil kay Althea kaya yun ang naisip kong gawin. Walang ibang babae para sa akin. It’s just you."
Natasha cleared her throat while pretending to be busy with her phone. Si Angela/Angie naman nagexcuse at tumayo nang marinig ang malakas na boses ni Josh na nasa loob ng bahay.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" tanong ni Brad.
She chewed the inside of her cheek. Kahit nahihiya siya na naririnig ng ate nito ang usapan nila, kailangan niyang sabihin ang nasa loob niya. Mas makakabuti na maging malinaw kay Brad ang magiging set-up nila .
"You have to do what my daddy told you. " she said in an expressionless tone while holding an eye contact with him.
She saw him narrowed his eyes but he nodded.
"Okay babe." sagot lang nito.
"Good boy naman pala. Ang daling kausap." biro ni Natasha na nakatingin pa din sa cellphone nito.
Sinamaan lang ito ng tingin ni Brad kaya nagpigil siyang tumawa.
"I will call you every night." sabi nito matapos ibalik ang tingin sa kanya.
“Sige.” Maiksing sagot niya kasabay ng tango.
Okay lang naman ang tawag. Pero gusto niyang bawiin ang sinabi nang pilyong ngumiti ito.
"Don't come up to my room again!" madiin pero mahina niyang paalala matapos nilingon muna ang mga magulang na kausap pa din ng mama at papa ni Brad.
Hindi dapat marinig at malaman ng mga ito ang mga pinag-gagagawa ng IBBF niya.
"What?! You sneaked into her room?!” Natasha asked in a very surprised voice and Brad cursed under his breath.
"Keep it low! " mahina pero matigas na utos nito sa ate.
Natasha leaned forward and asked in almost like a whisper, " And how the hell did you do that?! Ano ka? Ninja?!"
"Drop the subject ate and don't tell anyone especially mama!" he said through gritted teeth.
Sinamaan ng tingin ni Natasha ang kapatid.
"Does Papa know?" dudang tanong nito.
"Kung ayaw mong mag-away sila ni mama you keep mum about this!" Brad hissed.
Hindi nito direktang sinagot ang nakakatandang kapatid.
"Kahit kailan talaga yang si papa numero unong kunsintidor! Kaya ka naging ganyan dahil hinahayaan ka lang! Ano ba sa akala niya? Nakakatuwa pa yang mga ginagawa mo?! Iba nung mga bata pa tayo at ngayon!" inis na sabi ng ate nito bago sumandal ulit na nakasimangot.
Nakagat tuloy niya ang ibabang labi. Nagsisi siya na nasabi pa niya yun. Ayaw din naman niya na magka-isyu sa pamilya Lopez. Nilingon siya ulit ng IBBf niya na hindi na nagkomento sa sinabi ng ate nito.
"Now going back to us babe, may mga gusto akong linawin."
"Ano na naman yun? " tanong niya na bahagyang nakakunot ang noo.
"I may not be near you all the time but I will be watching you! You know what I do to fuckasses right? Kahit yang tinatawag mo na kuya Kurt ayaw kong kinakausap mo pa! I will deal with him again once I find out that you entertain him! And when it comes to what you put on, you know damn well what I dislike! No slinky, short and revealing clothes!!" he said .
Hindi siya tumango pero hindi din niya ito kinontra. What he is saying is not a tall order. Mas madami namang rules ang daddy niya na alam niyang mahirap gawin para dito but he chose to follow them. Mapagtitiisan na niya ang possessiveness nito.
"I still don't trust you but I will take the risk of being with you. Andito na to." biglang nasabi niya.
His stare became more intense. His eyes turned darker but they are not as steely unlike moments ago. A small smile even broke his lips which made him look as usual, hotter.
"Kahit mukhang napipilitan ka lang naman babe, I still want to say thank you. Thanks for taking a chance on me . " he sounded serious but his eyes seem to be smiling like his lips.
They heard his sister snorted and she hid a smile while Brad chuckled. Kahit kontra dito ang kapatid, ramdam niya na mahal nito si Brad.
"Josh!" napalingon sila sa malakas na tawag ni Angie sa pamangkin ni Brad na tumatakbo palapit sa huli.
Tumayo naman si Brad at yumakap dito ang pamangkin.
"Hey! What did you do this time? " naiiling na tanong ni Brad dito.
Dahil sa tangkad nito, umaabot lang ang ulo ni Josh sa ibaba ng sinturon nito.
"I told you not to do that! When will you listen Josh?" inis na tanong ni Angie sa anak.
Mabilis na inalis ni Josh ang mga kamay na nakayakap sa mga hita ni Brad bagoo bigla itong may kinuha sa bulsa ng tito nito. Alam niya kung ano ang nasa loob kaya nanlaki ang mga mata niya sa takot.
"Nooo!" she gasped when the child took hold of Brad's pistol.
"Josh!" galit naman na saway ni Angie.
She stood up with her hand on her chest when Josh aimed the small gun at the sliding door.
“Don’t!” saway niya sa bata bago takot na takot na tumingin kay Brad.
Nagmamakaawa ang mga mata niya dito na nagsasabing kunin nito ang baril sa pamangkin.
"Bang! Bang!" humahagikhik na sigaw ng bata matapos kalabitin ang baril habang tumatakbo papasok ng bahay .
Hinahabol ito ni Angie.
"Don't play with your uncle's lighter!" sigaw naman ni Natasha sa pamangkin bago tinignan ng masama si Brad na nagmura ng malutong.
"Fucking shit!" galit na mura nito bago hilamusin ang mukha ng kamay while she stands there with her mouth slightly open and her eyes wide.