Napangiwi si Brandon ng makita na pumaling sa kanan ng bahagya ang mukha ni Brad. Ang konsolasyon na lang nito, alam nito na parang bato ang anak kaya malamang hindi naman ito gaanong nasaktan. His mouth formed an O when his son received another blow from Nick and it hit Brad’s eyes. Napaatras ang anak sa lakas ng suntok.
"You fucking shit! " galit na susugurin na naman ni Nick ang binata but Amara held on to his arm while calling him.
"Daddy tama na! " awat nito sa ama.
Humihingal na tumigil si Nick sa pagsugod dito but his eyes are like flames. Si Brad naman pinunasan ang dugo sa gilid ng bibig nito as he looks at them. Hindi mabasa ni Amara ang expression sa mga mata nito. They are very dark. Dun naman umentra si Brandon. He came between her dad and his son.
"Nick ayusin natin ito..." he began but Nick furiously spoke.
His face and neck are red from anger.
"Ayusin?! Fucking hell! Anong aayusin? Paanong aayusin?" naikuyom nito ang mga palad and tried to remove Amara's hand on his arm.
He turned to her. "Did he force you? Bakit andito ka?! " hindi pa siya nakakasagot, humarap na naman ang daddy niya kay Brad.
She tugged on to his arm. “Daddy..”
"I swear mapapatay ko ang anak mo Brandon...!"
Humarang naman si Brandon para hindi masugod ni Nick ang anak. He is not worried about Nick hitting Brad again. Mas nag-aalala siya na baka mapikon ang anak at kung ano pa ang gawin nito. His son is worse than him. Mas siraulo ito at lalong mas walang sinasanto. His youngest son might forget that Nick is Amara's father if he won’t try to stop Nick.
"Bakit hindi mo muna hintayin ang sasabihin ng anak mo? She is fully-clothed.." Brandon's brow knitted when Nick blurted out a bad word again.
Kung hindi lang nag-mellow na ng slight ang katarantaduhan nito, aayain nito ng basagan ng mukha ang ama ng nobya ng anak. Pero pilit niyang iniintindi ito. Babae nga naman ang anak nito and if the same thing happened to his daughter, baka ganito din ang reaction nito o baka mas malala pa. He has to remind himself na mas swabe at pino si Nicholas kumpara sa kanya. He is the baddest UFC champion and Nick Alcantara is a very bad boy from the high society. His exact opposite. Alam din naman niya na baliw na baliw ang anak kay Amara so dapat umayos silang mag-ama. He has been telling his son to control his emotions and he has to practice what he preaches. Binalingan nito ang anak.
He raised one brow as a secret signal then angrily asked, " Did you force yourself on Amara? Sumagot ka?!" sabay suntok sa anak na tinamaan sa panga.
Napaatras si Brad at napamura habang sapo ang tinamaan ng ama.
"What was that for?!" He asked his father with a scowl.
"Hindi niya ako pinwersa!!" biglang sabat ni Amara while she gets her father's attention. " I came willingly para mag-usap kami. I.." hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil pumasok sa pintuan si Cooper.
May dala itong isang kahon ng pizza at gulat na gulat ang expression. May naksunod sa likod nito na babaeng tsinita.
"Tito? Anong problema? Anak ng.. napano ka kupal?" tanong nito bago inilapag ang pizza sa lamesa.
Tumingin ito kina Nick, Amara at Brandon.
Kumunot ang noo ni Nick dahil sa tinawag nito kay Brad. He is not used to hearing such words. Sinamaan naman ng tingin ni Brad ang kaibigan pero hindi ito pinansin ni Copper.
"Nag-uusap kasi sila Brad at Amara tito kaya lumabas muna kami ni Hailey na pinsan ko para bumili ng pagkain. Ito kasing si Amara ayaw kausapin ang kaibigan ko ng maayos. Brad wants to explain about Althea. Amara, sabi ko naman sayo ikaw lang ang gusto ng kaibigan ko. Lahat handa niyang gawin para lang maniwala ka na seryoso siya sayo. Maniwala ka! Kilalang-kilala ko yan! Mukha lang tarantado yan pero faithful sa'yo yan! "
"Ah.. Cooper that’s enough. We get the picture." awat ni Brandon at tinapik-tapik pa nito ang braso ni Cooper.
Tumango-tango naman ito at tumahimik na.
Bilib si Brandon sa instant palusot ng bestfriend ng anak niya. He has to give it to him na kahit mukhang hindi naman nito pinsan ang kasama, nakaisip ito ng paraan para maabswelto ang kaibigan.
Who would ever think that an Aguas will do anything to save a Lopez?
Naningkit naman ang mga mata ni Nick bago inilipat ulit ang mga mata sa anak.
"Sabi ni Cruz, sumama ka daw sa lalaking ito! He said he followed you but he lost you. Did you deliberately do that? Talagang iniligaw mo ang bodyguard ng anak ko?" Nick hissed at Brad.
The latter is poker-faced. Nakagat ni Amara ang ibabang labi nang makita ang gilid ng labi nito. May dugo ito.
" Hindi yata alam ng bodyguard niyo ang paskikot-sikot dito sir." Brad said with an expressionless tone.
"And what the fuck do you mean by that? Incompetent ang bodyguard ko?!" Nick rasped.
"I didn't say that sir."
"Then why the fuck did you have to bring my daughter here and why the hell do you look like that?!"
"Daddy! Please huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Nothing happened. He was about to take a shower when you knocked. Please daddy..."
"Papanagutan ko ang anak niyo sir." Biglang sabi ni Brad na ikinagulat ng lahat.
Lahat ng mga mata nila lumipat dito. Nakakunot lahat ng noo ng mga lalaki at awang naman ang bibig ng babaing kasama ni Cooper.
Si Amara naman nanlaki pa ang mga at naitakip pa ang kamay sa bibig dahil sa gulat. Nabitawan niya ang braso ng ama as she has her eyes on Brad then lumipat ulit sa daddy niya.
"No daddy don't listen to him..." sabi niya sa nanginginig na boses.
Her father is breathing in gasps.
"May nangyari na sa amin sir..." Naputol ang sasabihin pa ni Brad when Nick moved forward angrily and smacked him on the face again.
(Amara)
Pinahintay lang siya ng ama sa kotse. Dahil matapos nitong ibuhos ang galit kay Brad, nagdesisyon ito na kausapin ang mag-ama. Kinakabahan siya sa kinalabasan ng pag-uusap ng mga ito.
Naalala niya na hindi inawat ng ama ni Brad ang daddy niya kanina. He just looked away while her father smacked his son. Hindi din niya alam kanina kung maawa siya kay Brad o hindi dahil hindi ito lumaban. Hinayaan lang nito na suntukin ng daddy niya. He didn't even cover his body with his arms or hands to protect himself. When her dad punched him on the face twice , dumugo ang ilong nito and that was when Brandon finally interfered. Umawat na din si Cooper. Inilayo nito si Brad habang mura ng mura si Nick na hinaharangan naman ni Brandon.
Natanaw niya sa labas ng bintana na padating na ang ama. Matigas ang expression nito. May tamang distansiya na sa pagitan ng upuan pero mas umusod pa siya at halos nakadikit na siya sa pintuan ng sasakyan. Natatakot siya sa ama. Gusto niyang tawagin ito nang sumakay ito pero walang lumabas na boses sa kanya. He didn’t even look at her.
“Tara na.” sabi lang nito sa driver.
Mukhang wala itong balak na kausapin siya kaya parang gusto niyang maiyak. She is dying to know what they talked about but she doesn’t have the courage to ask him. Pero mas nag-aalala siya sa galit nito sa kanya. Wala pa silang malaking tampuhan ng ama… mukhang ito pa lang.
“D-Daddy…” tawag niya sa garalgal na boses.
“I am so disappointed in you Amara.” Sabi nito sa malamig na boses.
She bit her bottom lip to stop herself from crying.
“Nangyari na ang kinakatakutan ko pero wala na akong magagawa.….” tila kausap ng daddy niya sa sarili.
Kinabahan siya sa sinabi nito. Hindi man siyasinabi ng deretsahan ng daddy niya ramdam niya ang ibig nitong sabihin. Wala na siyang pakialam kahit naririnig sila ng driver. She will say what she feels.
"No daddy! I don't want to marry him!!" iyak na sabi niya sa ama habang nasa likod sila ng kotse pero hindi pa din siya nilingon nito.
Hindi niya alam kung tama na ang ilang beses na sinuntok ng ama ang baliw na IBBF niya o baka nakukulangan pa siya sa ginawa ng daddy niya dahil sa galit at inis na nararamdaman niya. She feels betrayed. Ilang beses niya itong pinakiusapan na huwag sasabihin sa parents niya lalo sa daddy niya ang tungkol sa kanila. Ang masama pa, hindi nga sinabi na mag-nobyo sila, he said directly na may nangyari na sa kanila para wala ng magagawa ang daddy niya kundi ang ipakasal siya dito.
Ngayon siya lubusang naniniwala na seryoso ito sa sinabi kina Cruz at sa driver nila kanina sa parking lot ng Jigo’s Place. Ito na nga ang ebidensiya. And now she feels so frustrated. Ipapakasal na siya ng daddy niya kay Brad , galit na galit pa ito sa kanya. She cried and covered her face with her hands.
***
"Baby girl.. tama na. Pauwi na sila mommy mo. Kanina ka pa umiiyak. Baka naman ma-dehydrate ka na niyan. Mula kaninang umalis ang daddy mo wala ka ng gingawa kundi umiyak. Tahan na. Tama na baby girl." pangaalo ni Amy sa alaga.
Hinimas-himas nito ang buhok ni Amara na nakahiga sa kama habang iyak ng iyak.
Hinatid lang siya ng ama sa bahay . Sinabihan si yaya Amy na bantayan siya dahil hindi na siya isasama kina Hope. Si Pleyto ang iniwan na bodyguard na nasa labas ng kwarto niya.
Pinunasan niya ang mga mata na namumula na. Umupo siya at tumingin siya sa yaya na awang-awa sa kanya.
"Ano ba kasi ang nangyari baby girl? Bakit galit na galit ang daddy mo? Ngayon lang niya inutusan ang isa sa bodyguards na magbantay sa labas ng silid mo. At bakit hindi ka isinama kina mam Heather? Ano bang ginawa mo baby girl? " tanong nito.
Humihikbi na umiling siya na ikinakunot ng noo ni yaya Amy.
Sa naiiyak na boses, sinabi niya, "Yaya ayaw ko pang mag-asawa."
Napamulagat si Amy. "Ano kamo? Mag-aasawa?! Kanino? Ang alam ko lang na malakas ang loob na manligaw sayo ang anak ni Brandon Lopez! Siya ba? Pero di ba isang beses pa lang dumalaw yan dito? Ang bilis naman! Pero baby girl kung siya man ang sinasabi mo na na mapapangasawa mo hindi ka dapat umayaw! Ano ba ang ayaw mo sa kanya?" nakataas ang kilay na tanong nito na ikinasingkit ng mga mata niya.
"Basta ayaw ko pang mag-asawa yaya!" napahikbi na naman siya.
(Brad)
Hours ago….
Hinawakan ng ama ang balikat niya nang akmang susundan at tatawagin niya ulit ang ama ni Amara .
"Let him go! Hayaan mo muna siya! "
Naikuyom na lang niya ang mga palad.
"Cooper! Go get some ice!" utos nito habang tinutulak siya nito sa sofa para umupo siya.
His father wants to check his injury. He has bruises on his face.
"I don't need ice!" malamig na tugon niya sa ama bago naglakad papunta sa kwarto niya.
"Brad!" sabay na tawag ni Cooper at ng ama sa kanya but he ignored them.
He turned on the tap . After splashing his face with cold water a few times, he looked at his reflection. He is breathing shallowly because he is controlling his anger.
"Nabigla lang si Nick. It's not the end of it. " dinig niyang sabi ng ama na nasa likod niya.
Dun na siya nagwala. Pinagsisipa niya ang kabinet na nasa ilalim ng lababo at pinaghahagis niya ang laman ng medicine cabinet niya habang patuloy siya sa pagmumura. Hinayaan lang siya ng papa niya. Nang wala na siyang maibalibag, pinagsusuntok niya ang dingding hanggang sa magdugo na ang kamao niya. After releasing his rage, he faced the mirror again.
"I won't fucking lose her!" he rasped as his chest comes up and down fast because of the way he is breathing.
Nagtatagis ang mga bagang niya at nag-aapoy ang mga mata sa galit.
"Hindi siya mawawala sayo! Give her father time to calm down! You expect him to just easily accepts your offer matapos ang lahat?! What the fuck came over your sick head?! Ilang beses na kitang sinabihan na do it the way I tell you?! " his father hissed.
Galit na isinuklay niya ang kamay sa buhok bago humarap sa ama.
"Yun ang alam kong paraan para mapabilis ang kasal namin! Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ko siya niloloko! Galit nag alit siya dahil kay Althea! Alam mo ba na nakikipaghiwalay siya sa akin?!" malamig na tanong niya sa ama.
Natampal naman ni Brandon ang noo.
"Dahil sa kaatatan mo kaya mo ginawa yun?! I take my words back! Hindi ka mana sa akin dahil you let your rage control your mind! Naiintindihan kita pero hindi naman ako nagkulang ng payo sayo! I am not against the woman you seem to be so fucking obsessed with! Ang problema lang natin hindi kasi siya basta-bastang babae! Anak siya ni Nicholas Alcantara! Nag-iisang anak! Paulit-ulit na lang ba tayo Brad Tanner Lopez?! I have been doing my best so he will like you for his daughter! Wala tinapon mo lang lahat yun! Sinira mo! Anak ng tupa naman Brad! Nobya mo na nga at may nangyari na pala sa inyo pero bakit kailangan mo pang isampal yun sa ama niya?! Anong kagaguhan ang sumanib sayo para sabihin pa yun?! Pasalamat ka hindi ka kakasuhan ng rape dahil ayaw nila ng eskandalo!?! Iniisip mo ba na porke sinabi mo yun agad na agad niyang ipapakasal sayo ang nag-iisang anak niya? Of all the stupid..."
"I was desperate! I wasn't thinking well! I admit my fault! Hindi ko na mababawi ang sinabi ko pero kahit ama pa siya ni Amara, hindi ako papayag na paghiwalayin niya kami! Hindi niya pwedeng ilayo si Amara! ”
He can still remember what Amara's dad said matapos siya nitong bugbugin at murahin ng paulit ulit.
"I don't ever want to see your face again. Stay away from Amara!" then he turned to his father.
" You better see to it that your son will do what I said or I will take care of things myself.. my way.." malamig na malamig ang boses nito.
"The hell I will! " he muttered to himself.
He kicked the cabinet again with a lot of force.
No one can take his Amara from her. Not even Nicholas Alcantara himself.
At the moment…
"Hay naku baby girl! Sana man lang magsalita ka kesa yang puro hikbi ka. Ako matutuyuan ng laway sa kaka-dada ikaw naman matutuyuan ng luha sa kakaiyak! Paano ko naman maiintidihan ang sitwasyon mo kung ganyan? Ano ba kasi ang nangyayari?" tanong ni Amy sa alaga.
"Yaya..." nahihikbi pa ding tawag ni Amara dito when the door flung open.
Pumasok ang daddy niya . His face is stony.
"Maaga kang gumising bukas! Ipapakasal kita kay Kurt." walang emosyong sabi nito bago tumalikod ulit.